Miyerkules, Disyembre 5, 2012

So Eto Gising Pa...


...ako ng ganitong oras.

Time check 1:15am.

Kasabay ng type type keme ko, nanunuod ako ng Dexter plus nagaabang ako ng ticket na related sa work.
Tapos syempre, nagbabasa ng blog posts niyo. NAKS!

Tapos napansin ko umulan ng wishlist post sa blog at ng mga random thought mode na numbered format. So buti na lang inggitera ako at wala akong maisip na ipopost. Ayoko naman hindi magpost kasi may parang nararamdaman ko na may hidden deadline akong sinusunod. Leche! Akala mo naman may bayad to or whatever. Haha. Pfffft.

Teka try natin ang numbered chorba na yan.

1. Ako mismo natatakot na ako sa mga ginagawa ko online. Buti sana kung porn eh. Kaso hindi. Parang OMG, ganito ba pag single????? Lahat na lang ng tao online crush ko?? Kahit sino na lang???!?!?!? Kamote. Pero alam mo yun, hindi ko naisip maghanap ng harhar. For some weird reason, nageenjoy ako na obsessed ako sa iba't ibang bagay. PUNYETAHELPMENOOOOWW!

2. Paano kaya naiisip ng mga taong nagpapapayat? San kaya nila nakukuha ang motivation? Kelangan ko ba mayurak ang pagkatao ko? Kelangan bang mag mega heart break? Or simpleng motivation lang for health?? Saan? --- Pero keri lang din. Nacurious lang ako kung san nanggagaling ang motivation na yan.

3. Bakit ba ang RHbill na yan hindi napipirmahan????? Pabobohan ba? So parang sinasabi na rin ng senado na keri lang kumalat ang HIV at AIDS? San dun ang hindi nila nagets?

4. Buntis si Kate Middleton. Tataba kaya siya?

5. Nauubusan na ako ng mga ipopost. Either Nakakabading or Nakakatibo (Naks! Kelangan talaga capital ang first letter! Proper noun!). Nahihirapan na ako magisip at sobrang busy lang ako sobra (likesupersupermega).

6. Nagkecrave ako ng mais. Kaso ayoko sila hawakan. Corn on cob. Pero ayaw kong hawakan ang mga ganun at ayoko rin ng nasa lata. Kamote.

7. Wala pang Christmas shopping na naganap. Wala rin akong pera. Hay.

8. Magkakapera pa kaya ako?

9. Baka hindi na ata.

10. Haaaaaaaaaaayy.

Ok. So yan na ang version ko ng numbered keme. So mukhang hindi successful noh? Ayoko naman na isipin ng onteng mga taong nagbabasa nito na magaling lang ako magpost ng Nakakabading or Nakakatibo. Tinatry ko naman. Promise tinatry ko I schwear!

HAHA.
Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

28 komento:

  1. Hindi naman lahat, I'm single din pero choosy pa din ako sa mga nagiging crush ko hehehe...

    I don't think tataba si Kate Middleton, hindi yun papayagan ng reyna for sure!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ganun naman ata talaga dapat. maging choosy kahit papaano. hahaha.

      haha natawa naman ako na hindi papayagan ng reyna. disgrace sa pamilya! wahahaha.

      Burahin
  2. haha. ang kulit lang.
    magkakapera ka din at feeling ko hindi naman tataba si Kate Middleton, hihi.. siya pa! :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana magdilang anghel ka na magkakapera ako!

      Burahin
  3. baliw ka lang no? hahaha. impeyrnes, napatawa naman ako sa kababawan na to. hahaha. bumenta. sampu tumpok. ang mura lang. haha

    lakas makahawa ng post.

    Super benta ang #6. ang tamad lang kumain, gusto walang effort, subo agad! (ay teka, baka related sa #1 to. ) :D

    happy baclaran day!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. baclaran day? baclaran day pala? hehehehe. wag mong pigilan ang sarili mo. gow lang magpahawa ka lang. hahaha.

      Burahin
  4. hangkulit naman hehehe.... ung iba gustong maging slim o sexy para mapansin ni crush nila hehehe un ang motivation nila..

    sana magkapera ka na para malibre mo kami sa Pasko hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana magkapera nga ako. promise lilibre kita! haha.

