Sunday, December 29, 2013

Tabach0i Mode - Slice

Eto ang una kong nakitang pagkaing picture sa phonelya ko. So might as well, post ko na rin di ba? Di ba?

So ayan. Slice sa High Street. Nung first time ko matry to, hype kung hype ang cakes. Parang palagi na lang "uy nyabach0i try mo yun choco yema kembular! Try mo yung red velvet kemerut! Try mo yung turtle pie chorba!" Edi i-push. Umattack ako for the first time.

Ang una kong tinitignan ay amount ng foodang. Bilang isang masang mamamayan, yan ang priority. At syempre kung masarap. Haler, kakain ka ba ng lasang burak?

1. Yes. Masarap ang cake nila. Wala pa akong natikman na cake dito na hindi masarap. Yung cupcake nila, ay literal na  cake nila na version cup. Ang 500 mo makakabili ka ng dalawang slice ng cake or apat na cupcake. Plus libreng tubig.

2. Tinry ko ang food nila na non sugar. Yes, wala akong picture. Yes, hindi ako legit na foodie. Yes, hindi to foodie blog. Eexplain ko ulit bakit ko ginagawa to? Joke lang. Tinry ko yung cranberry letchugas salad eme eme at yung brown rice chicken cheese eklat. O di ba damang dama ko ang names. Yun pa pala, hindi ko inaabsorb ang names ng food sa kainan. I describe. Alam mo naaa, tamad. Sa 500 mo, makakabili ka ng salad at yung brown rice eklat. May pang jeep na rin na sukli but not pang taxi.

3. Ilang beses na ako bumalik sa slice. Only to find out na friend ng friend ko ang head pastry chef. But no, walang leverage na nagaganap. 

Verdict: Hindi kasya 500 mo. Pero uulit ako.

PS: Magpopost ako ng Nakakabading! Woohoooooooo! When? Hm. Basta sure ako sa sunod na post ko yun. Kung kelan? Yan ang tanong ng bayan.

PSS: May pinaggayahan ng storyline ang 10,000 hours di ba? Parang sure ako na meron. At kamusta ang My Little Bossings at ang theme song nila na parang pinipindot utak ko??!?!??? Ang magmedley ng My Little Bossings theme song sa Enteng Kabisote theme song ay alagad ng demonyo!

Yun lang.
Aminin niyo bibo ko sa posts lately? Halatang naka xmas break sa owfice.
Baboo.
-nyabach0i

Wednesday, December 25, 2013

Merry Christmas

Nakana! 2:04am. O pano ba yan, merry christmas! Marami akong narealize sa mga nakaraang araw. Pero parang pang new year ang ganap na yan. Move on to the next.

So ayun na nga.

Ang peg ko ngayon ay drinking wine with siblings ang mode. Push ang red wine, camembert, ham, at focacia bread chuva. O di ba lakas maka alta? Not. Kasi napush ang pakamatay sa kain ng lunch. Ganun dito sa balur, more more lafur ng may araw at push ang orlok ng gabi. Ang ending, last man standing lang naiiwan for noche buena.

Una sa lahat, wala kaming close family ties. Chinoy family kami na tinakwil. Gets? Yung pujak ko na chinese nagpakasal sa mujak na pinay hence the takwilan portion. So walang pinsan, tito tita.

Pangalawa, hindi kami religious. Mujak ko yes, kaso nurse siya. Importante ang tulog. Bigay ko na sa kanya yun. The rest no. Sorry namern. Agnostic eh.

Pangatlo, single ako. So hindi ko mafeel ang magabang ng 12mn na sakto para tumawag sa jowa. Lakas maka mushyan! Kiss sa mistletoe! Che!

Anyway, what I am saying is, hindi talaga ako fan ng christmas. Hindi ko siya mafeel. Siguro at some point, yes? Like christmas parties. Then after back to ordinary mode. Ewan. Ayoko na magexpound. Baka pategi ako.

So balik sa wine. Every christmas, I make it a point na babalik ako sa inarte mode na drinking wine with siblings or alone pag wala si siblings. Then sa inarte mode na yun, magiisip ako ng mantra or motto for this next rotation ng xmas year. So parang new years resolution siya pero mantra? Gets? Resolution kasi may aayusin ka eh, mantra susundin. Hindi ko na to dapat ineexplain. Charoz.

Naisip ko this cycle, "Pain makes people change". Sa bawat pain na mararamdaman ko, may katapat na pagbabago. Nahurt ka sa friend mo? Magbago ka or baguhin mo ang relationship mo with the friend. Gawin mong acquaintance na lang. Charoz. Pero kidding aside, yan nga talaga. Parang marami akong/tayong pain na nararamdaman na ang ginagawa natin ay accept lang then lalamunin tayo inside. Why not change the pain to something that would help you not to be lamoned. Hongconyo.

Anyway, lasing lang ako sa wine.

Bago ako umalis, eto ang picture ng aso with a new shirt for xmas.

 

Merry Christmas mga utaw. Lahat sana ng wish niyo matupad. At pag natupad nga, abisuhan niyo ako para makapagwish rin ako next year kasi natutupad pala siya.

PS: oo na daming kong kelangan ipost. Sensya na nawiwili ako sa random posta na ganito. Ayaw niyo ba? Fine. Hindi na. Chos.

PSS: pag nakawine ako sa new year, feeling ko may ganito ulit.

Baboo.
-nyabach0i

Thursday, December 19, 2013

Quick Update

Para lang masabi na once a month ako nagboblog. Baka kasi dumating ang moment na lahat ng inactive na blog auto-delete (praning). Hindi man halata, pero mahal na mahal ko ang blog ko. Chos pero not quite chos.

Anyway, so ano ang ganap?
Aba syempre dahil December ngayon, push ang self declared na cheat month. Aba kung kumain mga tao ngayon kala mo masisilya elektrika sa makalawa! Kalurks. So dahil uso, nakisali na ako. Alam niyo naman sa office! May team xmas party, may department xmas party, may company xmas party (pero hindi ito uso ngayon kasi Yolanda keme), may bff's xmas party and more! O di ba? Promise pag pinindot niyo tiyan ko may lalabas na friut salad. Naka bowl na yan.

Anyway, tatry ko magdagdag ng foodie mode ko sa blog na to. Let's call it nyabachoi's tabachoi mode. Kasi nagchecheck ako ng phone ko. Aba, umuulan ng pics sa resto. Pero honestly, mahilig ako mag foodie mode (obvious naman sa body type). So para mabura ko na sa phone ko, why not post et? Devah? Pero wala, pawang own opinion mode lang ang balak ko. So we'll see. Try ko bukas.

Bumili ako ng book ni WickedMouth. Pinadeliver ko dito sa bahay with matching autograph signing. Sorry. Hindi ko pa nababasa. Babasahin ko siya over the xmas break. 

Hm. Wala na akong maisip. Sana sipagin ako bukas. And btw, whats up with the Binays???!??? Excusemeeee??? Ganda ng skin niyo ehhh. Charoz. Nakakahiya ha! Hay naku. Basta magbablog ako ng matino.

PS, totoong bang nagkipag one night stand si Billy Crawford kay Andi Eigemann tapos nahuli sa phone ni Nikki Gil? If mali to, please let me know ang theory niyo.

PSS, team Anne ako. Feeling may nangyari pa before the panduduro at "i can buy you" scene. Btw, natawa ako sa Phoem incident. Totoo man or not. Bwahaha. 

Yun lang. Till next post (ulul mushy ng "till next post")
-nyabach0i

Sunday, November 24, 2013

Pinoy Pride

Time check: 2:36pm.

Yes, sa mga oras na to winner na si Manny keme keme over Rios. No, hindi ako nanuod. Eh hello, kanina pa ako flooded about sa laban na yan. Naka 24/7 surveillance ang mga tao sa Pacquiao chuva. Pusta ko buhay ko mahina 1 week na paguusapan sa news ang panalo na to. Kesyo ano kinain ni Manny for breakfast, ano hugis ng jebs niya nung araw na yun, kung ang Sting Malunggay Energy Drink ba ang ininom niya before the laban and soooo much more. 

Sidenote: napanuod ko ang interview ni Freddie Roach. Bakit ganun siya magsalita? Nastroke ba siya? Parang namighty bond panga niya. (Seryosong tanong to)

Pero ang reason ng post ko na to, may Pinoy Pride ba talagang nagaganap? Uunahan ko na kayo, pessimistic ako by nature. So kung optimistic ka at naniniwala sa rainbows and flowers, stop reading. Kasi eto ang sagot ko, walang Pinoy Pride na nagaganap.

O kalma, bago niyo ako pasunog ng buhay, bigyan niyo ako ng chance magexplain. 

