Miyerkules, Nobyembre 6, 2013

Nakakatibo - Smartass Edition

Hello! Hello!
OMG mashugal na pala ako hindi nagpopost ng Nakakatibo! Kasi naman mas madaling maghanap ng mga poging mga lalake (charoz!). Pero eto sige. Mabilisang post na lang. Sanay naman ako sa ganito.

So bakit Smartass? Sabi kasi nila, dagdag beauty daw ang brainsung. So kung mala diyosa na ang beauty mo tapos push mo pa ang talino mega unfair na devah? So eto ang mga konti sa mga merlat na nakadaya sa pagkakataon.

1. Troian Bellisario
Yes, nanunuod ako ng PLL. Yes, alam ko. Hindi si ateng Troian ang OA sa IQ levels eme eme. And yes, kinahihiya ko na nanunuod ako ng PLL (hindi naman yung OA na subaybay levels kumalma kayo). Pero kasi nakikita niyo ba ang mukha ni ateng Troian? At ang cleft chin niya na mega pang marangya levels? OA devah. Tapos makipagtitigan kayo sa kanya tapos magegets niyo na "ahhhh yan pala ang almond shaped eyes". Bonggels!

So baket andito si ateng Troian. Una sa lahat, OA niya sa pagiging book smart. Yung right side ng brain niya push ang lamang na lamang. Poet, kumakanta, nakakapagsalita ng ibang language, nakakapag musical instruments chuva. OA devah? Peg na peg. 

OA word count = 6

2. Emma Watson
No, hindi ako nanunuod or manunuod ng Harry Potter. No, hindi ko rin siya nabasa. Wala akong balak kaya wag na akong pilitin.
Pero yes, si ateng Emma! Sino ba naman hindi mabibilib sa kanya? Sa kasagsagan ng Harry Potter shooting eme eme, nakuha pa niya na maging straight A student. Parang ako nga, manuod lang ako ng TV on the side hindi ko kayang maging straight A student. Anubah. Tapos dagdag pa ang pretty face with that madayang brittish accent? Dugaan!

Maliban pa dun, isa siya sa makonting nakakakuha ng success sa career na pinili na magka college/university degree. Parang normally di ba, ekis na. Tutal successfull naman na siya. But no. Push niya ang katalinuhan.

At yes, may mga languages rin siyang alam although not conversational levels.

3. Natalie Portman
Kung may madaya man sa mga eto, eto na. Pucha andaya ni Natalie Portman! Mega hotness na nga siya (simula pa nung Closer days), tapos nuknukan sa talino. Would you believe 7 languages??!?!?? Hebrew, English, French, German, Japanese, Arabic, at Spanish! DAYA! DAAAYA!

AT HARVARD?! HARVARD! At eto ay hindi mga basta bastang degree ha, eto ay Psychology. At willing si ate na maligwak sa career niya. Dugaan.

So ayan lang naman.
Wala na akong explanation na gagawin kasi self explanatory sila. Daya noh? (Malakas kutob ko na insecurities ko na to ang dumadaloy sa post na to). Pero wag kayong magalala, excited na ako magpost ng Nakakabading. 

Random Shiz:

- Nakakaloka. Hindi ako willing at hindi ako magiging okay sa paglilipat ng jufisina. No, hindi ako lilipat ng company. Ang company ay lilipat ng office! At eto ay nasa dulo ng walang hanggan! Iheyreeeeeeet.
- Kanina bago ako magpost, sabi ko sa sarili ko, marami akong rants. But no. Nakalimutan ko silang lahat. Pero ang highlight ng ranting ko ay ang Arnold Clavio. Hongbooooostos ni kuya. Pangit mo na bastos mo paaaa. HAHAHA.
- Ay bago ako umekis, anong meron kay KC Concepcion at Paulo Avelino? At connected ba to kay Anne Curtis? Hindi ko magets yung pinaguusapan sa radio kaninang umaga.

So yun lang.
Babooshka.
-nyabach0i

10 komento:

  1. ang daya nga ni natalie portman... tsk... i wanna be like her... hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ako din! i so wanna be like herrr. paunahan tayo. chos.

      Burahin
  2. Naway mapanaginipan ko silang lahat ngayong gabi. Amen.

    TumugonBurahin
  3. Kaasar na natalie portman. Sya na sumalo ng lahat. Ugh.

    TumugonBurahin
  4. Bakit wala ako dyan? Chos hahaha
    Seriously, seriously daw oh, hahaha nakakainggit sila kasi bihira lang ang ganyan na may beauty at brains pa! More likely, magaganda pero hindi matalino at may matalino pero hindi naman kagandahan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. bwahahahaha. engeng picture. chos! pero totoo yan. kaya ako naniniwala na hindi lahat binibigay. may mga exception lang sa rule. haha.

      Burahin
  5. Mga Tugon
    1. kurekk. pero mas maganda ako. joke lang. haha

      Burahin