Sabado, Disyembre 22, 2012

Naiinis Ako Sa...

...sarili ko at hindi ako nakapanuod ng Miss Universe! Eto na nga lang ang once a year na moment na magsasanib pwersa ang mga bakla hindi ko pa nagawa ang role ko (hahahahahahaha). Kasi naman, nightshift ako. Well ok fine, kasalanan ko rin. Hindi ko pinush ang sarili ko para magpuyat para mapanuod ang MissU. Nonetheless, i heeeeyyyyretttt!

Taray may award award na naman na umiikot. Haha. Pero sobrang thanks ateng Pinkline at naalala mo akong isama ang mga tinag mo. Alam mo naman, puchupuch lang ang blog ko. Ano ba naman ang laban ko sa mga sobrang sikat na mga blogger (inggitera). Hahahahaha. Pero nonetheless (magamit lang ang word ulit), salamat teeeeee! 

Tapusin ko lang ang keme nitong Versatile Blogger na to tapos dadaldal ako ng whatever. Intindihin niyo na lang, 2:39 ng umaga ngayon. Eto ang pinaka active mode ng utak ko.


The Rules: 
  1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog.
  2. Post seven random things about you
  3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.
So mukhang sa random keme na tayo? Game?

1. Ayoko ng games sa cellphone. Naiirita ako. Yung mga Angry Birds na yan (yung game lang, pero yung ibang angry na bird bet ko yun), Temple Run (although tinry ko to kaso bigla akong nasawa), at kung anuano pang pwedeng games sa cellphone. Ayoko sila. Yung cellphone ko, binubura ko games. Pero, gamer ako. Mahilig ako sa games sa console. Kaso hanggang PS1 at PSP ang nakarir ko. Hindi na ako nakamoveon sa ibang console (also known as walang pera).

2. Mahilig akong magsulat. Either random, kabaklaan, metaphorical, or prose. Member ako nung college ng Malate Literary Folio (na sobrang effort na org I schwear!). Ano ang Malate keme? Google niyo. Charots.

3. Mahilig ako magdrawing. Charcoal ang medium ko at ink. Ayoko ng makulay. Emo shit ako pag nagdadrawing. Pag nagdrawing ako, ibig sabihin lungkutlungkutan sa kangkungan ang moment ko. Hindi ko kaya magdrawing ng walang iniisip. Kelangan may emotion leaning to negative. (HONGARTEEEE!)

4. Gustong gusto kong nagpapasabog ng blackheads. Nakakatanggal siya ng stress sa akin.

5. Ayoko nagpapamasahe sa likod. Nasasaktan ako instead of narerelax. Tinry ko minsan tapos ang ginawa ni ate, ginamit niya siko niya para kayurin ang lamig lamig ng shoulder blades ko. Puta parang gusto kong tumayo at hamunin ng sampalan si ate instead. Ang ending? Wala siyang tip. Hahahaha.

6. Malupit ang hatred ko kay Justin Bieber, Willie Revillame, Manny Pacquaio, Aljur Abrenica, at Jillian Ward. Gusto ko silang ipagsamasama sa isang kwarto at magpasok ng mga gutom na leon at oso. Ayoko rin ng mga tanga at inuulit ang mga tanong ko.

7. Iba iba ang choices ko sa songs. From indie to KPOP. Labo labo. Pero marami sa mga kanta na nasa iPod ko konti lang ang may alam. Pag may nakita/nakilala akong gusto rin ang mga weird songs na gusto ko, kinikilig ako. Hahahaha.

So ayan. Tapos na. 

Time check. 2:57 ng umaga. So pano ba yan? Buo pa rin ang mundo. Ayoko na makisali at ipoint out kung gaano kamali ang Mayan sa calendar kemerut nila. Iniinterpret ko na lang na kunwari na lang nagkulang sila ng page or bato pag kaltos ng mga dates? Ewan. Pero kung matuloy man ang end of the world, keri lang din. Syempre mas ok sana na wag pero keri lang kung oo. As if naman may choice tayo. Hahahaha. 

Pero sana wag. Marami pa akong gustong gawin. At tikman..... na pagkain. At mapuntahan. Gusto ko pang rumampage sa CA at NY. Gusto ko pang pumunta ng Iceland at magiiiyak sa ganda ng scenery at yung Aurora keme na dun lang at New Zealand nakikita. Gusto ko pa ibigay kay mujayra ang best in daughter alaga at support. Gusto ko pang makitang yumaman ng wagas ang bunso kong kapatid! At ang pinakaimportante, gusto ko pang manakit ng mga puso ng maraming tao. Hahahaha. Joke lang.  So malamang hindi tuloy yan. Marami pa akong gustong itry na position.... sa buhay. Labo. HAHA.