A) Yes, thankful naman ako na nabibigyan ni Manny ng "name" ang Pinas. Winner winner aura ganyan. Thank you. Pero amidst that, hindi ko matanggal sa isipan ko na politician siya for the fact na gusto niya tumulong keme daw. Maraming outlet for help, hindi lang politics. And yes, si asawa ni kuya na hindi na makagalaw ng bibig sa Botox politician na rin. So I guess gusto niya rin tumulong? Anyway, nagegets niyo na rin siguro kung ano ang point ko dito. Mahirap kasi makaramdam ng "Pinoy Pride" hanggang may ganyan na side kwento kasi. Parang mas bet ko pa mag Pinoy Pride mode kay Paeng Nepomuceno na Guiness Book of World Record holder than Manny. 

At boxing yan. Gusto mo maging proud ka na magaling ang Pinas sa bugbugan? (Ako na peace loving). It's not like narinig ko na may Japanese Pride over Samurai or German Pride over mass killing ala Hitler? Ewan.

B) Baka naman kasi sabihan niyo I hate boxing so much. Fine. Sama natin ibang sports. Gilas keme, yung Volcano rugby keme, at yung Azkals chuva. Toroy di ba. Pinoy Pride rin sila. Pero hindi ko kasi maabsorb ang thought na puro sila half breed. So ate are you saying, Pinoy Pride is half breed? Damang dama ko ang Pinoy sa half breed. 

C) Beauty pageant. Bilang baklang babae, finufulfill ko ang duty ko sa pagsubaybay. Requirement yan. Anyway, yes, naniniwala ako na dapat nanalo na tayo sa Miss Universe. Pero hindi ko alam kung ako lang to. Hindi ko madama ang pagiging Pinoy while watching beaucons. Hindi ako umaabot sa point na "omg I am so proud to be Pinoy!" No. Hindi ko mafeel. Sorry. Baka dahil beaucon siya? Medyo superficial ang aura with a hint of Q&A patalenuhan portion. At ang masakit pa dun, sa mga nananalo ngayon, hindi na valid ang patalenuhan. Ewan.

D) Mga PhilAm. Jessica Sanchez, yung half pinoy sa Glee, or kahit sinong sikat sa ibang bansa as artista or singer na half pinoy. Hindi ko magets kung asan ang Pinoy Pride dun? At the end of the day, iba pa rin ang bansa na nagbigay ng Passport at birth certificate nila. This is somewhat related to letter B.

E) Politics. Wala nang explanation yan. Hanggang kelan kaya tayo manghihingi ng tulong sa ibang bansa?

So asan ang Pinoy Pride? Parang I'd rather make taas the bandera of the Philippines over sa mga OFW at mga scholars keme or sa mga writers or artsy artsy (hong conyo) na hindi hyped but they still manage to help the country in their own mundane and humble ways. Or sa nanay ko na everyday kumakayod. Or sa sarili ko na everyday kumakayod rin at sa fact na ganito ako kabaliw magisip. Dun ko damang dama ang Pinoy Pride. Not over a boxing game or a beauty contest. Yung fact na hindi ako umaasa sa iba at wala akong inaapakan. Ganyan. Dramarama sa hapon.

Malabo ba? Ako rin nalabuan sa post na to. Yun lang. Mahirap magpost ng blog using phone.
Baboo.

Time check: 3:04pm
-nyabach0i

Update: putaena, daming typo ampukelya. Note to self, mag proof read. 

Monday, November 18, 2013

D

Dear, D.

Musta? In fairness noh, we have come a long way. Let's just say na kasama na kita like age 0 pa lang ako. Although hindi pa kita nadidiscover nun, alam kong andun ka na. Nafifeel ko na ang presence mo. Lakas mo sa akin eh. Haha. Anyway, I hope you are doing well. Ako? Okay naman ako. Pero katulad ng pagkakaintindi ko sa kung ano ang meron tayo, ikaw talaga ang makakapagsabi kung ano ang disposition na gusto ko for the next day. Sabihin na natin na umiikot ang mundo ko sayo. Naks di ba. Mushy kung mushy. Plain truth lang.

Anyway, aaminin ko, may mga times na parang hindi kita pinapansin. Mas lalo na pag may ibang tao. Alam mo naman, ayoko mabuko na iniisip pa rin kita or tinatanong kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay. We have that fucked -up/love-hate relationship. Pero ganun talaga. Hindi naman pwedeng 24/7 kasama kita. Nakakapagod rin at times.

Alam mo naman siguro ang mga sinasabi ng tao about you. Na kesyo let go kita, think positively, maghanap ng pagkakaabalahan, blah blah. Na kesyo you consume me daw. Masisira buhay ko sayo or worst, mawawalan ako ng buhay. Hindi ko alam bakit, pero bumabalik balik ako sayo. Especially pag magisa na lang ako. Tinry ko naman di ba? Pero at least ngayon, dahil sa mga iba't ibang usap, medyo alam na natin ang dapat gawin sa relationship natin.

Masaya ako na andyan ka. Kasi to tell you honestly, isa ka sa malaking percent kung sino ako at kung bakit ako ganito. Alam mo na, parang you honed me to become who I am. Mga ganyan. So papasalamatan na kita. Thank you at kahit maraming times nasasaktan ako sayo, andyan ka. Thank you at kahit may mga gabing parang gusto ko manapak ng tao, andyan ka. Salamat at may pinaghuhugutan akong deep dark secret na 'tayo'. Salamat at ikaw ang pinakamahabang relationship na meron ako.

Yun lang. Gusto lang kita batiin ngayon. Happy birthday sayo. 

-M

Normal broadcasting bukas - nyabach0i

Wednesday, November 6, 2013

Nakakatibo - Smartass Edition

Hello! Hello!
OMG mashugal na pala ako hindi nagpopost ng Nakakatibo! Kasi naman mas madaling maghanap ng mga poging mga lalake (charoz!). Pero eto sige. Mabilisang post na lang. Sanay naman ako sa ganito.

So bakit Smartass? Sabi kasi nila, dagdag beauty daw ang brainsung. So kung mala diyosa na ang beauty mo tapos push mo pa ang talino mega unfair na devah? So eto ang mga konti sa mga merlat na nakadaya sa pagkakataon.

1. Troian Bellisario
Yes, nanunuod ako ng PLL. Yes, alam ko. Hindi si ateng Troian ang OA sa IQ levels eme eme. And yes, kinahihiya ko na nanunuod ako ng PLL (hindi naman yung OA na subaybay levels kumalma kayo). Pero kasi nakikita niyo ba ang mukha ni ateng Troian? At ang cleft chin niya na mega pang marangya levels? OA devah. Tapos makipagtitigan kayo sa kanya tapos magegets niyo na "ahhhh yan pala ang almond shaped eyes". Bonggels!

So baket andito si ateng Troian. Una sa lahat, OA niya sa pagiging book smart. Yung right side ng brain niya push ang lamang na lamang. Poet, kumakanta, nakakapagsalita ng ibang language, nakakapag musical instruments chuva. OA devah? Peg na peg. 

OA word count = 6

2. Emma Watson
No, hindi ako nanunuod or manunuod ng Harry Potter. No, hindi ko rin siya nabasa. Wala akong balak kaya wag na akong pilitin.
Pero yes, si ateng Emma! Sino ba naman hindi mabibilib sa kanya? Sa kasagsagan ng Harry Potter shooting eme eme, nakuha pa niya na maging straight A student. Parang ako nga, manuod lang ako ng TV on the side hindi ko kayang maging straight A student. Anubah. Tapos dagdag pa ang pretty face with that madayang brittish accent? Dugaan!

Maliban pa dun, isa siya sa makonting nakakakuha ng success sa career na pinili na magka college/university degree. Parang normally di ba, ekis na. Tutal successfull naman na siya. But no. Push niya ang katalinuhan.

At yes, may mga languages rin siyang alam although not conversational levels.

3. Natalie Portman
Kung may madaya man sa mga eto, eto na. Pucha andaya ni Natalie Portman! Mega hotness na nga siya (simula pa nung Closer days), tapos nuknukan sa talino. Would you believe 7 languages??!?!?? Hebrew, English, French, German, Japanese, Arabic, at Spanish! DAYA! DAAAYA!

AT HARVARD?! HARVARD! At eto ay hindi mga basta bastang degree ha, eto ay Psychology. At willing si ate na maligwak sa career niya. Dugaan.

So ayan lang naman.
Wala na akong explanation na gagawin kasi self explanatory sila. Daya noh? (Malakas kutob ko na insecurities ko na to ang dumadaloy sa post na to). Pero wag kayong magalala, excited na ako magpost ng Nakakabading. 