      Burahin
  5. ok lang yan teh..normal yang #1 hehe gatong pa... dahil jan magka-member na tayo sa SMP...

    ang laking problema talaga nyang #6 mo tsk tsk wala akong maitutulong jan..

    tama si Jon dapat magkapera ka na para mailibre mo kami sa Pasko..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. akala ko hahawakan mo for me. hehehehe.
      sige lilibre na rin kita pag nagkapera ako.

      Burahin
    2. dahil ililibre mo naman ako..sige hahawakan ko na for you..gusto mo himayin ko pa isa isa eh...

      Burahin
  6. okay naman yung numbered post mo ah, next project alphabetized post naman kung may ganun nga....bwahahahahah nakikigulo lang

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sige alphabetized post bukas. kung meron man. haha.

      Burahin
  7. Tingin ko hindi tataba si Kate, mga buntis lang naman sa Pinas ang mga lumolobo pag nabubuntis. HAHAH!

    Motivation ng pagpapayat. Maliban sa nasabi ni sir Jon, yung iba naiinggit lang, or conscious na? :) HAHAHAH!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana talaga tumaba siya. maiba naman. hahahaha. di ba mapapaisip ka kung ano talaga ang motivation ng mga tao!

      Burahin
  8. Tingin ko hindi kana papayat. dyuk! lol dami kong tawa. Minsan magpost tayo ng serious. Pakamatay na. lol :P Rumarandom oh

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahahaha. wala akong balak magpapayat. naisip ko lang ang motivation keme.

      sige magpopost rin ako ng serious bukas na bukas rin. hahaha.

      Burahin
  9. Hindi naman sa may hidden deadline dito sa blogosphere. Pero talagang nakaka-adik that you feel compelled to post something and to visit other blogs. Lakas kasi ng trip nating mga bloggers. Parang ito na talaga ang reality natin at ang mundong ginagalawan natin araw-araw ay walang buhay, sobrang bland, as in, wala lang. Hahaha! Nakasinghot na naman ako ng sarili kong utot! hahaha!

    anyway....

    1. Natatakot ka sa mga ginagawa mo online? Bakit? Nang-SOTTO ka ba? Cyber-criminal ka na rin ba? Kung ganon eh, see you na lang sa munti, jamming tayo don pagdating ng panahon. hahaha! Online crush ha, ano ka? nagdadalaga? Pbb teens ang dating? hahaha!

    2. Para sa pagpapayat, well, you can have any motivation pero if you lack the discipline eh talagang wala. Ma-heartbreak ka man, kung walang discipline eh wala din. Napatigil na nga rin ako sa fitness challenge ko eh. I tried posting reports and updates sa blog ko para lalo ako ma-motivate, pero ayun, October pa yata ako huling nakapunta sa gym. Lumolobo na naman ako.

    3. Big deal talaga sa atin ang RH Bill. They are so concerned about the virginal purity and innocence of the people. EH PUCHA 95 MILLION NA TAYO! We can't deny the fact na isa tayo sa mga malilibog na tao sa mundo! Hello? 11 senators voted yesterday to delete phrases such as "safe and satisfying sex life" at "pleasurable and safe sexual experiences". PUCHA! Mga hindi marunong sa kama yon! kawawa mga misis nila. Never nila na reach ang climax ng orgasm! hahaha! If they really want to tame the sexual urges of the people, they should ban the Nakakatibo and Nakakabading sections of this blog! hahaha! Peace! wag naman! Nagbibiro lang ako!

    4. I doubt na tataba si Kate. Europeans put on a kilo or two, but after birth mabilis silang makabalik in shape. Strict din kasi sila sa diet. Diet, hindi yung pagpapapayat during pregnancy, but diet as in eating the right food and the right amount.

    5. Sa tingin ko kahit Nakakabading at Nakakatibo ang i-post mo, solve na eh. hahaha!

    6. Buntis ka yata. Gusto mo ng mais pero napaka conditional. Demanding mo teh!

    7. In my case, walang Christmas shopping talagang magaganap, para magka-pera ako. Although, naghahanap ako ng ireregalo ko sa sarili ko. Spirit of Christmas nga naman noh?

