Sabado, Disyembre 29, 2012

Nakakabading - Thuderbird Edition

Una sa lahat, thank you kay Pinkline sa pag bigay ng idea. At naiinis ako sa sarili ko na hindi ko to naisip! Hahahaha. Muntik na ako mag Anime edition. Wahahahaha. Pero te, salamat sa idea!

Syempre, bago magbagong taon, kelangan magpost ako ng Nakakabading. Kelangan end the year with a BANG. Bang as in paputok or putukan (failed bastos hirit). Pero ha, nakakaloka tong nanay ko. Para sa kaalaman ng lahat, ang oras ngayon ay 4:14 ng umaga. Kamusta ang kakauwi lang??!?? Uwi ba yan ng isang desenteng babae? Charots. Hahahaha. Siguro may jowa to? WAHAHAHAHA! (sa totoo lang gumimik siya sa comedy bar with mga amiga).

Thunderbird edition. Thunders na may bird. 40 years old and above thunders na may mga bird! Kalokaaaaa. Shet yung may mga daddy issues diyaaaaan. Ready na kayooo? Game.

1. Pierce Brosnan
59 years old. Sheeet paslit pa lang ako naiihi na ako sa kilig kay Papa Pierce! Gusto ko yung mga ganyang itsura talaga I schwear! Eexplain ko na naman ba na mahina ang puso ko sa mga americano na by default singkit na walang asian blood? Ang lakas maka enigmatic look slash pacute look! Paki 007 na ang katawan ko. CHOS!

Wala akong pake kung hihirit kayo na kasing edad na to ng tatay ko or whatevs. Deadmalunggay. Bet na bet ko siya. Ipagtatanggol ko ang pagiibigan namin. E so what kung halos 40 years ang agwat namin??? (Oo, 19 years old ako. Decision niyo na kung maniniwala kayo). HAHAHAHA. Ang balbon balbon! Lakas maka stuffed toy ng balahibo!

2. Eric Dane
DEVAHHHHH???? Kelangan ko pa ba iexplain to kung bakit kasama si Eric sa listahan? Devah! 

Americanong singkit tapos blue eyed! Tangina. Pasok na pasok sa banga ni nyabach0i! Tapos tinitigan ka pa ng ganyan? Wala na. White flag na ang panty ko sa kanya. Sumuko na siya. Let go and let love na ang motto ni panty.

40 years old si kuya. Bumuzzer beater pa siya sa age limit. Maiisip niyo ba na 40 siya? Wit di ba? Tinry niyo ba tignan yung mata? Parang may balak siyang masama sa inyo. Yiiiiii kinikilig ako! Mahina siguro 2 hours sa kanya. 2 hours na marathon, anufavah.

Yup, si McSteamy yan ng Greys Anatomy. Bilang adik ako sa Greys (although gusto ko nang saktan yung writer kasi lahat na lang ng bet kong character may nangyayari) kelangan ko isali si McSteamy. Hindi matatanggap ng puson ko pag hindi siya kasali.

3. Tyson Beckford
Oo na. May fetish na ako sa singkit pero hindi asian. Nasabi ko na ba to? Chos.

E kung sinabi ko sa inyo na 42 si kuya maniniwala kayo? Waterfalls! Umagos na ang umagos. Nakikita niyo ba ang katawan na yan? Mahihiya ka kasi siya 42 ganyan katawan ako 16 ganito katawan (16 dawwww???)

Sikat siya bilang mowdel ng RL. Wag tatangatanga. Ralph Lauren hindi Rusty Lopez. Isa siya sa mga non hiphop looking na egoy. Tsaka syempre, dahil egoy siya, gets niyo na ang special feature niya. Waterfalls!


So ayan na nga ang Nakakabading. I love it. Makakahinga na ako ng maluwag. 
Bakasyon. Nagbakasyon ba kayo? Best in work from home kasi ang peg ko eh. Pero keri na rin. Iwas gastos, more more kain. Win win situation.

Ano ang current events? MMFF. Hindi ako mahilig sa movie. Pero umaabot sa point na inaalam ko pa rin ang story line at trailers. Kamusta nung pinanuod ko ang trailer ng Sossy Problems halos ibato ko phone ko. Seryoso? Ginawang movie yun? Naiirita pa man din ako kay Ruffa. Feeling bagets. Epal. Pakiexplain nga rin pala sa akin bakit pag kasama si Vice Ganda sa movie sobrang daming nanunuod. Ibig sabihin ba sobrang daming bekbek na sa Pinas? As in mga 60% population bekbek? Loveettt.

