Martes, Marso 11, 2014

Tabach0i Mode - Modern Shanghai

Oo na, oo na.
Matagal na ako hindi naguupdate promise. Teka, mamaya na ako magpapaliwanag, magpopost muna ako ng picture ng kainan.



Ngayon pa lang, mageexplain na ako na mahilig ako sa Chinese eklat at Japanese chuva foodang. Kaya, kung magpopost man ako ng Tabach0i Mode post (which once in a never), umasa kayong puro ganyan.

Pero ang Modern Shanghai! Ang Xiao Long Bao! Ang Pork Bun! Fyi, ang pic na plato lang at walang laman ay Pork Bun. Sa sobrang sarap, hindi ko napansin na kinakain ko na siya bago ko pa man mapindot ang camera icon sa phone ko. So yes, masarap siya.

Presyo ba? Sa dalawang tao, ang bill namin ay umabot ng tig 500. Kasama na dun ang pride mode na magbigay ng tip. So ang mapapayo ko, wag kumain dito ng petsa de peligro. Eto ay matatagpuan sa Glorietta. 

Anywayyyyyy, bago ako magend ng post ko. May tanong ako sa mga makakabasa ng tanong na to.

Kung ikaw ay may alam na parlor na bagong bukas tapos nirecommend mo ang friend mo na dun magpapedicure tapos si ate pedicure sinugatan ka, magagalit ka ba sa friend mo na nagrecommend?

Importanteng tanong yan at kelangan niyo sagutin. Eto ay makakatulong sa akin dahil mga ganitong bagay at malaki ang social relevance. Chos! (Pero seryoso, sagutin niyo please)

Napagisipisip ako na sabi ko sa sarili ko, "nyabach0i, baka naman kaya mo magpost mas regularly ng post. Tutal naka 3G ka, sayang naman." So in conclusion, naisip ko na magpost everytime may shuttle ride ako na matagal ang waiting time. --- bakit ko to shineshare? Ganun talaga.

Para kay nOx, may twitter ako. @nyabach0i

Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

6 (na) komento:

  1. Hindi ako magagalit...ikaw nagalit ka ba?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi ako nagalit. kasi hindi naman ako to. kumalma ka.

      Burahin
  2. Natawa ako dun sa pork bun. Di na namalayan. *hahaha!*

    Uh, di naman ako magagalit, pero maiinis siguro ako at magrereklamo. Ayun. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yang pork bun na yan 5 min lang wala na. hahaha.

      Burahin
  3. hindi ako magagalit sa nagrecommend pero sa sumugat MAGAGALIT AKO! yan capslock para intense. #relatemuchlang lol

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. EXACTLY! hindi ko maintindihan bakit hindi ganyan ang ginawa ng kakilala ko. nagalit siya sa nagrecommend. labo di ba?

      Burahin