Monday, January 7, 2013

Mathophobia


Last week, sa saliw ng holiday kemerloo, nagpasagot yung isang friend ko sa kapatid kong baliw ng Matrices and Gauss-Jordan  Process of Elimination something something. Basta algorithm keme something. Wait ha, una sa lahat, kaya ko tinatawag na baliw ang kapatid ko kasi baliw sa sobrang talino. As in yung talino na hindi na normal at nakakatakot na. Kaya baliw ang tawag ko sa kanya. So binigay ko yung tatlong problem. Kamustasa! After 10 min lumabas ng kwarto at inabot etong yellow-pink paper with solution. Take note, may checking pa! Baliw na baliw.


At hindi pa dun tumigil. May I share my opinion pa tong kapatid ko.

"Yung prof nila hindi pinagisipan kung ano ang magiging result nung problem kasi sobrang lalaki ng fractions blah blah hemorrhage blah blah"

Hinimatay ako ng slight.

Pagkabuhay ko, inisip ko sa sarili ko, bakit hindi ko to nakuha? San nagkamali ang magulang ko at hindi ko nakuha ang kabaliwan na to? Ako may phobia ako sa math. Arithmetic fine sige pasok sa jar ko yan. Pero puta yung mga ganyang level? Ay! No! Nevermind! Hindi ko rin alam kung paano ako nagsurvive ng highschool! Well, may explanation ako kung bakit ako nagsurvive ng college, pero nonetheless! Kaloka ang mathsung! 

Science ang college churvaloo ko. So less math plus may option pang mangopya ng karumaldumal levels. 

Parang yang mga problem na yan. Helloooooo magagamit pala sa totoong buhay eh. At pag nakakakita talaga ako ng problems ng math gusto ko dumuwal ng dugo at umiyak ng pawis. Ganun ka stress ang levelling.

Ay onteng introduction. Yung baliw kong kapatid, Computer Eng sa UP Diliman at graduating na yan. At ang pinakanakakabaliw na moment sa kanya, naalala niya ang mga lumang lessons niya kahit elementary pa yan. Parang etong Jordan kemerloo. 

Sobrang proud ako diyan sa baliw na yan I swear. Sana hindi maunsyame ang Summa niya (papalechon ako promise). 
Mushy proud sistah mode ang post ko today. Walang makakapigil.
Yun lang.

Hindi ko kinakaya na pumapasok ulit ako sa office. Namiss ko ang bakasyon. Hay. Pero bukas try kong magpost ng Nakakatibo. When I say bukas, that should be 2 to 3 days from today. Hahaha.

Kthanxbye.
-nyabach0i

28 comments:

  1. nakaka nose bleed naman ang mga equations jan... kabilib naman si brother na running for summa... gudlak sa kanya at sana makatikim ako ng litson ha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. pag nagsumma siya papadalhan kita ng litson. hahahaha. sobra akong proud sa kanya at the same time nakakatakot. haha.

      Delete
  2. paano nga rin kaya ako nakaraos ng hayskul noon? hate ko din ang math pero kailangan ko siyang ibigin ng lubos dahil saking kurso. magaling ang kapatid mo. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. anong bang course yan? BS Math? wala kang choice dun. hahahaha.

      Delete
    2. physics. pakurot din sa lechon kapag naging summa si brother :)

      Delete
    3. toroy ng physics! graduate ka na?
      sige pag grad ng kapatid ko sama ka for the lechon. hahaha.

      Delete
  3. ma-text ang blog entry mo ngayon. hahaha. nakakapanibago sa haba ng narrative. hahahaha XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay pangit ba? tigilan ko na ba? hahahaha. sige fine next post ko photo blog. charots.

      Delete
    2. ay hindi naman pangit. nanibago lang ako :)

      Delete
    3. hahahaha. wala na ayoko na ng narrative. charots! salamat sa pagbasa!

      Delete
  4. wow bonggang bonggang gifted ang utol mo..kahanga hanga!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako rin hanganghanga sa kanya! nung sinabi mo ang term na gifted iba ang naisip ko. ako na bastos. hahahaha.

