So ayun na nga.
Ang peg ko ngayon ay drinking wine with siblings ang mode. Push ang red wine, camembert, ham, at focacia bread chuva. O di ba lakas maka alta? Not. Kasi napush ang pakamatay sa kain ng lunch. Ganun dito sa balur, more more lafur ng may araw at push ang orlok ng gabi. Ang ending, last man standing lang naiiwan for noche buena.
Una sa lahat, wala kaming close family ties. Chinoy family kami na tinakwil. Gets? Yung pujak ko na chinese nagpakasal sa mujak na pinay hence the takwilan portion. So walang pinsan, tito tita.
Pangalawa, hindi kami religious. Mujak ko yes, kaso nurse siya. Importante ang tulog. Bigay ko na sa kanya yun. The rest no. Sorry namern. Agnostic eh.
Pangatlo, single ako. So hindi ko mafeel ang magabang ng 12mn na sakto para tumawag sa jowa. Lakas maka mushyan! Kiss sa mistletoe! Che!
Anyway, what I am saying is, hindi talaga ako fan ng christmas. Hindi ko siya mafeel. Siguro at some point, yes? Like christmas parties. Then after back to ordinary mode. Ewan. Ayoko na magexpound. Baka pategi ako.
So balik sa wine. Every christmas, I make it a point na babalik ako sa inarte mode na drinking wine with siblings or alone pag wala si siblings. Then sa inarte mode na yun, magiisip ako ng mantra or motto for this next rotation ng xmas year. So parang new years resolution siya pero mantra? Gets? Resolution kasi may aayusin ka eh, mantra susundin. Hindi ko na to dapat ineexplain. Charoz.
Naisip ko this cycle, "Pain makes people change". Sa bawat pain na mararamdaman ko, may katapat na pagbabago. Nahurt ka sa friend mo? Magbago ka or baguhin mo ang relationship mo with the friend. Gawin mong acquaintance na lang. Charoz. Pero kidding aside, yan nga talaga. Parang marami akong/tayong pain na nararamdaman na ang ginagawa natin ay accept lang then lalamunin tayo inside. Why not change the pain to something that would help you not to be lamoned. Hongconyo.
Anyway, lasing lang ako sa wine.
Bago ako umalis, eto ang picture ng aso with a new shirt for xmas.
Merry Christmas mga utaw. Lahat sana ng wish niyo matupad. At pag natupad nga, abisuhan niyo ako para makapagwish rin ako next year kasi natutupad pala siya.
PS: oo na daming kong kelangan ipost. Sensya na nawiwili ako sa random posta na ganito. Ayaw niyo ba? Fine. Hindi na. Chos.
PSS: pag nakawine ako sa new year, feeling ko may ganito ulit.
Baboo.
-nyabach0i
Paano kung ang nakapagbibigay ng pain mo ay si happiness mo? Paano na yun? Paano? hahaha
ReplyDeleteHi teh! Merry Christmas, sana next year ma feel mo na siya. LOL
Teh ang tawag diyan masochista. Hahaha.
DeleteSana nga mafeel ko siyaaa! Merry Christmas rin tehhhh!
Merry Christmas :-)
ReplyDeleteMerry Christmas rin!
DeleteMooooooooooooooooooore! *hahaha*
ReplyDeleteHappy New Year na lang Nyabachoi, tutal di ka naman naniniwala sa Pasko eh. :P
Mooooooooooooreeeeninternational cigaretteeee catch the taste of magicccccc catch the taste of moreee!
DeleteAt dahil diyan, happy new year rin sayo!
Ang deep ng mantra tungkol sa pain. Mooooore!
ReplyDeleteDevah?!?!?? More alin? More pain? Haha joke. A very baduy joke.
DeleteSosyalin Wine. anyway..parang mas ok nga kung matra kesa sa resolution ang isipin for 2014. Thanks sa idea. Happy holidays sis!=D
ReplyDeleteMura lang ang wine. Novellino lang. Hahaha chos. Happy holidays rin sayoooo!
Delete