Monday, December 28, 2015

Nakakatibo - Model With A Day Job

Teka, teka.
Nakakatibo muna. Bukas or sa makalawa baka may Miss U post. Or pwedeng wag na kasi umay levels na. Anyway.

Nakakapikon tong mga babaeng ganito. Ang gaganda tapos may successful day job echos echos. So marurule out mo ang shunga siya kasi maganda eme eme. Fine. Ganyan kayo eh. Hinakot niyo lahat eh.

Mikaela Lagdameo

Okay fine. hindi ko alam kung may tipong sikat na product siyang ineendorse. But sobrang ganda talaga ni ate kapikon. Gusto ko siyang balatan ng buhay tapos gawing bedsheet ang balat niya. Hahaha. Char.

Si ate ay broker slash entrepreneur. Nakapangasawa ng golfer so may dash eme na lastname niya. Galing sa pamilya ng model. Nakakainis noh? Pamilya ng model. Samantala sa pamilya namin ang pinapasa highblood at diabetes. Sa kanila modelling genes. Kaloka. 

Pero iniisip ko, ano nga kaya ang wala sila. Naniniwala kasi ako na "You can't have it all". So ano ang kulang sa kanya? Mabaho ba hininga niya? Maitim singit? May alipunga? Anooooo?! ANO!

Alam ko nalink din siya kay Patrick Garcia. Not sure if true.


Anywaaaayyy.
Yun lang.
Gusto ko lang share na crush ko si ate. Para siyang si Heart Evangelista at Maxene Magallona nagsex at nanganak ng Mikaela Lagdameo.
Baboo.
-nyabach0i


Monday, December 21, 2015

Ulap

*Okay. Nagreread ako ng mga random notebooks ko, only to find this written. Tapos ako mismo nagandahan at hindi naniniwala na sinulat ko siya. I totally forgot about it! (Arte ng english, shuta ka.) Anyway, kelangan bago matapos ang taon makapagpost ako ng mga sumusunod, Nakakatibo, isang random, at isang dedicated sa Miss Universe. --- Speaking of Miss Universe, kelangan ko irewatch. As a bakla, it is my duty to rewatch it.



hahampas ang malakas na alon
sa gabing ipinipinta paulit ulit
ng panaginip na minsang nagdaan
lalapit ako at isa isa kong kukunin
mga bituin sa gitna ng puso mo
tanong ang sasambulat sayo
matagal nang naitago ng panahon
lalakad tayo sa gitna ng ulan
bawat patak ng ulan
bawat pintig ng puso
...andaming ulap
parang nabibilaukan ang langit

So ayan. Mga ilang beses ko nireread only to realize na oo nga sinulat ko siya before. Wala lang. Nakakagulat ka past nyabach0i. Kasi first and foremost, tagalog yan. As a conyong tabachoi, you mostly make sulat sulat in english lamang! Anyway, ngayon na medyo may vague memory na ako ng when, why, who mo naisulat yan, medyo nag inarte ka na naman ng burberry light.

Pero ha, since I am talking to you past nyabach0i, can I just say haaaa, can I just say. Shuta ka wag mong kalimutan magsulat ng date sa mga sinusulat mo. Puta ka papahirapan mo pa ako. Nagawa mo nang magdrawing ng inarteng ulap pero noooooo, hindi mo nilagay ang date. Hindi ko tuloy alam kung sa beach mo sinulat yan (which I doubt, ano to romcom movie? coming of age movie?) or nag out of body experience ka!

Okay hanggang sa susunod sa inarte mo.
Arte mo puta ka.
-nyabach0i

Tuesday, December 8, 2015

Firecall at Yahoo Trending

Okay, okay.
So habang inaantay ko tong lecheng pagkatagal tagal na Firecall, magboblog muna ako. SO, what is Firecall you might ask? Bilang isang security person ng IT chenez, ako ang taga pahiram ng power user. Power user equals bumbero. Fire equals malaking issue. Firecall equals pagpapahiram ko ng power user sa kanila. So ayun.

So habang nagchecheck ako ng twitter hashtags, inisip ko kung may Yahoo Trending Topics pa. Apparently meron pa. Apparently may gumagamit pa ng Yahoo as a search engine. Apparently may namomodus pa pala na "Make Yahoo my Default Search Engine". Apparently. Apparently rin, namiss ko boses ni Brian McKnight. Apparently may Youtube si Brian McKnight na mala tutorial teaching kung paano tugtugin ang hits niya. Apparently nalulungkot pa rin ako sa kantang Anytime. 

Anyway.
Sabi ko sa sarili ko, why not buy time at magpopost ako sa mga Trending Topic chuchu ng Yahoo. Just to check kung socially aware ko slash chismosa. And to show proof, eto:


1. Kim Kardashian

TABS' OPINION: Wala akong pake kay Kim Kardashian. Hindi ko rin magets bakit siya naging sikat at naging fashion whatever. Hindi ko rin gets bakit sila yumaman. Alam ko, PA siya ni Paris Hilton at binubully siya nila ni Paris at ni Nicole Richie dun sa reality show nila na The Simple Life. Yeah, yeah. Don't judge pinanuod ko. Kasi ang tanga tanga nilang dalawa. Pero ang point nito is, sobrang low life lang ni Kim nun. As in sinasabi lang nila Paris na pakangkang siya and all. At mukha namang social climber siya kasi pinilit niyang maging friends sila nila Paris.

YAHOO's OPINION: OMFFGGGG. Nanganak pala siya?? Second son?! Whaaaaat. Buntis pala ULIT siya? Hulul??? See ganun ako kawalang pake sa kanya. Wala pa daw name ang second child. Baka East.

2. South China Sea

TABS' OPINION: Well this is a very sensitive issue. Eto ang tanong na hinihintay kong tinanong kay Alma "Pills" Moreno. Baka nacardiac arrest yun or biglang sumayaw mala Loveliness. Or biglang nagtanggal ng pants at magshow off ng tangga.

YAHOO's OPINION: Okay. Pinindot ko. Let me try to summarize in key words. US. Spy. Planes. Singapore. China.

3.Tunku Abdul Jalil

TABS' OPINION: SINOOOoooooo??

YAHOO's OPINION: Awwww. Prince siya ng Malaysia (ata?) na namatay due to cancer. 1990 siya pinanganak. At malupit ang advocacy niya sa animals.

4. Miss Earth 2015

TABS' OPINION: Okay fine. As a self declared transgendered gay man (baklang nakulong sa katawan ng babae), I somewhat follow Miss Universe. Although hindi pa naman ako umabot sa minemorize ko ang winners since nung nagstart. Anyway, I know I will be a failure sa bakla society if I say I don't follow Miss Earth. Feeling ko kasi charoz lang ang pageant na yan. Hindi ko mafeel ang prestige. Chos.

YAHOO's OPINION: Hindi na ako nagatubiling pindutin. Oo na nanalo na Pinas. Pagpasok ko pa lang sa office sinabi na sa akin nga mga bakla. Apparently may memo na kumalat na i-disperse ang information na yan ASAP.

5. Selena Gomez

TABS' OPINION: Natatangahan ako kay Selena Gomez. Hindi ko magets bakit siya bumabalik kay Justin Bieber. Baka sabihin niyo yung nude pic ni Justin. And I don't buy the overhauled Justin Bieber keme keme. Feeling ko charchar lang siya to sell ang album. Anyway, going back to Selena. 

YAHOO's OPINION: Apparently nagdedate si Selena Gomez at Niall Horan the One Direction Guy without the tattoos. So I guess BFF nga sila ni Taytay?

6. EPL Results

TABS' OPINION: Eto ba yung Hair Laser Removal thing??? Ay IPL pala yun.

