Biyernes, Hunyo 20, 2014

Si Bong Revilla At Kung Ano Pang Kacheapan

Odevah. Huling post ko ay summer pa. Ano na? June na? Buti na lang wala akong followers masyado at walang bayad to pag late posts. Che. Hahaha.

Anyway, dahil ayoko naman mawalan ng blog, magpopost ako.

Minsan lang ako manuod ng TV. At kung manunuod man ako, usually TLC Channel or porn news ang pinapanuod ko. At dahil may hika ako, one week akong bedridden. Ako na ang baldado at walang magawa. Anyway, bumulandra sa pagmumukha ko na may mga Warrant of Arrest na ang mga lecheng senador for plunder and achuchuchu. Tapos etong si Bong Revilla nakakatawa na nakakainsulto. At dahil nasa mood ako, seshare ko ang mga kacheapan ni Bong Revilla.

1. Nakuha pa niyang magpagawa ng T-shirt na may quote from the bible. O diba what is papansin? Nagtawag pa siya ng tao para maging runner sa printing ng T-shirt. Kelangan daw makita ng mga tao na religious siya. Che!

2. Nagmistulang convoy at parade ng MMFF ang pagpunta niya ng Sandigan. Nakakaloka daming stop over. Tinalo pa ang kabaong ni Cory Aquino nung namatay siya. Sana nagcostume na rin siya ng Panday para maximum effect. Daming kaartehan pa na dinaanan. Che!

3. Sasama daw anak niya sa kulungan. Sure kayo? Che!

4. Ininterview sa TV yung panganay niyang anak. Sabi ng interviewer "Ano ang natutunan niyo sa situation na to?" Sagot ni kuya "Ang magdasal at manalig sa Diyos." Wow di ba? So kelangan pa pala makulong ng tatay niya para maging religous. Matatawa ka talaga minsan na parang nagiging religious lang sila kung kelan andyan na at wala na silang magawa. Che!

5. Meron pa lang Revilla Compound. Maniwala akong hindi siya pluderer at corrupt. To think na ang mga kamag anakan niya ay halos lahat ay politicians. With almost 50 cars and a white tiger. Mukha pa lang ni Vice Governor Jolo Revilla wala akong tiwala. Racing ka na lang kuya. Che!

6. Handa daw siya magpakulong kahit san. Sure ka? Che!

7. Hindi ko magets bakit nagmistulang telethon ang pagpunta niya sa Sandigan. Kairita. Sana nanuod na lang ako ng porn. 

8. Dapat talaga ilagay siya sa bilibid levels. Paminsan talaga maiisip ko ang eye for an eye na mode eh. Tutal nagnakaw siya, isama siya sa mga normal na magnanakaw. Or, nakawan natin ang Revilla Compound. Che!

9. Nakakainis yung part na obvious naman na corrupt si kuya hanggang sa huling sandali pinagtatanggol pa rin niya.

10. Si Enrile ba pwedeng magdala ng tablet sa kulungan? For bejewelled purposes?

Odevah? Only in the Philippines yan.
Yun lang.
-nyabach0i

15 komento:

  1. Chill ka lang Nyabachoi. *hahaha* Ngayon ka na lang ulit nagparamdam, bad vibes pa. :) Nakaka-miss ka, sana mag-post ka kahit weekly. Please. :P

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha. eto na nga! natakot ako sa please mo. hahaha.

      Burahin
  2. sa nangyayari ngayon sa Pilipinas at sa mga ka cheapan na yan, mas ma appreciate ko pa ang iyong Nakakabading post... just to reassure my sexuality. hahahaha! tangna dis!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. uy kinilig naman ako sa appreciation mo. eto na magpopost naaaa. tangna dem!

      Burahin
  3. By the way, I just turned off the news. Now accessing to my favorite porn sites in 5...4...3...2.... oh yeah! Grab your dick and double click! hahahaha!

    TumugonBurahin
  4. teh na miss kita at ang post mong nakakabading at nakakatibo. magpost kana teh ng ganyang levels! LOL

    TumugonBurahin
  5. Bakit walang che and numbers 7, 9 and 10? Bakit???

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Anonymous adik pa dinHulyo 3, 2014 nang 6:35 PM

      *ang hindi and anovah...

      Burahin
    2. leche ka napansin mo pa yun.

      Burahin
    3. Shempre ako si anonymous eh

      Burahin
  6. Kaya ayaw kong nakakabasa ng news from pinas. hinayblad ako for 10 seconds. Buti may pangontrang Nakakabading post ;o)

    TumugonBurahin
  7. Ay see. nakakadisappoint naman yan. Too many dramas, hindi naman to pelikula. Kinakagat naman ng pinoy. Minsan maganda rin na magpakatotoo, para sa mga kabataan na mulat na sa katotohanan. Ang pangit dun parang pelikula din, hinahanap ang moves na patok sa masa

    TumugonBurahin
  8. hindi talaga pantay, naalala ko tuloy yung sa i-witness na nagnakaw ng green peas. sabi ng supermarket bayaran na lang ang ninakaw kaso wala ring pera yung manong kaya nga nagnakaw. wala kulong

    TumugonBurahin