Sunday, July 21, 2013

Second Post Gamit...

...ang cellphone. Bonggaaaaa.

Actually, kasalukuyang bedridden ang peg ko. Sa mga oras na to, namamamaga ang tonsils ko. Kumpleto naman ako sa vitamins and minerals! At hygiene. Not unless chumupa ako. No, to answer that. Wala akong ginagawang masamaaaaa. Haha.

At sa saliw ng bedridden mode ko, napapaisip ako ng mga ibat ibang bagay. Like gaano kaliit ang sweldo ko. Na kelangan ko ng sideline para matustusan ko ang bisyo kong lumamon. Ano ba ang successful na sideline? Susugod na ba ako ng Solaire at Resorts? Sugal na ba ang best bet? Sabi na magpopokpok na lang ako. Charoz.

Napaisip rin ako na itigil na ang panunuod ng series tutal naapektuhan ako at bumalik na lang sa roots ko na bookworm mode. Para at least, kung maapektuhan man ako sa libro, pwede akong gumanti like ibato sa wall or sunugin.

Napaisip rin ako na sobrang lupit ng sideeffect sa akin ng Azithromycin. Nyetang yan. Push ang diarrhea at stomach pain! Ang selan ng bituka ko kala mo petite siya! Che!

At ultimate na naisip ko, kung bakit malala ang forever alone mode ko sa buhay. Haaaaaaaay. Inarteng ganap. Next time ifufulldetails ko na lang to. Or malay niyo phase lang to?

Osha, diarrhea is calling.
-nyabach0i

8 comments:

  1. hahaha. pambihirang bedridden mode. nangangamoy nyabachoi. abot honggong dito

    ReplyDelete
    Replies
    1. korekkkkk! its either malupit ang pangamoy mo or sa CR niyo ako jumebs.

      Delete
  2. Ahahaha! Nyeta talaga ha. Pag-isipan mo na lang ang mga susunod mong Nakakatibo at Nakakabading na series. hahaha! mag workout na ako para ako naman ang susunod mong i-feature. Wahaha!

    Ano ba nangyayari sayo? Hindi kaya stress yan? Kunin mo ang blood chemistry mo. Or better baka may kinalaman na yan sa puso. Ayoko naman maging negative, pero it's better to be watchful of our health. Well, ako din naman matigas ang ulo, abusado sa pagkain. hehehehe!

    I can feel you though sa problemang pera. Minsan nga gusto ko maghanap ng desperate sa sex at ibenta na ang sarili ko. Pero alam ko namang ako din ang malulugi dahil wala na ang tag price, at pang give-away na lang. Hahaha!

    Maybe it's a question of being a wise steward. Mag budget na lang tayo ng maayos. Tandaan, Divine Providence gives us what we need and what we can handle wisely.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha. shet baka nga kasi dahil hindi ako healthy at push ko everyday ang sedentary lifestyle?

      malay mo mana patok ka sa mga matronang mayayaman. try mo minsan. charotz.

      oo nga budgeting naman talaga ang answer. salamat at kahit papaano rational ka talaga!

      Delete
  3. Ay naku teh, baka need mo lang mag fly-away fly-away sa isang magandang lugar para makapag relax ka. Yung wala kang iisipin kundi kaligayahan mo. Ay teka, baka mapapaisip ka na forever alone ka. hahaha joke lang. Pero serious teh, phase lang yan ng buhay at malalapagsan mo 'yan with flying colors. If symptoms persist, ay iba na yan teh. :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. baka nga teh? sana phase nga lang.
      sarap magbakasyon promise! pag nagbakasyon ba akong papuntang cebu itutour mo ako? ahahaha.

      Delete
  4. Hahahaha! ang kewl mo magkwento! Iniisip ko kung magkakilala ba tayo in person? Naghahanap ako ng picture mo dito... so far di pa ko tapos maghanap... wala pa kong makita.. haha

    Natawa ako dun sa mga iniisip mo. Pareho tayo minsan iniisip ko din kung paano dadami yung kapiyaot kong sahod. Dati nga sa sobrang desperada ko pati networking pinasok ko, pero for me it's notworking. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku teh marami akong kilala na jheng. hahaha. shet baka nga magkakilala tayo? hahaha. at oo, wala kang makikitang picture ko dito sa blog. bilang nagiinarte ako. hahahaha.

      shet networking! daming kong perang nawala dahil diyan! grrrr.

      Delete

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...