YAHOO's OPINION: Ahhh ew, Soccer. Sports. No.

7. David Beckham

TABS' OPINION: See picture below
YAHOO's OPINION: Something to do with FIFA. Ew. Sports. No.

8. Tanglin Halt Road Accident

TABS' OPINION: So sabi ko. Ah Tanglin Halt? Sure hindi sa Pinas yan. My guess is... Singapore?

YAHOO's OPINION: YES SINGAPORE NGA! May car accident sa street na yan. Ayun.

9. Rodrigo Duterte

TABS' OPINION: Well, well, well. Marami akong opinion about Duterts. But wag muna kasi hindi pa naman final final na tatakbo siya or kung makakatakbo siya. Ang masasabi ko lang, ang payummy niya. 

YAHOO's OPINION: No, let's not click on this. Siguro naman majority alam niyo na ang laman niyan.

10. Malaysia Resorts

TABS' OPINION: Malaysia Resorts? Like mga resort sa Malaysia? Kung san pwede mag stay?

YAHOO's OPINION: Nyeta tama nga. Like mga resorts na pwedeng pagstayan. Wow maraming pupunta ng Malaysia na nagyayahoo??

SO AYAN!
Ayan ang mga top ten chenez sa mga oras na to.
Sana may natutunan kayo at napulot na aral. Kung wala, issue mo na yan.
At yes, hindi pa tapos ang lecheng Firecall na to.
Shet.
Baboo.
-nyabach0i



Tuesday, December 1, 2015

Ode to Falling Hair

Para sa mga nahulog... na buhok. Kahit san man yan. Basta nahulog.

Palagi kitang iniisip.
Minu-minuto, bawat sandali
Alam mo ba?
Kung gaano ako nahihirapan?
Na sa bawat kita ko sayo
Kahit saan
Bawat sulok
Nasasaktan ako
Binigay ko sayo ang lahat
Ibibigay ko ang lahat
Wag mo lang ako pahirapan
Sa bawat kapit mo sa akin
Sa bawat hulog sa nagdaan
Isipin mo na kailangan kita
Para maging buo ang pagkatao ko
At maharap ang mundo

...Ayoko maging kalbo.
Puta ka tigilan mo ang paglagas mo.

Sunday, November 22, 2015

Nakakabading - Ninja Edition

Yiiiiiiiii. Are you guys proud of me? Post on a Sunday?? Whaaaaaatt ~
Nakakabading post on a Sunday????! Whaaaaaaaaaaaaaaaaaat ~

Pero pero pero pero, before anything else, bago tayo magbaklaan, kelangan niyo iconsider na hirap na hirap ang mata ko recently pag nakatingin sa laptop. I schwear to all gods na meron tumaas ang astigmatism ko. Naghanda na ako ng barf bucket just in case mabiyahilo ako without actually travelling. Kaya doble effort tong post na to! Chos.


1. Lewis Tan


Lewis, lewis, lewis. Lewis. Lewis.
Nakaisip ba kayo kung may kilala kayong Lewis sa totoong buhay? Ako kasi yun ang una kong naisip nung makilala (makilala??? Nagkita kayo in persooon?? No. Nagkita kami sa... dreams. #landi).

Anyway. Matagal ko na tong bet si Lewis Tan. Ieexplain ko wait. Like sobrang matagal na. Isa to sa mga secret crush ko. And yes, maliban sa mga pinopost ko dito, meron akong crush pa talaga na akin lang. Ganun talaga. Sabi sa akin, paminsan nagiiwan ka para sa sarili mo. Charoz! HAHAHAHA. Literal na natawa ako dun. Pukesa.

Si baby Lewis ay napulot ko sa Nivea commercial. Ewan ko kung namumukhaan niyo siya. Siya ang fez ng Nivea Men. Sabi ko, "Hindi na nga ako madalas manuod ng TV. Makakanuod man ako ng TV at commercial makikita ko tong poging nakatapis lang ng tuwalya. This must be fate. This must be."

So using my stalking and google abilities, nahunt down ko siya. Oh Lewis, magkaapelyido pa tayo. Kaso bawal tayo magpakasal kasi same last name. Kahit obvious na hindi tayo magkamaganak.

And yes, I can hear you guys. Nasan ang picture na nakatapis? Wait eto na.





Yan ang love at first sight na pic. Diyan kami unang nagkatitigan habang inuuto niya ako bumili ng Nivea Men na deo. Charoz caldo.








BONUS:

Dahil nga sa sobrang adik ko sa kanya, may mga moments before na sobrang research ang peg ko. Nalaman ko na ninja siya sa totoong buhay. Fine not really a ninja. But ninja kasi martials arts kinembot at katana chuchu ang peg niya. Sabi ko, wow, kung marariding in tandem ako ditash any any kaya niya akong protektahan! #ambitious


LAST NA BONUS:



BOOM!















Ok sige kelangan ko na maligo.
This post is ligo worthy.
Marami akong gusto sabihin sa mga post pero eto abs abs muna tayo.
Baboo.








Thursday, November 12, 2015

30 Things You Know To Be True

Okay, okay.
It's the time of the year to be existential. Pero aaminin ko fine, inisip ko kung totoong existential ang adjective version ng word na yan. A part of me inisip na existentialistic. Hahahaha.

Anyway, sa mga panahunang ganito, marami akong naiisip. Realizations and shits. Hindi ko alam kung drama ko lang ba to sa buhay, pero at times like this, mahilig ako magcompare like 2 years ago, 5 years, 10 years, keme keme. Pero sabi nga nila, why look at your past? Para san? Magsulk? Maggloat? No! So eto, gagawa akong listahan ng mga bagay kung ano ang tingin kong totoo! Para next year, may reminder ako or may pwede akong i-cross reference. Plus, adik ako sa lists devahnga? Kelangan pa ba ulit ulitin yun?

1. May power pa rin sayo ang Poetry and/or Music
2. May magic pa rin sayo ang Metaphors 
3. Description mo pa rin ay: "Uniquely Weird"
4. Ang mantra mo pa rin ay: "Do Good, Be Good"
5. Cynicism and Skepticism ay dalawa sa salitang pasok sayo
6. Nawala na ng tuluyan ang Pinoy Pride mo
7. Nakapause pa rin ang creative side mo which wala kang sinisisi kundi sarili mo
8. May something ka pa rin sa clouds
9. Hindi ka na naniniwala sa Astrology at Horoscope (Thanks Nat!)
10. Sure kang hindi ka Atheist, mapaguusapan ang pagiging Agnostic
11. Okay ka na sa career mo now
12. Speaking of career, NCO pa rin ang the worst job you ever had
13. Hindi ka na nagyoyosi. Ayaw mo na rin ng amoy nito
14. Tonsillitis pa rin ang sikat sa sakit mo
15. Guilty pleasures pa rin ang guilty pleasures mo
16. Fast learner ka in fairness sayo. Look at you! Look at you!
17. Natuto ka na rin ng concept ng "Earn Hard" kahit ka pa rin mayaman
18. Nabawasan ka ng mga tao around you so medyo nakakahinga ka na ngayon
19. Naniniwala ka sa concept ng Life Partnership
20. May mga bagay na hindi mo talaga naexplain, maeexplain or ieexplain
21. Naappreciate mo ang walking around
22. Umiinom ka na ng kape. The blacker, the better.
23. Kaya mo makipagsabayan or higitan ang mga bagay na wala kang pinagaralan
24. Registered voter ka na finally
25. You finally have goals in life. Short at long. Parang bond paper
26. Keeping a handful of people in your heart is the best thing you ever did
27. Ikinagulat mo na magiging pet lover ka pala
28. Ayaw mo pa rin ng kinakalabit ng sunod sunod
29. In a way, mahal mo pa rin ang darkness in you
30. If at times you pause and think, paminsan napapangiti ka pa rin kung nasan ka na ngayon.

