Thursday, November 12, 2015

30 Things You Know To Be True

Okay, okay.
It's the time of the year to be existential. Pero aaminin ko fine, inisip ko kung totoong existential ang adjective version ng word na yan. A part of me inisip na existentialistic. Hahahaha.

Anyway, sa mga panahunang ganito, marami akong naiisip. Realizations and shits. Hindi ko alam kung drama ko lang ba to sa buhay, pero at times like this, mahilig ako magcompare like 2 years ago, 5 years, 10 years, keme keme. Pero sabi nga nila, why look at your past? Para san? Magsulk? Maggloat? No! So eto, gagawa akong listahan ng mga bagay kung ano ang tingin kong totoo! Para next year, may reminder ako or may pwede akong i-cross reference. Plus, adik ako sa lists devahnga? Kelangan pa ba ulit ulitin yun?

1. May power pa rin sayo ang Poetry and/or Music
2. May magic pa rin sayo ang Metaphors 
3. Description mo pa rin ay: "Uniquely Weird"
4. Ang mantra mo pa rin ay: "Do Good, Be Good"
5. Cynicism and Skepticism ay dalawa sa salitang pasok sayo
6. Nawala na ng tuluyan ang Pinoy Pride mo
7. Nakapause pa rin ang creative side mo which wala kang sinisisi kundi sarili mo
8. May something ka pa rin sa clouds
9. Hindi ka na naniniwala sa Astrology at Horoscope (Thanks Nat!)
10. Sure kang hindi ka Atheist, mapaguusapan ang pagiging Agnostic
11. Okay ka na sa career mo now
12. Speaking of career, NCO pa rin ang the worst job you ever had
13. Hindi ka na nagyoyosi. Ayaw mo na rin ng amoy nito
14. Tonsillitis pa rin ang sikat sa sakit mo
15. Guilty pleasures pa rin ang guilty pleasures mo
16. Fast learner ka in fairness sayo. Look at you! Look at you!
17. Natuto ka na rin ng concept ng "Earn Hard" kahit ka pa rin mayaman
18. Nabawasan ka ng mga tao around you so medyo nakakahinga ka na ngayon
19. Naniniwala ka sa concept ng Life Partnership
20. May mga bagay na hindi mo talaga naexplain, maeexplain or ieexplain
21. Naappreciate mo ang walking around
22. Umiinom ka na ng kape. The blacker, the better.
23. Kaya mo makipagsabayan or higitan ang mga bagay na wala kang pinagaralan
24. Registered voter ka na finally
25. You finally have goals in life. Short at long. Parang bond paper
26. Keeping a handful of people in your heart is the best thing you ever did
27. Ikinagulat mo na magiging pet lover ka pala
28. Ayaw mo pa rin ng kinakalabit ng sunod sunod
29. In a way, mahal mo pa rin ang darkness in you
30. If at times you pause and think, paminsan napapangiti ka pa rin kung nasan ka na ngayon.

In fairness!
Hindi ganun kadali maglist ng 30 na bagay bagay ha. Sure ako na pag nireread ko to after a week, may hindi na naman ako magaagree. Ganun daw di ba? Change is constant so why practice? Huh? But but but, kung may pinapaniwalaan ka man ng higit higit, naniniwala ka pa rin na bakla ka talaga nung kabilang buhay. Charoz. Naniniwala ka rin na makakanta mo ng walang mali ang Narito Ako ni Regine Velasquez. Charoz another!

Pero on a serious note, you may have 30 things in your life now, pero kelangan mo maisip na wala sa listahan mo yan. I mean pwede ako maglagay ng 20 lang, 50 more, or whatever. Pero, ang tanong kung okay sayo ang nandyan. Labo? Oo nga eh. Pero ayun.

Promise magpopost na ako ng Nakakabading.
Osha!
-nyabach0i

12 comments:

  1. Wohoo first comment!!! I love it first comment ako (oo ganung lebel ko sinusubaybayan ang ppst mo na naeexcite ako pag ako ang first comment, pero hindi pa rin nman like if kung kay nat ako makafirst comment... Hindi pa nman gnun) at dahil jan... Hmmm... Alam mo na...

    Anon#2

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAHA.
      Shutanginamez. Kung maka first comment panic ka kala mo may premyo. Kalma!
      But then... Salamat!

      Delete
    2. May premyo ba??? Chocolate ba itey??? Naka ziploc ba???

      Delete
    3. Walang premyo! Not unless gusto mo ulit bumalik dito??

      Delete
  2. Ahihihi.. For sure mapapangiti ka talaga kapag na backread mo ito a few months or years from now. May ikikeep at may isscrap ka din. Ganun naman talaga, magbago na ang lahat wag lang ang positivity that everything comes for the good and better and there's always tamang panahon for the desires of our heart..


    For more baklaan days to come! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually, yun talaga ang motibo ko. For backread purposes. Tama ka sa positivity chenez! Tama yan.

      More baklaan! Yey!

      Delete
  3. Aaawww.. I love this list... Dahil... In general, masaya sya, at least the way i see it. Happy birthday!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes. In general! :) I love this list too!

      Delete
  4. Ako din naniniwala din ako na bakla ako sa aking past life. hehe
    So excited for your Nakakabading post! Pasarapin mo 'yan ha. More pictures please! hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Koreeeek. Eto na nga mega hunting na ako for Nakakabading! Kalma! Malapit na!

      Delete
  5. Ayaw mo pa rin ng kinakalabit ng sunod sunod


    hahahahha, kung magkikita man tayu sa bloggys ayan ang gagawin ko sayo! ang sarap nung may goal sa life, ngayong taon lang din kasi ako nagkaroon niya, last two years wala kaya ayan, pumetiks at nag work lang ng wala tlgang concrete plan sa life---nasayang.!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung magkita man tayo at kinalabit mo ako ng sunod sunod, humanda ka na at baka mag counter attack ako. Ngayon pa lang magsosorry na ako. Hahaha. Chos!

      Delete