Sunday, December 28, 2014

Friends Ba Talaga Tayo?

Di ba?? Mapapaisip ka rin kasi minsan. Pano mo ba macoconsider ang isang tao as totoong kaibigan? Parang kering keri na i-take lightly ang word na "Friend" ngayon. Pasok sa banga ng meaning ng friend ang social media keme at kahit pasweet na acquaintance lamang. So ano na nga ba talaga? Ano na nga talaga?

Just a brief background chorna, ang taong 2014 ay naginarte sa akin at parang kelangan magrevalidate ng own meaning ko ng true friendship. E dahil panahon na rin ng mga instagram quotes at facebook pasaring, napaisip ako ng mabuti. So habang nagsoscroll ako ng friends list ko sa Facebook, iniisip ko, ano nga naman ang guideline para malaman kung true friend mo ang isang tao? Gut feel? Bumoborderline non-platonic relationship? Bet magpautang kahit kelan?

That is whyyyy napaghugutan ang post na to. I present you, nyabach0i's guide to true friendship! Ten-nen-nen-neeeeeeeeen!

True friend mo siya kung:

1. Alam mo ang basic vital information about the person. Lets start with middle name. Naniniwala ako na pag alam mo ang middle name ng isang tao, may deep relationship na kayo. Combohan mo pa ng birthday na walang Facebook reminder help. Bonus points na kung alam mo ang address, mother's maiden name, city of birth, and all those identity theft informations. Sumakatuwid, kaya mong magfillout ng application form at magpanggap na siya.

2. Deadma kayo sa balahura moments ng isa't isa. Sige wag natin sama na kaya niyo umutot sa presence ng isa't isa. Baboy yun. Pero kung oo, fine pasok na sa jar. Ang minimean ko dito, kaya niyo magsabi about it. For example nabanggit mo na ang line na to sa kanya "Ay teka tawagan kita mamaya jejebs lang ako" and the likes.

3. Kayang kaya niyo magusap ng hindi naguusap. Titigan lang gets niyo na. May pogi? Pak! Sight mo lang friend mo gets na. May pangit? Pak! Sight mo lang ulit tapos tawa na kayo. Kabog ang ESP levels.

4. Hindi mo pinapalampas kahit pisong duling. Naniniwala ako na kung true friend mo ang isang tao, sobrang vocal mo about pera sa kanya. Kasi paminsan kung deadma ka, may sense na winiwin mo pa ang tao. Pasok sa reputation levels. Wait, hindi ko sinasabi na maningil kayo ha. Teka ganitong scenario kasi. 

Friend1 "Uy teka naalala mo yung 2 piso kahapon? Bawas ko na dito sa utang mong 20 so 18 na lang bayad mo"
Friend2 "Tarantado may 30 ako sayo nung isang araw hindi ka nagbayad dun sa extra rice mo!"
Friend1 "Ulul? Bawas mo na lang leche ka. So ako pa nagkautang sayo?"

Gets?

5. Alam mo kung may problema. Pag nanahimik siya, alam mong may something. Hindi na kelangan ng usap usap. Alam mo rin kung kelangan niya ng space at time. Alam mo rin kung kelangan siya kakausapin ulit. And most especially, alam mo kung kelan mo siya tatanungin about it.

6. You value all information about the person. Pag sinabing secret, secret. Pag sinabing wag mo sabihin sa iba, aabot lang sa mga taong alam mong deserve ang information. Pag sinabihan ka ng secret na malala, siya una mong sasabihan at sasabihin mo sa kanya na "Hindi ko kaya itago to magisa! Kelangan may kausapin ako about this!"

7. Nagsasabi ka ng totoo pag sinabi mong pumapayat or tumataba siya.

8. Kilala ka ng magulang nila. Ikaw ang unang una sa listahan ng gate pass sa magulang nila. 

Mujay "San ka na naman pupunta?!"
Ikaw "Kasama mo si nyabach0i!"
Mujay "Ah sige lock mo gate ha"

9. Pwede kang magyabang sa kanya at hindi niya yun itetake as pagyayabang. May bago kang phone? Siya unang makakaalam. Lumaki sweldo mo? Sa kanya ka pa rin magrereport. Pumayat ka? Siya pa rin may alam kung gaano kalaki nalose mo.