In fairness!
Hindi ganun kadali maglist ng 30 na bagay bagay ha. Sure ako na pag nireread ko to after a week, may hindi na naman ako magaagree. Ganun daw di ba? Change is constant so why practice? Huh? But but but, kung may pinapaniwalaan ka man ng higit higit, naniniwala ka pa rin na bakla ka talaga nung kabilang buhay. Charoz. Naniniwala ka rin na makakanta mo ng walang mali ang Narito Ako ni Regine Velasquez. Charoz another!

Pero on a serious note, you may have 30 things in your life now, pero kelangan mo maisip na wala sa listahan mo yan. I mean pwede ako maglagay ng 20 lang, 50 more, or whatever. Pero, ang tanong kung okay sayo ang nandyan. Labo? Oo nga eh. Pero ayun.

Promise magpopost na ako ng Nakakabading.
Osha!
-nyabach0i

Thursday, October 22, 2015

CAN'T

I always wanted to die.
Grab life by its rope,
Meet the end of the horizon
Of murky blue and gray

I often wondered
What's written beneath my skies
Flew my mind of many masks
Of nothingness and blank pages

This is not what you thought you know.
Or what you thought of;
When my words heard
Like wind rushing in window panes



And if you learned a thing about it
Something that you want,
Is something that you always
Cannot.

Friday, October 16, 2015

Destress, Destress, and More Destress

See what I did there? Aminin niyo ang witty ng may continuity na title.

So one might ask, "nyabach0i, how do you destress? You always complain about stress but do you even destress? Do you? Do you? Do? You?"

The answer is HELL to the YEAH.

At dahil nasa gitna ako ng stress like now na now na now na, I reremind ko ang sarili ko how I destress para macounterbalance ang post ko a month ago. At dahil ayoko na magisip dahil madederail ako, ano ba naman ang ituloy na naman ang enumeration di ba?

*Sidenote about enumeration: Naalala ko nung elementary -> highschool years, pag nakakakita ako ng enumeration sa exam, nadudugaan ako sa teacher. Parang sa gitna ng pagsusulat ko ng Name 5 Parts of a Flower or Name 10 Saints, nadudugaan ako. Parang feeling ko tinamad ang teacher. Favorite ko ang 3 main parts ng Computer dati. Ang broad di ba? Pero ang sagot daw diyan, Monitor, CPU, at keyboard. E what if ang sinagot ko, Motherboard, Power Cord, at Video Card? Mali pa rin?

Number 1:  PAGKAIN


I will be failing my tabach0i self if I don't stress eat.


Before fine, isasama ko ang drinking. Pero for some weird reason, naekis ko ang binge drinking and chain smoking. So I could honestly say, ang bisyo ko ay foodamba.

My main mantra in life ay: "Tipirin mo na ang lahat wag lang ang pagkain"

Number 2: MUSIC



Wait, wait. Basahin niyo muna to. Okay fine, MUSIC ay napaka general. Kelangan ko ilagay na I listen sa mga solo pag naiinis na ako sa stress or sobrang stress na ako. Drum solo, guitar solo, piano solo. Ako na old soul, ako na. Not that you asked, kaya ko makinig ng Moonlight Sonata 1 to 3 na nakaloop at kaya ko makinig ng Sungha Jung on repeat. If I am really really reaaally mad, I listen to Nobuo Uematsu. Hindi niyo siya kilala? Siya ang composer ng Final Fantasy soundtracks. And yes, not that you asked too, kaya ko umiyak on cue sa Aeris' Theme. #geek #nerd

Number 3: STAND UP COMEDY



While working, I usually stream sa background ang comedy shows or stand up comedy whatevs. I love this! Nacacancel out ang galit ko sa work. This is the best discovery I ever made. I like to think na frustrated stand up comedian ako. I listen to Russell Peters, Amy Schumer, Gabriel Iglesias, lumang Ellen Degeneres, Louis CK, Kevin Hart circa before sikat, and ang pinaka bastos na si Dave Chapelle.

Number 4: FASHIONPULIS

HAHAHAHAHAHA. Showbiz chismis is the shiz! Para paminsan matuwa ako sa life choices ko, nagbabasa ako kung gaano kawalang kwenta ang life choices ng mga artista. Lalayo pa ba ako e may fashionpulis naman na? Plus grabe maghalukay ng sex scandal si fashionpulis. Kilala niyo yung last? Ako oo, may uncensored version ako ng picture.

Number 5. YOUTUBE

Natalie Tran is my spirit animal. My BFF. My soulmate.

Hindi ako masyado nahook sa mga hyped Youtuber. But etong Nat Tran na to pakshet. May mga time na hindi siya frequently magpost kaya napipilitan akong manuod ng iba.

Kung wala si Nat, I cheat on her by watching Rhett and Link, Pewdiepie (for my gamer heart), and Wongfu Productions (for my emotional heart).

You might state the obvious, bakit wala Aldub? Here is the answer, its a guilty pleasure. Shhhhh. Wag kayong maingay. Cocombohan ko pa ng PLL and some korean reality TV. Shhhhhhhhh. Be cool, don't judge.

In fairness! Nagenjoy ako gawin ang post na to. Now I am ready to be stressed again.
But to be honest, nagutom ako. Because of number 1 pic. And on that note, kakain ako.

And salamat sa Bloggys nominations kung sino man kayo. And of course, THANKS Asyang!

Yun lang.
Baboo.

-nyabach0i

Wednesday, September 23, 2015

Stress, Stress, and More Stress

I don't really want to talk about it...

Taraaaaaaaaay! Daming inarte ng sentence na yan. But no, we will talk about it. By we, I mean me, and by talk, I mean type.

Umabot na ako sa point na hindi na ako magugulat kung mananapak na lang ako ng tao or kung aabot sa point na pupunta ako sa mountains at maging ermitanyo for like a month. Ewan ko. Baka age? Baka yung workload? Baka yung people and comflicting ideas? Daming hanashi!

Anyway, kelangan ko lang i-compartmentalize lahat lahat ng stress ko sa isang lugar. Parang listahan. Sabi kasi nila, pag iniisa isa mo, you realize. When you realize, you accept. When you accept, you believe. When you believe, there can be miracles. Who knows what miraclessss you can achieveee! When you believeee, somehow you willllllll. From my favorite philosopher Whitney Houston.

So we will make a list. Para sa ending, malalaman ko kung gaano karami at matakot ako sa heart and mind ko. Chos!

1. Work
Well hindi work in general. Specific part lang ng work. Fine, masaya kung sa masaya. Fulfilling. But still, may part talaga na hindi mo maitatanggi na mabuburnout ka. Hindi na bago ang may nalalayoff sa work. E nagkataon lang naman na dalawa sa mga counterpart ko agad agad tinanggal. Ni walang goodbye na nangyari. As in, announced, nawalan ng accesses, then boom. Ako na naiwan sa pinakamatagal. Fine, test of skills keme keme. But no. Eto ang stressful part. Ang pinalit sa mga nalayoff, mga shungabels. Like impostor levels. Hindi ko maintindihan pano nahire at pumasa sa interview ng both techinical and non technical. So kamusta naman ang double the effort, double sa chocolate fudge. Hence the stress.

2. Schedule
Ok medyo nauto ko kayo at related pa rin to sa work. Pero kelangan to hiwalay. Kasi hindi na kaya ng puso ko na najejetlag ako ng hindi ako nagtatravel. Just imagine. Night shift ka. Sasabihin sayo ng night before na "Uy pwede kang pumasok ng hapon kasi may sandamukal kang meeting?" or "Uy pasok kang umaga may training ka". Sige fine, may choice ako. Pero parang clear choice kasi. Kumbaga, trick question. So yeah, jetlag. Hence the stress.