      Delete
  5. ang galing ng kapatid mo! minsan lang ang talinong yan. naalala ko rin nong college one problem 5 pages solution back to back pero sabihin man natin na walang sense, kapag nakita mo yong process ng solution may sense din pala! hahahaha

    i assume na matalino ka rin kung hindi sa math sa ibang bagay dahil ang kapatid mo ubod ng talino! pashare naman! lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala pa rin talagang sense noh. joke lang. hahahaha. promise pag binigyan mo ako ng algebra problem hindi ko kayang sagutan. hahaha.

      hindi ako matalino na kasing level niya. saktong talino maybe. hahaha.

      Delete
  6. Siya na ang math genuis! Pwede niyong gawing business yan! Haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! business amputek. panong business? share your thoughts. hahahaha.

      Delete
  7. nakakatuwa naman ang kapatid mo. biniyayaan ng sobra sobra talino :)ayos yan. ngumingiti na ung future nya.
    katulad mo,nasusuka ako sa math minsan :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga malakas kutob ko na siya ang aahon sa amin sa kahirapan. pero ang oa ng talino kasi. pwedeng sakto lang naman eh. hindi na napasa sa ibang kapatid. charots.

      Delete
  8. wahhhh! if ako ang pina solve ng ganyang math problem siguro naubusan na ako ng dugo. ayaw ko talaga ng problem solving involving numbers. okay lang sa akin na kahit pagsulatin ako ng mahabang essay basta wag lang math. LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako rin! kahit anong written kemerloo papatulan ko. science pati. kahit ilang palaka ang idissect ko kakaririn ko. wag lang math utang na loob.

      Delete
  9. wahh pareho tau. kaya ako nag enrolled sa AB course kasi dalwa lang yung math. hahaha. Mathophobia pala tawag jan. at congrats ky brother. ;-) me gelpren bah (dyuk!)papaturo lang namn.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo may jowaers na siya eh. teh charots lang ang term ko na "mathophobia". imbento ko lang yan teh. hahahaha.

      Delete
  10. Bullshit ka Mathematics! Hayop ka math! Sinira mo buhay ko. Sa tatlong paaralan na pinasukan ko at apat na kursong pinagaralan sinundan mo ako! I don't love you and yet nakabuntot ka sakin. Sobra kang clingy! tapos you demand that I solve your problems? Puweh! Leche ka math! Simula't sapol walang patutunguhan ang relasyon na ito! Gusto mo lagi i-balance ang equations at relations ng iba pero ako hindi mo man lang ako binigyan ng space! Dahil sayo ang space ay infinity, tapos ang dami pang chechebureche brain-damaging theories ka! But it all boils down to me solving all your problems! Utak nga lang ang hinabol mo sakin, ayun nalusaw na! Hayop ka math! Isinusumpa kita!!!!!


    hahahaha! naiiyak ako na natatawa! hahahaha!

    Oh by the way, kudos to your sister. She's one of the few remaining intelligent life-forms on earth (kasama tayo siyempre sa mga yun, hehehehe)....

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahaha! benta ang rant! i love ettttt! bentang bentaaa! di ba? kung makapasa ng problema??! close tayo math??

      oo few remaining na lang siya. brother siya actually. little brother ko. at yes, kasama tayo sa intelligent life form. sagot ko na ang kabaklaan at kabastusan. CHAROTS!

      Delete
    2. Ay sorry, brother pala. hahaha! High five nyabachoi!

      Delete
  11. hala ako rin oa ang hatred n nararamdaman ko sa math... isang beses pinahiya ako ng teacher ko... habang masigasig syang ng tuturo ko naman ay nananahimik na nag drodrowing ng mga bulaklak sa upuan ko... bigla ya akong tinawag at napanganga ako sa equation na nka sulat sa pisara... agad gad syang lumapit sa desk ko at tinignan ang pinag kakabusyhan ko... at idrinowing sa board well baronesa... eto ang gagawin ko sa mga bulaklak mo at nag drawing rin sya ng mga bulaklak at isa isa itong pinapalakol whahahaha....

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang basag trip naman yan! hahahahaha. shet benta to. inggit lang yan si teacher. bulaklak amputaa. kung ako iba na dinrawing ko sa board. which is madalas ko rin idrawing sa pader as vandal. hahahahaha!

      Delete
  12. kahit kelan talaga hindi ko nakahiligan ang subject na math. nagtataka nga ako nung grade 6 kung baket naging 4th honor ako nung graduation haha!

    ang sakit sa bangs ng math subjects. period!

    ReplyDelete

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...