10. Sure ka na forever na ang relationship niyo. Naiimagine mong uutangan mo sila pag kwarenta na kayo at wala kang pang enroll sa anak mo. Naiimagine mo rin na tinutubos ka niya sa presinto. Naiimagine mo rin na pag senior na kayo sabay kayong magkeclaim ng free movie tuwing Monday sa SM.

So kung check kayo sa lahat ng yan, edi bongga. Kayo na ang totoong kaibigan. Lolz. Lolz amputa. Haha.

Tandaan niyo, minsan ka lang makakahanap ng totoong kaibigan. Sa panahon ngayon na kering keri na magdeadmahan, kelangan niyo i-cherish ang mga ganyan. Naniniwala ako na mas pasok sa banga ang few chosen good friends kesa sa collect them all Pokemon mode. Mas okay na ang konti basta sure kang totoo sila.

Tsaka sabi nga nila, "Your worth is defined by how much you are valued". Bongga di ba?
Osha, yun na yun.
Lets be friends.
-nyabach0i

Wednesday, December 24, 2014

Unang Putok ni Glentot

Odiba. Wala nang mas gaganda pang timing ang review na to kundi ang thought na Xmas eve ngayon. Let me explain why. Xmas break ko sa work. No work means more time. More time means reading books. Reading books means finally catching up on pending books. Pending books means Unang Putok etc.

Pero ha, una sa lahat, namiss ko magblog. Naalala ko ulit bakit ako nagboblog (wala kasing gusto kumausap sa akin sa totoong buhay) at yung masayang part ng blogging. At that same thought, nainis ako kay Facebook. Kasi parang instead na nagblog ako, nagiinarte ako sa Facebook or nagkecandy crush. Nyeta. Such a waste of valuable time!

Now back to the book.


Ayan ang proof of purchase. Nasa kama ako. Which is very appropriate kasi kung puputukan naman ako ni Glentot, i'll make sure nasa kama ako with my bagong bedsheet. Hindi ko nabitawan ang libro na yan. Pagkagising, kasama sa malling, kasama habang jumejebs... Until natapos ko na lang siya after 1 1/2 days. May weird scenario pa ako sa National Bookstore. May inaantay kasi ako sa Illy the kapihan habang binabasa ang libro. Napatawa ako ng malakas ng very very light. So syempre dahil feeling nila library ang peg ni National Bookstore, tinignan nila ako. Patunay lang to ng effectivity ng putok ni Glentot para hamakin ang pagkatao ng mga unknown people sa sosyalang Illy sa NB.

Pero sorry, kasi late ko na siya nabasa. Malapit na atang mag 1 year old birthday tong libro na to? Pero kala niyo ha. Isa ako sa primetime na bumili. Wala pa sa bookstores meron na ako. 



At oo, nirequire ko na may autograph keme si Glentot. Para pag one day yumaman siya at sumikat, pag binenta ko sa Ebay libro niya with signature and keme, ilalagay ko siya sa category na collectibles.

Pero joke lang. Seryoso kasi I like to think na friends kami since wala akong friends. Charoz another.

Kasi crush ko siya. Charoz another again.

Kasi naiinspire ako sa keme niya. From blog to book. Parang gusto ko maging ganun one day. Which I highly doubt pero malay mo?

In fairness kay Khikhi by the way, bet ko ang mga kaganapan niya. Kung meron man akong pwedeng ihighlight, San Lorenzo Ruiz sealed my 2014 with a bang. 

Bumili na kayo, mga puta kayo!
Charoz.
-nyabach0i

*PS: Magboblog ako ulit promise ko talaga. Although hindi rin naman ako nagsasabi sa million million na nagbabasa (maka million! leche!) gusto ko lang din sabihin out there! At oo, I still owe my horny readers some Nakakabading and Nakakatibo. Shetty wag kayong magunfollow! No! NO! Choz.