Ang hapdi hapdi na ng mata ko. 4:47 na ng umaga. Balita ko magiging law na ang RHbill ha. Wala lang. Maipasok lang ulit. 

Paminsan matatawa ka sa mga post ng tao. Hindi mo alam kung kelangan lang ba talaga pampataas ng self esteem at ego or kung ano man. Hindi mo kasi maexplain kung bakit nila ginagawa. Parang ano yun? Para san? Labo. Ang minimean ko ay yung mga taong nagpopost ng picture sa internet (social networking kemerloo) ng gamit na halatang halata naman na fake. Wala akong problema sa fake items. Ang problema ko, ay yung mga gamit na pinipilit ng may ari na hindi fake. So pano na to? Tangatangahan na lang tayo?

Sige na nga original na yan.

Ayun lang. Sana makapagpost pa ako ng something before mag newyear. Tignan natin.
Baboo.


18 komento:

  1. Perfect ang list pero I still go for twinkies!!!

    Galit din ako sa fake....at mas lalo sa ga claiming na hindi fake...argh... okay lang kung out naman sa fakeness...

    good vibes tayo sa new year ha...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naker hindi ko masyado bet ang mga twinkies. mas lalo na pag paggirl ang mode ng twinkie.

      korek! kairita ang mga fakers. oo tama, good vibes lang tayo. :)

      Burahin
  2. astig! ayos ang mga hirit mo hehehe nakaka aliw lang...

    ang lalaki daw pag tumatanda mas nagiging makisig daw hehehe

    sa MMFF wagi pa rin ang idol mo na si Ms. Nora Aunor! Nganga daw si Angel Locsin hehehe

    Advance Happy Happy New Year!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oo nga bakit si nora ang nanalo? magaling ba siya sa thy womb? or begineer's luck?

      Burahin
  3. Whahaha. Iba ka talaga pagnagpost. ikaw na ang bading ng taon.
    Sino po pala yun desenteng babae? dyuk!

    More post!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. bading ng taon amputek. hahahaha. salamat! walang desenteng babae ngayon. charots.

      Burahin
  4. Ayun oh, ang nakakabading! :)) Si pareng Pierce pala ang una at ang kanyang walang kamatayang Agent 007. Para sa akin, 'yon ang pinakasikat niyang pagganap. Astig! Fail naman ng napanuod mo sa MMFF, si Krizzy naman sa Sisterakas. Hindi ko pa alam kung sino ang mas feeling bagets sa kanila ni Ruffy. :D Antawa ko sa 4am na uwi ng mom mo. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hay naku noh. mas kairita si ruffa. at least si krizzy, alam niyang may anak siya at hindi na siya lumalandi sa bar. hahahaha. galit na galit lang!

      kaloka si mother! 4am talaga umuwi! at pumasok pa the next day. lakas lang. haha.

      Burahin
  5. eto lang ang masasabi ko, hindi talaga bagay sa color guy ang singkit. hahaha...XD

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi ba? mukhang keri lang naman! hehe.

      Burahin
  6. haha..walang anuman syufatid! basta para sa nakakabading mong post..marami pa kong suggestions pag wala kang maisip hahaha..

    buti pa si mudra mo nakakapag-bar tayo busy..busy sa internet! lols..

    oheeemgee! now ko lang nalaman na malapit na palang maging senior si pierce..parang nasa late 30's lang sya grabe ang gwapo sana ganyan mapangasawa ko hahaha!..pero di ko bet ang masyadong balbon..kasi balbon na ko tapos balbon din sya ano ng labas nun? wahaha!

    happy new year teh!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat talaga te! sa ngalan ng nakakabading. hahaha. kaloka si mudra. kinabog pa ako. hahahaha.

      devah nakakaloka si papa pierce?! keri pa siya. hahaha.

      Burahin
  7. Naasar rin ako sa Sosy Problems at yung kay Vice Ganda naman, siguro papanoorin ko na lang sa TV LOL. Ang pinanood ko lang eh Thy Womb. Walang pila!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. anong meron ba sa thy womb na yan??? kelangan na ikwento sa akin!

      Burahin
  8. Happy Happy New year ^^ musta ang bagong taon ^^ may ginawa pala ako sayo sa previous post ko ^_^

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat! happy new year rin! teka spottan ko ang previous post na yan! :)

      Burahin
  9. wahh! ngayon ko lang nabasa ito. anyway, bet na bet ko si Pierce Brosnan, siya ang peg ko if ever gusto ko ng asawa na thunders na foreigner. hahaha

    TumugonBurahin
  10. bakit biglang liit yung font sa bandang baba. hehe

    TumugonBurahin