Biyernes, Pebrero 15, 2013

Nakakatibo - Blue Green Edition

Pagpasensyahan na ang kaartehan ko sa last post. Bawal? (Yes, kinakausap ko ang onteng mga taong nagbabasa ng blog na to). Mehgahnun. Infurness medyo busybusyhan na talaga ang peg. Wag daw talaga ata ako dapat maging makapal. Wahahaha.

So ayun na nga. Mga ilang araw rin akong naflood sa Twitter ng LaSallian account ng mga about sa UAAP Volleyball stuff. E tutal wala ako sa mood magscout ng ilalagay sa Nakakatibo, pupush ko na sa UAAP Volleyball ang search ko. Ayoko na palawakin kasi effort. Sabing busy nga ako eh. Chot.

Infairness sa akin, maliban sa Gymnastics, natutuwa akong manuod ng Volleyball. Patunay kasi sa akin yun na kaya pala tumalon ng babae. Parang realization na dapat nagkikilos ako dapat at hindi naglalamon na parang patabaing baboy ang peg. Same thing with Gymnastics. Yan yung mga sports na pag pinapanuod mo, parang ang lampa lampa mo at wala kang contributions na ginawa. Na parang yung physical effort mo ng 1 month, isang araw lang nila. Devah?

E pano pag maganda na sila, nasa magandang school, tapos athlete pa. Devah unfair na unfair lang sa life ang nangyayari! Hahaha. Dapat pala ata Kinaiinsecure-an Edition to eh. HAHA.

Game? Game.

1. Michelle Gumabao
Ansaveh ng pawis pawis look na yan? Kung ako nanlilimahid tapos pipicturan mo, hindi ganyan kaglowing ang makikita mo. Siguro to si ate kahit batuhin mo ng tae sa face tapos picturan mo maganda pa rin kalalabasan.

Nakakainis di ba? Lakas maka mowdel! At aminin niyo, konti lang ang merlat na binabagayan ng pixie cut. Tatry ko nga yan spottan ko kung bagay sa akin. Mamaya pag nagpagupit ako ng pixie pagkamalan akong may sakit.

ANIMO LA SALLE!

2. Gretchen Ho
ETO PA! Peg na peg ko to si Gretchen Ho! Ganyan kasi ang mga pangarap kong gusto kong mangyari sa sarili ko sana. But no. Binigay lang sa akin ang alindog pero nakalimutan i-package deal ang katawan. HAHAHAHA.

Alam ko mej sikat na to si Gretchen Ho kasi nalilink siya kay Robi Domingo. Tama ba? Akala ko all this time borderline bekbek si Robi Domingo. Soreeeee nemeeeern.

At in fairness kay ate, magaling siya mag volleyball! At intense ang mga game play keme keme nila. At ang super nakakapikon na part, kahit anong grunt face, force face, angry face ang gawin niya, wala. Maganda pa rin siya. UNFAIR.

Ano ba ang version ng Ateneo ng Animo La Salle? One Big Fight ba??


Too late na ba magenroll sa kahit anong sports clinic? Baka sarado na ang mga kasukasuan ko. Charots. 

Ayan. Dalawa lang. DLSU versus ADMU. Tinamad na ako maghanap sa ibang school eh. At siguro lang din nagkataon na may laban yang dalawang school na yan nung naghahanap ako. Plus biased searched na rin. E baket??? Hahaha.

So kamusta na kayo? Anong balita? Chismis time na ba?
1. Sa opinion niyo, totoo bang nagselos si Mariel Rodriguez kay Kris? Or isa lang tong nakakairitang publicity kemerut?
2. Ano ang meron sa Cesar Montano at Sunshine Cruz issue? Hindi ko to alam. Narinig ko lang pero wala akong alam na details. 

Paki share ang nalalaman niyo diyan. Salamat.
Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

13 komento:

  1. ;-) mas cute yung si Michelle Gumabao.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ay, mas bet ko si gretchen ho talaga. hehehe.

