Infurness sa ipin ko, lumaban siya. So tapos na rootcanal ko at mukhang recuperating ang keme ng ipin ko. Kaso gagastos na talaga ako ng malaki dahil sa whitening keme, braces, at kung anuano pa. Pukelya. Dapat merong loan for this. Magsosolicit na ako ng mga pera. Piso para kay nyabach0i. Lecheng ipin to. Leche.
Teka, tapusin muna natin ang edition na to. Kelangan kong kumalma all over my bodeeeh. Charots. So eto na ang Nakakabading... Nerdy Boyyy edishuuuuunnnnnn. Haha. Ulul. Nerdy boy. Mukhang nerd or very very good boy. May mga mode kasi ako na bet na bet ko dungisan ang pagkatao ng mga mababait na lalake. Mga turuan ng totoong buhay and stuff. Charots. Game? Game.
1. Matthew Gray Gubler
OMG bet ko talaga to. Sobrang lanky ng itsura at sobrraaaang bet na bet ko ang role niya sa Criminal Minds! Best in nerd ang role! Eidetic memory ang peg niya at sobrang nerd na nerd talaga ang effect niya. Binanggit ko ba na nerd siya?
Mowdel tong si kuya before magartista. Rumaramp mowdel. Di ba kasi sa mundo ng mowdelling mas bet nila ang lanky at mega tangkad at wit borta? Ayan.
Plus, director rin siya at photographer. HONDAMING EXTRA CURRICULARRRRRR. I love you Spencer Reid!
2. Adam Brody
Di baaaa?? Promising! At oo, nanuod ako before ng OC. At oo, nerd din siya dun. Aminado naman tong si Papa Adam na lakas makauto ang intellectual looks niya eh.
Water, water, I made lawa on the floor.
At kung fan/kilala niyo talaga tong si Adam Brody, haymzure alam niyo kung paano siya magsalita. Yung parang may lisp na ewan na may weird maneuver siya sa dila niya nakakamatay! At ang mata niya! Pakshet titigan ka pa lang, with matching smile, patay ka na. Haaaaaayyyy.
3. Aaron Tveit
So syempre kelangan ko magcontribute ng napapanahon na kalalakihan. So eto si very fresh and yummy na si Papa Aaron na galing sa mundo ng Les Miserables. Dalawa sila actually na nagpatibok ng puson ko sa movie. Yung hinihitad na pulis nung mujayra ni Eponine na hinawakan sa singkit at etong si Papa Aaron.
Lakas maka nerdy ang theatre actor! I swear! Kulang na lang magballet pa siya para magstalker mode.
At syempre nanghina tuhod ko sa malungkot face niya at grey eyes! Malamang plus fucktor ang singing voice niya.
So ayan na ang tatlong gwapo sa mga oras na to.
Infurness, maganda ang Les Miserables. Sinunod ko ang mga payo niyo at nakipila ako sa mainstream movie. Life of Pi na naman ang next. Maganda ba yun? Pero sorry ha, nabobother ako kay Russell Crowe habang kumakanta. Parang nasa isang area lang yung dila niya at napakaliit yung dila niya? Plus, best in talsik laway si kuya habang kumakanta. At si Amanda Seyfried! OMG, naloka ako. Parang ang ganda ganda niya dun? Kaso medyo pinagdudahan ko ang validity ng sobrang taas na singing voice niya dun.
Nahurt ang puso ko as usual kay Eponine. Nilamukos heart ko at inapakapakan.
So pano ba yan? Si Ricky Lo na ba paguusapan natin? Gravity! Nakakahiya siya I swear. Yung 4 minute ENTERview na yan ni Ricky Lo hindi ko kayang panuodin ng dirediretcho. Nanghihina ako. Pause and play. Kelangan ko pa magcollect ng strength sa bawal nangyayari kasi hindi ko kaya pagsunodsunodin. I swear. Kung sa PhilStar naman pala na interview to, sana si Bianca Gonzalez na lang pinadala. Iba siguro nangyari. Kamote. Maipilit pa si Lea Salonga eh! At kelan ka nakakita ng Hollywood star na nagpuplug ng movie? Hay Ricky Lo. Gusto kitang tapon sa Spratley Island para mapagisipisip niya kung ano ang ginawa niya.
Anong katotohanan na nagdedate si Derek Ramsay at Christine Reyes?
OMG, gusto ko magmigrate sa US dahil sa speech ni Obama. Yung equality kemekeme. I swear gusto kong iwan ang Pinas para sa US. Gusto ko kung pano magisip ang mga bagay bagay. Inspiration! Kinikilig ako na pro equality siya in all aspect. Dapat ganun. Konti na lang mawawalan na ako ng pagasa sa Pinas. Kahit mag serbidora lang ako dun keri na.
At hate ko pa rin si Maja.
Sige na. Next time na ulit.
Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i