Monday, February 11, 2013
Walang Title
ganun na nga ata talaga.
babalik ka talaga sa pakiramdam na yan.
sa pagiging tulala sa kawalan na naman na yan.
tapos pag tinanong ka, hindi mo kaya iexplain.
kasi totoo naman.
ikaw mismo hindi mo alam kung ano o bakit mo nararamdaman.
basta ikaw mismo, alam kong nasasaktan ka.
nalulungkot.
ganun yun eh.
may moment talaga na may hindi mo talaga maexplain ang matinding lungkot.
or ako lang yun?
kagabi sabi ko sa sarili ko.
maghuhukay ako ng kweba.
dun ako titira ng dalawang taon.
or sasama ako sa mga clouds.
parang ang saya saya lang kasi ng mga clouds.
lumulutang lutang lang sila.
gusto ko rin ng ganun.
lumipad lipad.
maramdaman yung rush ng hangin sa face ko.
yung mabilis na mabilis.
yung nakapikit ka at may kaba na kasama kasi hindi mo alam kung kelan ka babagsak.
pero bago ka bumagsak,
pipilit kang dumilat.
makita mo lang kung san ka babagsak.
ganun nga kasi yun.
babalik at babalik ka sa kung ano ang iniisip mo dati.
or ako lang ata nga talaga yun?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
QUARANTINE BLOG 5
simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...
-
...sarili ko at hindi ako nakapanuod ng Miss Universe! Eto na nga lang ang once a year na moment na magsasanib pwersa ang mga bakla hindi k...
-
Last week, sa saliw ng holiday kemerloo, nagpasagot yung isang friend ko sa kapatid kong baliw ng Matrices and Gauss-Jordan Process of El...
-
Tama, tama. Kelangan i-set aside muna ang mga inarte ng gobyerno para hindi ako mastress. Tsaka OMG, kamusta ang New Year pa ang last post ...
hindi lang ikaw 'yung ganun... ako rin... hindi minasan - madalas nga eh.
ReplyDeletesakto ang kawalan ng pamagat... maihahalintulad sa sabaw moment na walang ibang maisip kundi kawalan...
exactly. kasi nga wala talaga. salamat naman at kahit papaano may normalcy sa ganyang thoughts.
Deleteayan.. 3 na tayo....
ReplyDeleteminsan kahit gaano ka kabusy biglang booooooooommm....
time freeze.. brain fart... tuleley.. then nganga-kain bubog-hilamos lupa ang peg mo...
pero aminin mo.. na yung "masasakit" na memories lang talaga sometimes ang naalala natin?
*bear hugs*
korek! imbey na talaga yang mga negative keme thoughts na yan. pero in away rin ako, may certain painful comfort siya. ewan ko. baliwag bulacan ang peg.
Delete*bear hug back*
hindi lang ikaw 'yun, ako din, gusto kong sumakay sa ulap, parang si son goku, hindi lang ikaw 'yun, madalas din akong tulala sa kawalan. lutang na lutang. nalulungkot, nasasaktan. tayo rin 'yun, kaya apir na lang! :D
ReplyDeleteapir!
Deletenawiwirduhan kasi ako. akala ko hindi na normal ang thoughts na yan.
ganon ako pag walang tulog at ayaw matulog. lol
ReplyDeletehahahaha. thanks teh ha. hahaha. kaso sobra ako sa tulog eh. so kelangan ko na ba kabahan? charots.
Deletehindi lang ikaw yun sis lahat naman ata tayo ganun eh.
ReplyDeletesalamat naman at may iba rin.
Deletetara samahan kita maghukay ng kweba.
ReplyDeletesige. sagot ko na shovel mo.
Delete