Miyerkules, Disyembre 19, 2012

Nakakatibo - Labo Labo Edition

Oo, labo labo edition. Kasi wala nang category. Pagbigyan niyo na ako. 4:15 na ng umaga. Wala pa akong tulog. Tapos pagiisipin niyo pa ako ng Nakakatibo of the same category? Maawa kayo! Charots.

Pero promise. Effort na siya gawin. Or baka nga kasi ako lang din nagpepressure sa sarili ko. Hahaha. Teka magNakakatibo muna tayo tapos tsaka ako magkukwento ng mga kung anuano.

1. Arden Cho
Eto ang hindi ko maintindihan sa mga Korean (Actually, Korean-American si ate). Bakit best in skin sila. Pakiexplain? Asan ang pores ni ate?  Pero grabe. Sobrang gandang ganda ako dito kay Arden. Bet ko rin name niya. Arden. Lakas makaexotic at sure na sure na walang kapangalan at hit sa NBI Clearance. Plus magaling pa siya kumanta at artista (although hindi pa siya nabibigyan ng big break at mga paextra extra lang ang peg niya).

Ok fine. Napulot ko to si ate kakaadik mode ko sa Youtube. Youtuber to si ate. Isa sa mga sikat na mundo Youtube. In fairness ha, ibang klase ang passion ng mga tao sa Youtube. Promise. Oo na! Wala na akong buhay at loser mode na ako. Trabaho at online na lang ang friends ko. *kurot sa puso*

Babalatan ko ng buhay si ate at susuotin ko! Kaloka ang skin care!

2. Cobie Smulders
OMG. Super favorite ko to. Yung character ni ate ha. Sa How I Met Your Mother. Promise peg na peg! Sobrang benta niya sa akin. I love Robin Scherbatsky I schwear! Hahaha. Pati na rin si Robin Sparkles! (hindi naman halata na fan na fan ako ng show devah? bakit ba?! e benta naman talaga kasi si ate! tsaka bet na bet ko yung mga bisyo ni ate sa show! oo na! sinabuhay ko na tong show na to! hahahahaha!)

Pero naman di ba. Ibigay na natin kay ate ang hindi mo mahuhulaan ang edad look. Maiisip niyo bang malapit na mag 40 yan? Devah! Tsaka sobrang nakakaloka ang mga pachinitang mata sa mga kano. Lakas makauto! Etong mga mowdel turned actress talaga! Dapat ipagbawal na to para fair fight. Charaughts!



3. Katee Shean
Sinasama ko to si ate isa kadahilanang kamukha ko siya. As in super. CHAROTS. Ay wait, kelangan ko pala kwento kung sino siya. Si ate ay contestant ng So You Think You Can Dance. Dancer rin siya like me. CHAROTS round 2. Season 4 siya kung balak niyong tanungin.

Siya dapat talaga nanalo promise. Ibang klase siya sumayaw. Wagas. Tapos hindi ko maexplain pano niya nagagawang ifold fold yung katawan niya na parang wala lang. Kung pano niya isampa yung katawan niya na parang wala wala lang. Peg na peg ko to! Pagsamasamahin niyong tong tatlo na promise akong ako na to! Nag stock hold lang ako ng fats. Ulul niyo. Hahaha.

Ayan panuodin niyo yung video at nang magets niyo ang pagkahanga ko kay ate.


So ayun na nga. Grabe yung news noh?
Wait una sa lahat, sobrang saya ko na napasa na yung RHbill. Parang step forward siya ng Pinas. Pero step backward pa rin forever si Sotto at ang kabalbalan niya. Excuse me senator, kahit sinong babae ang tanungin mo gusto namin ng umaatikabong satisfying sexxxxxx. SATIFYING SEXXXXX. Hahahahaha. 

Pero promise. Sakit sa puso yung Sandy Hook shooting. Eto yung mga pangyayari na walang explanation. Yung hanggang sa huling sandali, wala pa rin explanation. Ano nga kaya tumatakbo sa utak ni shooter? Na video game siya? Labo noh. Ganun ba talaga kadali makakuha ng baril sa US? Parang chippy lang?

Well wag rin natin kalimutan yung mga namatay sa Pablo. Nakakaloka ang headcount dun ha. Katakot. Matutuloy ba ang end of the world sa 21??? Wait lang hindi pa pwede! Hindi ko pa namamaximize ang keme ko. Hahahaha. Plus, hindi pa ako mayaman. Wag muna.

On my defense, hindi ako nageemo mode recently. Ganun lang talaga. May mga panahon na paminsan bet mo maglungkotlungkotan para macheck kung kaya mo pa. HAHAHA. Pero sa totoo, mahilig lang talaga ako magsulat. Naabanduna ko lang kasi nga parang sinapian ako ng bakla. Tapos aakusahan niyo ako na may pinagdadaanan sa lovelife e wala nga akong lovelife. Ang jowa ko ay internet. *kurot sa puso kasi ang loser ng dating huhu*

Kung may Twitter kayo, add niyo ako. Haha.
Yun lang. Kthanxbye.
Baboo.
-nyabach0i

23 komento:

  1. uy... si robin sherbotsky. heheheh. at tama ka, sa mga koreans parang walang pores, parang super kinis, super puuuutiiii

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. di ba??? pakshet nung namigay ata ng pores tulog silang lahat. tapos sinalo ko lahat. hahaha.

      Burahin
  2. Ewan ko 'dyan kay Pareng Tito Sotto, delaying tactics ang drama sa BiCam meeting na sana ay kahapon pa natuloy. Ayun, ang lola mong si Pia, naoffend. Sana matuloy na ngayon ang Bicameral meeting. Basta naaprub na ang FOI, ok na ako. :D Parang nabanggit yata ni Sen. Miriam Santiago na kakasuhan daw ang mga lalaking hindi makapag-bibigay ng isang satisfying sex sa kanyang partner... 0_o

    Halos 1000 na ang namatay sa bagyong Pablo, kalungkot. Patayan din ang nangyari sa Connecticut. Naglalaro siguro ng Vice City yung killer, tsk!

