Friday, May 1, 2020

QUARANTINE BLOG 3

ilang araw na ba? sa totoo lang hindi ko alam ilang araw na tong quarantine na to. pakiramdam ko, isa lang siyang mahabang mahabang araw na hindi natatapos. parang limbo. ganito siguro pakiramdam ng nasa limbo. baka sumabog na pala ang mundo tas limbo na to. ewan.

simula nung nagkaroon ako ng chronic pain, medyo nagets ko kung bakit nagreresort yung iba sa alcoholism or drugs. tempting, yes. gets ko yung point na para mastop man lang kahit saglit? pero gets ko din na magiging malala lang din naman? iba ang motivation ng pain. both physical at emotional pain. marami kang nagagawa or magagawa. pero pano pag combo ang physical at emotional? pwede na ba maging borderline alcoholic nun? joke lang.

at dahil nasa mahabang limbo-mode time tayo, inooverthink ko ang 'what-ifs'. which is sobrang pangit na pakiramdam at definitely bawal gawin. pero as if naman may switch ako sa batok to stop. isa sa mga trail ng 'what-ifs' na yun is ang obvious na what if magkaron ako ng virus na to. dahil magiging isolated ka sa lahat, magiging mahirap magpaalam sa mga tao. at sure ako na pag nagkavirus ako, hindi ako magsusurvive. as if naman ang healthy ko as a person. ang frustrating ng feeling ng ganun. yung sure ka walang kwenta katawan mo. parang sa zombie apocalypse, kung biglang bumangon ang mga patay, sure akong within first 5 min mamamatay na ako. 

nagstop na ako maging consciously manuod or magbasa ng news. hindi siya maganda sa limbo life. maiinis ka sa katangahan ng mga tao. parang magkaiba ba tayo ng pinapanuod? so wag na lang manuod at all. kung may umabot na news sa akin, its either nahagip ko habang nanunuod ng news nanay ko or sinabi sa akin diretcho.

'i miss you' isa pa tong napaka heavy na statement. hindi eto yung 'i miss you guys' moments na sinasabi mo sa friends mo on a random gathering. iba yung impact nung 'i miss you so much' tas wala ka na magawa kasi yun na yung totoo eh. missing someone na medyo painful na? gets mo ba? yung sa sobrang i miss you so much medyo hindi na matino ang effect? may emotional pain na? so pano ba dapat? i miss you then tears? or i miss you tas takbo? or i will miss you tas yun na yun.

ewan.

hindi nakaka 'okay' quarantine.
or mas nakakapigil maging 'okay'.

sorry sa mga makakabasa alam ko ang labo ng mga blogs na to. pero ingat pa rin kayo sa virus.


Saturday, April 11, 2020

QUARANTINE BLOG 2

Sabi sa akin meron akong talent.
Yung i-convert ang any thought to something sad or dark.
Which totoo naman. Sa series ng conversations namin at therapy, marerealize mo nga na oo. 
For example, ang auditions week ng American Idol before.
Dati nanunuod akong ng American Idol specifically yung week na yun. Not because sa singing part. Dahil sa audition part yung part na matatanggap sila. Tas tatalon sila sa saya? Like yung dream nila natutupad na. Favorite ko panuodin yun. Hindi dahil happy moment. Dahil sad siya for me. Kasi naiinggit ako sa feeling na yun at feeling ko hindi ako magkakaganun ever na feeling.

Ewan.

Meron akong distinct memory dati nung college. May some event na required panuodin sa theater sa lumang building na katabi ng building namin. Anyway, parang contest ata siya or whatever? Basta requirement ang manuod. Naalala ko may intermission na dance number. Nakapula sila. Distinctly ko naalala na lahat ng mga kaklase pinapanuod yung isa kasi one, popular siya and second, malaki boobs niya and hearthrob siya. Naalala ko din an wala akong pake sa pinaguusapan nila pero napapansin ko na pinapanuod ko yung katabi niya. Tas meron akong moment na ah, eto siguro yung attraction personafied.

Iniisip ko recently yung palaging sinasabi na "Tell people you love them before it is too late". Parang ang bigat noh? Wala lang. May weird paniniwala ako about saying i love you. Na hindi siya dapat sinasabi palagi kasi mawawala yung value. Pero tama din na dapat sinasabi before may mangyari. Like ngayong quarantine season. Or dark times. Ewan. Pero kasi, do you have to say it? Or show it instead?

