Sabado, Agosto 1, 2015

Shokot Borokot Nyorokot

Prologue: Charoz lang sa prologue.
Okay fine! Walang blog na maliligwak ever! Tama nga kayo, konti na lang tayong blogger. Sino ba naman ako para maginarte at burahin na naman tong blog ko. Staying power! Wooo!


Kakagaling ko lang sa Boracey which is where the cool kids at. Correction, where the main office of United Colors of Benetton at. At habang sa saliw ng Tonsils kong polka dots sa nana at sa lagnat kong mala MersCov, napaisip ako ng mga bagay bagay. Feeling ko kasi matitigpay na ako sa Departure Area kakadelay ng Cebu Fuck. So ano nga tong post na to? Para san at bakit kelangan niyo malaman? Well guys, let me explain sa susunod ng stanza.


Stanza?! Kanta?

Habang nakatulala ako sa kawalan at inaantay si flight 5J599 na maganap, inisip ko ang mga choices ko sa buhay. Alam mo yun, nagfaflashback na ang buhay ko right before my very eyes sa saliw ng chills ko. Kasama na rin ang fears ko in life. Factor dito kasi ang barko, ferry, bangka ride na magaganap from Jetty Pork to Boracey (will explain in item #3). Narealize ko na bawat tao, may not-so-weird-weird fears. Irrational fears? Basta. Apart na nagstart to thinking about my great great fear like death ng mahal buhay, malibing ng buhay, etc, etc. But not yan. Legit fears yan. At mga painarteng Phobias give ko na rin. At dahil gusto ko mag paka vulnerable mode and dear diary mode, seshare ko sa inyo. And of course, to remind myself.

NYABACH0I'S TOP 5 FEARS IN LIFE (TEN-TEN-NE-NEEEEEEN!)


1. MAPUNTA SA LOOB NG KOTSENG KUNG MAGSWERVING WAGAS OR ALSO KNOWN AS MAINVOLVE SA ROAD ACCIDENT



Hindi ko to kayaaaaa! Eto ang number 1 fear ko talaga (well again, apart sa mga pinagsasabi ko sa taas).


Kung bibigyan ako ng option na malaman ang future, aalamin ko lang ang isang bagay. Kung paano ako mamatay. Yan ay para lang masigurado na hindi car accident or any road vehicle related keme! Kahit ano wag lang car accident!

Pakiramdam ko sa bawat swerve tumatalsik kaluluwa ko! Tapos combohan pa ng swerving na kotse tapos inaantok antok si kuya driver! Mauuna siya mamatay sa akin puta siya!


2. TUMAWID

Ok fine. This is just related to number 1. Parang deconstructive car accident lang ang nangyari. Fine.

May malaking factor dito ang main reason na ilang beses na ako muntik nang masagasaan. Pero ang pinakamajor na muntikan mabangga incident ay ang involved ang truck. Give ko kay kuya truck, hindi siya nagkulang ng busina. Sadyang naka MP3 player ako nun sa saliw ng body bumpin' music. So walang narinig si nyabach0i. Ang ending, umakyat sa gutter ang truck para iwasan ako at wit mategi.

So ayan, major fear na siya in life. With or without PedXing, takot ako. Kahit malayo ang kotse, pag meron at wala akong kasama, may onteng stroke moments talaga. Ayoko maging road kill.


3. TUMAWID NG KACHEAPAN NA WOODEN PLANK PARA MAKASAMPA SA BANGKA


I hate that lakaran. I hate et! Providence na sobra ang feeling. Plus, kung maalon, sure na maooverboard ka. Tapos imaginin mo na dala mo bagahe mo or tapos buhat mo ang anak mo. So pano ka na pala tatawid?!??

Ok fine! As a tabachoi, nakakakaba to. What if nabale? What if naout of balance ka? What if hindi ka kaya alalayan ni kuya bangker (Bank = banker; Bangka = bangker).

But actually, ngayon na iniisip ko ulit, yung issue dito yung fall mismo or ang maoverboard. Kasi makikita ng ibang tao na nagpagulong gulong ka. Auto sira ng reputation. 

So again, dahil kelangan mo nga tumawid from semento going to ferry or kacheapan na bangka para makarating to Boracey, so ayan nagtrigger si fear number 3.


4. MALAGLAG PABABA NG STAIRS

Ok fine. Let us state the obvious, walang may gusto malaglag sa stairs. Same thing as above na may "overboard" moment at out of balance something something fine. But hindi yan ang reason ko dito.

Ang fear ko is the fact na magtutumble ka from above going down. Meaning, mahaba ang pain thougts mo. Uh! Ah! Uh! Ah! Uh! Ah!

Gets? Haba ng pain na yun di ba?




5. MAKASIRA NG MONOBLOC CHAIR


Side kwento. May officemate ako na matangkad na mej malaki. Nakasira na siya ng tatlong office chair. OFFICE CHAIR. Like legit office chair. Sikat na siya. Parang maririnig mo na lang na may mababasag na malakas, then true enough, sira na ang office chair.


Real kwento. To be honest, hindi pa ako nakakasira ng Monobloc. Maniwala man kayo or hindi. Siguro hindi pa ako tabachoi enough. But I guess dahil sa sobrang fearful ko about this, kaya ako cautious about makasira ng Monobloc.

But seriously, never. Neveeeer.


Now that I have shared parts of me, edi inyo na.
Charoz.
But anyway, I just feel like sharing.
And for more sharing, nakikinig ako ng Resentment ni Beyonce. Bakit hindi ako si Beyonce? I mean kaya ko naman ang sing and dance. Teka try ko.

Okay I partially died. But still, why am I not Beyonce? Why?
Ah, alam ko na. Kasi hindi ko gusto lips ni JayZ.

Okay fine. Ayoko na maging Beyonce.

Anyway, yun lang.
-nyabach0i

7 komento:

  1. kahit about lgit fears sya, natatawa ako mag-isa!

    TumugonBurahin
  2. namiss ko ang blogging.
    at tawang tawa ako sa post mo na to. hahahaha

    TumugonBurahin
  3. futa. natawa ako. pero yung #3 mo, me'emst, betchikola ko naman yun. as in supeeeerrr! kahit super skimpy fukelya shorts at rashguard lang ang suot ko, feelingash ko naka-maria clara outfit ako with abaniko habang bumaba at inaalalayan ng mga otoks na bangkero. hihi (sabay takip ng abaniko sa virginal mouth) char.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. totoo??? OMG! fetish mo talaga teh? sabagay magandang point ang pagalalay ng mga otoks! teka irerevaluate ko ang eme na to.

      Burahin