Friday, December 19, 2014

OHMYGAHD!!!

OHMYGAHHHHHD!
May blog pa pala ako?
Charoz.
Shetness ang tagal akong hindi nagupdate dito. Kung nagliligawan kami nito ni blogger iniwan na ako nito due to consistency at persistence. Wala akong pinakitang meynteyn na pagibig sa website na to. Sorry, blogger, sorry. I am a failure.
Ohdevahmehgahnun.

Oo na mga leche kayo hindi na ako nagupdate since July. As always, ang explanation ko ay dahil busy ako sa work.

Patawarin na ako please.
-nyabach0i

Saturday, July 5, 2014

Nakakabading - World Cup Edition

Tama, tama. Kelangan i-set aside muna ang mga inarte ng gobyerno para hindi ako mastress. Tsaka OMG, kamusta ang New Year pa ang last post ko ng Nakakabading. OMG (kung maka OMG naman ako kala mo petite!). Haha.

Anyway, hindi ako nanunuod ng World Cup. Ayan, maghuhugas na ako ng kamay. Wala akong pake kung ano ang stats nila, kung mahilig ba sila makipag-hug sa teammates nila, kung ano ang itsura nila sa waiting bench or kung anu ano pa. Hindi ako natutuwa sa Soccer/Football sa totoo lang. Kasi parang isang dipa lang ang layo ng takbo nila may nangyayari. Plus, matagal ang game. Plus another, napapagod ako kakanuod lang sa kanila. So ekis. Siguro tatanungin niyo ako, bakit ako magpopost ng bagay na hindi ko pinapanuod. Aba, syempre, for the sexeh yummeh men. Kahit hindi ako nanunuod, sinigurado ko na alamin kung sino ang mega hot at lakas makabasag panty na mga lalake. Readddyyyyy? Readddy!

1. Olivier Giroud

Partida ha. Maraming mas karumaldumal na picture ni Olivierrrr. OH OHLIVIEERRRR. Pero eto ang pinili kong picture. Why? Kasi apparently may dala siyang isang kilong santol dito. Bibigyan ko na lang kayo ng liberty para i-google ang butt pic niya. Para may thrill.

Wapakels kung magaling si kuya or not. Basta ang importante, masarap siya. Ang sarap sarap niya. Kung ihahambing ko siya sa ulam, isa siyang adobo. Pwede ko siyang ulit ulit at isama sa maraming kanen.

Taga France siya. So imaginin niyo siyang nagfeFrench. Edi wala na. Basa panty na.




2. Orestis Karnezis


Baby puuuuhhhh. Baby pa siyaaaaa.
Maniwala kayo sa akin. Tinry ko maghanap ng topless pic niya. Waler. Goalie si yummy kuya. So pag goalie ata, balot na balot with matching mega gloves? Ganun ata. Pero sobrang pogi niya. Yung itsura niya yung parang ang bait bait lang at pwede mong utus-utusan. "Orestis, buhatin mo ako." "Orestis, sabunan mo ako." "Orestis, buhusan mo ako ng olive oil." (Olive oil kasi ata Greece siya at maraming Olive oil dun.)

3. Xabi Alonso

First time ko makakita ng tao nag magkaiba ang kulay ng balbas sa kulay ng buhok sa ulo. Apparently, black/brown hair niya sa ulo then balbas ng carrot top ang balbas niya. Ang cute!

At bigay ko na kay kuya ang most exotic nickname award. Xabi. Ni hindi ko nga alam pano pronounce yan. "Sa" = "Xa"? I am not sure. Basta pogi siya.

Not like it's important, Spain siya galing.



At dahil nagreread ako, narealize ko na magkakamukha silang tatlo. So eto ba ang criteria ko ng yummy na lalake? Flavor of the month ko ba ang ganitong itsura? May ganito bang pinoy sa totoong buhay? Or kahit hindi pinoy. May majojowa ba akong ganito? If may kilala kayo, paki abisuhan ako. Hahuntingin ko.

