Saturday, December 29, 2012

Nakakabading - Thuderbird Edition

Una sa lahat, thank you kay Pinkline sa pag bigay ng idea. At naiinis ako sa sarili ko na hindi ko to naisip! Hahahaha. Muntik na ako mag Anime edition. Wahahahaha. Pero te, salamat sa idea!

Syempre, bago magbagong taon, kelangan magpost ako ng Nakakabading. Kelangan end the year with a BANG. Bang as in paputok or putukan (failed bastos hirit). Pero ha, nakakaloka tong nanay ko. Para sa kaalaman ng lahat, ang oras ngayon ay 4:14 ng umaga. Kamusta ang kakauwi lang??!?? Uwi ba yan ng isang desenteng babae? Charots. Hahahaha. Siguro may jowa to? WAHAHAHAHA! (sa totoo lang gumimik siya sa comedy bar with mga amiga).

Thunderbird edition. Thunders na may bird. 40 years old and above thunders na may mga bird! Kalokaaaaa. Shet yung may mga daddy issues diyaaaaan. Ready na kayooo? Game.

1. Pierce Brosnan
59 years old. Sheeet paslit pa lang ako naiihi na ako sa kilig kay Papa Pierce! Gusto ko yung mga ganyang itsura talaga I schwear! Eexplain ko na naman ba na mahina ang puso ko sa mga americano na by default singkit na walang asian blood? Ang lakas maka enigmatic look slash pacute look! Paki 007 na ang katawan ko. CHOS!

Wala akong pake kung hihirit kayo na kasing edad na to ng tatay ko or whatevs. Deadmalunggay. Bet na bet ko siya. Ipagtatanggol ko ang pagiibigan namin. E so what kung halos 40 years ang agwat namin??? (Oo, 19 years old ako. Decision niyo na kung maniniwala kayo). HAHAHAHA. Ang balbon balbon! Lakas maka stuffed toy ng balahibo!

2. Eric Dane
DEVAHHHHH???? Kelangan ko pa ba iexplain to kung bakit kasama si Eric sa listahan? Devah! 

Americanong singkit tapos blue eyed! Tangina. Pasok na pasok sa banga ni nyabach0i! Tapos tinitigan ka pa ng ganyan? Wala na. White flag na ang panty ko sa kanya. Sumuko na siya. Let go and let love na ang motto ni panty.

40 years old si kuya. Bumuzzer beater pa siya sa age limit. Maiisip niyo ba na 40 siya? Wit di ba? Tinry niyo ba tignan yung mata? Parang may balak siyang masama sa inyo. Yiiiiii kinikilig ako! Mahina siguro 2 hours sa kanya. 2 hours na marathon, anufavah.

Yup, si McSteamy yan ng Greys Anatomy. Bilang adik ako sa Greys (although gusto ko nang saktan yung writer kasi lahat na lang ng bet kong character may nangyayari) kelangan ko isali si McSteamy. Hindi matatanggap ng puson ko pag hindi siya kasali.

3. Tyson Beckford
Oo na. May fetish na ako sa singkit pero hindi asian. Nasabi ko na ba to? Chos.

E kung sinabi ko sa inyo na 42 si kuya maniniwala kayo? Waterfalls! Umagos na ang umagos. Nakikita niyo ba ang katawan na yan? Mahihiya ka kasi siya 42 ganyan katawan ako 16 ganito katawan (16 dawwww???)

Sikat siya bilang mowdel ng RL. Wag tatangatanga. Ralph Lauren hindi Rusty Lopez. Isa siya sa mga non hiphop looking na egoy. Tsaka syempre, dahil egoy siya, gets niyo na ang special feature niya. Waterfalls!


So ayan na nga ang Nakakabading. I love it. Makakahinga na ako ng maluwag. 
Bakasyon. Nagbakasyon ba kayo? Best in work from home kasi ang peg ko eh. Pero keri na rin. Iwas gastos, more more kain. Win win situation.

Ano ang current events? MMFF. Hindi ako mahilig sa movie. Pero umaabot sa point na inaalam ko pa rin ang story line at trailers. Kamusta nung pinanuod ko ang trailer ng Sossy Problems halos ibato ko phone ko. Seryoso? Ginawang movie yun? Naiirita pa man din ako kay Ruffa. Feeling bagets. Epal. Pakiexplain nga rin pala sa akin bakit pag kasama si Vice Ganda sa movie sobrang daming nanunuod. Ibig sabihin ba sobrang daming bekbek na sa Pinas? As in mga 60% population bekbek? Loveettt.

Ang hapdi hapdi na ng mata ko. 4:47 na ng umaga. Balita ko magiging law na ang RHbill ha. Wala lang. Maipasok lang ulit. 

Paminsan matatawa ka sa mga post ng tao. Hindi mo alam kung kelangan lang ba talaga pampataas ng self esteem at ego or kung ano man. Hindi mo kasi maexplain kung bakit nila ginagawa. Parang ano yun? Para san? Labo. Ang minimean ko ay yung mga taong nagpopost ng picture sa internet (social networking kemerloo) ng gamit na halatang halata naman na fake. Wala akong problema sa fake items. Ang problema ko, ay yung mga gamit na pinipilit ng may ari na hindi fake. So pano na to? Tangatangahan na lang tayo?

Sige na nga original na yan.

Ayun lang. Sana makapagpost pa ako ng something before mag newyear. Tignan natin.
Baboo.


Tuesday, December 25, 2012

Halos Sasabog Na...

...ang tiyan ko sa sobrang kabusugan. Time check 2:39 ng umaga. Bago ang lahat,

MERRY CHRISTMAS.