Pero kahit hate na hate ko si Justin Bieber with all my might, ang OA naman ng reaction ng Pinas ha. I ban ba si Justin Kemer? Patulan ang bata? Patola? Ilabas na ang misua eto ang ang mga patola? Ganern ang peg? Bawal magjoke? Kelangan persona non grata kagad? Bawal kausapin? OA I schwear! Hindi mo alam kung matatawa ka ba or mahihiya sa mga decision na ginagawa ng gobyerno. Kaloka. Buti sana kung nagbad mouth si Justin Biebah about sa buong Pinas. But no, boxing lang. BOXING LAAAANNG. LAAAANG. LANG. Boxing is not equal buong bansa. Wag tayong OA utang na loob.

Pero haymzori. Gusto ko pa rin itapon sa buwan si Justin Bieber. 

Yun lang.
Kthanxbye.
Baboo.

-nyabach0i

35 komento:

  1. Eeeeww sa blackheads!!! Haha! Pag gusto mong mag emo para makapagdrawing ka isipin mo lang ako....

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mahirap ata yan. kelangan nafifeel ko eh. hindi ko kaya na itranslate ang nafifeel ng iba. hahaha. hongarte ko!

      Burahin
  2. Asan ang ibang sampol ng sketches? :))

    HAHAH Si Bieber? Sino yun? Pero hindi ba mas maganda kung pwede pa rin sya mag concert dito? PERO DAPAT WALANG PINOY NA SUSUPORTA! HAHAHAH!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sa susunod na post ko. maglalagay ako ng sample. :)

      lecheng bieber na yan. haha.

      Burahin
  3. funny to...pareho tayong walang pasesiya sa mga tonta

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kung pwede lang manakit ng tonta i schwear! hahaha.

      Burahin
  4. sana makita namn ang drawing mo... mag lungkot lungkutan ka muna para maka drawing hehehe

    watch ka na lang sa youtube ng miss U pwede pa humabol hehehe

    ako din di hilig ang games sa cellphone... huling game ko ung snake sa 3310 hahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sa susunod na post ko maglalagay ako ng drawing ko. :)

      dodownload ko ang miss universe. ayoko ng putol putol eh. hahaha.

      Burahin
  5. "Malupit ang hatred ko kay Justin Bieber, Willie Revillame, Manny Pacquaio, Aljur Abrenica, at Jillian Ward." Sa akin si Justin Bieber at Willie lang. Yung isa eh bakla at yung isa naman ay nuknukan ng bastos.

    Sampol naman ng mga drowings :))

    Mahilig ako sa games kaso wala akong kinabukasan sa Temple Run. Olats!

    Justin Bieber is gay!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oo magpopost nga ako ng drawing sa susunod na post! hahahaha.

      makapagpost nga ng about sa hatred ko sa kanilang lahat? hm.

      Burahin
  6. Syet ang tawa ko sa No. 4. Kaderder ah. Pinasaya mo na naman ang araw ko.

    No.5. ayaw mo magpamasahe sa likod kase gusto mo sa harap at lamasin yan. dyuk!

    Ipabas mo ang mga hubad na drawing mo. dyuk!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wooshoo wag ka na magmalinis. nagpuputok ka rin ng blackheads eh. hahahaha.

      kung ako yan, walang himas himas yan! diretcho! ayoko nagsasayang ng oras. charots!

      Burahin
  7. Ang dami mo namang kinakainisan. Pagnagsama-sama silang makita mo, baka mahighblood ka!

    Nakarelate ako dun sa huling paragraph. Pero hindi ko rin gusto si Bieber! haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha. pucha end of the world levels yun pag nagsamasama kami ng lahat ng kinaiinisan ko. hahahaha.

      Burahin
  8. haha ano kaya kayang magiging reaksyon mo kapag nakita mo si Justine dito...baka naman sayo palang nakaganti na ang buong Pilipinas haha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

      Burahin
    2. grabe ka naman. hahahaha. papasniper ko siya sa airport. CHAROTS!

      Burahin
  9. Big deal ba talaga yang Miss Universe na yan? I just watched the QA portion para makita kung sino ang bibigyan ko ng korona ng Miss Tonta Universe. In fairness, hindi winner non si Miss Philippines who showed her authentic true Filipina beauty (hindi yung mala-gatas balat ng mga half-breeds) at intelligence. I think si Miss USA din ang nanalo ng Miss Tonta Universe. Hindi pa big deal sakin ang Miss Universe ng dating na ito no? hahahaha!

    1. Hind i din ako mahilig sa mga games sa cellphone. Madamot kasi ako kaya delete ako ng delete ng games para walang humiram. Ang iginanti sa akin ng tadhana ay ganito- nasira ang aking blackberry. Ngayon user na ako ng primitive gadget na NOkia 1110. Wala nang naglalakas loob manghiram ng telepono sakin sa hiya.

    2. I love writing too. Hindi halata sa comments no? hehehe... I write pretty much the same genres as yours. yun nga lang, hindi ako member ng isang big time literary society. DLSU ka pala. Sosyal!

    3. Hindi naman emo o negative ang charcoal eh. Para lang din yang black and white photos. They have a certain beauty. Black and white effects add depth, grace, and inexplicable allure to images.

