Showing posts with label Monica Bellucci. Show all posts
Showing posts with label Monica Bellucci. Show all posts

Friday, January 11, 2013

Nakakatibo - Thundercats slash Magkakahawig Edition

Anong balita sa inyo? Kamustasa? Teka maguupdate ako about sa akin. 1.) Nuknukan ng sakit ng ipin ko. Take note, front tooth. Hindi ko bet tong 2 week waiting period bago bumalik sa dentist. Kaloka. Pano pala ako makakakain, aber? 2.) May mens ako ngayon. O di ba nakakaloka kahit san na lang sa katawan ko may masakit. Masakit kepayla ko. HAHA. Graphic amputek. Second day ko. So imagine niyo na lang ang water works. 3.) Deprived ako sa pagkain. So pag pasok ng alas kwatro ng hapon mahapdi na ulo ko. Gusto ko na lang saksakin leeg ko sa sobrang lata at gutom. In other words, mamamatay na ako bukas CHOTS. --shortened version ng CHAROTS ang CHOTS. 

Thundercats. E kasi thunderbirds yung last. Nyeee baduy amputa. Cougar kasi. 40 years old and above na mga babaitang feel ko maganda or in a way kahit paano maiinsecure ako. Haha. Pero seryoso bet ko tong mga to. Gusto ko pag palo ng 40 (which is 26 years from now) ganito ang hulma ng feslak kiz. 

At narealize ko, ang pumasok sa jar ko ay magkakamukha. So nairealize ko ulit dahil sa realization ko na iisang hulma ang peg ko pagtanda.

1. Jennifer Connelly
Marami akong pwedeng explanation bakit si kumars Jennifer. Pero eto muna ang tanong ko:

NAPANUOD NIYO BA YUNG REQUIEM FOR A DREAM?

Pag oo ang sagot niyo, gets niyo na dapat bakit siya kasali dito. Yup, dahil sa isang scene dun sa bandang dulo. Haha. 

Di ba?? Para siyang mashonders version ni Megan Fox! Although hindi ko bet si Megan Fox kasi lakas makaputa ng disposition sa buhay. Pero kasi, halos lahat ng movie ni kumars Jennifer bet ko. At bet ko rin ang enigmatic at trouble child cougar look na bet mag second chance mode. Labo na ba? Google niyo na lang yung scene na yung sa Requiem. I swear best movie ever. Ay bago ko makalimutan, 42 na siya.

2. Monica Bellucci
Isa pa to. Marami rin akong pwedeng explanation kay kumars Monica. Pero eto rin muna ang tanong ko:

E ANG MALENA NAPANUOD NIYO BA??

Pag oo ang sagot niyo rito, alam niyo dapat. Maraming scene dun. Pili ka ng isa.

Kung si kumars Jennifer ay Megan Fox, etong si kumars Monica lakas makashonders na Leighton Meester. Siguro sa pic na to. Fucktor rin siguro na Italian siya? At nasa Passion of Christ, Matrix at blah blah. Punyeta bakit ba puro movie ang basis ko. Hahaha. Hindi naman ako movie buff. Anyway, nga pala. Pag pinaghalo niyo si Jennifer at Monica, ako na ang outcome. Hawig na hawig ko sila. Charots. 48 na si kumars Monica.

3. Nigella Lawson
Peg na peg ko to! Gustong gusto ko yung trabaho niyang walang ginawa kundi lumafer at magluto. Bet na bet ko ang mga keme niya sa TV! At ang accent ni kumars Nigella. Bet ko rin. At ang namesung. Nigelluuuuh. Lakas maka exotic!

Kung naabutan niyo ang Nigella's Kitchen na showsung niya sa TLC. Matatawa ka kasi best in boobs si ate mo. Tapos mahilig siya gumamit ng cheese grater. So mauumay ka kakashake ng boombey niya. So dahil dun, peg ko siya. Devah, galing na magluto, lapok pa ng lapok, tapos ganyan ang feslak kiz? Gowra na. Umaaccent pa. Boom. Very nyabach0i na talaga. Haha. 53 si kumars Nigella. Kung hindi ka ba naman maloka sa age niya.

So ayun na nga.

Magkaaway raw si Maja at Kim? Pogi ni Gerald Anderson. Etong Maja naman kasi na to hindi nakuntento kay Matteo Goudacheese (baduy amputa). E sabi pa naman nila Italian ang pangalawang race na may pinakamalaking... puso. So pano na ang Ina, Kapatid, Anak? Truelagen na ang fight scenes nila at parinigan? Bonggeyli.

Kadiri ni Chiz Escudero at Heart. May nakita akong picture nila. Gusto kong maligo sa sobrang violated ako sa mga nakita ko. May mali. Tama yung friend ko. Alam ko na kung ano ang wala si Daniel Matsunaga na meron si Chiz. Edad.

Grabe noh. May mga tao talaga na iba ang usage ng mga word. Mapapaisip ka kung ang gamit ba ng word na yun ay totoong meaning? Or escape goat mode. Nabanggit ko lang. Gusto kong magexample kaso tinatamad ako. Pero totoo to. Labo ba? Basta. Parang. Hm. Word na..... jealous. Kunwari used in a sentence na "OMG you are so jealous". Mapapaisip ka kung totoong meaning ba ng jealous ang gamit sa sentence or kung projected meaning ng jealous ang usage? Parang reverse psychology. Ewan. Masakit na sa ulo. Haha.

Uy kung mag suggestion kayo sa Nakakabading, share niyo naman.

Sige yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...