Random Shiz:

- Nakakaloka. Hindi ako willing at hindi ako magiging okay sa paglilipat ng jufisina. No, hindi ako lilipat ng company. Ang company ay lilipat ng office! At eto ay nasa dulo ng walang hanggan! Iheyreeeeeeet.
- Kanina bago ako magpost, sabi ko sa sarili ko, marami akong rants. But no. Nakalimutan ko silang lahat. Pero ang highlight ng ranting ko ay ang Arnold Clavio. Hongbooooostos ni kuya. Pangit mo na bastos mo paaaa. HAHAHA.
- Ay bago ako umekis, anong meron kay KC Concepcion at Paulo Avelino? At connected ba to kay Anne Curtis? Hindi ko magets yung pinaguusapan sa radio kaninang umaga.

So yun lang.
Babooshka.
-nyabach0i

Sunday, October 13, 2013

Ang Tanong Ng Bayan

Short and sweet.
Yes, short and sweet and post ko na to. Maliban sa kaguluhan sa Mindanao, ang pag "bastos" ng Hengkeng peeps kay Pnoy, pagkapanalo ng DLSU Green Archers sa UAAP (Animo!), sa mga maraming sex videos na parang nakakaumay na (dahil sa mga sex video na yan, nagdecide na ako na hindi makikipagsex. Malamang joke lang di ba?), sa PDAF at DAP, pagkawala ng show ni Willy (buti nga!), pagkatapos ng FIG Worlds Championship, at kung anuano pa, kelangan itanong ang pinakaimportanteng tanong of all times.

Eto ang tanong na hindi pwedeng palampasin.


1) Bakit may ganitong brief?
2) Bakit hindi pumapaling pakaliwa? Bakit nasa gitna pa rin siya?
3) Kung bibilhan ba kita nito, susuotin mo?
4) Pano pag naglalakad ka? Or tumatakbo? Malalaglag ba to or kakainin ng pwet ko?
5) Sino nakaisip nito? Innovative ba to for you?

Eto more visual aids:


O di ba? Sabi sa inyo napaka urgent ng mga tanong na to.
Yun lang.
Baboo!
-nyabach0i

Wednesday, October 2, 2013

WHAAAAAAAAAAAAAAAAAT?

I just skipped a whole month?! 
Odiba ang arte.
Pero seryoso?? Nahurt ako nang makita ko na buong September pinalipas ko lang na parang utut.
So sa mga naliligaw sa blog ko, sorry. Ako na ang best in matumal.

May rarandom thoughts mode ako. Kasi konti lang ang oras na meron ako (parang hindi niyo naman alam na forever excuse ko ang kabusyhan.)

1. Youtube
Adik ako sa Youtube ngayon. As in. Most of the time, dun nauubos ang oras ko (aside from work, pero most of the time work, not unless nagsisinungaling ako.) Not Youtube in general but Youtubers ha. As in crush ko na si Ryan Higa at naiirita ako sa pagmumukha ni Jenna Marbles. Pero ang bet na bet na bet na bet ko ay si Nat Tran. As in. Kahit paulit ulit pa.

2. OhDaughter
Shet tong indie slash emo eklavur British band na nadiscover ko recently. Sobrang tagos na tagos sa heart. As in gusto ko humagulgol sa isang corner kakaiyak everytime naririnig ko sila. As in curl sa isang corner. Alam ko naexplain ko na to before (either eto or yung nabura/binura kong blog), pero gusto ko yung mga indie, sad, depressing, etc etc band at mga singer. Naiimagine ko pa lang naiiyak na ako. Naiimagine ko pa lang na kinakanta ni Elene Tonra (vocalist ng OhDaughter) kanta ni Damien Rice gusto ko umiyak at maglaslas sa sobrang emo! Lovet!

3.8Tracks
Eto yung app kung san ko nadiscover si OhDaughter na kasama ni Bon Iver at Ed Sheeran. Kung sino man ang nagisip ng app na to promise nakakaloka ka. Kung may app kayo, spottan ang Indie+Sad na mix. Boom!

4. Gymnastics
Specifically women's artistic gymnastics. Not rhythmic. Kung may sport man akong sinusubaybayan, eto ay ang WAG. As in whole heartedly na sinusubaybayan. And kung nagegets niyo sinasabi ko, team USA ako. As in OA. Ako mismo sure akong adik ako. Nagegets ko na ang nafifeel ng mga sports fanatic na mega follow sa mga basketball players or what not. For some reason nageenjoy ako manuod ng WAG competition. Katulad sa mga panahon ngayon, Worlds Championship. Parang equivalent ng Olympics feeling ng gymnastics. Shet, Kyla Ross. Shet. Aliya Mustafina. Shet.

5. Adobe Illustrator
Eto ang ultimate goal ko. Matuto nito. Hindi yung pasweet na matuto lang ha. As in proficient. Pasensya na. traditional pen and paper drawing mode lang kasi ako. Shet may mga online eklat ba to?

6. Wordpress.
Gumawa ako ng account sa wordpress. Dun so supposedly lalagay mga poem or prose na gawa ko. But no. Eto ngang Blogger hindi ko maupdate regularly yun pa kaya? Wala nganga si Wordpress.

7. Upbringing
Naniniwala ba kayo na kung ano ang puno siya ang bunga? From a 3rd person's point of view, mga ilang beses na kayo nakakakita ng mga kaibigan niyo na medyo humahawig na sa ugali ng magulang nila? At pinaka funny pa na part dun ay yung fact na ayaw nila ang certain ugali na yun. Ako kasi napapansin ko na na pareho or hawig na kami ng ugali ng nanay ko. Bongga lang.

8. Chito Miranda + Neri Whateverherlastname
Bakit may feeling ako na sila na mismo nagpakalat ng pangalawang sex video na yan. Exhibitionist much?

9. PDAF
Bakit may feeling ako na ang gagawin na lang nila Revilla at Estrada ay magreresign kunwari para matapos na ang PDAF issue? Resign ala Zubiri na pagkaresign hindi na iinvestigate? Etong Tito Sotto na to bakit feeling ko echusan lang ang 14th month pay kasi alam niyang galit lahat ng tao sa kanya bilang tatangatanga siya? Parang to win back ang mga tao? Feeling ko lang naman.

10. Noise barrage
Sa lagay ba eh gusto mo pa ba ng Rondalla sa labas ng bahay niyo? Or magpapanoise barrage ako for 1 hour? Ano pa ba ang gusto mo? Flare gun? Mga ganyan na signs? Parang nagpasurvey naman ako at ang resulta ng survey ko ay wirdo ka lang. NKKLK. Pakilabas ang black book. O, hindi lahat about sayo ha. (I bet you think this song is about youuuu dont chuuuu dont chuuuuuuu?)

Anywayyyyyyy
Sa mga nanunuod ng Shingeki no Kyojin, OMG NKKLK noh??? First time ko manuod ng Anime at hindi ako nagkamali sa pagpili. Crush na crush ko na si Mikasa. Shet gusto ko maging ganun kagaling na killer.

Ayun lang. Till next month. Charoz.
-nyabach0i

Friday, August 30, 2013

1 Million Keme Keme At Si Napoles

Yes mga ate at kuya. Pumunta si nyabach0i sa 1 million chuva chuva. Hence the proof of purchase na photo photo. Normally hindi ko papatulan ang mga ganitong bagay. Aminado ako na isa ako sa mga dedmadela na pilipino regarding sa mga kabalastugan ng pinas government.

Yes inaamin ko rin. Konti na lang ang tiwala ko at faith sa pinas government (cue in mga thoughts about gloria, erap, and the likes).

Isa ako sa mga tao na manunuod ng news, tapos "pssss, walang kwenta talaga ang pinas. tignan mo puro showbiz eklat. puro boxing. puro mga walang kapararakan. ang tanga tanga ng pulis blah blah".

Pero for some weird reason, pumunta ako dito. Bakit kamo? Kasi gusto ko gumawa ng something bago ako magdecide kung konti na lang ba ang faith ko or kung zero na talaga. 

Nakakatuwa isipin na mostly ng mga pumunta ay mga working class. Nahahati sa apat ang section ng 1 million kemper kemper na to. Ang mga mega masa na nandun malapit sa stage kasi andun ang mga artista, papansin ng politician, at mga camera. Balak ata makita sa TV. Tapos sa taas ng mga damo damo at putik putik ay ang mga middle class to upper class. Kasama na diyan ang mga schools, religion eklavur, at mga working class tulad ni watashi. Andito rin ang mga sandamukal na mga taga tinda ng banig slash pansapin sa maputik na floor na parang palara. At sa gilid gilid ang mga mega yaman na mga may mga yaya na inutusan pa na magwhite. Mga umuulan ng english speaking eklat. At ang pang apat, ang mga bikers. Bongga ng bikers. Nagkalat sila.