      Burahin
  2. Lalaking Mukang BabaePebrero 16, 2013 nang 10:14 PM

    Gretchen Ho!

    Animo La Salle!

    TumugonBurahin
  3. ganda naman nila ^^

    about kay Mariel alam ko gimik lang un hehehe para pag usapan ang teleserye....

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mukha ngang gimik talaga na malupit yan. kakairita si mariel.

      Burahin
  4. sa showbiz chismis lang ako magko-comment kasi hindi ko kilala ang dalawang babae na yan hahaha hindi ako mahilig sa volleyball chorvaness.

    1. Sa opinion niyo, totoo bang nagselos si Mariel Rodriguez kay Kris? Or isa lang tong nakakairitang publicity kemerut?
    Publicity kemerut lang yang pagseselos ni Mariel kay Kris, kasi nawawala na siya sa limelight. LOL At ito hindi mo kakayanin ang ginawang drama nilang mag-asawa. Mariel returned the wedding ring to Robin tapos si Robin pinuntahan niya si Mariel sa TV 5 studio para magprofess ng kanyang undying love for his asawa with all the flowery words sabay suot ulit sa singsing. Tapos naghamon pa ng away si Robin sa mga taong nagbabash sa asawa niya. *roll eyes*

    2. Ano ang meron sa Cesar Montano at Sunshine Cruz issue? Hindi ko to alam. Narinig ko lang pero wala akong alam na details.

    Yung starlet na si Krista Miller, may papost kasi sa Instagram ng mga gifts sa kanya ni Cesar Montano, tapos yung gifts na iyon galing pala kay Sunshine para kay Cesar. Oh diba, kaloka! Recycle lang ang peg. Yung mga anak ni Cesar at Sunshine ang nakahuli na yung papa nila is naglalandi kay Krista. Tapos ayon pinahiya ni Sunshine yung babae by posting and tagging her in the social networking websites. The juicy thing is, may chismis na ipinamukha ni Cesar kay Shine na buti ganoon lang ang ginawa niya kasi pinakasalan niya si Sunshine kahit boldstar ito noon. Ang tindi ni Cesar no? LOL

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. question number 1, kaartehan lang ni mariel yun.

      question number 2, kapal naman ni cesar. haha. retokada naman yung girl. at lumaklak ng gluta.

      Burahin
    2. OMG TEH UMAMIN KA. BAKIT ANDAMI MONG ALAM DETAILS SA BAWAT CHISMIS? hahahaha. ikaw ba christy fermin? charots lang teh.

      shet totoo ba tong kay krista miller???? bakit ang shonga shonga naman niya. teka google ko nga kung ano ang feslak ng merlat na yan.

      mukhang totoo to kasi nagpalit na ng pangalan si sunshine cruz ng namesung sa twitter at instagram. kaloka kaaaaa. hahahaha.

      Burahin
  5. Alam na yan teh! ANIMO LA SALLE! mas bet ko! liligawan ko yan kung tomboy ako :) or lalake. hehe.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ako si gretchen ho ang liligawan ko. pero bagay kayo ni michelle gumabao. WAHAHAHAHAHA. ligawan mo na burigs.

      Burahin
  6. Si Crush Gretchen Ho, nandito :D

    Kung pagseselosan pa ni Mariel si Kris eh trabaho lang naman ng mga artista iyon, hindi niya maintindihan iyon? Tsk. Mas tutok ako sa awayang Maja Salvador at Kim Chui, totoo daw na nagsampalan sila. Kalurkey :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hay naku. kayang kayang bilhin ni kris si mariel magtigil siya kamo. hahahahaha.

      totoo? ayoko na kasi manuod ng ina kapatid anak kasi naapektuhan ako. pag nakikita ko pagmumukha ni margaux sa tv gusto ko magbato ng plato. hahahahahaha.

      Burahin