3. Hairfall
At this tender age of 2*, ang hairfall ko malala. Chemotherapy levels. Pwede ako gumawa ng pin cushion everyday. Shutanginabels. Yes, alam ko part ang stress sa hairfall. Pero pano to? Stressed ako sa hairfall so nagkakahairfall ako? So endless cycle? So kalbo na ako? And yes, nagpanic buying na ako ng mga mahal na hair products. Keme protein chorba. Organic keme keme. Biotin chuvaheyhey. E-K-I-S! Hence the stress.

4.Traffic
Nakatira ako sa Juranaque at pumapasok ako sa QC. Nawawalan ako everyday ng 6 hours just to commute back and forth. Madami na sana nangyari sa 6 hours. Nakapanuod na sana ako ng 9-12 episodes ng favorite kong series, 3 movies, nakapagnap AND nagising AND nakapagCR AND back to napping, nakapagcrosstitch, nakapagpaopera at natutulog na sa recovery room, nakabili na ako TV sa Abenson at nakauwi at bumalik ng Abenson para iparefund kasi sira etc, etc. Hence the stress.

5. Pera
Pera is always a stressor. Hindi na to kelangan ielaborate. Hence the stress.

6. Politics
Hindi ba kayo natatawa minsan sa kacheapan ng politics ng Pinas? Pero mas nakakatawa na nananalo pa rin ang obviously ekis. Ewan. As if naman gumagana ang abstain dito. At nakakainis paminsan na pag may nakausap ka na sobrang ekis ang point of view about it. Syempre hindi ka naman pwede magpangaral bilang syempre opinion niya yun blah blah. Pero di ba? It's the same scenario pag sinabi ng someone na bibili siya ng Brand X kasi magaling daw pero alam mong mas nakakaputi ng t-shiretang Tide. Basta. Hence the stress.

Okay fine. Wala na akong maisip. At naiirita ako na nagend tayo sa 6. Pakshet sa ending na even number at may butal. Pero fine. 6 stressors. You might be thinking, 6 lang yan ate gurl. Babaw lang yan ate gurl. Complete pa biyas mo and all that inarte rebuttal. No. I will not accept that. Wag niyo na ipilit idagdag sarili niyo sa 7. Chos! Pero pwede rin naman na hindi ko shineshare lahat. Pwede rin naman na mababaw ako. Either way, stress siya. Hence the stress.

Buti na lang talaga maganda ako. At kahit papano pag nakikita ko sarili ko sa salamin, naiisip ko maswerte pa rin ako. Chos!

Teka maghahanap akong sasapakin na tao para kumalma sa stress.
-nyabach0i


Sunday, August 30, 2015

Nakakatibo - Okay Fine Tig Isa Na Lang Talaga Edition

Ako na. Ako slightly consistent magblog. Bigay niyo na sa akin. At least di ba, kaya ko pala patunayan na kaya ko pala. Or baka may factor na gusto ko lang mareact sa mga national events recently? Well baka. Or baka kasi sobrang malala lang talaga girl crush ko? Pwede rin. But still, hooray for posting madalas. Ako na. Keclaim ko na to. Claim et!

KANG HYE JUNG


Teka, teka. Bigyan niyo ako ng time to explain. No, I don't watch Koreanovela. But, but, but. May kinaadikan akong isang reality show na korean (#dontjudge). Yung Return of Superman / Superman is Back (whatever ang totoong translation in English). Anyway, its a show na about sa mga tatay na 48 hours wala yung nanay iiwan ang mga bata sa kanila. Tapos ayun tadtad ng camera ang bahay nila para madocument kung pano makakasurvive ang tatay without the nanay.


Anyway, si Tablo (which is idol ko na rapper ng EpikHigh) ay kasama before dito. Etong si ate ay asawa niya. Naiinis ako kasi sobrang ganda ni ate. Not korean looking first and foremost, walang bahid ng plastic surgery, tapos palagi lang siyang mukhang basura sa show. Tapos ang nakakapikon na part, yung mukhang basura niya, pakshet maganda pa rin siya.

Plus, may sayad si ate. Very hip and wala siyang ginagawa kundi pagtripan yung asawa niya. Hence, gusto ko siyang balatan at suotin ang balat niya. Ipepeg ko to pag nagkasawa ako, which will never ever mangyayari. Well, ipepeg ko na lang ang disposition niya in life na siraulo lang siya. Love et. Baliw na hot na babae for the win!








Ayan second picture to prove na ganyan lang itsura niya palagi. Daya amputa. Sarap busuhan ng asido.












So ayun na nga.
In fairness nakakatempt magreact about sa mga nangyayari recently. Sabi ko nga sa kinausap ko (nakalimutan ko kung sino), sana pwede itrade ang citizenship. I schwear, willing ako maging low life sa isang nordic country. Kahit taga linis lang ng isda. Maging Icelandic, Swedish, blah blah lang. Leche. But no, hindi ako magrereact sa post na to about Pinas ganap. No. I'll save it for later. Masyadong maganda si ate sa taas para dun.

Yun lang.
In fair, wala pang 3 min ang post na to. Kasama na ang downloading ng pics.
Mediocre.
Baboo.
-nyabach0i

Tuesday, August 25, 2015

DISAPPEAR

Talked to the moon at 5:34 AM.
She showed me a girl with a grey face.
Blurred in time.
Buried in blank faces.
Swimming in oceans of silver-lined clouds.
As I pondered realization
And painted rain clouds over my tears.
I asked if I can swim with the clouds.
And disappear.





The moon said no.


Tuesday, August 18, 2015

Naniniwala ka ba sa forever? #ALDUB

Before anything else, I like to put it out there na fan ako ng Aldub. Primarily because of Maine Mendoza. And because mukhang eto ang usong uso ngayon, baka kasi iniisip niyo ano nga naman ang opinion ni nyabach0i about Aldub? Well you are just in luck. Dahil magdededicate tayo ng isang buong post para sa Aldub!


YEHEEEEEY!

Okay fine. Napulot ko si Maine Mendoza sa mundo ng viral Dubsmash videos. Sa samdamukal na lumaganap, sa kanya ako tuwang tuwa. Mas lalo na ang Kris Aquino ones. Benta nung mga Feng Shui clips kasi puta. Dentonnn! Ingriiiid! AAHHHHHHHH! And that didn't stop there! Umulan pa ang Dubsmash niya. So sabi ko, infair kay ate, may chance siya maging artista like for real real. Aminin niyo, may fez siya compared to other Dubsmasher. Devah?

So ano nga naman ang opinion ko? Eto:

Hindi ko kilala si Alden Richards. Hindi ko alam na may Alden Richards pala. Wala akong alam na previous shows, movies, recording contract (if ever), commercials, or kahit sex scandal. Waler. Waley. Nakilala ko siya, no not sa Eat Bulaga at sa kairitang That's My Bae (but what is bae really? ---next time natin pagusapan), but sa isang araw na kinilig si Yaya Dub nung zinoom in ang mukha ni Alden na nanunuod sa kanya nung nasa All for Juan, Juan for All si ate gurl. Yes I am taking about the Problem Solving July 16 episode).

So naniniwala ako, na kelangan magpasalamat ni Alden kay Maine. Ng Malala. As in ng wagas at taos puso. Nagkaroon si kuya ng name (or ng career) dahil kay ate Maine. Naniniwala ako na kelangan niyang jowain si Maine ng totoo. Kelangan niya rin magpasalamat kay Maine na hindi niya kinailangan na gumawa ng sex scandal para lang makilala ko. At pinakaimportante, kelangan niyang kembangin ng wagas at walang pagaalinlangan. As in yung baldado levels. 