After ko magsisigaw dun, masunog sa araw (kahit walang araw at makulimlim umitim ako), at kumain ng streetfood, umuwi ako na konti pa rin ang faith ko. Well at least hindi zero. At sana sa konting faith ko na yan mangyari ang mga iniisip ko:

a) Bawal maging registered voter and mga walang active BIR hulog.
b) Bawal tumakbo ang mga artista (not unless inactive ka na)
c) Kasama sa application ng candidacy ang photocopy ng bank statements na parang nagaapply lang ng visa.
d) Pagsusulatin ng essay para macheck ang intelligence ng candidate
e) Gawing 25 and above ang limit ng registered voters.

At the end of the day, sila pa rin ang nanalo na tumakbo. Yes alam ko, pwedeng nadaya, nabili or whatever. Pero gets? Sila ang nanalo. ibig sabihin, may bumoto. Regardless if willingly or not. Hindi ba parang mali? Kung bakit nanalo si Erap at si Gloria? Kung bakit nananalo ang mga artista? Kung bakit nanalo si Tito Sotto? Or in this Napoles case, nanalo si Revilla, Honasan, at Lapid?

Tapos tanungin natin sarili natin. Bakit hindi nanalo si Gordon, Hontiveros, etc? Bakit?

Tapos maririnig mo ang mga tao, si Pnoy ang may kasalanan eklat eklat. Excuseme, kahit papaano, si Pnoy in someway may nalaman tayong mga corrupt na pangyayari. Naisip ba natin what if ha, what if lang, si Villar nanalo na presidente. Would you think magkaka Napoles issue? Or lets say, si Erap ulit ang nanalo? Would you think bababa ng 44 pesos versus 1 dollar? Sorry ha. Pero di hamak naman na in some way, better si Pnoy compered kay Gloria or Erap. Wala lang. Hindi ko lang gets kung bakit parang ang mga tao galit na lang kung sino man ang presidente. Automatic ba yun? Like pag presidente ka may mga group na gusto patalsikin ang presidente. E sino na pala gusto nilang presidente? Si Pacquiao?

Sensya na. Wala ako sa mood kasi. Normally hindi ako magrereact sa politics. Pero pag nakikita ko ang payslip at ITR ko, tapos ganito ang makikita ko sa news, tapos maiisip ko ang mga minimum wager at mga nagpapakamatay na magtrabaho etc. Parang nakakapanghina. Wala lang.

Pero partida, iisa pa lang to si Napoles. Malamang sa maalat na alamang, may iba pa yan.
Paki tax refund na lang hulog ko para walang ganitong emotions please.

Ikaw, anong reaction mo about this?
-nyabach0i


Tuesday, August 6, 2013

Nakakabading - Yummy Gay Men

In fairness sa mga ganap sa buong mundo slash pilipinas ha. Malaman at walang pagaalinlangan. Sobrang hitik na hitik. At oo, alam kong matagal na akong hindi nagbablog. Kasalanan ko to. Alam ko naman yun eh. Hahaha. Mamaya natin pagusapan ang mga ganap sa buong pinas.

And yes. I lost 2 followers. Oo na boring na blog ko. Hmph! Haha.

1. Matt Bomer.
Oo. Isa ako sa hindi magkandagulapay nung nalaman kong bekbek si kuya. Pero after some time, dedma na ako na bekbek siya. Kasi naman di ba? Nakikita niyo ba ang itsura niya na yan? Napakalinis. Very chiseled! Sarap dilaan ng... jaw line! And the eyes! Ohhhh the eyes! Alam niyo naman na weakness ko ang mata. Blue eyed soulful eyes. Lahat ng kaong kaong ko nagshake shake shampoo!

At naniniwala ako na dapat siya ang maging Christian Grey. No, hindi ko binasa at wala akong basahin ang 50 shades keme. Pero based sa research ko about sa kung ano mang kabastusan ng libro na yun, bagay siya. At gusto kong partner niya si Alexis Bledel. Manunuod talaga ako promise kahit hindi ko alam yung kwento.

Yummmeeehhhh!



2. Anton Hysen
Sinong magiisip na bekbek yang mukha na yan? Grabe noh! Ibang iba ang norm ng kabekbekan sa ibang bansa versus dito sa pinas. Dito sa pinas ang bekbek automatic ang nasa isip mga parlorista! Sa ibang bansa mega hotness nalalake na malupit ang sense of style.

Anyway, flavor of the month ko si Anton. Swedish football playah yan. Odevah very butch ng sport ni kuya. Walang abog abog na nagout yan si kuya. At masayang masaya naman siya.

Mukha siyang bad boyyyy. I lovettttt!


3. Ryan Barry
AYAAAN! AYAN NA SI RYAN!

Grabeeee. Male mowdel yan (obviously)! Isa siya sa mga gifted na model na kahit anong anggulo sobrang yummy pa rin! Google niyo dali! Hindi kayo magsasawa promise.

Kaso kung naggoogle kayo, may makikita rin kayong pic niya with jowa (which is very lugian na parang jowa rin ni Matt Bomer). Pero keri na.

Nakikita niyo ba ang mej chinito na blue eyes?! SHET!

Anyway.
Ayan na ang offering ko na mga pogi. Pasensya na kayo at medyo hindi ako updated. Alam niyo naman. Hindi ko na uulitin dito kung gaano ako kabusy plus may mga inarteng ganap pa ako sa buhay. Very quarterlife crisis lang ang feeling! Inarte! Pakisampal ako please.

So syempre kelangan natin pagusapan ang naturang sex video ni Chito Miranda at Neri Naig. Yes, pinanuod ko. At ang unang pumasok sa isip ko ay, "Sino si Neri Naig?". So syempre nagumeffort pa ako ng google kung sino siya at kung ano siya sa mundo na to. Star Circle keme pala siya biruin niyo? Well wala naman akong kilala sa Star Circle Quest na yan maliban ang mga sumikat at syempre si Sandara.

So ayun na nga. Nasagot na nga ang tanong kung sino si Neri. Natawa ako sa unang part na doggy scene na biglang walang abogabog sinabi ni ate Neri na "Baby my tummy is so fat". Hence, kaya pala nilayo ang laptop. Natawa ako promise.

At kung tatanungin niyo ako kung ano ang favorite part ko sa sex video na yun ay ito.


Patawa lang ni Chito. Lakas maka first time ang itsura ng reaction na yan. May favorite part pa ako na isa, yung sa dulo. Yung nag rock-on at peace sign siya after ng kung anuman ang ginawa nila. HAHAHA. Benta.

So yun lang ang reaction ko sa sex video nila. Nakakatawa siya. Pero naniniwala ako na wala lang yan. Lilipas rin yan. As if naman "matitinag" sila ng sex video na yan. 

AT EXCUSE ME NAPOLES ISSUE.
Obvious na nagtatangatangahan pa tayo? Grabe noh? Pwede pala yun. 21 years old lang si ate gurl Janet ha. Paalala ko lang. 21 years old versus that kind of lifestyle. Kahit sabihin pa nila na mayaman sila at may hotel kembular malapit sa Disneyland. No. It doesn't translate kung paano ang 21 years old ay umuulan ng mamahaling relo at sasakyan. Ano yan, lokohan?
Obvious na eh!

Yun lang ang sasabihin ko sa araw na to.
Masyado nang mahaba to.
Sige next time na lang.
-nyabach0i

Sunday, July 21, 2013

Second Post Gamit...

...ang cellphone. Bonggaaaaa.

Actually, kasalukuyang bedridden ang peg ko. Sa mga oras na to, namamamaga ang tonsils ko. Kumpleto naman ako sa vitamins and minerals! At hygiene. Not unless chumupa ako. No, to answer that. Wala akong ginagawang masamaaaaa. Haha.

At sa saliw ng bedridden mode ko, napapaisip ako ng mga ibat ibang bagay. Like gaano kaliit ang sweldo ko. Na kelangan ko ng sideline para matustusan ko ang bisyo kong lumamon. Ano ba ang successful na sideline? Susugod na ba ako ng Solaire at Resorts? Sugal na ba ang best bet? Sabi na magpopokpok na lang ako. Charoz.

Napaisip rin ako na itigil na ang panunuod ng series tutal naapektuhan ako at bumalik na lang sa roots ko na bookworm mode. Para at least, kung maapektuhan man ako sa libro, pwede akong gumanti like ibato sa wall or sunugin.

Napaisip rin ako na sobrang lupit ng sideeffect sa akin ng Azithromycin. Nyetang yan. Push ang diarrhea at stomach pain! Ang selan ng bituka ko kala mo petite siya! Che!

At ultimate na naisip ko, kung bakit malala ang forever alone mode ko sa buhay. Haaaaaaaay. Inarteng ganap. Next time ifufulldetails ko na lang to. Or malay niyo phase lang to?

Osha, diarrhea is calling.
-nyabach0i

Tuesday, July 16, 2013

Friendzone.