    8. Magkakapera ka pa, the way, magkakabills pa rin akong babayaran.

    9. Nawa din hindi na ako magkaroon ng mga bayarin.

    10. Pambihirang buhay.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. eto ang gusto ko sa mga comment mo! sobrang parang isang buong post na ng blog! promise!

      mas lalo na yung number 3 na sagot mo! i love it. sobrang hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganun sila magisip. same thing with the cybercrime keme talaga! kairita!

      hindi ako buntis! weird lang ang mga cravings ko. hahahaha.

      Burahin
    2. grabe, award winner ang comment. ang haba! pero yung totoo, ganun talaga e. basta maliit ang etits, the more you will [*ck. more cravings sa sex. tingan mo na lang yung dalawang largest population sa mundo. Tataba yang Kate na yan ng big time kung hindi aalagaan mabuti yung sarili nya. Dito sa europe most of the time malakas silang bumanat ng lunch. kunng akala mong big time matakaw ka, hindi ako sigurado kung kerry mo pagkain nila sa tanghalian. big portion ng soup, extra size main dish, banatan pa ng salad at nakakatabang dessserts.

      para kay mareng nyabach0i payo ko sayo less eat sa dinner. kumain ka na sa umaga at tanghali ng malupit, wag ka ng bumanat sa gabi. dahil alam mo ng hindi ka gumagalaw ng ganong ka active compare sa umaga at tanghali.

      Burahin
    3. aba aba sino yang 11 senators na yan na pinadelete ang safe and satisfying sex life?!

      Burahin
    4. wala nga akong sinabi na gusto ko magpapayat! kaloka kayo. hahaha. ay nasa europe ka pala cyron agustin????!?!? hindi ka man lang nagabiso. charots!

      oo kumars pink line! importante sa buhay ang safe and satisfying sex life! hahaha. SEX SEX SEX!!! hahahaha.

      Burahin
  10. Ako rin bulleted ang comment ko:

    1. Normal lang ang ginagawa mo sa #1 kasi wala kang bf pero pag may bf kana for sure mawawalan ka ng time para ma stalk mo ang crush mo kasi busy sa bf. LOL *relate much lang* hahaha
    2. Na motivate sila magpapayat kasi ang pangit na nilang tingnan sa pagiging mataba. LOL
    3. Hindi pa pinipirmahan ang RH Bill kasi pa virginal at pa sacred effect yang mga senators na yan! Malapit na kasi ang eleksyon at gusto nila makuha ang simpatiya ng church. You know pandagdag influences sa vote!
    4. Tataba si Kate Middleton ng 2 kilos. hahaha
    5. Kahit anong nakakatibo at nakakabading keri na kasi ito talaga ang hinihintay ng iyong mga avid readers. hahahaha
    6. Ako ang hahawak ng mais para sa iyo para makakain ka. chos!
    7-10. Magkakapera ka this month. I swear, kasi may 13th month na darating eh. :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. omg totoo? hahanapin kita para makakain na ako ng mais!!!
      shet sana nga totoo yang sinasabi mo na magkakapera ako. haaay.

      Burahin
  11. 2. Siguro sa pagiging insecure sa mas payat sa kanila, ayun nagpapapayat na rin. HIndi na kakain hanggang maging buto't balat na.

    3. Hindi ka na nasanay sa mga mambabatas ng ating bansa. May senador nga tayong grumadweyt sa Wanbol University.

    7. 8. Yan din ang problema ko. Paano ba magkapera sa darating na Pasko?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. bobo talaga ng senador minsan. kaloka.
      pag nalaman mo pano magkapera etong pasko abisuhan mo ako ha?

      Burahin
  12. una ko talagang naisip eh.. pano nalang ang url mo kapag pumayat ka?? so maiiba yun.. (ang ewan ko lang magisip) panindigan mo nalang ang nyabachoi.. hehehe

    at sa ibang pang issue mo sa buhay.. e kaw na bahala dyan.basta kapag nagkapera ka.. bestfriend tayo ha??? hahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi nga ako nagpapapayat. kulit. naisip ko lang kung ano ang iniisip ng mga tao na gusto magpapayat.

      sige bffs tayo pag nagkapera ako. hahaha.

      Burahin