FYI, kahapon to. Sinulat ko sa notebook. Tinatype ko to ngayon kasi kamusta at nagkasakit ang trainer? So para kaming iniwan sa ere ng trainer. Masakit kaya sa puson ang paasa effect.
Like most training sa work level keme, mega bore ang effect niya. Naawa ako sa trainer una sa lahat. Kasi parang tinatry naman niya kaso talagang wala sa mood ang mga tao. Nagiging extra day-off lang to off work. Well siguro dahil halo halo ang levels ng mga tao dito? Ewan.
So sa mga oras na to, umuulan ng mga jargons. At dahil he had me at "Utility" and "Warranty" nagsimula na ako magsulat.
Nakakairita kasi may bibo kid dito. Well kung mapapansin niyo, parang requirement sa isang class or training ang may bibo kid. Siya yung mga tipo na taong kelangan sumagot palagi sa lahat ng tanong at yung mega tango ng tango kunwari nakikinig talaga siya ng buong training keme. Yung paparamdam talaga sayo na wala kang naintindihan at ang dali dali sa mundo niya ng training. Parang self revalidation keme. Bet na bet niya ang term na "You're right" tapos makikita mo yung kinang sa mata niya. Kulang na lang utusan niya magprint yung trainer ng certificate sa lahat ng revalidation shit niya. Teh, hindi ka ba mahal ng magulan mo? Charots.
At ang hindi ko talaga matanggap etong kumag na katabi ko sa kanan. Teka describe ko ha. Payat na maitim. Tapos suotan mo ng polo at slacks. Yan na yun. Tapos wag mo nga pala kalimutan ang Nick Carter hair circa 90s. Hindi ako nanlalait. Nagsasabi lang ako ng totoo. Tapos haluan mo siya ng air of jejeness. Ayun na siya. Parang itatago mo yung bag mo. May ganun feeling.
So yun na nga. Nakakairita kasi parang every 30 minutes siya umiinom ng Milo. Tapos understatement ang term na slurp sa kanya. Ang lakas lakas na parang sa tenga mo siya humihigop ng Milo. Last time I checked drink siya hindi mainit na sabaw. Kala mo e mainit na sabaw ang iniinom niya. Isa pang baso ng Milo tatabigin ko siya with matching sigaw ng IHEEEYYYRITTTT!
At hindi pa dun natatapos. Pag idle time siya, wala siyang binubulong kundi OPPA GANGNAM STYLE. Pucha kuya nakuha mo pang maLSS sa gitna ng training? Baka bet mo na rin sumayaw? Hay OPPA GANGNAM STYLE MY FACE!
O nagsalita na naman si revalidation ate.
Buti na lang pogi si kuya sa left side. Kahit papaano na balance niya. ODEVAH ANGEL AT DEVIL SA LEFT AT RIGHT?!??? HAYNOWRIGHT? Ang tangos ng ilong niya! Promise. Mamaya yayayain ko to magdinner. Charots.
"This is a starrrrrttt of something newwwww"