Ilang taon na nga ba to? Paminsan noh, mapapaisip ka. Mahihirapan ka rin at the same time. Pero kelangan mo rin talaga protektahan ang friendship niyo. Para kasing kung anong anggulo mo tignan, mas okay na friends kayo. Parang known fact naman na yun kasi. Pero may part sayo na magiisip, 'what if nga naging/or kayo?' Ano nga kaya ang buhay mo/niyo ngayon?

Well, hindi rin naman talaga ako nagsisisi sa kung ano man ang posibleng mangyari noon. In fairness, okay naman na ako ngayon. Masaya na akong asexual ang peg. Mas gusto ko nga ata tong magisa. Not unless baliw lang talaga ako. Pero ha, bigay niyo na sa akin, hindi ako nagkakalonely mode. Ewan ko. Baka nga asexual na ako? Shet sayang ang ganda ko.

May nga lang na ganito. Mapapaisip ka. Makikita mo yung shoulda, woulda, coulda mo na okay naman ngayon at mukhang masaya sa kanikanilang someone. Chineck ko naman. Wala namang inggit na nagaganap. Napapaisip lang ako. Hindi naman siguro masama yun di ba?

Well aminado naman ako. Marami akong hung ups sa buhay. Well wala rin akong balak ielaborate isaisa ang mga issues ko sa buhay. Ibigay niyo na sa akin yun. Siguro part yun? Kung bakit walang lumalampas ng friendzone ang mga kung ano man ang meron ako? Or malakas din ang kutob ko na ako mismo ang nagdadala sa akin sa friendzone. Shet, may commitment/relationship issue na nga ata ako.

Kaso may mga moments kasi na magkakasama kayo. Magkikita. Tapos babalik ka sa feeling na yun. Sa intersection na, go or no go. Oh well. Ganun talaga.

Darating naman siguro yung araw na yun. For now, dito muna ako sa friendzone.

O diba ang arte arte ko lang????? Minsan na nga lang magpost ng blog inarteng wagas pa. Che!
Miss you all!
-nyabac0i


Thursday, June 13, 2013

Oo, Alam Ko...

...10 years na akong hindi nagpopost. Oo, alam ko. OMG I swear kung alam niyo lang ang levels ng haggardness ko sa trabaho (although rewarding rin kasi naman pasok sa jar ang knowledge). Grabe kilala niyo pa ba ako? Hahaha. Dramabelle Rama.

Teka bago ang lahat, magseshare muna ako ng Nakakatibo. Nakakahiya naman sa inyo eh. Baka isipin niyo puro mga abs at katawang pang kargador lang sa pier ang gusto ko. Eto na. Nakahanap ako ng isa. Pasensya na isa lang. Hindi ko na uulitulitin na ang haggard ko. HAHAHAHA.

Nakakatibo - Camilla Luddington
Odevah. Ang bongga ni ateh! I swear, eto pwera yabang ha, hawig ko talaga siya. Lamang lang siya ng soft curls sa haireret. CHAROZ. Pero promise! Lakas makatibo! Tapos isipin niyo ha, bumibrittish accent si ate. San ka pa?

Sa mga nakakakilala sa kanya, oo siya yung isang intern sa Greys Anatomy. Siya rin yung artista na gumanap sa buhay ni Kate Middleton kemeng movie. Winner si ate! At sa mga gamer na tulad ko, sa kanya hinuha ang buong itsura ni Lara Croft sa bagong Tomb Raider. Pati boses. Siyang tunay!!

Peg na peg ko si ate! Sarap buhusan ng asido ang fez sa sobrang ganda! Joke lang. 


Pero infairness ka. Andaming ganap this past few days (weeks, months... haha). Grabe. Pwede ba natin pagusapan ang mga following items?

1. Kamusta naman ang Ai Ai dela Alas at Jed Salang keme? OMG. Nakakaloka ang Camarro kemerut ha. At mas nakakaloka ang bugbugan portion! OMG. Pero aminin niyo, nakakaawa ang part na sinabi ni Ai Ai na ramdam niya na hindi siya minahal ni Jed Salang to begin with. NKKLK.

2. Hindi pa rin ba tapos ang Ina, Kapatid, Anak? Kamusta ang leeg ni Janice de Belen? Ganun pa rin ba? Bongga ng leeg ni ate. Pwedeng gawing salbabida pag nagkabaha ulit. Push. Hahaha.

3. Sino nanunuod ng Greys Anatomy? OMG ang last season ender nila ha. Promise hindi ko kayang panuodin. Sila na nga lang ang couple at dahilan kung bakit ako nanunuod. Bwiset na writer yan. Kelangan talaga sila paghiwalayin? Masasampal kita Shonda! -at no. Wag niyo na ako pilitin manuod ng Walking Dead at Game of Thrones kasi obvious na obvious na hindi siya kaya ng heart ko.

4. O si Charice Pempengco nagout and about na raw. As if naman hindi namin alam. Naalala ko sabi ng friend ko na nanuod ng concert niya sa HK. Kulang na lang daw mag leather jacket si Charice at lumabas ng stage na nakamotor. Ganung level ang pagiging butch. Pero masaya ako sayo ate na nagout ka na. Hindi ko lang maimagine na bumibirit ka ng mga Whitney at Celine songs with your very very butch na look. Naisip ko nga isang araw na, what if mag duet kayo ni Aiza? Siguro bubuka ang langit at may lalabas na dalawang etits papunta sa kanila. Bonggaaaaaa!

5. Grabe noh. May mga tao talagang mababa slash walang EQ. Hindi na ako mageelaborate. Yun lang.

Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para makapagpost ng blog (as if naman hinahanap hanap niyo, tse! haha!)
Baboo!
-nyabach0i

Saturday, May 4, 2013

First Post Gamit...

...ang phone.
May ganitong option pala. In fairness sa blogger ha. Bigay ko na sa kanila ang techiyakkiudon mode.

Anyway.
Nararamdaman niyo ba minsan yung gusto niyo lang ng matinding solitude mode? Actually mga ilang buwan na rin akong nagsosolitude mode. At mind you, nageenjoy ako. Medyo natatakot na nga ako sa part na parang ayoko makita ang mga tao at ang feeling na hindi ako naghahanap slash nakakamiss ng tao.
Lakas maka pusong bato.
Eh ganun eh.
Ang tanong lang kung normal ba ang ganitong moment? Deadma. Hahahaha.

In silence you will hear that moment of clarity. -nyabach0i

At mali rin ata na nagresearch mode ako ng buhay ni Keanu Reeves. Si Matrix ha, not Keana Reeves from PBB na inaminan ni Rustom slash BB Gandanghari. Bet kong gayahin ang buhay niya.

Hosha. 2 min post lang to.
Baboo.
-nyabach0i

Thursday, April 25, 2013

Ang Mahiwagang Video

Oo na. Fine. Ako na ang delinquent blogger. Delinquent?!?!?? HAHA.
Kasi naman. As always, wala naman akong irereason kundi ang fuck fact na busy ako.
At malaking factor rin na mga ilang araw na akong nagiisip ng ipopost sa Nakakatibo.
Aabot sa point na picture ko na lang lalagay ko sa bawat angle.

Kaso ayokong magkasecret admirer. Charoz.

So sa mga taong nakabasa ng previous post ko. Marahil mga ilang ulit niyo tinanong sa sarili niyo, "Ano nga kayang video ang pinagsasabi ni nyabach0i?" "Sino nga kaya ang pinagsasabi niya?" "Babae ba talaga si nyabach0i or bekbek?" "Bakit makati ang singit ko?" "Bakit hawak ko ngayon ang singit ko?" "Aamuyin ko ba ang kamay ko na galing singit?" Mga ganyang tanong.

At dahil medyo niloloko ko kayo ng onte kasi nga wala akong mapost na Nakakatibo.

SO PRESENTINGGGG. ANG YUMMING YUMMY NA SI.......
BERNARDO VELASCOOO!




Ayan. Tatlong picture. Tignan niyo kung gaano kagwapo yan. Mowdel yan si kuya. Mexican mowdel. Ready na ba kayo sa video? Pwes.


Click niyo na lang. Medyo mahaba ang trail na yan kasi umuulan ng pictures muna tapos biglang sa dulo ang link ng video. Ayoko naman i-embed ang video dito. Karumaldumal. HAHAHA.

Pero isa lang masasabi ko, NKKLK.

Marami pa naman akong gustong icomment about sa iba't ibang bagay. Like ang Bianca Manalo/Pnoy, ang Gretchen Barretto/Mujayra Barretto, ang Nancy Binay/Debate, and Janine Tugonon/Jowang mukhang bekbek at kung anuano pa. Next time.

