Biyernes, Nobyembre 30, 2012

Nakakabading - Yummy Chef Edition

So sa mga oras na to, nagaadik ako sa mga harhar ko online. Ganito nga ata talaga pag single ka noh? Nauuwi na lahat na lang crush mo or kung hindi man yun nauubos ang oras mo sa mga obsession na pag nalaman ng mga kakilala mo itatakwil ka. Well deadma. Ibigay niyo na sa akin to. Single ako. Hahahaha.

Pero deadma ulit. Wala rin akong panahon maghanap ng jowajowaan. Masyado akong busy.... sa mga online crushes ko at mga kaloseran ko. (Hahaha. Puta pinili ko pa rin ang mga online keme ko).

Pero sa totoo lang, gusto ko magpost about love. Kasi parang lately puro ganun na lang naririnig ko. Plus meron akong narinig na parang hindi ko kaya iabsorb? Well una sa lahat, weird ang perception ko sa mga ganyan ganya. Plus, weird ako in general. Ewan.

HOY NYABACH0I MAGPOST KA NA NG NAKAKABADING!
ETO NAAAAAA!

Nanunuod kasi ako ng Top Chef. Actually, maliban sa No Reservations ni Anthony Bourdain (na ultimate crush ko of all time! promise!), Top Chef lang ang pinapanuod ko na palabas related to foodam. Tapos naisip ko, dahil tutal suki ako ng Travel Channel, bakit hindi ako gumawa ng Nakakabading post to dedicate sa mga mega yummy na chef? Tutal tabachoi naman ako, panindigan na natin. Sabi ko nga before, 2 of my best love, food and poging poging lalake! Hindi na counted si ARMAANNDOOOHHH kasi nabanggit na siya before.

1. Curtis Stone
Kung nanunuod kayo ng TLC channel, yung mga dating show, siya yung sumusugod sa grocery store tapos ipagluluto kayo sa bahay niyo. As in sasama siya pauwi. Ano nga ulit yung show na yun? Ayoko mag google, pride na lang.

Pero promise! Crush na crush ko siya! At ang Aussie accent! Juiceko, kausap ka palang waterfalls ka na!! Pano pa pala pag hinawakan ka?? (mahina puso ko sa mga accent at blue eyes, malakas kutob ko foreigner ang makakatuluyan ko! yiiiiiiiiii!) Plus mukha siyang polar bearrrrrrrrr!!!


2. Sam Talbot
PUNYETAAAA HOMPOGI!!!!!!!!!!!!!!

Devah?? Lakas makabadboy! Puta naman bakit kasi dito sa Pinas ang mga chef chef either bekbek or mga mukhang maton or nagpapart time sa construction! Pero devah??? Aminin niyo parang napapaisip kayo sa malamlam niyang mga mata. Parang gusto ko siyang alagaan! (katulong pa pala ang peg ko).

At kung nanunuod kaso ng Top Chef, malamang alam niyo na tahimik lang to si kuya. As in hindi nakikipagaway and stuff! Very good si kuya. Pinreserve niya ang pogi niya. At diabetic siya. So devahhhhh, nakakalokaaaa! Chef na diabetic?? WHATTT? Hahahaha. Wala na ako sa sarili. Teka hanapin ko muna panty ko.

3. Michael Voltaggio
Siguro naman naestablish ko na ang mga gusto ko sa lalake. Ang mga sobrang yummy na mukhang itatapon ka sa kama at mananakit ng bongga! KINIKILIG AKO PROMISEEEEEE!! Nakikita niyo ba yung picture na yan???? Nakikita niyo ba yung titig niya? Promise pag nakipagtitigan ka sa kanya, parang aabot ka sa point na ikaw na mismo mahihiya.

Kakahanap ko lang panty ko nawala na naman. Iheytchu Michael! Where is my panty? HAHAHAHAHAHA.

And to top it all of, sobrang galing na niya chef. Siya nanalo sa season niya sa Top Chef. Kasi promise sobrang galing niya. May kapatid siya, clean version niya. Kung hindi niyo siya bet kasi ang badboy masyado at hindi niyo bet ang mga tattoo, fine. Hanapin niyo si Bryan Voltaggio.


Ayan na ang inaantay niyong Nakakabading. Malakas kutob ko na aabot sa point na meron na rin akong cartoon edition or zombie edition. Mauubos ang mga pogi sa mundo dahil sa blog ko. Plus yung criteria ko pang sinusunod. Kaya ako nahihirapan eh! Che! Hahahaha.

Wait, ano nga ba current event? Totoo bang magkaka Darna ulit sa TV? At channel 2 to? Or chika lang yun? Or baka guniguni ko lang? Paki confirm.

Wala akong balak manuod talaga ng Zoren-Carmina na yan. Kasi hindi ako fan ng mushyness. Baka pag pinanuod ko lagnatin ako sa sobrang mushyhan at kasweetan. Ayoko magabsent sa office. Hahahaha.

Kaloka yung Rubadabango na yan lumalaban sa Gangnam!

Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

24 (na) komento:

  1. hahaha...XD pakshet PANALO!! lol!! "Ang mga sobrang yummy na mukhang itatapon ka sa kama at mananakit ng bongga!".- grabe ang dami kong tawa dito. ang adik! hindi ko kinaya makipagtitigan. para akong nakikipag titigan sa goldfish.

    IKAW NA TALAGA!! IDOL!! I HEART YOU NA. <3 keep on blogging!! YOU ROCK!! \m/

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. uyyy kinilig naman ako sa comment mo! hehehe.
      wait, kelangan mo iexplain kung bakit parang nakikipagtitigan sa goldfish?

      I HEART YOU MORE! HEHEHE!

      Burahin
  2. whahaha. Natatawa talaga ako sayo. Hindi nman lahat ng chef sa Pinas ay bekbek or mga mukhang maton or nagpapart time sa construction. whwhwahaha. Kulit nung sobrang yummy na mukhang itatapon ka sa kama at mananakit ng bongga. whahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Whahaha, Binasa ko ulit para masaya bago matapos ang araw ko. Panalo ka. Wag kana magpanty ah! lol

      Burahin
    2. magandang idea yan. wag na magpanty. para wala na akong iniisip na nawawala. hahahaha.

      totoo naman kasi walang itsura mga chef dito. WAHAHAHA.

      Burahin
  3. HAHAHAH! Antawa ko dito. Talagang pati kapatid nung isang chef e kilala mo. ^^

    At goodluck sa pangangasawa mo ng forenjer :) Kaya mo yan! :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yiiii sana nga makapangasawa ako ng forenjer! makukuha ko rin ang blue eyed baby! hahahaha.

      Burahin
  4. haha hanapin daw ba kay chef ang panty! aliw.


    natawa ko dun sa description mo ng mga chef sa pinas. ahha sama mo na nga si chef boy logro. yun ang pinaka pogi!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sa totoo lang, si chef boy logro ang nasa utak ko kaya ko nadescribe na ganun. hahahahaha.

      Burahin
  5. Antawa ko sa "Puta naman bakit kasi dito sa Pinas ang mga chef chef either bekbek or mga mukhang maton or nagpapart time sa construction!" Andami kong tawa, mga 984! Anglalaki ng katawan ng mga chef pero yung face, nagpart time sa construction... imagining.. yay. :(

    TumugonBurahin
  6. ang dami kong tawa about your description ng chef sa Pinas hahaha totoo talaga yan na either bekbek or mukhang maton si Rob Pengson lang ang gwapong Filipino chef na nakita ko on TV LOL

    Anyway, bakit ganyan si Sahhhhhmmmmhhh Talbooootttttt ampogi! hahaha grabe kinilig ako sa kanya. Hindi kaya ng powers ko if siya ang mapapangasawa ko, siguradong iinom ako ng cobra energy drink everyday! LOL

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. DI BA??? ANG POGI NI SHAAAAMMHH??? sobrang kinikilig ako sa mga mananakit na lalake na sobrang gwapo! hihihihihihi.

      ay oo si rob pengson! pogi rin yun. kaso naiirita ako sa kanya magsalita.

      Burahin
  7. I bet graduate ka ng Baliwag University haha!...Yung panty? Hindi mo ba naalalang isinabit mo sa Christmas tree last time? LOL

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. principal ako ng baliwag university! charots. haha ginawang sampayan ang xmas tree! benta.

      Burahin
  8. Take home chef yung kay curtis stone. Hong yummy ni michael!!!! Aylavet chef edition ang post! Dami kong tawa teh!! :))

    TumugonBurahin
  9. naaliw ako sa pagkakasulat mo hehehe

    ngayon ko lang sila nakita...

    balita ko si Angel ang darna ng Dos...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naaliw rin ako sa pagkakacomment mo. hahahahaha.

      Burahin
  10. sa wakas! ang pinakahihintay ko..

    akin na lang si Sam Talbot! yan ang mga gusto ko tahimik pero nasa loob ang hotness..ay nawala na rin yung panty ko..haha chos!

    wala akong alam sa mga chismis ngaun eh..sayo nga lang din ako nakikichismis hehe..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha di ba? lakas nila talaga makawala ng panty.

      sige fine sayo na si sam talbot. basta akin na si michael. pero kung bet mo minsan si michael, swap tayo. hahahaha. laruan??? hahahaha.

      Burahin
  11. "Kakahanap ko lang panty ko nawala na naman. Iheytchu Michael! Where is my panty? HAHAHAHAHAHA."

    Hindi ko maarok kung gaano ka kalande! Hahaha. Sobrang Laughtrip! XD

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi ako malande. expressive lang. HAHAHAHA.

      Burahin
  12. Michael Voltaggio is from the town we lived in now. He's an alumna of the high school that my daughter goes to. Although he's based in California but his chef brother, Bryan still lives here and owns a few restos. Check it here -- http://lildivine.blogspot.com/2011/12/lunchbox.html

    :) Just dropping by.

    TumugonBurahin