Sabado, Enero 31, 2015

Nakakatibo - Miss Universe Edition

Hindi ko to sinasadya. Promise nagkataon lang talaga. 2014 ang last Nakakabading post ko, 2013 ang Nakakatibo. So di ba, malamang due date na ng Nakakatibo. Pero kasi di ba?! As a bakla, kelangan natin pagusapan ang mga nangyari sa Miss Universe. Pero sige, unahin muna natin ang finger worthy na mga babae nung Miss Universe.

1. Kaci Fennell - Miss Jamaica
OO! Hindi na tayo magpapaligoy ligoy pa. Uunahin ko na ang pinaka ikinaloka ko nung pageant na yun. Pero bago ang lahat, background muna. WALANG LAHING PINOY si Miss Jamaica. Kung sino mang siraulo na nagimbento niyan ay magtae sana ng 3 days. Si ate gurl ay supermowdel sa Jamaica. Siya ang nanalo sa Jamaica's Next Top Mowdel. So malamang that explains the Haute Couture bob kemez at ang bubbly na parang naka snort ng cocaine na attitude sa stage. At ang runway walk ni ate gurl! Parang natrain ni Miss J Alexander at pinagalitan with wagayway na "That is your signature walk duhrlin!".

Pero ha, putangina nito kung sino man ang hindi pumili sa kanya para maging Miss Universe ha! OMG! Alam mo ba kung gaano kasakit sa puso na mapaasa ka twice in one pageant?! Nung una kay MJ tapos sabi ko sa sarili ko "Shet Jamaica na to sure na!". Tanginaman! Para akong nanakawan ng cellphone at wallet sa magkahiwalay na oras at sa iisang araw lang!

Was it the hair? Feeling ko. Hindi daw ni ate mamomodel ang Chi hair product at ang mga hair chenez na mga automatic curling iron na paulit ulit sa commercial.

2. Yulia Alipova - Miss Russia
Look at that! Look at that! Peg na peg! At first look maguguluhan ka talaga sa ethnicity ni ate. Parang "Wait, is she Latina? Is she Carribean keme?" Nawala ang Russian hint of blonde and blue eyed churvah!

Akala ko talaga sa totoong buhay papasok si ate kahit man lang top 10. But ekis. Hindi ko alam kung natatakot ang mga tao kay Miss Russia kasi from Russia siya? Pero dapat kasi talaga pinasok siya kasi una sa lahat mahal at maganda ang gown niya ha! Elie Saab! What is Haute Couture!

Sana talaga binraso ni Putin ang pagpasok ni Miss Russia. At matalino si ate! Engineer chenez at CUM Laude pa! Sheetty.

Pero keri lang, hindi ako naapektuhan na hindi siya pumasok sa finalist.



3. Artnesa Krasniqi - Miss Kosovo
Isa pa to! In fairness sa mga galing sa Kosovo ha! Simula nung nakapasok na sila sa tambyolo ng Miss Universe, lahat ng pinapadala nila sobrang gaganda! As in OA sa ganda na model levels. Pero ang pinagkakataka ko, bakit hindi man sila nakakapasok sa kahit ano. Like kahit man lang top 15. Preliminary pa lang ba ekis na? Ganun ba si ate kashunga? Ganun ba ka walang kwenta ang talent niya? Hindi talaga ako makapaniwala. 

Sidenote: Yung first year na nakapasok ang Kosovo nung 2008, yung pinadala nila yung sobrang kamukha ni Angelina Jolie! Si Zana Krasniqi. Teka, same surname. Magkapatid ba sila? Anyway, bet na bet ko yung si Zana! Shet natalo ang lips ni Anne Curtis at Angeline Jolie combined! Google that shit up!

At ha, leche nito ni ate Ford Model nga pala siya FYI. So deadma na rin pala kasi makakarating rin naman pala siya sa New York.


AYAN NA! TAPOS NA!
PAGUSAPAN NA NATIN ANG NANGYARI KAY MJ!