O yan ha. Sana napatibok ko ang balls or obaryo niyo. Nagskip pa ako ng Nakakatibo over this. Next time na ako magrereact sa mga random bagay. Sa ngayon, magfifinger muna ako over pictures nila.

Baboo.
-nyabach0i

Friday, June 20, 2014

Si Bong Revilla At Kung Ano Pang Kacheapan

Odevah. Huling post ko ay summer pa. Ano na? June na? Buti na lang wala akong followers masyado at walang bayad to pag late posts. Che. Hahaha.

Anyway, dahil ayoko naman mawalan ng blog, magpopost ako.

Minsan lang ako manuod ng TV. At kung manunuod man ako, usually TLC Channel or porn news ang pinapanuod ko. At dahil may hika ako, one week akong bedridden. Ako na ang baldado at walang magawa. Anyway, bumulandra sa pagmumukha ko na may mga Warrant of Arrest na ang mga lecheng senador for plunder and achuchuchu. Tapos etong si Bong Revilla nakakatawa na nakakainsulto. At dahil nasa mood ako, seshare ko ang mga kacheapan ni Bong Revilla.

1. Nakuha pa niyang magpagawa ng T-shirt na may quote from the bible. O diba what is papansin? Nagtawag pa siya ng tao para maging runner sa printing ng T-shirt. Kelangan daw makita ng mga tao na religious siya. Che!

2. Nagmistulang convoy at parade ng MMFF ang pagpunta niya ng Sandigan. Nakakaloka daming stop over. Tinalo pa ang kabaong ni Cory Aquino nung namatay siya. Sana nagcostume na rin siya ng Panday para maximum effect. Daming kaartehan pa na dinaanan. Che!

3. Sasama daw anak niya sa kulungan. Sure kayo? Che!

4. Ininterview sa TV yung panganay niyang anak. Sabi ng interviewer "Ano ang natutunan niyo sa situation na to?" Sagot ni kuya "Ang magdasal at manalig sa Diyos." Wow di ba? So kelangan pa pala makulong ng tatay niya para maging religous. Matatawa ka talaga minsan na parang nagiging religious lang sila kung kelan andyan na at wala na silang magawa. Che!

5. Meron pa lang Revilla Compound. Maniwala akong hindi siya pluderer at corrupt. To think na ang mga kamag anakan niya ay halos lahat ay politicians. With almost 50 cars and a white tiger. Mukha pa lang ni Vice Governor Jolo Revilla wala akong tiwala. Racing ka na lang kuya. Che!

6. Handa daw siya magpakulong kahit san. Sure ka? Che!

7. Hindi ko magets bakit nagmistulang telethon ang pagpunta niya sa Sandigan. Kairita. Sana nanuod na lang ako ng porn. 

8. Dapat talaga ilagay siya sa bilibid levels. Paminsan talaga maiisip ko ang eye for an eye na mode eh. Tutal nagnakaw siya, isama siya sa mga normal na magnanakaw. Or, nakawan natin ang Revilla Compound. Che!

9. Nakakainis yung part na obvious naman na corrupt si kuya hanggang sa huling sandali pinagtatanggol pa rin niya.

10. Si Enrile ba pwedeng magdala ng tablet sa kulungan? For bejewelled purposes?

Odevah? Only in the Philippines yan.
Yun lang.
-nyabach0i

Tuesday, March 11, 2014

Tabach0i Mode - Modern Shanghai

Oo na, oo na.
Matagal na ako hindi naguupdate promise. Teka, mamaya na ako magpapaliwanag, magpopost muna ako ng picture ng kainan.



Ngayon pa lang, mageexplain na ako na mahilig ako sa Chinese eklat at Japanese chuva foodang. Kaya, kung magpopost man ako ng Tabach0i Mode post (which once in a never), umasa kayong puro ganyan.

