Martes, Enero 1, 2013

Happy New Year Mga Chorba

So pano ba yan?
Happy New Year na ang peg ng mga tao. Time check 10:31 ng gabi. Pwede pa ako humabol sa new year, new kemerloo posts. Charots.

Pero ha, sa totoo lang, malakas ang kutob ko na better ang taon na to. Nafifeel ko lang. Feeling ako eh. Hahaha. Pero di nga. Sa totoo lang talaga. Pero pwera joke, 2011 kasi ang pinakawalang kwentang taon para sa akin. Maliban sa para akong busog na garapata sa sobrang pagkaubey (maubey pa rin ako ngayon pero hindi sing ubey nung mga panahon na yon!), sobrang delubyo ang buong taon na yun in terms of emotional kemerloo. Actually borderline 2011 - 2012 ang lecheng malas mode na yan.

But no, hindi nagpatalo si 2012. Naging better naman siya along the way. Buti na lang. Kaya malakas ang kutob ko, maganda ang 2013. Kasi year of the snake. Wala lang. Mabanggit lang. WAHAHAHA.

Marami akong gustong pasalamatan sa bumuo ng 2012 ko. At dahil nagtotorrent ako ng mga porn sitcoms, imumultitask na natin ang pagpapasalamat ko sa 2013 na mga bagay, hayop, tao, pangyayari, at kung anuano pa.

1. Salamat sa nanay ko. Siya ang ultimate weakness ko. Basta involved ang nanay ko, papatay ako ng tao. At mega megang pasasalamat sa nanay ko dahil sobrang naintindihan niya lahat ng lugmok moments ng 2011 borderline 2012. Sa amin na yun. Charaughtina.

2. Salamat sa dalawa kong kapatid. Yung bunsong baliw at yung kuya kong mukhang patatas. Hindi ko maimagine ang growing up years at present years na wala silang dalawa. At masaya ako na nasa pinas na ulit ang bunsong baliw (kahit mukha na siyang hapon).

3. Salamat kay Porky at Jamba. Kahit lahat ng sweldo ko napupunta sa kanilang dalawa, keribet pa rin.

4. Salamat sa taong araw araw kong kaBBM. Lakas makajowa ng peg natin sa communication pero buti na lang ang pattern ng buhay natin wagas. Life partners na talaga tayez.

5. Salamat sa mga kaibigan kong kasama ko madalas. Hindi na ako nakakaipon kakaalis, kakainom, at kakakain. Pero keri. Ganern ko kayo kamahal.

6. Salamat sa mga kaibigang hindi ko madalas makasama. Kahit hindi tayo nagkikita, nakakatawang isipin na pag nagkita man tayo, parang nagpause lang ang friendship at play. Labo ba? Basta parang walang time at space na naganap. Ewan ayoko na magexplain. Haha.

7. Salamat sa pinagtatrabahuan ko ngayon. Hindi man sobrang mega laki ang sweldo, ngayon ko lang nafeel na sobrang proud ako sa pinagtatrabahuan ko (pero sana one day lumaki ang sweldo ko kasi nagpapalaki ako ng dalawang aso, charots).

8. Salamat sa internet. Siya ang nagmistulang jowa mode sa akin. Sa obsession mode ko sa Tumblr, Twitter, sa 9gag, at kung anuano pa (pornsites yan wag na kayo magisip). Sobrang thankful ako sa sarili ko at binuksan ko ulit ang Blogger ko. Best choice ever.

9. Salamat sa mga sitcom na pinapanuod ko. I swear sobrang wagas ang tulong niyo sa idle time ko.

10. Salamat sa mga kanta na nasa iPod ko. I swear sobrang wagas ang tulong niyo sa commute moments at wala-akong-balak-paistorbo-sa-trabaho mode.

11. Salamat sa mga nagturo sa akin ng mga bagong learnings at nakatulong maghone ng character.

12. Salamat sa mga kinakain ko araw araw. Gluttony mode man yan or tipid mode. Haha.

13. At pinakaimportante, salamat sa mga nakakaintindi ng mga trip ko. Whether kababawan na galing sa bibig ko, tinetext, o binoblog. Salamat. At least alam ko na naiintindihan pa ako at may nakakaappreciate.