Ewan. Feeling ko naman wala din naman babalik. Like an empty shell.

So there. 

Saturday, March 28, 2020

QUARANTINE BLOG 1

Sabi sa akin, magset daw ako ng alarm.
Pwede ko naamn daw hayaan yung utak ko mag.. "darkness" (fine, lets call it darkness) mode.
Darkness mode.
Pero, magset daw ako ng time limit.
Parang I guess para wag magpaconsume.

Kahapon sinearch ko sa Google pano gumawa ng Exit Bag.
Just in case.
Tas within 5 min nagcheck ako ng artworks ng portrait ni Anthony Bourdain.
After 5 min binabasa ko na tag ni Joy Belmonte sa Twitter.
Random.

Alam ko quarantine.
At kasabay ng quarantine na to, pakiramdam ko ang liit liit ko lang.
Parang sa major na nangyayari worldwide, pakiramdam ko hindi valid ang iniisip ko.
Or worse, yung thoughts and feelings ko.
Or sige fine, tanggalin natin yung virus. Parang totoo naman, ang liit liit lang natin sa mundo na to di ba? Parang isip mo, sa mga oras na to na nakatapat ako sa Blogger, may ibang nagcocompose ng buong concerto, movie, or mas importante, chemical composition para sa gamot na sasagip sa madami. Tas ako? Eto nakatapat sa Blogger.
Parang ang bilis bilis lang mag blur ng validity.
Or thoughts ko lang to?

Anyway, ano nga naman ang signs ng call for help?
And pag nag sign ng help, ano nga naman ang expectation na balik?
Syempre hindi mo rin naman pwede iimpose yung concern over you.
Parang pag inextend mo yung kamay mo, hindi mo rin naman eexpect na may kakawak sayo.
Or nasanay lang ako?
Ayaw mo lang din naman na attempt ng outstretched na kamay tas pag may hinawakan ka hindi ka hahawakan pabalik. Parang yung aso ko. Pag hinug ko pumipiglas tas lalayo. To think na sabi nila supposedly nararamdaman ng aso ang nararamdaman mo.

Okay na to. Chineck ko lang kung may Blogger pa ako.
Sabi sayo darkness mode eh.
Ingat sa virus.
...

Friday, March 22, 2019

6:31AM - Skin Stars

She was always quiet
With glistening eyes
And a trace of smirk
On her lips
She had stars on her skin
I can trace constellations,
Galaxies, and wishes falling

On her skin

Monday, February 4, 2019

1:51 AM - REPEAT, REPEAT

flying 20 flights
inhaling that plastic bag air
soaking in your own filth in a tub
wearing that ill fitting necklace
counting until you can't
tearing until you can't
wondering why
no one tries
but you always knew
always knew
how this ends
regardless
just you
in darkness.

Tuesday, January 22, 2019

Ginger Ale + Whisky - 020515

Kausap ko ang buwan ng 5:34am.
Sa totoo lang.
Kanina pa niya ako sinusundan.
Marami ako gustong itanong.
Bakit.
Paano.
Kaso kitang kita rin naman
Na hindi niya alam ang isasagot.
Hinatid ako ng buwan pauwi.
Kasama ko pa rin siya sa paglalakad.
Habang sa pagtawid, dumikit sa akin ang malakas na tunog,
"Ganito lang pala kabilis mamatay"
Tanong ko sa buwan
"Hindi pa ngayon"
Sagot ng buwan
At bumalik kami sa paglalakad pauwi.

Tuesday, November 6, 2018

8:06 AM - Random

alam mo yung nakakatawa?
yung hindi ka nagkulang sa reach out
sabi nila
ask for help
pero
yung masakit dun
either shrugged off
or walang makakagets
parang wala kang boses
pero all the while
nagpapasabog ka na ng flare gun
paulit ulit
pero ok lang
gets ko naman
labo noh?
oh well.

QUARANTINE BLOG 3

ilang araw na ba? sa totoo lang hindi ko alam ilang araw na tong quarantine na to. pakiramdam ko, isa lang siyang mahabang mahabang araw n...