Hahanapan ko ng time to.
Mwahuggy.
-nyabach0i



Monday, April 8, 2013

Abot Singit Levels

Pawis Hilton. Pawhiz Kalifa. Pawhiz Escudero.
Sa mga oras na to, lakas maka incubator ng balur namin. Kulang na lang pasakan ako ng apple sa bibig at ikutin ng tao dito sa bahay habang pinapahiran ng gatas at pinapasakan ng tanglad sa pwet. I swear. HongOA ng jinitey ngayon. Malakas ang kutob ko na pag naglabas ako ng itlog sa labas, magiging hard boiled (boiled pala eh) egg.
Tapos cocombohan pa ng mens. OMG. Deadly ang combination ng lagkitan portion sa init tapos may mens ka. Very whrong. Pukesa.

At any rate (mehganyang clause clause na nagaganap), nung weekend natupad na rin ang hiling ng isang bekbek na malapit sa heart ko. Ang wall mural kemerloo niya. Tatlo kaming gumawa (kasama si bekbek friend). Ang pinakaimportante na drawing ko diyan sa keme na yan at si Trent at Daria. Kasi bet na bet na bet ko sila. Pag pasensyahan na lang. Hindi kami expert sa larangan ng vandalism kaya ganyan ang kinalabasan. Wag nang choosy. Cute naman eh.


Ano pa ba ang nangyari sa akin?

AY! May nabasa slash napanuod akong videoooo. OMG sobrang pogi ni kuya. Mexican mowdel tapos parang nagleak ang kanyang karumaldumal na video na habang may kachat. Pagiisipan ko pa kung sheshare ko. Hahaha. Pagsasawaan ko muna. Charots.

Naisip ko rin. Minsan talaga sa buhay may magpapaalala talaga sayo kung bakit hindi mo ginagawa ang isang bagay. Parang kunwari... hm.. let's just say hindi ka mahilig magupdate ng about sa buhay mo (may or may not totoo to). So kunwari ikaw, dati, like bata levels, hindi ka mahilig magshare ng anything about sa buhay mo. Mahilig ka lang makinig ng mga nangyayari sa iba, pero ikaw, hindi ka mahilig magshare. Tapos parang along the way, naririnig mo sa iba't ibang means na kesyo nakakagaan daw ng pakiramdam ang sharing keme keme. Na you will gain friends, relationships, keme keme ang sharing chuva. SO ikaw, try mo one time. Tapos boom! Marerealize mo. Ay shet. Eto nga pala ang reason kung bakit hindi ako nagsheshare ng feeling at all. Gets niyo ba? Hindi? Ako rin eh.

Pagpasensyahan niyo na. Result ng mens plus init yan.
Masaya ako kasi nagupload ng video ang kinaaadikan kong youtuber. Highlight siya ngayon ng week ko. Ganun na ako kaloser. Hahahaha.

Pangit pala talaga ni Nancy Binay noh?
-nyabach0i


Thursday, April 4, 2013

Shadam da dam. Shandadam.

So sa mga oras na to mega flood ang twitter na kesyo nagearthquake kemekeme raw. Tapos parang lahat naman ng mga tao mega retweet ng bagay bagay. Kala mo first hand experience. Tapos may mga nagjojoke pa. Bongga.

Pero fine. Hindi ko nafeel ang earthquake na yan.
Ako na ang sanay sa mga paguuga ng kalamnan. CHAROZ.

Hay naku. Tagal na akong hindi nagblog. Well busy ako. (Parang forever ko naman tong excuse). Maliban pa dun, maraming kaganapan sa panahon na to. Maliban sa busal busal ang bibig ko bilang kakapabraces ko lang, ikakasal pa ang isa sa mga supah close kong friend. E ang ate niyo ang maid of honor. Sabi ko papayag ako sa isang kundisyon. Kelangan bongga ang entrance ko. So sabi ko nakaharness ako papunta sa altar tapos ang entrace song ko ay Bad Romance ni Lady Gaga. Tapos kelangan yung mga KOA ay magiging back up dancer ko pagdating ko dun. At syempre kelangan may spotlight sa akin.

Yup kakabugin ko ang bride. Moment ko yun eh. CHAROZ CALDO.

Maliban sa busy ako diyan. Malaking part rin sa akin ang tamad tamaran portion. Parang bet ko lang magemotera mode. Although may ganun naman talaga akong side. Maliban sa baklaan festival side ko, meron akong malupit na emotera, deep, with a pinch of seriousness mode. Naappreciate ko lately ang solitude mode. Gusto ko lang ng magisa. Ayoko makipagkita sa mga friends ko. Bet na bet ko nga yung kumakain sa foodcourt magisa. Gusto ko yung ganung feeling. Ayoko ng kinakausap ng mga tao. Nung nagsabog ng perkiness at congeniality, either tulog ako or kumakain ako. Deadmabelles. Ako na. Ako na ang inarte at wapakels.

Pero isa sa mga araw na to talaga kelangan ko magpost ng emoemo shit. Namimiss ko na rin ang ganung writing keme.

Oh sha. Yun lang. Gusto ko lang ishare sa lahat ang naiisip ko sa 5 min na nakalipas.
Back to kemehan na ulit.
Baboo.
-nyabach0i

Monday, March 18, 2013

Nakakabading - Ang Pagbabalik Edition

Ako na. Akong ako na. Ako na ang best in busy. Ako na rin ang best in tamad magblog. Isama mo na rin na ako ang walang pera award. Akong ako na. Kasi naman. Parang this past few weeks best in hikahos sa buhay ang peg ko with a very maximum levels of busyness. Buti sana kung kasabay ng yun ay nakakahanap ako ng harhar or nawawala ng ilang pulgada ang waist line ko. Charotzzzz.

In fairness ha. Kahit sobrang busy ako. Kelangan ko pa rin payanigin ang katawang lupa ko (wag tayong bastos, kung bastos, edi fine bastos). Pero dahil online lang ang life ko (dahil loser ako), wala na akong ibang option kundi isaisahin ang mga yemi na tao. Ganern talaga. Tinanggap ko na na parte na talaga siya ng buhay ko. Ang maging babae by day at bekbek by lifetime. MEHGAHNUNGKACHEAFUN.

On that note, iseshare ko ang mga flavor of the month ko. Bilang matagaltagal na rin akong hindi nagpopost.

1. Chaiwat Thongsaeng
Odevah. Very pinoy looking! Pero siguro naman nafigure out niyo na sa namesung niya na hindi siya Pinoy. Not unless pinagtripan siya ng magulang niya. 

Pero aminin niyo, ang yummy ni kuya. May right levels of hairyness si Tob. Oo Tob ang nickname ni kuya. Not unless bet niyo siyang tawagin ng paulitulit na Chaiwat. Ako wala akong balak. Effort yan. 

Sumikat si kuya sa Bangkok bilang taartits na straight na pumapayag mag gay roles. Hindi na lang kasi umamin na bekbek. Charots. 

Pero aminin niyo ulit, napatitig ka sa ugat ugat niya sa bolex. Sumasabay pa sa init ng Summah!


2. Dominic Lau
OMG. Eto ang literal na levels na sarap ipakilala sa buong angkan. Etong si Dom (kung makanickname kala mo mega close) VJ sa Channel V at mga kung ano anong anik anik niya sa E! 

Pero di ba. Yung itsura niya sobrang Ely Buendia slash isa sa kambal na anak ni Bembol Roco. Devah?? Pero wala akong pipiliin kay Ely at sa kambal. Hindi ko sila bet. Pag combined fine. Why not. Haha.

And what a name is Bembol??? Ano yan mga pinagsamang name ng magulang? Ganun? At mga 10 min akong nagpause sa part na to kasi wala akong maisip na Bem at Bol na name. Bemmelyn at Boltron. Baduy. Shet sana may makasagot kung san galing ang name na Bembol.




3. Leandro Okabe
OMGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG.

Sa lahat ng nakita kong Japanese-Brazilian halfsies etong si Leandro na ang bet na bet! Kabog na kabog niya ang mga anditeysung sa Pinas! Baby puh ang face. I swearrrrr. 

Wala na akong gustong sabihin kasi parang nauubos lakas ko bawat tingin ko sa pic niya.

Pero gusto ko siyang tanungin kung ano ang hawak niya.

In fairness sa recent events ha. Hindi ko alam kung san ako magsisimula. Sa sobrang dami. Wala akong gustong isipin. Gusto ko lang iconfirm ko truelagen ang Hailstorm sa QC kamakailan lang. If yes, may pics ba ako na pwedeng makita?

Yun lang.
Miss you all and I miss myself. 
Parang peg ko ang drama anthology sa next post (siguro mga next month to, charots.)
-nyabach0i

Monday, February 25, 2013

Kamusta?

So ayun nga. Kamusta?
Marami akong gustong i-post. Either kabekbekan, seryoso, emotera mode, showbiz chismis, or mega random mode.

Pero sa araw na to, eto popost ko.
Ang controversial na picture ay ito.


Yup. Condom yan. Yang boots na yan ay sa kapatid ko. Bibigyan ko kayo ng background kung ano ang nangyari.