Wag kayong magagalit ha, pero kasi hindi ako sobrang 100% sure na mananalo si MJ. A part of me ay okay lang na matalo tayo. Iniisip ko na lang kasi, dahil sobrang pinaasa tayo ng ilang taon, sana man lang etong year na ang para sa atin. Pero ano ba ang nagpatalo sa atin? Yung National Costume ba na sponsored ng Goldilocks? Yung evening gown ba na pang kasal? Or yung mga nangyari nung Preliminary keme?

Feeling ko may nangyari nung Preliminary na hindi natin alam. Fine sige, pasok na sa jar ang Q&A si ate. Pero malay natin sa talent or keme. Hindi pwede ang National Costume kasi walang bearing siya sa Coronation Night. Not unless, ganun kapangit na tumatak talaga sa lahat ng tao. Pero naiinis ako sa evening gown talaga! Ano ba naman na kumuha sila kay Rajo Laurel ng gown. Or tinapatan nila ang Elie Saab ng Michael Cinco? Or Monique Lluilhier (tama ba spelling?) Kairita sobra ni Araneta!

Anyway, ang pinaka masakit sa lahat ang katotohanan na mas nanalo si Miss Ukraine kay Miss Jamaica. Narinig ba ng mga judges ang pinagsasagot ni Miss Ukraine? Dahil ba mukhang siyang pukpukita kaya siya mas mataas pa kay Miss Jamaica?! EKIS!

At issue sa akin na hindi inaamin ni Miss USA na Disney Princess siya sa Disneyland. Either kinakahiya niya yun or pinagbawal siya ng Disney. Pero I don't think pagbabawalan siya kasi plugging din yun. Puro Taekwondo lang ang pinagsasabi niya. 

Anyway, ayan na.
Kumalma kayo kasi nakalatag na ang Nakakabading ko. Date of posting na lang kulang.
Lovelots,
nyabach0i 

6 (na) komento:

  1. Very beautiful indeed! Miss Jamaica looks like a mannequin while Miss Kosovo looks like a barbie doll.
    Bet ko ang name na Artnesa! Parang gay lingo for baklang nagi-inar-ar. Aylabet!

    Mas na-shock ako na naging 3rd runner up si Miss Netherlands. Dapat nga wala siya sa Top 5. Di ko bet sagot niya, fez niya, gown niya, lalo na ang nakaluwang bubang niya. Ew! *vomit*

    Super na-sad akes na hindi nakapasok si MJ sa Top 5. Kasalanan talaga nung gown na mukhang shuttlecock. Di ko bet yung butas butas design nito. Nahihirapan akong pagdugtungin ito sa utak ko, sa paningin ko kasi nagmukha itong cocktail na dinugtungan ng walang kwentang tela sa ibaba.

    Pero ang higit na di ko matanggap ay nung in-announce na ang winner. Siguro panay ang hagikhik nang mangkukulam na si Lola Stella with her best friend Barazza nung malaman nilang winner ang kababayan nila na taga-Kulambia!! Ka-imbyerna ang mag-prendsyip.

    Sana naman next time gawang Pinoy na ang ipasuot. Nang sa ganon manalo man o matalo at least nasuportahan ng Pinoy ang kanyang kababayan hindi yung tulad nito na natalo tayo dahil sa lecheng dayuhan na yan.

    O siya sige, bye bye na muna. Magmo-move na on na ako pagkatapos nito, pramis! Mwah.

    TumugonBurahin
  2. At last, may Nakakatibo na ulit. Kaso di ako relate much kasi di ako mahilig sa pageants kahit bakla ako. lol

    Excited for Nakakabading! :)

    TumugonBurahin
  3. Oh My G! At last nagpost ka na teh, ilang years akong natuyot sa nakakabading at nakakatibo posts mo ha. Haha

    Pareho tayo ng bet teh na si Miss Jamaica, letcheng Donald Trump din iyan eh lagi nalang mga Latina ang nanalo porket may negosyo siya doon sa Latin America?!? *galit lungs lol Sa susunod dapat hindi na yan Miss Universe kundi Miss Latin America Universe! Oh ha hahahaha

    At magkahawig talaga ang lips ni Zana Krasniqi at sa mga sisters kong sina Angelina Jolie at Anne Curtis. LOL

    TumugonBurahin
  4. Nahiya ako sa hahaba ng comments ditey kaya bilang anonymous ay mananahimik na lang ako.

    TumugonBurahin