Pero ang Modern Shanghai! Ang Xiao Long Bao! Ang Pork Bun! Fyi, ang pic na plato lang at walang laman ay Pork Bun. Sa sobrang sarap, hindi ko napansin na kinakain ko na siya bago ko pa man mapindot ang camera icon sa phone ko. So yes, masarap siya.

Presyo ba? Sa dalawang tao, ang bill namin ay umabot ng tig 500. Kasama na dun ang pride mode na magbigay ng tip. So ang mapapayo ko, wag kumain dito ng petsa de peligro. Eto ay matatagpuan sa Glorietta. 

Anywayyyyyy, bago ako magend ng post ko. May tanong ako sa mga makakabasa ng tanong na to.

Kung ikaw ay may alam na parlor na bagong bukas tapos nirecommend mo ang friend mo na dun magpapedicure tapos si ate pedicure sinugatan ka, magagalit ka ba sa friend mo na nagrecommend?

Importanteng tanong yan at kelangan niyo sagutin. Eto ay makakatulong sa akin dahil mga ganitong bagay at malaki ang social relevance. Chos! (Pero seryoso, sagutin niyo please)

Napagisipisip ako na sabi ko sa sarili ko, "nyabach0i, baka naman kaya mo magpost mas regularly ng post. Tutal naka 3G ka, sayang naman." So in conclusion, naisip ko na magpost everytime may shuttle ride ako na matagal ang waiting time. --- bakit ko to shineshare? Ganun talaga.

Para kay nOx, may twitter ako. @nyabach0i

Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

Thursday, February 27, 2014

Riding In Tandem

Kaninang umaga, muntik na ako ma-riding in tandem.
Grabe ganito na pala talaga dito sa Pinas! Push na nila ang krimen. Pero deadma, hindi nila nakuha ang cellphone ko kasi malakas ako. Mahilig kasi ako magfinger magexercise kaya malakas ang grip ko at finger power.
Ang nakakatawang part. So nabawi ko nga ang phone ko di ba, lumingon si kuya snatcher, tapos alam niyo ano ang ginawa ni nyabach0i? Nginitian. Kulang na lang magbelat ako. Puta mo, trabaho tayo kung bet mo ng iphone.

Anyway, gusto ko lang mag random post. Alam ko miss na miss niyo na ako. Charoz.
Pero infairness ha, marami pa lang ganap ganap ngayon.

Gusto niyo bang pagusapan natin si Vhong Navarro? Si Deniece Cornejo? Si Cedric Lee? Bet ko rin sana kaso 2 min lang ang free time ko. ---Promise sa susunod na post ko.

Ganito karandom ang post na to. Gusto ko lang ireport na malakas ang grip power ko. Gusto niyo mafeel? HAHAHA.

-nyabach0i

Tuesday, January 14, 2014

Nakakabading - Happy New Year Edition

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!!

Odiba, kung makabati kala mo New Year's eve! So kamusta ang NY nyo? Ako? Wala. Inarte sa loob ng bahay. First time ko ata hindi lumabas ng bahay ng NYE. Bet ko mag inarte mode kasi majusok at mabaho eklat. Ako na ang maselaaaaan. Akong ako na.

Pero alam ko nangako ako ng Nakakabading na post. Pwes, ibigay. Tinatry ko talaga na maging active active dito sa blogger. Nakakahiya naman sa inyo eh. Mamaya sabihin mo, etong nyabachoi na to ang taba na ang tamad pa. Nakakahiya eh. Charoz. Hahaha.

Anyway, eto na. Ready na kayo? Hawakan na ang mga obaryo! Push!

1. Tyler Blackburn.

Due to some unavoidable circumstances, naadik ako sa Pretty Little Liars. Malakas ang kutob ko, ito ay dahil sa fact na umuulan ng pogi at magaganda. With a push of LGBT friendliness. 