Pa-thank you man lang.

Yun lang opinion ko.
#AldubSaTamangPanahonnaKembangan

HAHAHAHAHA!
Charoz.
-nyabach0i

Friday, August 7, 2015

DREAM WEDDING

Para ito sa mga kinasal na shotgun wedding. Hahaha. Joke lang. Well fine, to be honest #realtak, this was written para sa kilala kong kinasal na madali pa sa alas kwatro ang nangyari. So there, inspiration eme eme. 

Kung nakakarelate ka, this is for you.

I have always dreamed of that glittering aisle I would walk in.
Slowly, I told my little girl self.
I will be walking slowly.
And as I walk, pictures of good memories would run through my mind.
I will stop at the middle.
Close my eyes and smile.
There at the end of the aisle,
a blurred vision,
of my love.
My future.
I have already walked my aisle.
Two months ago.
My eyes are still closed.
Visions of what could have been
Slowly blurring away.
I will keep my eyes closed.
To keep my tears inside.

Saturday, August 1, 2015

Shokot Borokot Nyorokot

Prologue: Charoz lang sa prologue.
Okay fine! Walang blog na maliligwak ever! Tama nga kayo, konti na lang tayong blogger. Sino ba naman ako para maginarte at burahin na naman tong blog ko. Staying power! Wooo!


Kakagaling ko lang sa Boracey which is where the cool kids at. Correction, where the main office of United Colors of Benetton at. At habang sa saliw ng Tonsils kong polka dots sa nana at sa lagnat kong mala MersCov, napaisip ako ng mga bagay bagay. Feeling ko kasi matitigpay na ako sa Departure Area kakadelay ng Cebu Fuck. So ano nga tong post na to? Para san at bakit kelangan niyo malaman? Well guys, let me explain sa susunod ng stanza.


Stanza?! Kanta?

Habang nakatulala ako sa kawalan at inaantay si flight 5J599 na maganap, inisip ko ang mga choices ko sa buhay. Alam mo yun, nagfaflashback na ang buhay ko right before my very eyes sa saliw ng chills ko. Kasama na rin ang fears ko in life. Factor dito kasi ang barko, ferry, bangka ride na magaganap from Jetty Pork to Boracey (will explain in item #3). Narealize ko na bawat tao, may not-so-weird-weird fears. Irrational fears? Basta. Apart na nagstart to thinking about my great great fear like death ng mahal buhay, malibing ng buhay, etc, etc. But not yan. Legit fears yan. At mga painarteng Phobias give ko na rin. At dahil gusto ko mag paka vulnerable mode and dear diary mode, seshare ko sa inyo. And of course, to remind myself.

NYABACH0I'S TOP 5 FEARS IN LIFE (TEN-TEN-NE-NEEEEEEN!)


1. MAPUNTA SA LOOB NG KOTSENG KUNG MAGSWERVING WAGAS OR ALSO KNOWN AS MAINVOLVE SA ROAD ACCIDENT



Hindi ko to kayaaaaa! Eto ang number 1 fear ko talaga (well again, apart sa mga pinagsasabi ko sa taas).


Kung bibigyan ako ng option na malaman ang future, aalamin ko lang ang isang bagay. Kung paano ako mamatay. Yan ay para lang masigurado na hindi car accident or any road vehicle related keme! Kahit ano wag lang car accident!

Pakiramdam ko sa bawat swerve tumatalsik kaluluwa ko! Tapos combohan pa ng swerving na kotse tapos inaantok antok si kuya driver! Mauuna siya mamatay sa akin puta siya!


2. TUMAWID

Ok fine. This is just related to number 1. Parang deconstructive car accident lang ang nangyari. Fine.

May malaking factor dito ang main reason na ilang beses na ako muntik nang masagasaan. Pero ang pinakamajor na muntikan mabangga incident ay ang involved ang truck. Give ko kay kuya truck, hindi siya nagkulang ng busina. Sadyang naka MP3 player ako nun sa saliw ng body bumpin' music. So walang narinig si nyabach0i. Ang ending, umakyat sa gutter ang truck para iwasan ako at wit mategi.

So ayan, major fear na siya in life. With or without PedXing, takot ako. Kahit malayo ang kotse, pag meron at wala akong kasama, may onteng stroke moments talaga. Ayoko maging road kill.


3. TUMAWID NG KACHEAPAN NA WOODEN PLANK PARA MAKASAMPA SA BANGKA


I hate that lakaran. I hate et! Providence na sobra ang feeling. Plus, kung maalon, sure na maooverboard ka. Tapos imaginin mo na dala mo bagahe mo or tapos buhat mo ang anak mo. So pano ka na pala tatawid?!??

Ok fine! As a tabachoi, nakakakaba to. What if nabale? What if naout of balance ka? What if hindi ka kaya alalayan ni kuya bangker (Bank = banker; Bangka = bangker).

But actually, ngayon na iniisip ko ulit, yung issue dito yung fall mismo or ang maoverboard. Kasi makikita ng ibang tao na nagpagulong gulong ka. Auto sira ng reputation. 

So again, dahil kelangan mo nga tumawid from semento going to ferry or kacheapan na bangka para makarating to Boracey, so ayan nagtrigger si fear number 3.


4. MALAGLAG PABABA NG STAIRS

Ok fine. Let us state the obvious, walang may gusto malaglag sa stairs. Same thing as above na may "overboard" moment at out of balance something something fine. But hindi yan ang reason ko dito.

Ang fear ko is the fact na magtutumble ka from above going down. Meaning, mahaba ang pain thougts mo. Uh! Ah! Uh! Ah! Uh! Ah!

Gets? Haba ng pain na yun di ba?




5. MAKASIRA NG MONOBLOC CHAIR


Side kwento. May officemate ako na matangkad na mej malaki. Nakasira na siya ng tatlong office chair. OFFICE CHAIR. Like legit office chair. Sikat na siya. Parang maririnig mo na lang na may mababasag na malakas, then true enough, sira na ang office chair.


Real kwento. To be honest, hindi pa ako nakakasira ng Monobloc. Maniwala man kayo or hindi. Siguro hindi pa ako tabachoi enough. But I guess dahil sa sobrang fearful ko about this, kaya ako cautious about makasira ng Monobloc.

But seriously, never. Neveeeer.


Now that I have shared parts of me, edi inyo na.
Charoz.
But anyway, I just feel like sharing.
And for more sharing, nakikinig ako ng Resentment ni Beyonce. Bakit hindi ako si Beyonce? I mean kaya ko naman ang sing and dance. Teka try ko.

Okay I partially died. But still, why am I not Beyonce? Why?
Ah, alam ko na. Kasi hindi ko gusto lips ni JayZ.

Okay fine. Ayoko na maging Beyonce.

Anyway, yun lang.
-nyabach0i

Sunday, July 12, 2015

Oo Nga Naman May Phone Option...

...nga naman pala!
Palagi kong nakakalimutan na pwede mga pala magpost gamit ang cellphone. Edi sana inaraw araw ko ang pagpost dito, shet.

Kanina pa ako nasa kama, like parang breaded porkchop na paikotikit sa kama (bale sa scenario ng breaded porkchop, kama=harina). Habang pagikot ko, nagiisip ako ng what ifs about my blog. E dahil nasa mood ako, ano ba naman ang ishare. It's not like mapipigilan niyo ako. Chos!