Maraming salamat.
Sana ang taon na to ay pasok na pasok sa jar ng bawat tao.
Wala sanang nagputukan sa inyo, not unless ginusto niyo to or fetish niyo to.
Hosha.
Baboo.

-nyabach0i

20 komento:

  1. Hehehe! Sana nga magdilang anghel ka... sana maganda ang 2013....

    ang liit ng font naduling ako hehehe.... pero naaliw ako sa mga pinagsasabi mo hehehe

    Kaya dapat keep on posting ^_^ marami pa akong aabangan sayo hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat! sana nga talaga maging maganda ang 2013. ayan inayos ko na ang font. sorry naman at ginawa kong small. hahaha.

      Burahin
  2. Pa seed ng kung ano man iyang dinadownload niyo po. :)) Salamat din at napadaan ako dito at sinusubaybayan ko ang Nakakatibo mong post. Hindi yung Nakakabading ah. Nafe-feel ko din na swerte ako this 2013.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. anong gusto mo bang iseed ko? sabihin mo lang title. joke lang. hahahahaha.

      kung makapagdefend ka naman ng nakakatibo. kumalma ka. hahaha. sana swerte talaga ang 2013. feeling ko talaga oo. haha.

      Burahin
  3. I love the thought na its all about giving thanks... that tells a lot about you as a person...

    at sa haba ng iyong list na kasing haba rin ng kay Lolit Solis sa Startall every Saturday, I wish na mas madagdagan pa this year.

    so dapat marami kang blessings this 2013....

    tuloy lang tayo sa kulitan... excited ako lagi to read your posts...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat naman at binabasa mo posts ko. kinilig ako i swear! sana nga maraming blessings! shet sana makinig sayo mga pwedeng magtupad ng blessings na yan. haha.

      Burahin
  4. walang anuman..sana sa 2013. mga kwentong porn naman ishare mo mga napapanood mo.. hahahaha.. chos!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sobrang natetempt na talaga ako magpost na puro porn lang. promise. kaso ayoko naman mablock blog ko. hahahaha. charots.

      Burahin
  5. Tsalamats sa nakakatuwang mga kwento mo! Happy New Year Chorba! Hahahah

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. happy new year gord! salamat at natuwa ka. haha.

      Burahin
  6. Salamat din sa pagbabahagi mo sa amin sa 2013!

    Naway maging tama ang iyong feeling na magiging maayos ang takbo ng 2013!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana nga! sana pasok sa jar rin ang 2013 mo!

      Burahin
  7. hahaha... ;)) GRABE!!!! benta benta talaga sa akin kung pano ka mag-blog. and the terms.. may gudness.... "busog na garapata", "kuya kong mukang patatas" lol!!

    maraming salamat din mareng nyabachoi. maligayang bagong taon rin. =D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. happy new year cyron agustin!!! hahaha. salamat sa pagkatuwa mo sa blog ko. kinikilig akoooooo! :)

      Burahin
  8. Natawa ako sa Year of the snake na mabangit lang. lol Sana this year magpost kana ng porn video dito. dyuk! Laitin ba ang kapatid. Same tayo basta nanay papatay din ako ng tao. Dami kong tawa. Panalo ka talaga. lol

    Happy 2013!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi ko nilalait ang kapatid ko kumalma ka. hahahaha. mas panalo ka!

      happy new year!!

      Burahin
  9. first comment ko ditey sa iyong bleg ^_^

    happy new year!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. omg! kelangan ko pumunta sa blog mo para malaman ang sunod na nangyari!

      happy new year sayo sikoletlover!!!

      Burahin
  10. Alam tawang tawa ko sa'yo walang sarcasm. Keep writing! happy new year.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat jepoy! kinikilig rin ako sayo pag nagcocomment ka! happy new year sayooooo!

      Burahin