Pero given na yun. But look! Look at his face! Pag nakikita ko tong si Tyler parang gusto ko manapak ng tao at tumakbo ng 21K. Mga ganyan talaga ang nagpapatibok ng puson at obrayo ko. Ang bumuborderline bad boy cross halo halong ethnicity look. Shetttttty. Parang sasaktan ka. Parang sasampalin ka ng malakas tapos biglang kang hahalikan. Mga ganyang levels. Shet pasaan ka siguro sa kanya sa kama. Bastos na. Fine. Tama na.

But no, if people are wondering, hindi ako nanunuod ng Ravenswood kahit siya ang bida. Eto ay sa kadahilanan na iniwan niya sa Hannah sa Rosewood at hindi ako makamove on.

2. Omar Borkan Al Gala

Kung Facebook whore ka at push mo ang send send ng mga articles at news na akala mo correspondent ka or may nakukuha kang pera, pwes, kilala mo dapat tong yummy yummy na to.

Siya ang tinaguriang pogi na nadeport sa Saudi kasi nuknukan ng basa ang kepayla daw ng mga tao dun. Pero bigay ko na. Ang mali lang sa nangyari dun, ay ang chikang nadeport siya. At isa lang ang pinagdadasal ko, ang nadeport siya dito sa pepi ko. Yiiiiiii. Charoz.

Anyway, ayon sa chika, hindi totoong nadeport siya. Yes, nasa Saudi siya nun. Pero ekis ang nadeport siya. Mowdel si kuya. Obviously. Kasi kung hindi siya mowdel or artista, pucha magrerebolusyon ako. Anyway, Canadian si kuya.


3. Abdel Abdelkader

Abs. Kung may definition ng abs with illustrations, eto dapat. Abs. Eto ang abs na dapat sinusundan. Ay bago ko makalimutan, bigay ko na, pretty face si kuya. Chiseled. Parang gawa sa mahogany at kamagong. Parang may varnish. 

Nakikita niyo ba yung masel masel niya sa may gilid gilid? Hindi siya nagatubiling magpakita ng ugat ugat. Siguro kahit mga 5 meters away lang ako sa kanya, mabubuntis ako. Titigan ka lang. Haaaayyyy.

Mowdel si kuya. Spanish-Moroccan. At wait, wait, siya ang paminsan minsang nasa billboard along EDSA for Memo, Hang Ten, at SM kembular. So push ni kuya ang pabalik balik ditey sa Pinas. Next balik mo kuya ako susundo sayooooo. Ihahatid din kita. Sa munisipyo! Diretcho kasal. Chos.



So ayan. Bibigyan ko kayo ng time magcontemplate sa mga kalalakihan na yan.

Anyway, so ano ang masasabi niyo sa nuknukan na lamig? Mej natatakot ako sa Polar Vortex kemerut na yan kasi parang lakas maka 2012 na end of the world movie siya. Parang sa makalawa, magsosnow na ditey sa Pinas tapos matetegi na lahat ng tao. Nakakatakot. Pero pak na pak ang lamig na to ng Pinas ngayon. Kala mo hindi malapit sa equator. Lakas magpanggap. Isa lang kinatatakutan ko, ang Summer. Dahil may direct effect yan. Pag malamig ng tag-lamig, nuknukan ng init ng tag-araw. Alam mo namaaaan. Hindi lahat pwede ibigay sayoooo. Tapos pag sobrang init, meaning malalakas ang ulan sa tag-ulan. Odiba nakakatakot. SO push na natin ang love mother nature kasi mukhang nagtatampo na siya sa atin. (A reminder brought to you by nyabach0i).

So inamin ni Billy na nililigawan niya si Coleen. E di ibigay na. Pero ha, in fairness, bagay itsura nila together. Parehong may blood ng caucasian chuva. May leveling naman na naganap. So bigay ko na sa kanila.

By the wayyyy, meron ba ditong successful na nagsasideline online? If meron, pashare naman. Wag kayong madamot.

Grabe andami kong gusto gawin. Promise. Sana ang isang araw ay 25 hours. Para ang extra hour ilalagay ko sa blogging. (or another hour for tulog)

Anyway, yun lang.
-nyabach0i 

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...