Nyabach0i's Blog What Ifs! (Ten-ten-ne-neeeeen)
1. What if bigla kong ginawang food blog to?
Well medyo legit nga naman ang tips dahil tabachoi ako. But ang tanong, masusustain ko ba? May magbabasa ba? (Nope walang nagbabasa ng blog mo, shet). Plus the fact na hindi ako mapicture na tao. Shet.

2. What if bigla kong ginawang artsy-fartsy blog to?
Another legit fucktor to kasi I write inarte like in super english conyo bonana assumptionist BS Business Admin mode yah know yeah yeah yeah. But still kasi, ang underlying fuckt dun ay, may magbabasa ba. Another is, pag nireread ko ba, hindi ako mandidiri. May ganung mode ako kasi. Na kelangan lahat ng post ko dito, reread friendly.

3. What if bigla kong niligwak ang blogger ko?
Ok fine ok fine. Medyo nga kasi busy ang ate niyo. What if inekis ko to all together? Ano na mangyayari sa akin? San na ako makikipagbaklaan virtually? Kelangan ko na ba mag Grindr? Pero kasi, lezbehonest, majority ng utaw sa blogger nawaler na. Naiwan na lang ang mga powerhouse and foodblogs. Nawala na yung mga ginagawang dear diary ang blogger circa early 2000. What if jumoin na ako? Shettty ang hirap ng what if na to.

So ayan na ang mga agam agam ko in life. Fine not in life but in blog.
Osha, matutulog pa more pa ako.
Mamase, mamasa, mamakusa.
-nyabach0i

Friday, July 10, 2015

Nakakabading - Okay Fine Tig Isa Na Lang Edition

I know. Umasa kayo, umasa ako. Umasa tayo sa isa't isa. Ganun naman palagi di ba? Mangangako ako tapos iiwan ko kayo na parang alcoholic na tatay niyo. Ako na! 

Charoz.

Sorry naman. Tinatry ko. Totoo. Kaso may problema ako sa commitment.

Charoz another.

Anyway, gusto ko lang i-share ang pogi of the month ko. Yes, yes. Isa lang. Ganito kasi. Masyado nang mahirap maghanap ng tatlo. Effort. Plus, tainted na ang waters. Kasi marami na sila plus ang fact na marami akong inarte na criteria for judging (like kelangan hindi mega sikat, kelangan may certain level of wetness, etc). Gets? Okay sige na. Wag na kasi kayo magtampo.

Manolo Gonzalez


Korekkkkkkkkkk!

KOREEEEEEEKKKKKKK!!
Ang poging poging anak ni Sofia Vergaraaaa!

I know! I know! O di ba ang sarap? Deadmahin niyo na lang ang boses ni mujayra. Pero masarap siya promise. 

Pag magkatabi sila, I have to be real #realtalk. Inakala ko before na jowa niya si Manolo baby. Kasi akala si Sofia ang kasing level nila Madonna na bet ng mga baby snatching. Kaya imaginin niyo na lang ang loka ko na anak pala niya to! (But I must admit, ang sarap din ni Joe Manganiello. But not my type of ulam.)

O go, google na si kuya.

So ayun na nga. Now na meron na kayong wetness trigger, kamusta na kayo? Anong ganap sa mga buhay niyo? Ako waler. Ngangers. Busy but ngangers. Pinaka ayokong feeling yan. Ngangers pero nuknukan mo ng busy. Isipin mo na lang ang mga doktor at mga the likes. Busy but medyo relevant? Gets? Ah basta.

Wait wait wait. Katakot ang news about sa malalang earthquake devah?! OMG!

Yun lang.
-nyabach0i



Friday, May 22, 2015

"I Wish I Knew How To Quit You"

BABALA: Ito ay tamang seryoso lamang. Makarelate edi better. Minsan kelangan ko rin patunayan sa sarili ko na kaya ko magsulat... from the heart. Tharay!

I have been feeling the same thing.
Consistently.
How long has it been?
Five?
Ten?
It is stupidly hurting how when I look straight into you,
I both feel alone and falling at the same time.
Consistently.
Waiting for that god damn falling star to pass by me.
And I'd ask for the same thing,
Over
And over.
Again.
Until my feelings would be in a loop.
Like this same mushy shit song in my ear.
Passing through like the cough I can't get rid off.
Whenever I feel what I shouldn't feel.
I choke up.
And die a little inside.
And wish that you will be the one who saves me in the end.

"Don't be alarmed,
No don't be concerned.
I don't want to change things
Leave them just as they were"

I wish I could put words in the beating of my heart.

-nyabach0i

Saturday, May 16, 2015

Vitamin Boost Immuniboost Apple Chenelyn

*Pakatandaan na magboblog ako habang nakikinig ng kantang My Boo ng Ghost Town DJ's. Sa mga oras na to kumekeme na ang bayo ng mga drum (no, not bayo ng etits). I-chachallenge ko ang sarili ko na matapos ang post na within the buong song. Papatunayan ko na mabilis magtranslate ang utak ko sa motor skills ko. Ansaveh ng motor skills?!

Kinabahan kayo sa title. Lakas maka paid advertisement. No. Sino naman magbabayad sa akin magpost. Maliban sa once every quarter lang ata ako magpost. Fine, once every half a year. Biyearly? Mag ganun ba? Bisexual? Sino? Hoy chismis yan. Going back to the title. Anong relevance? Wala. Yan ang drink sa tabi ng table ko. No, hindi ako papakita ng visual aids. Nakakatamad. Tsaka hindi kasya sa kanta.

Anyway, what has been happening? Nagkaroon ako ng secret pregnancy. Charoz. Wala. Nganga. As in N to the G to the A remix. Ngangers. Well fine, busy sa work. Ganun talaga pag nasa prime years ka ng 22 years old. You have to have a career. Charoz. Hindi sa age, kundi sa career. Another charoz. Labo ko noh? Nakakapressure ang My Boo na to puke first chorus na.

Sexlife? Wala rin. Sabi ng drought season sa kepay ko, makisama daw siya. So tuyo. Kinabog ang Tuguegarao. Speaking of Tuguegs, mainit daw bukas dun. Kayang pumalo ng 40 degrees. Last time I checked, dengue levels na yun. Ang masasabi ko, go na ng RITM. 

Pero kasi, ano nga naman ang motibo ng post na to? Kelangan ko lang mafeel ulit. Parang bumalik ako sa virginity ng pagiging blogger. Hindi ko kasi mafeel ang yearning to post. Edi naloka kayo sa workd na yearning?

In conclusion, walang sense. Isipin niyo na lang sinayang ko ang 2 min ng oras niyo. Sorry. Nasayang rin naman yung sa akin. Masaya na ako na we get to share wasting time. Tharaaaaaaay. BTW, break na nga ba talaga si Divine at Victor? Kasi pareho silang nasa Bora pero hindi sila nakitang magkasama? 

At may reaction ba kayo sa pagbabalik ni Sharon? Ako? Wala. Mataba pa rin siya. At hindi ko bet ang show na Your Face Sounds Familiar. Hindi ko rin nahanap ang yearning dun.

Osha, tapos na si My Boo. Bale baboo na.
-nyabach0i

Saturday, March 14, 2015

Oo Na, Oo Na.

Alam ko naman.

Matagal na akong hindi nagbablog. Oo, medyo naderail ako sa Facebook at Instagram. Oo na. Shet kayo. Charoz.

As much as I would want magpost ng Nakakabading (which is yung sunod na dapat since nagpost ako ng Nakakatibo), hindi pwede. Kasi meron akong cycle na sinusunod. Bigay niyo na. OC ako about it. Ayoko maiba ang sequence feeling ko a part of me dies. Hashtag arte.

So anong lalagay ko dito? Mga random inarte at opinion. Bakit? E ganun eh. Tinanong ko ba kung bakit ganun ang mga pinopost niyo? Charoz. Wala akong mens ngayon, fyi.