Yang kapatid ko ay nagaaral as UP Diliman. Tapos college of engineering ang peg (hindi ko alam kung anong pangalan ng hall or whatever hindi ako galing UP). Etong CR na to, nasa ground floor. Malamang boys CR to. Pinakita ng kapatid ko ang picture na to kasi pinicturan niya kasi nga pinagkakaguluhan ng mga tao. At dahil sa shinare ng kapatid ko to sa akin kahapon, malamang sa malamang paguusapan namin or huhulaan kung kanino, bakit, at paano ang keme ng picture na yan.

1. Sure akong hindi yan condom ng kapatid ko. Una sa lahat, super mega nerd ang kapatid ko. Plus, ayaw niya magkaanak. Plus, baliw siya. *insert Sheldon Cooper mode talaga siya sa totoong buhay* Tsaka bakit naman niya sheshare sa akin kung kanya pa la yan? Baboy ha.
2. Naisip namin na baka bekbek ang may ari nito. Kasi CR ng boys. Kasi kung naisip namin na kung student na coed na nagquicky mode, mas madali atang magquicky sa CR ng babae kasi puro cubicle kesa sa CR ng lalake na puro urinal? At may factor rin talaga na tatakas mode papasok sa CR ng lalake? So baka nga bekbek. *Yey for safe same sex sex*
3. Naisip rin namin na baka bucketlist mode. Yung tipong walang alam na tao kung ano itsura ng condom tapos bumili tapos binuksan at ginawang libo at tinapon sa CR.
4. Isa pa sa naisip namin, bilang UP nga yun at malalabo ang utak ng tao, baka sinadya lang talaga na ilagay ang condom for the heck of it. Lakas maka prank mode. Kaso, bakit mo naman gagawin yun?
5. Kanina ko pa rin pinagiisipan kung nabitin ba ang gumamit ng condom na to at mukhang walang... uhm... laman ang condom? *insert TMI nakakadiring likido mode*

Yun lang.
Ikaw ano ang speculation mo?

Friday, February 15, 2013

Nakakatibo - Blue Green Edition

Pagpasensyahan na ang kaartehan ko sa last post. Bawal? (Yes, kinakausap ko ang onteng mga taong nagbabasa ng blog na to). Mehgahnun. Infurness medyo busybusyhan na talaga ang peg. Wag daw talaga ata ako dapat maging makapal. Wahahaha.

So ayun na nga. Mga ilang araw rin akong naflood sa Twitter ng LaSallian account ng mga about sa UAAP Volleyball stuff. E tutal wala ako sa mood magscout ng ilalagay sa Nakakatibo, pupush ko na sa UAAP Volleyball ang search ko. Ayoko na palawakin kasi effort. Sabing busy nga ako eh. Chot.

Infairness sa akin, maliban sa Gymnastics, natutuwa akong manuod ng Volleyball. Patunay kasi sa akin yun na kaya pala tumalon ng babae. Parang realization na dapat nagkikilos ako dapat at hindi naglalamon na parang patabaing baboy ang peg. Same thing with Gymnastics. Yan yung mga sports na pag pinapanuod mo, parang ang lampa lampa mo at wala kang contributions na ginawa. Na parang yung physical effort mo ng 1 month, isang araw lang nila. Devah?

E pano pag maganda na sila, nasa magandang school, tapos athlete pa. Devah unfair na unfair lang sa life ang nangyayari! Hahaha. Dapat pala ata Kinaiinsecure-an Edition to eh. HAHA.

Game? Game.

1. Michelle Gumabao
Ansaveh ng pawis pawis look na yan? Kung ako nanlilimahid tapos pipicturan mo, hindi ganyan kaglowing ang makikita mo. Siguro to si ate kahit batuhin mo ng tae sa face tapos picturan mo maganda pa rin kalalabasan.

Nakakainis di ba? Lakas maka mowdel! At aminin niyo, konti lang ang merlat na binabagayan ng pixie cut. Tatry ko nga yan spottan ko kung bagay sa akin. Mamaya pag nagpagupit ako ng pixie pagkamalan akong may sakit.

ANIMO LA SALLE!

2. Gretchen Ho
ETO PA! Peg na peg ko to si Gretchen Ho! Ganyan kasi ang mga pangarap kong gusto kong mangyari sa sarili ko sana. But no. Binigay lang sa akin ang alindog pero nakalimutan i-package deal ang katawan. HAHAHAHA.

Alam ko mej sikat na to si Gretchen Ho kasi nalilink siya kay Robi Domingo. Tama ba? Akala ko all this time borderline bekbek si Robi Domingo. Soreeeee nemeeeern.

At in fairness kay ate, magaling siya mag volleyball! At intense ang mga game play keme keme nila. At ang super nakakapikon na part, kahit anong grunt face, force face, angry face ang gawin niya, wala. Maganda pa rin siya. UNFAIR.

Ano ba ang version ng Ateneo ng Animo La Salle? One Big Fight ba??


Too late na ba magenroll sa kahit anong sports clinic? Baka sarado na ang mga kasukasuan ko. Charots. 

Ayan. Dalawa lang. DLSU versus ADMU. Tinamad na ako maghanap sa ibang school eh. At siguro lang din nagkataon na may laban yang dalawang school na yan nung naghahanap ako. Plus biased searched na rin. E baket??? Hahaha.

So kamusta na kayo? Anong balita? Chismis time na ba?
1. Sa opinion niyo, totoo bang nagselos si Mariel Rodriguez kay Kris? Or isa lang tong nakakairitang publicity kemerut?
2. Ano ang meron sa Cesar Montano at Sunshine Cruz issue? Hindi ko to alam. Narinig ko lang pero wala akong alam na details. 

Paki share ang nalalaman niyo diyan. Salamat.
Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

Monday, February 11, 2013

Walang Title


ganun na nga ata talaga.

babalik ka talaga sa pakiramdam na yan.
sa pagiging tulala sa kawalan na naman na yan.
tapos pag tinanong ka, hindi mo kaya iexplain.
kasi totoo naman.
ikaw mismo hindi mo alam kung ano o bakit mo nararamdaman.
basta ikaw mismo, alam kong nasasaktan ka.
nalulungkot.
ganun yun eh.
may moment talaga na may hindi mo talaga maexplain ang matinding lungkot.

or ako lang yun?

kagabi sabi ko sa sarili ko.
maghuhukay ako ng kweba.
dun ako titira ng dalawang taon.
or sasama ako sa mga clouds.
parang ang saya saya lang kasi ng mga clouds.
lumulutang lutang lang sila.
gusto ko rin ng ganun.
lumipad lipad.
maramdaman yung rush ng hangin sa face ko.
yung mabilis na mabilis.
yung nakapikit ka at may kaba na kasama kasi hindi mo alam kung kelan ka babagsak.
pero bago ka bumagsak,
pipilit kang dumilat.
makita mo lang kung san ka babagsak.

ganun nga kasi yun.
babalik at babalik ka sa kung ano ang iniisip mo dati.

or ako lang ata nga talaga yun?

Monday, February 4, 2013

Dahil Nangako Ako...

...ng post. Ayan magpopost ako.

As usual, wala akong idea at tumatakas ako ulit para magpost. As always, makapal mukha ko eh. Eh tinatamad ako magpost ng Nakakabading or Nakakatibo. I lost track na rin. Charots.
~Truth: Actually, haggard talaga ako sa shrubaho. Makapal lang talaga mukha ko kaya ako nakakapagpost pa ng mga keme keme na to. Haha.

So magrarandom post ako ng mga kung ano ang makita kong picture sa phone ko. E tutal ang mga picture ng inarte kong blog ay tatlo, fine, edi tatlo. Inarte pa ba ako?

Lobo yan. At oo, ako yan.
Lobo + nyabach0i.
Ganern talaga pag paminsan wala kang magawa sa sarili mo ikaw mismo pagtitripan mo na rin sarili mo.

Siguro naman mukha na akong babae sa pic na yan? Baka kasi magsespeculate pa rin na bekbek ako. Hahaha. FYI, babaeng bakla ako. Bongga! Haha.

Boringa, Apayao.

OMG. Konti na lang papamigay ko na to si Jamba. Jamba yung pangalan ng asonetchi na yan. Wag niyo na tanungin kung ano ang breed niya. Wag tayo boba. Charots.

Pero I swear! Hindi ko alam kung sadyang papansin ba siya? Or inarte mode siya? Pero diyosko, kung makatahol ng papansin mode akala mo hindi pinapakain! Sobrang inarte!

Tapos pag nilagyan mo ng tali sa leeg hindi naglalakad! As in brat na brat! Nakahandusay lang sa floor. 

ANG TAMAD TAMAD.

Konti na lang papamigay ko na to sa sobrang irita. Hahahaha.

