Tuesday, January 14, 2014

Nakakabading - Happy New Year Edition

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!!

Odiba, kung makabati kala mo New Year's eve! So kamusta ang NY nyo? Ako? Wala. Inarte sa loob ng bahay. First time ko ata hindi lumabas ng bahay ng NYE. Bet ko mag inarte mode kasi majusok at mabaho eklat. Ako na ang maselaaaaan. Akong ako na.

Pero alam ko nangako ako ng Nakakabading na post. Pwes, ibigay. Tinatry ko talaga na maging active active dito sa blogger. Nakakahiya naman sa inyo eh. Mamaya sabihin mo, etong nyabachoi na to ang taba na ang tamad pa. Nakakahiya eh. Charoz. Hahaha.

Anyway, eto na. Ready na kayo? Hawakan na ang mga obaryo! Push!

1. Tyler Blackburn.

Due to some unavoidable circumstances, naadik ako sa Pretty Little Liars. Malakas ang kutob ko, ito ay dahil sa fact na umuulan ng pogi at magaganda. With a push of LGBT friendliness. 

Pero given na yun. But look! Look at his face! Pag nakikita ko tong si Tyler parang gusto ko manapak ng tao at tumakbo ng 21K. Mga ganyan talaga ang nagpapatibok ng puson at obrayo ko. Ang bumuborderline bad boy cross halo halong ethnicity look. Shetttttty. Parang sasaktan ka. Parang sasampalin ka ng malakas tapos biglang kang hahalikan. Mga ganyang levels. Shet pasaan ka siguro sa kanya sa kama. Bastos na. Fine. Tama na.

But no, if people are wondering, hindi ako nanunuod ng Ravenswood kahit siya ang bida. Eto ay sa kadahilanan na iniwan niya sa Hannah sa Rosewood at hindi ako makamove on.

2. Omar Borkan Al Gala

Kung Facebook whore ka at push mo ang send send ng mga articles at news na akala mo correspondent ka or may nakukuha kang pera, pwes, kilala mo dapat tong yummy yummy na to.

Siya ang tinaguriang pogi na nadeport sa Saudi kasi nuknukan ng basa ang kepayla daw ng mga tao dun. Pero bigay ko na. Ang mali lang sa nangyari dun, ay ang chikang nadeport siya. At isa lang ang pinagdadasal ko, ang nadeport siya dito sa pepi ko. Yiiiiiii. Charoz.

Anyway, ayon sa chika, hindi totoong nadeport siya. Yes, nasa Saudi siya nun. Pero ekis ang nadeport siya. Mowdel si kuya. Obviously. Kasi kung hindi siya mowdel or artista, pucha magrerebolusyon ako. Anyway, Canadian si kuya.


3. Abdel Abdelkader

Abs. Kung may definition ng abs with illustrations, eto dapat. Abs. Eto ang abs na dapat sinusundan. Ay bago ko makalimutan, bigay ko na, pretty face si kuya. Chiseled. Parang gawa sa mahogany at kamagong. Parang may varnish. 

Nakikita niyo ba yung masel masel niya sa may gilid gilid? Hindi siya nagatubiling magpakita ng ugat ugat. Siguro kahit mga 5 meters away lang ako sa kanya, mabubuntis ako. Titigan ka lang. Haaaayyyy.

Mowdel si kuya. Spanish-Moroccan. At wait, wait, siya ang paminsan minsang nasa billboard along EDSA for Memo, Hang Ten, at SM kembular. So push ni kuya ang pabalik balik ditey sa Pinas. Next balik mo kuya ako susundo sayooooo. Ihahatid din kita. Sa munisipyo! Diretcho kasal. Chos.



So ayan. Bibigyan ko kayo ng time magcontemplate sa mga kalalakihan na yan.

Anyway, so ano ang masasabi niyo sa nuknukan na lamig? Mej natatakot ako sa Polar Vortex kemerut na yan kasi parang lakas maka 2012 na end of the world movie siya. Parang sa makalawa, magsosnow na ditey sa Pinas tapos matetegi na lahat ng tao. Nakakatakot. Pero pak na pak ang lamig na to ng Pinas ngayon. Kala mo hindi malapit sa equator. Lakas magpanggap. Isa lang kinatatakutan ko, ang Summer. Dahil may direct effect yan. Pag malamig ng tag-lamig, nuknukan ng init ng tag-araw. Alam mo namaaaan. Hindi lahat pwede ibigay sayoooo. Tapos pag sobrang init, meaning malalakas ang ulan sa tag-ulan. Odiba nakakatakot. SO push na natin ang love mother nature kasi mukhang nagtatampo na siya sa atin. (A reminder brought to you by nyabach0i).

So inamin ni Billy na nililigawan niya si Coleen. E di ibigay na. Pero ha, in fairness, bagay itsura nila together. Parehong may blood ng caucasian chuva. May leveling naman na naganap. So bigay ko na sa kanila.

By the wayyyy, meron ba ditong successful na nagsasideline online? If meron, pashare naman. Wag kayong madamot.

Grabe andami kong gusto gawin. Promise. Sana ang isang araw ay 25 hours. Para ang extra hour ilalagay ko sa blogging. (or another hour for tulog)

Anyway, yun lang.
-nyabach0i 

15 comments:

  1. "kahit mga 5 meters away lang ako sa kanya, mabubuntis ako." taragis ka ang dami kong tawa dito. hahaha.. kaloko!

    anampaluchang abs yan. bet ko pa ti etits nyang si Abdel e maugat at maabs.

    ReplyDelete
    Replies
    1. grabe yung abs noh? nakakalokang abs na yan! baka etits niya may abs din.

      Delete
  2. Pinasaya mo ang umaga ko nyabach0i. Thank you! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. pinasaya mo rin ako sa reply na to! salamat!

      Delete
  3. Ang winner nung 5 meters away tapos mabubuntis! Gusto ko yun! Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. pag gumana sayo, abisuhan mo ako! papabuntis rin ako. hahaha.

      Delete
  4. Oh my... may nafeel akong something sa mga koya... tagal mo namang mag-update... hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. tagal ba? shet napressue naman ako! chos. hahaha.

      Delete
  5. SALAMAT (caps lock para intense) sa comeback edisyownn ng Nakakabading teh. haha
    My gulay ang sarap anakan ng mga lalaking ito! HAHA

    Ako teh nagwowork online ako at successful naman, may client ako na kailangan ng writer sa kanyang bloggey kaso updates tungol sa Cebu eh. :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. DI BAAAA??? reply na capslock for intense. hahaha. ang sarap saraaaap. bwahahaha.

      talaga? shet san ba ako makakahanap ng ganyang work. kalurks.

      Delete
  6. Sabi ni blogspot: ang iyong HTML ay hindi matatanggap: hindi pinapayagan ang tag: FONT

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sayang naman shetty plano ko pa naman pakalakihan ang aking comment...

      Delete