Showing posts with label End of the world. Show all posts
Showing posts with label End of the world. Show all posts

Saturday, December 22, 2012

Naiinis Ako Sa...

...sarili ko at hindi ako nakapanuod ng Miss Universe! Eto na nga lang ang once a year na moment na magsasanib pwersa ang mga bakla hindi ko pa nagawa ang role ko (hahahahahahaha). Kasi naman, nightshift ako. Well ok fine, kasalanan ko rin. Hindi ko pinush ang sarili ko para magpuyat para mapanuod ang MissU. Nonetheless, i heeeeyyyyretttt!

Taray may award award na naman na umiikot. Haha. Pero sobrang thanks ateng Pinkline at naalala mo akong isama ang mga tinag mo. Alam mo naman, puchupuch lang ang blog ko. Ano ba naman ang laban ko sa mga sobrang sikat na mga blogger (inggitera). Hahahahaha. Pero nonetheless (magamit lang ang word ulit), salamat teeeeee! 

Tapusin ko lang ang keme nitong Versatile Blogger na to tapos dadaldal ako ng whatever. Intindihin niyo na lang, 2:39 ng umaga ngayon. Eto ang pinaka active mode ng utak ko.


The Rules: 
  1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog.
  2. Post seven random things about you
  3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.
So mukhang sa random keme na tayo? Game?

1. Ayoko ng games sa cellphone. Naiirita ako. Yung mga Angry Birds na yan (yung game lang, pero yung ibang angry na bird bet ko yun), Temple Run (although tinry ko to kaso bigla akong nasawa), at kung anuano pang pwedeng games sa cellphone. Ayoko sila. Yung cellphone ko, binubura ko games. Pero, gamer ako. Mahilig ako sa games sa console. Kaso hanggang PS1 at PSP ang nakarir ko. Hindi na ako nakamoveon sa ibang console (also known as walang pera).

2. Mahilig akong magsulat. Either random, kabaklaan, metaphorical, or prose. Member ako nung college ng Malate Literary Folio (na sobrang effort na org I schwear!). Ano ang Malate keme? Google niyo. Charots.

3. Mahilig ako magdrawing. Charcoal ang medium ko at ink. Ayoko ng makulay. Emo shit ako pag nagdadrawing. Pag nagdrawing ako, ibig sabihin lungkutlungkutan sa kangkungan ang moment ko. Hindi ko kaya magdrawing ng walang iniisip. Kelangan may emotion leaning to negative. (HONGARTEEEE!)

4. Gustong gusto kong nagpapasabog ng blackheads. Nakakatanggal siya ng stress sa akin.

5. Ayoko nagpapamasahe sa likod. Nasasaktan ako instead of narerelax. Tinry ko minsan tapos ang ginawa ni ate, ginamit niya siko niya para kayurin ang lamig lamig ng shoulder blades ko. Puta parang gusto kong tumayo at hamunin ng sampalan si ate instead. Ang ending? Wala siyang tip. Hahahaha.

6. Malupit ang hatred ko kay Justin Bieber, Willie Revillame, Manny Pacquaio, Aljur Abrenica, at Jillian Ward. Gusto ko silang ipagsamasama sa isang kwarto at magpasok ng mga gutom na leon at oso. Ayoko rin ng mga tanga at inuulit ang mga tanong ko.

7. Iba iba ang choices ko sa songs. From indie to KPOP. Labo labo. Pero marami sa mga kanta na nasa iPod ko konti lang ang may alam. Pag may nakita/nakilala akong gusto rin ang mga weird songs na gusto ko, kinikilig ako. Hahahaha.

So ayan. Tapos na. 

Time check. 2:57 ng umaga. So pano ba yan? Buo pa rin ang mundo. Ayoko na makisali at ipoint out kung gaano kamali ang Mayan sa calendar kemerut nila. Iniinterpret ko na lang na kunwari na lang nagkulang sila ng page or bato pag kaltos ng mga dates? Ewan. Pero kung matuloy man ang end of the world, keri lang din. Syempre mas ok sana na wag pero keri lang kung oo. As if naman may choice tayo. Hahahaha. 

Pero sana wag. Marami pa akong gustong gawin. At tikman..... na pagkain. At mapuntahan. Gusto ko pang rumampage sa CA at NY. Gusto ko pang pumunta ng Iceland at magiiiyak sa ganda ng scenery at yung Aurora keme na dun lang at New Zealand nakikita. Gusto ko pa ibigay kay mujayra ang best in daughter alaga at support. Gusto ko pang makitang yumaman ng wagas ang bunso kong kapatid! At ang pinakaimportante, gusto ko pang manakit ng mga puso ng maraming tao. Hahahaha. Joke lang.  So malamang hindi tuloy yan. Marami pa akong gustong itry na position.... sa buhay. Labo. HAHA.

Pero kahit hate na hate ko si Justin Bieber with all my might, ang OA naman ng reaction ng Pinas ha. I ban ba si Justin Kemer? Patulan ang bata? Patola? Ilabas na ang misua eto ang ang mga patola? Ganern ang peg? Bawal magjoke? Kelangan persona non grata kagad? Bawal kausapin? OA I schwear! Hindi mo alam kung matatawa ka ba or mahihiya sa mga decision na ginagawa ng gobyerno. Kaloka. Buti sana kung nagbad mouth si Justin Biebah about sa buong Pinas. But no, boxing lang. BOXING LAAAANNG. LAAAANG. LANG. Boxing is not equal buong bansa. Wag tayong OA utang na loob.

Pero haymzori. Gusto ko pa rin itapon sa buwan si Justin Bieber. 

Yun lang.
Kthanxbye.
Baboo.

-nyabach0i

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...