Saturday, January 3, 2015

Crayola 64 Colors

May mga moment talaga na lakas maka senti. Take note, nagboblog ako sa saliw ng live concert ni Damien Rice sa Youtube. What is torture di ba? Push ang redundant. Saksak puso tulo ang dugo.

May weird "fascination" ako towards sadness. Kasi pag malungkot ako, dun ko naiisip ang mga ideas na nagiging artistic mode. Kaya pag may trigger ng sadness, push ko ang tulak pa more. Kaya eto si Damien Rice sa tenga ko. (Speaking of Damien Rice, palagi akong naluluha sa kanta niyang Blower's Daughter at Dogs. Plus super idol ko siya. Pag yumaman ako, hahuntingin ko siya sa Ireland at papakasalan.)

Well anyway, hindi ako nagblog ngayon para sabihin na malungkot ako. Gusto ko lang ishare ang incident na nasaksihan ko few days ago. Tutal bagong taon naman, share ko na rin ang proof ko na iba na talaga ang mundo ngayon. (Happy new year nga pala!)

One time, nasa tricycle kami ng Mujayra ko. Ang tricycle dito sa amin, animan. Dalawa sa harap, dalawa sa likod ng harap, at dalawa pa sa likod ng driver. To set the reference correctly, nasa harap kami ng Mujayra ko at may dalawang magkaibigan sa likod namin. Eto conversation...

Friend1: Gagi katext ko kanina si Michelle!
Friend2: Nililigawan mo na ba yun?
Friend1: Hindi! Saktong text text lang. Alam ko nililigawan ni Brian (or Bryan ang spelling, whatever) yun eh.
Friend2: Akala ko nililigawan ni Brian yung kapitbahay nila?
Friend1: Alin yung babae or yung lalake?
Friend2: Teka hindi na rin ako sure.

Hold that. Aaminin ko kinilig ako sa thought na may tanungan kung babae or lalake bilang advocate ako ng LGBT equality chuchuchenez. Pero noh, mapapaisip ka. Back up ka ng 10 years ago, never mo maririnig yan out loud. This only means magiging totoo ang theory ko na...

"Push mo pa 10 more years bisexual na lahat ng tao"

Aminin mo, posible di ba? Charoz.

Anyway, yun lang. Sana kumpleto pa daliri niyo. At kung nagbabasa ka upto this point, comment ka please? HAHA.

PS: In fairness sa akin dami kong posts!

Baboo.
-nyabach0i

5 comments:

  1. So may dalawa sa likod ng harap? May iba pa bang likod? Like likod ng gilid? Likod ng likod? Hahahaha! Kalurkey.

    Tindi naman mag chismisan nung mga pasaherong yon. Bakit hindi pa gawin sa isang secluded area, nangangati tuloy ang tenga ng isang bata diyan. Hahaha! As for bisexuals, i dunno. I have nothing against them. Ewan ko lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay hindi ka pro bisexual?! char. pero sabagay naisip ko nga ang weird nga pag lahat bisexual.

      likod ng driver at likod ng harap. yan lang ang choices. charoz!

      Delete
  2. Yung theory mo sa bisexuals, hmmm… di ko rin alam. Pero sana dumami rin ang hetero-flexible. #Asa #Nganga

    Happy New Year din!
    Kumpleto naman daliri ko dahil di ako nag-firecracker. At tsaka iba yung pinaputok ko, alam mo yung masarap. (Popcorn yun teh! Ahaha.)

    ReplyDelete
    Replies
    1. actually okay nga ang hetero flexible! bet ko na rin yan. hahaha.

      shet sarap nga ng popcorn. hindi ko naisip yan gawin etong new year.

      Delete
  3. In fairness! Andami kong babasahin yahoo haha (please disregard yung reklamo kong wala akong babasahin sa isa mo pang post hahaha)

    ReplyDelete

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...