So pano ba yan?
Happy New Year na ang peg ng mga tao. Time check 10:31 ng gabi. Pwede pa ako humabol sa new year, new kemerloo posts. Charots.
Pero ha, sa totoo lang, malakas ang kutob ko na better ang taon na to. Nafifeel ko lang. Feeling ako eh. Hahaha. Pero di nga. Sa totoo lang talaga. Pero pwera joke, 2011 kasi ang pinakawalang kwentang taon para sa akin. Maliban sa para akong busog na garapata sa sobrang pagkaubey (maubey pa rin ako ngayon pero hindi sing ubey nung mga panahon na yon!), sobrang delubyo ang buong taon na yun in terms of emotional kemerloo. Actually borderline 2011 - 2012 ang lecheng malas mode na yan.
But no, hindi nagpatalo si 2012. Naging better naman siya along the way. Buti na lang. Kaya malakas ang kutob ko, maganda ang 2013. Kasi year of the snake. Wala lang. Mabanggit lang. WAHAHAHA.
Marami akong gustong pasalamatan sa bumuo ng 2012 ko. At dahil nagtotorrent ako ng mga porn sitcoms, imumultitask na natin ang pagpapasalamat ko sa 2013 na mga bagay, hayop, tao, pangyayari, at kung anuano pa.
1. Salamat sa nanay ko. Siya ang ultimate weakness ko. Basta involved ang nanay ko, papatay ako ng tao. At mega megang pasasalamat sa nanay ko dahil sobrang naintindihan niya lahat ng lugmok moments ng 2011 borderline 2012. Sa amin na yun. Charaughtina.
2. Salamat sa dalawa kong kapatid. Yung bunsong baliw at yung kuya kong mukhang patatas. Hindi ko maimagine ang growing up years at present years na wala silang dalawa. At masaya ako na nasa pinas na ulit ang bunsong baliw (kahit mukha na siyang hapon).
3. Salamat kay Porky at Jamba. Kahit lahat ng sweldo ko napupunta sa kanilang dalawa, keribet pa rin.
4. Salamat sa taong araw araw kong kaBBM. Lakas makajowa ng peg natin sa communication pero buti na lang ang pattern ng buhay natin wagas. Life partners na talaga tayez.
5. Salamat sa mga kaibigan kong kasama ko madalas. Hindi na ako nakakaipon kakaalis, kakainom, at kakakain. Pero keri. Ganern ko kayo kamahal.
6. Salamat sa mga kaibigang hindi ko madalas makasama. Kahit hindi tayo nagkikita, nakakatawang isipin na pag nagkita man tayo, parang nagpause lang ang friendship at play. Labo ba? Basta parang walang time at space na naganap. Ewan ayoko na magexplain. Haha.
7. Salamat sa pinagtatrabahuan ko ngayon. Hindi man sobrang mega laki ang sweldo, ngayon ko lang nafeel na sobrang proud ako sa pinagtatrabahuan ko (pero sana one day lumaki ang sweldo ko kasi nagpapalaki ako ng dalawang aso, charots).
8. Salamat sa internet. Siya ang nagmistulang jowa mode sa akin. Sa obsession mode ko sa Tumblr, Twitter, sa 9gag, at kung anuano pa (pornsites yan wag na kayo magisip). Sobrang thankful ako sa sarili ko at binuksan ko ulit ang Blogger ko. Best choice ever.
9. Salamat sa mga sitcom na pinapanuod ko. I swear sobrang wagas ang tulong niyo sa idle time ko.
10. Salamat sa mga kanta na nasa iPod ko. I swear sobrang wagas ang tulong niyo sa commute moments at wala-akong-balak-paistorbo-sa-trabaho mode.
11. Salamat sa mga nagturo sa akin ng mga bagong learnings at nakatulong maghone ng character.
12. Salamat sa mga kinakain ko araw araw. Gluttony mode man yan or tipid mode. Haha.
13. At pinakaimportante, salamat sa mga nakakaintindi ng mga trip ko. Whether kababawan na galing sa bibig ko, tinetext, o binoblog. Salamat. At least alam ko na naiintindihan pa ako at may nakakaappreciate.
Maraming salamat.
Sana ang taon na to ay pasok na pasok sa jar ng bawat tao.
Wala sanang nagputukan sa inyo, not unless ginusto niyo to or fetish niyo to.
Hosha.
Baboo.
-nyabach0i