1. Jamich
So baka kasi tinatanong niyo sa utak, "Ano kaya opinion ni nyabach0i about sa Jamich at sa pagkamatay ni Jam?" Well you are in luck. Kasi eto ang opinion ko: Hindi ko alam ko ano ang Jamich. At first akala ko, iisang tao lang siya. Like kacheapan na nickname or whatevs. Hindi ko alam nga na may Youtube keme na from Pinas although adik ako sa Youtube at Youtubers (such as Pewdiepie, Natalie Tran, GMM blah blah).

So ano ang opinion ko about sa pagkamatay and keme? Wala kundi famewhore si Mich. Ayoko na ielaborate kasi baka habulin ako ng faney nila.

2. Jolo Revilla
Ang opinion ko lang ay suicide yun. Either suicide or inarteng baril barilan. Basta.

3. Ampatuan bail out keme
Leche. Eto ang issue na naiirita ako. Everytime na iniisip ko to, gusto ko mag migrate or mag OFW sa ibang lugar. Nakakawalang pagasa sa Pinas. Pero ang question ko, bailable pala ang 58 murder case? Issue yan.

4. Pagbalik ni Sharon sa Channel 2
Ay akala ko nagpapapayat siya?

5. Mga Artistang Virgin by Choice
Odi magsama kayo ng hymen niyo. Charoz.

HAHA.
Yan lang masasabi ko today or tonight. Depende kung anong oras niyo binabasa to.

Yun lang. I miss you all. Charoz.
Baboo.

-nyabach0i

Saturday, January 31, 2015

Nakakatibo - Miss Universe Edition

Hindi ko to sinasadya. Promise nagkataon lang talaga. 2014 ang last Nakakabading post ko, 2013 ang Nakakatibo. So di ba, malamang due date na ng Nakakatibo. Pero kasi di ba?! As a bakla, kelangan natin pagusapan ang mga nangyari sa Miss Universe. Pero sige, unahin muna natin ang finger worthy na mga babae nung Miss Universe.

1. Kaci Fennell - Miss Jamaica
OO! Hindi na tayo magpapaligoy ligoy pa. Uunahin ko na ang pinaka ikinaloka ko nung pageant na yun. Pero bago ang lahat, background muna. WALANG LAHING PINOY si Miss Jamaica. Kung sino mang siraulo na nagimbento niyan ay magtae sana ng 3 days. Si ate gurl ay supermowdel sa Jamaica. Siya ang nanalo sa Jamaica's Next Top Mowdel. So malamang that explains the Haute Couture bob kemez at ang bubbly na parang naka snort ng cocaine na attitude sa stage. At ang runway walk ni ate gurl! Parang natrain ni Miss J Alexander at pinagalitan with wagayway na "That is your signature walk duhrlin!".

Pero ha, putangina nito kung sino man ang hindi pumili sa kanya para maging Miss Universe ha! OMG! Alam mo ba kung gaano kasakit sa puso na mapaasa ka twice in one pageant?! Nung una kay MJ tapos sabi ko sa sarili ko "Shet Jamaica na to sure na!". Tanginaman! Para akong nanakawan ng cellphone at wallet sa magkahiwalay na oras at sa iisang araw lang!

Was it the hair? Feeling ko. Hindi daw ni ate mamomodel ang Chi hair product at ang mga hair chenez na mga automatic curling iron na paulit ulit sa commercial.

2. Yulia Alipova - Miss Russia
Look at that! Look at that! Peg na peg! At first look maguguluhan ka talaga sa ethnicity ni ate. Parang "Wait, is she Latina? Is she Carribean keme?" Nawala ang Russian hint of blonde and blue eyed churvah!

Akala ko talaga sa totoong buhay papasok si ate kahit man lang top 10. But ekis. Hindi ko alam kung natatakot ang mga tao kay Miss Russia kasi from Russia siya? Pero dapat kasi talaga pinasok siya kasi una sa lahat mahal at maganda ang gown niya ha! Elie Saab! What is Haute Couture!

Sana talaga binraso ni Putin ang pagpasok ni Miss Russia. At matalino si ate! Engineer chenez at CUM Laude pa! Sheetty.

Pero keri lang, hindi ako naapektuhan na hindi siya pumasok sa finalist.



3. Artnesa Krasniqi - Miss Kosovo
Isa pa to! In fairness sa mga galing sa Kosovo ha! Simula nung nakapasok na sila sa tambyolo ng Miss Universe, lahat ng pinapadala nila sobrang gaganda! As in OA sa ganda na model levels. Pero ang pinagkakataka ko, bakit hindi man sila nakakapasok sa kahit ano. Like kahit man lang top 15. Preliminary pa lang ba ekis na? Ganun ba si ate kashunga? Ganun ba ka walang kwenta ang talent niya? Hindi talaga ako makapaniwala. 

Sidenote: Yung first year na nakapasok ang Kosovo nung 2008, yung pinadala nila yung sobrang kamukha ni Angelina Jolie! Si Zana Krasniqi. Teka, same surname. Magkapatid ba sila? Anyway, bet na bet ko yung si Zana! Shet natalo ang lips ni Anne Curtis at Angeline Jolie combined! Google that shit up!

At ha, leche nito ni ate Ford Model nga pala siya FYI. So deadma na rin pala kasi makakarating rin naman pala siya sa New York.


AYAN NA! TAPOS NA!
PAGUSAPAN NA NATIN ANG NANGYARI KAY MJ!

Wag kayong magagalit ha, pero kasi hindi ako sobrang 100% sure na mananalo si MJ. A part of me ay okay lang na matalo tayo. Iniisip ko na lang kasi, dahil sobrang pinaasa tayo ng ilang taon, sana man lang etong year na ang para sa atin. Pero ano ba ang nagpatalo sa atin? Yung National Costume ba na sponsored ng Goldilocks? Yung evening gown ba na pang kasal? Or yung mga nangyari nung Preliminary keme?

Feeling ko may nangyari nung Preliminary na hindi natin alam. Fine sige, pasok na sa jar ang Q&A si ate. Pero malay natin sa talent or keme. Hindi pwede ang National Costume kasi walang bearing siya sa Coronation Night. Not unless, ganun kapangit na tumatak talaga sa lahat ng tao. Pero naiinis ako sa evening gown talaga! Ano ba naman na kumuha sila kay Rajo Laurel ng gown. Or tinapatan nila ang Elie Saab ng Michael Cinco? Or Monique Lluilhier (tama ba spelling?) Kairita sobra ni Araneta!

Anyway, ang pinaka masakit sa lahat ang katotohanan na mas nanalo si Miss Ukraine kay Miss Jamaica. Narinig ba ng mga judges ang pinagsasagot ni Miss Ukraine? Dahil ba mukhang siyang pukpukita kaya siya mas mataas pa kay Miss Jamaica?! EKIS!

At issue sa akin na hindi inaamin ni Miss USA na Disney Princess siya sa Disneyland. Either kinakahiya niya yun or pinagbawal siya ng Disney. Pero I don't think pagbabawalan siya kasi plugging din yun. Puro Taekwondo lang ang pinagsasabi niya. 

Anyway, ayan na.
Kumalma kayo kasi nakalatag na ang Nakakabading ko. Date of posting na lang kulang.
Lovelots,
nyabach0i 

Wednesday, January 21, 2015

On Being Alone and Lonely

Meron akong weird principles sa buhay. Which I am aware na hindi norm and some parents and oldies might think wrong and very liberated and borderline insane. First and foremost, I have a very unconventional belief about religion. I am Pro Choice and not Pro Life. Pro RH bill. Ayoko nakikitaan ng being emotional, being mushy, and certain kind of sweetness publicly and sometimes privately. Ayoko rin ng PDA. Most especially, I am okay of me being single.