May isa pa akong aso, Daschund, mas kalmado kesa dito. 

Jamba name niya, babaeng Jumbo.






At yan ay picture ng kamatis.
Na hugis wetpaks.
So tinatawag ko siyang POWER BOTTOM TOMATO.

AT oo, may green part ang wetpaks niya. So I am assuming na hindi pa nagpapawax to. So wala siya sigurong steady sex life. Kasi hindi niya naiisip magpawax eh. Not unless, fetish niya yun? Or fetish ng kasex niya? Ewan.

So ayan si Power Bottom Tomato.












Marami rin akong tanong tungkol sa nangyayari lately. At uulitin ko na naman na busy ako at wala akong oras sa extra curricular kemerut barurut.
1) Anong meron sa Tubbataha Reef? Tama ba spelling ko?
2) Anong meron kay Maricel Soriano at Gerald Anderson?
3) Can I just say na nakakairita nung nalaman ko na tatakbo si Annabelle Rama? At maloloka ako lalo pag nanalo siya.
4) At ang Bong Revilla for President? SERIOUSLY?????????!
5) OMG naloka ako sa Beyonce / Destiny's Child performance sa Super Bowl!!!! Kinikilig ang pusong bakla ko.

Yun lang.
Next time ulit.
Baboo.
-nyabach0i 

Wednesday, January 30, 2013

Gusto Ko...

...mag random keme pero wala akong maisip na specific kemerloo. Gets mo yun? Parang bet mo lang magupdate pero wala kang maisip na iupdate. Baliwag portion lang. Ayoko naman mag dear diary peg kasi halur, close tayo? Charaughts.

So ano pa ba pwedeng gawin? Observe observe na lang ng paligid? Ganern ganern na lang?

Sa mga oras na to may nagsasalita sa kanan ko. Kanina nageenglish siya. Which is very pinoy english ang peg. Ay oo, nasa opisina ako. Kapal feslak ko eh. Nagboblog ako ng ng nasa opisina. So pagkatapos niya makipagusap sa kung sino man ang kausap niya na kinailangan pang mag english, nakikipagdaldalan na siya sa katapat niya. So ingay peg ulit. Lakas maka highschool recess ang peg.

~Sidenote: Hindi ko talaga peg ang highschool mentality sa opisina. Nawawala ang professional level sa akin. Iba kasi ako sa trabaho, iba rin ako sa totoong buhay. Dito para akong namumukadkad na bulaklak sa sobrang hinhin. Joke lang. Same same pa rin na babaeng bakla, pero pag work, work. Hindi naman ako nanunuod ng gay porn dito which I do sa leisure mode ko. Joke lang number 2.

Malaking issue sa mga tao dito sa Candycrush. Ano bang meron dun? Oo, alam ko game siya or whatever. Pero ano ang addicting fucktor niya? Pag dinilaan ko ba ang monitor ng nyellphone ko malalasahan ko ang candy? Apparently lahat ng tao adik diyan. Well, dito sa opisina.

~Sidenote ulit: Wala talaga akong kahilighilig sa games sa cellphone. Naiimbey ako. Pero sige tetestingin ko tong Candycrush na to para masabi lang. Pero bet tayo after ilang araw buburahin ko to like lahat ng mga games sa phone ko. Pero iniwan ko ang Temple Run kasi parang staple game yan ng mga tao. One time kasi, hiniram ang phone ko. Binalik sa akin. "Ano ba yan kahit Temple Run man lang wala ka?". Kaya ako may Temple Run. Mas bet ko pa maglaro ng games sa ibang phone. Kasi gusto ko yung thought na naghahighscore ako sa ibang phone tapos magagalit yung magari kasi ako ang highscore. Haha.

Wala na akong gustong sabihin.

Alam ko ang lame lame ng post na to. Gusto ko lang umandar ang blog posts ko. Inarte mode lang. Pasensya na. NAGSORRY? Hahahahaha. Anyway, promise bukas (or sa makalawa) kakaririn ko nga ang next post.

Baboo.
-nyabach0i

Tuesday, January 22, 2013

Nakakabading - Nerdy Boy Edition

Infurness sa ipin ko, lumaban siya. So tapos na rootcanal ko at mukhang recuperating ang keme ng ipin ko. Kaso gagastos na talaga ako ng malaki dahil sa whitening keme, braces, at kung anuano pa. Pukelya. Dapat merong loan for this. Magsosolicit na ako ng mga pera. Piso para kay nyabach0i. Lecheng ipin to. Leche.

Teka, tapusin muna natin ang edition na to. Kelangan kong kumalma all over my bodeeeh. Charots. So eto na ang Nakakabading... Nerdy Boyyy edishuuuuunnnnnn. Haha. Ulul. Nerdy boy. Mukhang nerd or very very good boy. May mga mode kasi ako na bet na bet ko dungisan ang pagkatao ng mga mababait na lalake. Mga turuan ng totoong buhay and stuff. Charots. Game? Game.

1. Matthew Gray Gubler
OMG bet ko talaga to. Sobrang lanky ng itsura at sobrraaaang bet na bet ko ang role niya sa Criminal Minds! Best in nerd ang role! Eidetic memory ang peg niya at sobrang nerd na nerd talaga ang effect niya. Binanggit ko ba na nerd siya?

Mowdel tong si kuya before magartista. Rumaramp mowdel. Di ba kasi sa mundo ng mowdelling mas bet nila ang lanky at mega tangkad at wit borta? Ayan.

Plus, director rin siya at photographer. HONDAMING EXTRA CURRICULARRRRRR. I love you Spencer Reid!


2. Adam Brody
Di baaaa?? Promising! At oo, nanuod ako before ng OC. At oo, nerd din siya dun. Aminado naman tong si Papa Adam na lakas makauto ang intellectual looks niya eh. 

Water, water, I made lawa on the floor.

At kung fan/kilala niyo talaga tong si Adam Brody, haymzure alam niyo kung paano siya magsalita. Yung parang may lisp na ewan na may weird maneuver siya sa dila niya nakakamatay! At ang mata niya! Pakshet titigan ka pa lang, with matching smile, patay ka na. Haaaaaayyyy.






3. Aaron Tveit
So syempre kelangan ko magcontribute ng napapanahon na kalalakihan. So eto si very fresh and yummy na si Papa Aaron na galing sa mundo ng Les Miserables. Dalawa sila actually na nagpatibok ng puson ko sa movie. Yung hinihitad na pulis nung mujayra ni Eponine na hinawakan sa singkit at etong si Papa Aaron.

Lakas maka nerdy ang theatre actor! I swear! Kulang na lang magballet pa siya para magstalker mode. 

At syempre nanghina tuhod ko sa malungkot face niya at grey eyes! Malamang plus fucktor ang singing voice niya.



So ayan na ang tatlong gwapo sa mga oras na to.
Infurness, maganda ang Les Miserables. Sinunod ko ang mga payo niyo at nakipila ako sa mainstream movie. Life of Pi na naman ang next. Maganda ba yun? Pero sorry ha, nabobother ako kay Russell Crowe habang kumakanta. Parang nasa isang area lang yung dila niya at napakaliit yung dila niya? Plus, best in talsik laway si kuya habang kumakanta. At si Amanda Seyfried! OMG, naloka ako. Parang ang ganda ganda niya dun? Kaso medyo pinagdudahan ko ang validity ng sobrang taas na singing voice niya dun.

Nahurt ang puso ko as usual kay Eponine. Nilamukos heart ko at inapakapakan.

So pano ba yan? Si Ricky Lo na ba paguusapan natin? Gravity! Nakakahiya siya I swear. Yung 4 minute ENTERview na yan ni Ricky Lo hindi ko kayang panuodin ng dirediretcho. Nanghihina ako. Pause and play.  Kelangan ko pa magcollect ng strength sa bawal nangyayari kasi hindi ko kaya pagsunodsunodin. I swear. Kung sa PhilStar naman pala na interview to, sana si Bianca Gonzalez na lang pinadala. Iba siguro nangyari. Kamote. Maipilit pa si Lea Salonga eh! At kelan ka nakakita ng Hollywood star na nagpuplug ng movie? Hay Ricky Lo. Gusto kitang tapon sa Spratley Island para mapagisipisip niya kung ano ang ginawa niya.

Anong katotohanan na nagdedate si Derek Ramsay at Christine Reyes?

OMG, gusto ko magmigrate sa US dahil sa speech ni Obama. Yung equality kemekeme. I swear gusto kong iwan ang Pinas para sa US. Gusto ko kung pano magisip ang mga bagay bagay. Inspiration! Kinikilig ako na pro equality siya in all aspect. Dapat ganun. Konti na lang mawawalan na ako ng pagasa sa Pinas. Kahit mag serbidora lang ako dun keri na.

At hate ko pa rin si Maja.

Sige na. Next time na ulit.
Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...