    Hindi ko pamilyar sa mga girls na itaas, ngayon ko lamang sila nakilala dito. :)) Very pretty.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ngayon ko lang nalaman yang nabanggit ni Sen. Miriam... may ganyan pala hehehe.... bawal ang bitin hehehe

      Burahin
    2. pareho tayo ng naisip anthony. sabi ko rin naglalaro ng grand theft auto yun or something. or call of duty. hahahaha. dapat lang na kasuhan! hahahaha. importante yun. satisfying sex. hahahahahahaha.

      pareho tayo jonDmur, hindi ko rin alam na nabanggit ni sen miriam yan. para bang may hinagpis siya sa satisfying sex. tigang? hahaha.

      Burahin
    3. parang napanuod ko yun sa gma interview sa kanya, or nagkakamali lang ako. ahaha, baka nga "tigang" kaya niya nasabi if ever yun :))

      Burahin
  3. may twitter ako, ano ba twitter mo at let us follow each other! LOL

    yung mga koreans kaya makinis ang kanilang skin kasi sa weather nila at pagkain. blame it to our tropical weather kaya may pores tayo.lol then as what i have observed sa former boss ko na Koreans, every meal dapat may gulay talaga sa pagkain nila tapos ayaw nila yung masyadong oily at maalat na pagkain. oie wag ka kahit maputi at makinis tingnan ang mga Koreans ang super duper tamad lang maligo ng mga iyan especially winter season at may amoy sila na hindi ko mawari. LOL *naghahanap talaga ng malalait* hahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ano na yang username mo twitter? ako nyabach0i. hahahaha.

      shet totoo? tatry ko nga rin ang may gulay. keri lang na hindi sila maligo. partida hindi pa sila naliligo ganyan na ang skin nila? unfairness! hahaha.

      Burahin
    2. yes totoo mostly sa kinakain nila gulay! tapos marami silang rituals sa katawan para maging kutis porselana. yung iba naman maputi pero pagsinuri mo talagang mabuti ang face nila ang daming blackheads din! yan kasi ang gawain ko pag wala akong magawa during my class with some Korean students hahaha

      follow kita sa twitter, follow mo rin ako! hahaha naka private twitter ko, Jenny lang din ang name ko :D

      Burahin
  4. Cobie Smulders! :D

    Ewan ko pero gandang ganda din ako kay Jennifer Aniston. :)

    At si Tito Sotto... sino yun?! Chos! AHAHAH! ^^

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ay dun tayo magtatalo. hindi ako nagagandahan slash natutuwa kay jennifer aniston. hahaha. sensya na.

      Burahin
  5. Ganda naman nila ^^ sa kanilang tatlo mas litaw sa akin si Arden Cho...

    at nagulat ako sa edad ni Cobie.. hindi talaga halata sa looks niya

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. di ba? ang lakas makauto ng edad niya! at sobrang gandang ganda ako kay arden cho! promise! gusto ko nakawin ang pagkatao niya. hahaha.

      Burahin
  6. Fan din ako ni Cobie! Sobrang love ko yang girl na yan sa How I Met Your Mother and I agree maganda talaga siya.

    Nabigla din ako sa balita about the Connecticut shooting. Grabe puro bata pa ang biktima. Sa mga ganitong panahon naiisip ko na swerte pa din tayo sa Pinas. Meron man kasi tayong pinagdaraanan, hindi naman yung tipong bigla na lang tayo pumapatay ng mga inosente sa kung saan.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ako rin! sobrang gusto ko si cobie. actually mas gusto ko ang pagkatao ni robin scherbatsky!

      oo nga. buti sa pinas walang ganyang baliw baliw mode na biglang nagbabaril ng mga tao or kumakain ng mga tao. pero yung weather disaster pa rin dito. masakit sa puso.

      Burahin
  7. Ang puteeee ni Arden! Haha. Fan din ako ni Katee. Sinubaybayan ko din siya. :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yiiii natutuwa ako na may nakakarelate sa akin kay katee! sobrang favorite ko ang season 4 ng sytycd! hehehe.

      Burahin
  8. Naku ang gaganda nga nila... Nakakatibo nga... I love Arden Cho...Iba-iba talga maiisip pag madaling araw na at handa ng mamahinga ang ating katawang lupa... In your case, most creative ka yata ng 4:15am..hehehe...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha. oo nga napaisip ako. mukhang madaling araw nga gumagana utak ko. pwes, magboblog nga ako ngayon. tutal 1:45 na ng umaga. hahaha.

      Burahin
  9. maganda skin ni arden parang mas nagagandahan ako don ky cobie.expressive kasi yung eyes nya. at buti naman natapos din ang usapin rh bill.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. parang mas bet ko si arden compared kay cobie. pero mas maganda pa rin ako sa totoo lang.

      korek buti natapos na yan!

      Burahin
  10. bakit nawala comment ko dito..binura mo noh? dyuk haha!

    seryoso ang alam ko may comment na ko dito tapos biglang wala..kalurkey! anyway..si Cobie ang bet ko..gusto ang mga singkit pero mas bet ko ang chinita colorful eyes ni cobie..

    at grabe talaga si pablo sa pagtangay ng buhay at pagsira ng mga kabahayan! nakaka-sad pati yung sa connecticut :(

    TumugonBurahin
  11. dapat nga si katee nanalo sa SYTYCD. pero bet ko nun sa season 4, si kerrington. :)

    TumugonBurahin