Siguro my choices and opinions were because of past experiences, yes. Or maybe because of what I have seen of others, yes. Pwede rin because I am weird and unstable, yes. Sometimes I would think to myself asking if me being alone is because "eto na yung sure akong hindi ako masasaktan" or is it because "wala rin naman kasi". I actually don't know. It could be both. It could be none of those.

So para san tong post na to? This is to remind myself na there are times I can feel very lonely. Despite my own "belief", I feel sad. Well sabi nga kasi nila, tao pa rin ako. Tsaka given naman sa mga paniniwala ko, I am bound to feel depressed about things.

May mga situation na sobrang makakapagremind sa akin na I am by myself. Like for example, for any hospital events, I am by myself. If I am sick, I take myself to the doctor. If I need a surgery or procedures done, I take myself. Minsan it is fun, since sign of independence or whatever. But most of the times, especially pag tinanong sayo ng nurse kung may kasama ako, I feel very sad. Iba pa rin nga kasi siguro ang may kasama ka or may hahawak ng kamay mo di ba? But then again.
Or ang mga times na bedridden ka because of whatever, may someone na magpapanic for you. Yung pupuntahan ka then will give you soup. Haaaaay.

I mean, okay naman ako. But sometimes di ba, you can't help it. By the way, it's my choice. Basta ang sure ako, if I'll be with someone, sure ako about it. Labo noh? Ako rin naguluhan rin eh. 

It's not like I hate to love or I hate love. I love love. Parang ganito na lang. I love love so much na I can't easily give it to anyone. Or pwede rin I love my love to someone na I can't give it to that someone. Or pwede rin na I love to love love that I don't need to love other people's love. Love love, love love love, love.

Well anyway, I just think I need to blog about this. So sorry kung this is becoming dear diary-ish or sentimental. Promise next one will be baklaan. Haha.

E ganun eh.
-nyabach0i

Thursday, January 8, 2015

Queen of the Night

Coz haym da queeeeeeen of da naaaaaayt! Queeennnnn of the naaaaayTTT! OH YEAAAAH! OH YEAH! OH YEAAAAAAAAAAAAAAAAAH!

Aminin mo kumanta ka.

Anyway, oo, ako na ang queen of the night. Night shift. Pinatapon na ako ng night shift. Well, well, well, deadma lang naman. Saktong solitude mode lang at push ang groggy mode. You know, the sheez.

And part ng pagiging night shift ay ang pagsakay sa public transportation ng rashar (rush hour pero yan ang pronunciation ng mga masa #sorrynotsosorry)

Gusto ko lang ishare pet peeve ko sa napaka prestigious na MRT ride. Hindi na ako magrarant out about sa kung gaano siya kasikip, kung gaano siya maraming magnanakaw, kung gaano malalamog ang dede mo, kung gaano mamamatay ang kuko mo kakapak ng mga tao, kung gaano hindi naman totoo ang senior slash buntis area kasi susugod din naman ang mga tao dun, kung gaano kahaggard sa lalakeng area na parang magagang bang ka any any, or kung gaano I wish na 80 pesos ang ticket para may filtering factor. Nope, hindi ako magrarant about it. Bigay ko na sa mga Rappler or the likes yan. 

Eto ang gusto ko ishare. Visual aids for maximum effect.


Picture this. Rashar, elbow to elbow, back to back, sweaty peeps na galing shrubaho at ikaw ay fresh na fresh na parang Nestle fresh. Please refer to the picture above. At dahil back to back na nga kayo, I expect a proper decorum at stable leg power sa mga katabi kong tao. Kasi hello, hindi ko sila jowa para mag body bumpin' kami. Hindi ko rin kamaganak para may-I-kapit sa akin. No, no, no, no, no! 
Pero sige, papalampasin ko ang pasweet na hawak or pasweet na off balance. Hindi naman maiiwasan devah. Hindi pa yan ang issue kong malala. Eto pa...

Tangina naman. Kung back to back na tayo, utang na loob wag ka na magcellphone at wag mo akong sandalan buong ride. Wow ha, pader ako? This is based on a true story (mga hours hours ago lang)

Imagine. Ate gurl making sandal sa malambot kong likod. So syempre naiimbey na ako kasi mainit ang likod niya sa likod ko. So pinush ko ang move move kunwari ako para naman makaramdam. So ang gagawin nito ni Ate gurl, gagalaw ng pasweet tapos pag naging stationary na ulit ako, push niya ang sandal back. So eto ang ginawa ko. Hinayaan ko siya mag dead weight. Sa saktong dead weight at comfortable state na siya, nag forward ako. Off balance si puta. But no no no no! Hindi pa siya tapos. After ko maginternal tawa, bigyan niyo 5 min andyan na naman siya sa likod ko. Pwes. Ako nagdead weight. Naalala kong tabachoi ako. Tangina mo ha, gusto mo sandalan ha, Pak!

Lumipat siya ng pwesto.

Kaya mga ate gurl, let's be responsible in our own leg power. Wag niyo iasa sa ibang tao. Kasi kayo rin, baka madurog kayo pag tabachoi ang gumanti sayo.

Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i


Saturday, January 3, 2015

Crayola 64 Colors

May mga moment talaga na lakas maka senti. Take note, nagboblog ako sa saliw ng live concert ni Damien Rice sa Youtube. What is torture di ba? Push ang redundant. Saksak puso tulo ang dugo.

May weird "fascination" ako towards sadness. Kasi pag malungkot ako, dun ko naiisip ang mga ideas na nagiging artistic mode. Kaya pag may trigger ng sadness, push ko ang tulak pa more. Kaya eto si Damien Rice sa tenga ko. (Speaking of Damien Rice, palagi akong naluluha sa kanta niyang Blower's Daughter at Dogs. Plus super idol ko siya. Pag yumaman ako, hahuntingin ko siya sa Ireland at papakasalan.)

Well anyway, hindi ako nagblog ngayon para sabihin na malungkot ako. Gusto ko lang ishare ang incident na nasaksihan ko few days ago. Tutal bagong taon naman, share ko na rin ang proof ko na iba na talaga ang mundo ngayon. (Happy new year nga pala!)

One time, nasa tricycle kami ng Mujayra ko. Ang tricycle dito sa amin, animan. Dalawa sa harap, dalawa sa likod ng harap, at dalawa pa sa likod ng driver. To set the reference correctly, nasa harap kami ng Mujayra ko at may dalawang magkaibigan sa likod namin. Eto conversation...

Friend1: Gagi katext ko kanina si Michelle!
Friend2: Nililigawan mo na ba yun?
Friend1: Hindi! Saktong text text lang. Alam ko nililigawan ni Brian (or Bryan ang spelling, whatever) yun eh.
Friend2: Akala ko nililigawan ni Brian yung kapitbahay nila?
Friend1: Alin yung babae or yung lalake?
Friend2: Teka hindi na rin ako sure.

Hold that. Aaminin ko kinilig ako sa thought na may tanungan kung babae or lalake bilang advocate ako ng LGBT equality chuchuchenez. Pero noh, mapapaisip ka. Back up ka ng 10 years ago, never mo maririnig yan out loud. This only means magiging totoo ang theory ko na...

"Push mo pa 10 more years bisexual na lahat ng tao"

Aminin mo, posible di ba? Charoz.

Anyway, yun lang. Sana kumpleto pa daliri niyo. At kung nagbabasa ka upto this point, comment ka please? HAHA.

PS: In fairness sa akin dami kong posts!

Baboo.
-nyabach0i

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...