Tuesday, June 9, 2020

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko.
matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga
katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog
magsosorry ako paulit ulit
at kahit nagtatampo ka, gagawan mo pa din ako ng kape
at ihahatid pa din kita sa trabaho mo
ang tumira sa isang condo
isang kwarto, tahimik
kasama ng mga aso at libro
at tuwing gabi,
magigising ako, katabi ka
at sasabihin sa sarili ko 
na ganito pala maging masaya

pero walang ganyan.
pareho natin alam na iba ang mangyayari
mag isa lang ako dito sa dilim
tahimik
kasama nga mga bagay na hindi ko hiniling
gumising mag isa at itatanong sa sarili
bakit ako gumising pa

1 comment:

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...