Pagpasensyahan na ang kaartehan ko sa last post. Bawal? (Yes, kinakausap ko ang onteng mga taong nagbabasa ng blog na to). Mehgahnun. Infurness medyo busybusyhan na talaga ang peg. Wag daw talaga ata ako dapat maging makapal. Wahahaha.
So ayun na nga. Mga ilang araw rin akong naflood sa Twitter ng LaSallian account ng mga about sa UAAP Volleyball stuff. E tutal wala ako sa mood magscout ng ilalagay sa Nakakatibo, pupush ko na sa UAAP Volleyball ang search ko. Ayoko na palawakin kasi effort. Sabing busy nga ako eh. Chot.
Infairness sa akin, maliban sa Gymnastics, natutuwa akong manuod ng Volleyball. Patunay kasi sa akin yun na kaya pala tumalon ng babae. Parang realization na dapat nagkikilos ako dapat at hindi naglalamon na parang patabaing baboy ang peg. Same thing with Gymnastics. Yan yung mga sports na pag pinapanuod mo, parang ang lampa lampa mo at wala kang contributions na ginawa. Na parang yung physical effort mo ng 1 month, isang araw lang nila. Devah?
E pano pag maganda na sila, nasa magandang school, tapos athlete pa. Devah unfair na unfair lang sa life ang nangyayari! Hahaha. Dapat pala ata Kinaiinsecure-an Edition to eh. HAHA.
Game? Game.
1. Michelle Gumabao
Ansaveh ng pawis pawis look na yan? Kung ako nanlilimahid tapos pipicturan mo, hindi ganyan kaglowing ang makikita mo. Siguro to si ate kahit batuhin mo ng tae sa face tapos picturan mo maganda pa rin kalalabasan.
Nakakainis di ba? Lakas maka mowdel! At aminin niyo, konti lang ang merlat na binabagayan ng pixie cut. Tatry ko nga yan spottan ko kung bagay sa akin. Mamaya pag nagpagupit ako ng pixie pagkamalan akong may sakit.
ANIMO LA SALLE!
2. Gretchen Ho
ETO PA! Peg na peg ko to si Gretchen Ho! Ganyan kasi ang mga pangarap kong gusto kong mangyari sa sarili ko sana. But no. Binigay lang sa akin ang alindog pero nakalimutan i-package deal ang katawan. HAHAHAHA.
Alam ko mej sikat na to si Gretchen Ho kasi nalilink siya kay Robi Domingo. Tama ba? Akala ko all this time borderline bekbek si Robi Domingo. Soreeeee nemeeeern.
At in fairness kay ate, magaling siya mag volleyball! At intense ang mga game play keme keme nila. At ang super nakakapikon na part, kahit anong grunt face, force face, angry face ang gawin niya, wala. Maganda pa rin siya. UNFAIR.
Ano ba ang version ng Ateneo ng Animo La Salle? One Big Fight ba??
Too late na ba magenroll sa kahit anong sports clinic? Baka sarado na ang mga kasukasuan ko. Charots.
Ayan. Dalawa lang. DLSU versus ADMU. Tinamad na ako maghanap sa ibang school eh. At siguro lang din nagkataon na may laban yang dalawang school na yan nung naghahanap ako. Plus biased searched na rin. E baket??? Hahaha.
So kamusta na kayo? Anong balita? Chismis time na ba?
1. Sa opinion niyo, totoo bang nagselos si Mariel Rodriguez kay Kris? Or isa lang tong nakakairitang publicity kemerut?
2. Ano ang meron sa Cesar Montano at Sunshine Cruz issue? Hindi ko to alam. Narinig ko lang pero wala akong alam na details.
Paki share ang nalalaman niyo diyan. Salamat.
Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i