    4. I won't expound anything else regarding the subject. It's too gross.

    5. Pambihira ka, ikaw na nga itong sineserbisyohan ikaw pa itong makikipagsampalan! Hontoroy! kapatid ka ba ni Paula Jamie Salvosa, aka Amalayer Girl? hahaha!

    6. Isama mo na din si Mommy D, Kris Aquino, Boyet Fajardo, Amalayer Girl, at si Barney.

    7. Kinilig ka na agad, may kakaibang lang taste sa music. pumi-pbb teens ka ha. hahahah!

    Sobrang dami mong gusto at hilig. Hahaha! Pero kahit ako man, marami pa akong gustong wasakin na puso at paluhain, at pinapangarap ko pang maging isa sa Hall of the Most Nakakabading Guys on Earth sa blog mo! hahaha!

    Ang tanga din ng ibang tao sa atin no? Halos sambahin nila ang baklang yon nung nakatungtong sa Manila, tapos napagtawanan lang ang kanilang sinasambang Manny eh persona non grata agad. Labo! Hilig talaga sa drama ng pinoy! Simula pa lang dapat persona non grata na yang si Bieber na yan!

    lakas ng loob nila magsalita hindi naman kayang patalsikin ang mga Chinese sa sariling teritoryo! Mga walang bayag! Argh!

    Yan! Na-highblood na naman ako!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha...XD grabe, TRIPSTER IKAW NA!! lol! kung Q&A portion lang din naman ang pag.uusapan si Ms. Valenzuela talaga ang dbest!! lol dumugo ilong ko sa kanya.

      Burahin
    2. eto ang gusto ko sayo mr tripster! ang comment mo na parang isang buong post sa blog! joke lang. pero ha. teka gagayahin kita magcomment.

      1. actually matagal akong nakaprimitive na cellphone. e kaso parang feeling ko deserve ko na ng magandang phone. hahaha.

      2. hindi porket galing DLSU sosyal. hahahaha. ako ang evidence dun. hehehehe.

      3. hindi naman sa negative ang impression ng charcoal sa akin. gusto ko lang ng dark at light na medium. ayokong nagcocolor kasi. so perfect ang charcoal. pero paminsan nagpapastel din ako.

      4. isa ka pa! umamin ka na. nagpuputok ka rin ng blackheads. hahaha.

      5. eeeee kasi naman sobrang sakit! hindi ko kayang nilalamog ako! hahaha.

      6. actually ayoko ng buong pamilya pacquaio. gusto ko si kris aquino kasi gusto ko yung telethon niya nung bagyong ondoy. sobrang napabilib niya ako.

      7. kasi naman! kung malalaman mo lang ang taste ko sa music! i schwear maguguluhan ka. hahahaha.

      so ayun. salamat sa mega habang comment. ewan ko kung bakit nagumeffort ako. malakas ang feeling ko na hindi ka magrereply dito or hindi mo na to mababasa at all. hahahaha.

      Burahin
  10. Mareng nyabachoi kahit ano ipost mo wala pa ring mintis ang iyong pagpapatawa sa akin. ;))

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pareng cyron agustin, ano ka baaaa. wag kang bolero huuuuh. marupok ako. charots!

      Burahin
  11. Kinikilig din ang mga balahibo ko sa ilong kapag may alam ng mga songs ko na hindi mainstream :)

    TumugonBurahin
  12. may replay kahapon ng Ms. U, hindi ka rin nakapanood?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. OHEMGEEEEE!!! HINDI KO ALAM NA MAY REPLAAAAYYY!!! SHETNESS!!!!!

      Burahin
  13. haha i like the term na gusto mong itapon si justin sa buwan.. bwahaha.. nice one..

    http://dailyfacebookpost.blogspot.com/

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. thanks! finollow kita. yan siguro ang reason bakit may link diyan sa baba. hehehehe.

      Burahin
    2. Haha.. Finollow din kita.. Salamat.l :-)

      Burahin
  14. hahaha umaagree ako sa number six! super hate ko din si willie supppeeeeeeeeeeer! feeling ang galing maghost, utal utal naman. hehe, wala lungs.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. omgggg masaya ako at may umaagree sa akin sa hatred kay willie!!! di ba??? kairita maghost tapos parang feel na feel niya pera niya ang ginagawa niyang prize! haaaay nakeerrr!

      Burahin
  15. ako din ayko kay justin bieber.. tulungan kita sa pagpapakain sakanya sa lion..or papuntahing buwan! haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. aasahan kita diyan te! tulungan mo muna ako maghanap ng leon!

      Burahin
  16. iritang irita din ako kay jillian ward! ewan ko ba..makita ko pa lang sya naiinis na ko hahaha!

    natawa ako sa pagtatanggol mo kay bieber pero gusto mo pa rin pala syang itapon sa buwan..bat di na lang sa araw para sunog agad chos!

    TumugonBurahin