Wednesday, December 24, 2014

Unang Putok ni Glentot

Odiba. Wala nang mas gaganda pang timing ang review na to kundi ang thought na Xmas eve ngayon. Let me explain why. Xmas break ko sa work. No work means more time. More time means reading books. Reading books means finally catching up on pending books. Pending books means Unang Putok etc.

Pero ha, una sa lahat, namiss ko magblog. Naalala ko ulit bakit ako nagboblog (wala kasing gusto kumausap sa akin sa totoong buhay) at yung masayang part ng blogging. At that same thought, nainis ako kay Facebook. Kasi parang instead na nagblog ako, nagiinarte ako sa Facebook or nagkecandy crush. Nyeta. Such a waste of valuable time!

Now back to the book.


Ayan ang proof of purchase. Nasa kama ako. Which is very appropriate kasi kung puputukan naman ako ni Glentot, i'll make sure nasa kama ako with my bagong bedsheet. Hindi ko nabitawan ang libro na yan. Pagkagising, kasama sa malling, kasama habang jumejebs... Until natapos ko na lang siya after 1 1/2 days. May weird scenario pa ako sa National Bookstore. May inaantay kasi ako sa Illy the kapihan habang binabasa ang libro. Napatawa ako ng malakas ng very very light. So syempre dahil feeling nila library ang peg ni National Bookstore, tinignan nila ako. Patunay lang to ng effectivity ng putok ni Glentot para hamakin ang pagkatao ng mga unknown people sa sosyalang Illy sa NB.

Pero sorry, kasi late ko na siya nabasa. Malapit na atang mag 1 year old birthday tong libro na to? Pero kala niyo ha. Isa ako sa primetime na bumili. Wala pa sa bookstores meron na ako. 



At oo, nirequire ko na may autograph keme si Glentot. Para pag one day yumaman siya at sumikat, pag binenta ko sa Ebay libro niya with signature and keme, ilalagay ko siya sa category na collectibles.

Pero joke lang. Seryoso kasi I like to think na friends kami since wala akong friends. Charoz another.

Kasi crush ko siya. Charoz another again.

Kasi naiinspire ako sa keme niya. From blog to book. Parang gusto ko maging ganun one day. Which I highly doubt pero malay mo?

In fairness kay Khikhi by the way, bet ko ang mga kaganapan niya. Kung meron man akong pwedeng ihighlight, San Lorenzo Ruiz sealed my 2014 with a bang. 

Bumili na kayo, mga puta kayo!
Charoz.
-nyabach0i

*PS: Magboblog ako ulit promise ko talaga. Although hindi rin naman ako nagsasabi sa million million na nagbabasa (maka million! leche!) gusto ko lang din sabihin out there! At oo, I still owe my horny readers some Nakakabading and Nakakatibo. Shetty wag kayong magunfollow! No! NO! Choz.

2 comments:

  1. Looking forward sa sinasabi mong 'comeback' mo, Nyabachoi. Na-miss kita!

    ReplyDelete

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...