Para sa mga naniniwala, maniniwala, at naniwala, naway etong special holiday na to ay nacelebrate niyo ng wagas at walang pagaalinlangan. (Mehgahnown?) Pero seryoso, Merry Christmas sa inyong lahat.

Actually wala akong gustong i-random keme or i-rant. Saktong chill chill lang.

Sa mga nagtatanong ng sample ng drawing dahil sa last post ko, ayan. Pagpasensyahan niyo at hindi ako "trained". Wag niyo ipaexplain kung ano ang meaning ng mga drawing na yan at baka maglupasay ako sa lungkot at bumaha ng luha. HAHAHA.


Pinicturan ko kasi finally nalagay ko na yung iba sa frame. Ganun lang ako kababaw. Hahahaha. Pero malakas ang kutob ko na magdodrawing na ako ulit. Sigggggghhhhhh. May inarteng nagaganap na ganyan.

So syempre. Nagreplay na pala ang MissU hindi ko pa rin napanuod. Bwisit na pasko yan. Charots lang. Sinisi ang pasko. HAHAHAHA. 

Yun lang. Maghahanap na ako ng Nakakabading na post para may post na ako bukas.
Kthanxbye.
Baboo.
-nyabach0i

Saturday, December 22, 2012

Naiinis Ako Sa...

...sarili ko at hindi ako nakapanuod ng Miss Universe! Eto na nga lang ang once a year na moment na magsasanib pwersa ang mga bakla hindi ko pa nagawa ang role ko (hahahahahahaha). Kasi naman, nightshift ako. Well ok fine, kasalanan ko rin. Hindi ko pinush ang sarili ko para magpuyat para mapanuod ang MissU. Nonetheless, i heeeeyyyyretttt!

Taray may award award na naman na umiikot. Haha. Pero sobrang thanks ateng Pinkline at naalala mo akong isama ang mga tinag mo. Alam mo naman, puchupuch lang ang blog ko. Ano ba naman ang laban ko sa mga sobrang sikat na mga blogger (inggitera). Hahahahaha. Pero nonetheless (magamit lang ang word ulit), salamat teeeeee! 

Tapusin ko lang ang keme nitong Versatile Blogger na to tapos dadaldal ako ng whatever. Intindihin niyo na lang, 2:39 ng umaga ngayon. Eto ang pinaka active mode ng utak ko.


The Rules: 
  1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog.
  2. Post seven random things about you
  3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.
So mukhang sa random keme na tayo? Game?

1. Ayoko ng games sa cellphone. Naiirita ako. Yung mga Angry Birds na yan (yung game lang, pero yung ibang angry na bird bet ko yun), Temple Run (although tinry ko to kaso bigla akong nasawa), at kung anuano pang pwedeng games sa cellphone. Ayoko sila. Yung cellphone ko, binubura ko games. Pero, gamer ako. Mahilig ako sa games sa console. Kaso hanggang PS1 at PSP ang nakarir ko. Hindi na ako nakamoveon sa ibang console (also known as walang pera).

2. Mahilig akong magsulat. Either random, kabaklaan, metaphorical, or prose. Member ako nung college ng Malate Literary Folio (na sobrang effort na org I schwear!). Ano ang Malate keme? Google niyo. Charots.

3. Mahilig ako magdrawing. Charcoal ang medium ko at ink. Ayoko ng makulay. Emo shit ako pag nagdadrawing. Pag nagdrawing ako, ibig sabihin lungkutlungkutan sa kangkungan ang moment ko. Hindi ko kaya magdrawing ng walang iniisip. Kelangan may emotion leaning to negative. (HONGARTEEEE!)

4. Gustong gusto kong nagpapasabog ng blackheads. Nakakatanggal siya ng stress sa akin.

5. Ayoko nagpapamasahe sa likod. Nasasaktan ako instead of narerelax. Tinry ko minsan tapos ang ginawa ni ate, ginamit niya siko niya para kayurin ang lamig lamig ng shoulder blades ko. Puta parang gusto kong tumayo at hamunin ng sampalan si ate instead. Ang ending? Wala siyang tip. Hahahaha.

6. Malupit ang hatred ko kay Justin Bieber, Willie Revillame, Manny Pacquaio, Aljur Abrenica, at Jillian Ward. Gusto ko silang ipagsamasama sa isang kwarto at magpasok ng mga gutom na leon at oso. Ayoko rin ng mga tanga at inuulit ang mga tanong ko.

7. Iba iba ang choices ko sa songs. From indie to KPOP. Labo labo. Pero marami sa mga kanta na nasa iPod ko konti lang ang may alam. Pag may nakita/nakilala akong gusto rin ang mga weird songs na gusto ko, kinikilig ako. Hahahaha.

So ayan. Tapos na. 

Time check. 2:57 ng umaga. So pano ba yan? Buo pa rin ang mundo. Ayoko na makisali at ipoint out kung gaano kamali ang Mayan sa calendar kemerut nila. Iniinterpret ko na lang na kunwari na lang nagkulang sila ng page or bato pag kaltos ng mga dates? Ewan. Pero kung matuloy man ang end of the world, keri lang din. Syempre mas ok sana na wag pero keri lang kung oo. As if naman may choice tayo. Hahahaha. 

Pero sana wag. Marami pa akong gustong gawin. At tikman..... na pagkain. At mapuntahan. Gusto ko pang rumampage sa CA at NY. Gusto ko pang pumunta ng Iceland at magiiiyak sa ganda ng scenery at yung Aurora keme na dun lang at New Zealand nakikita. Gusto ko pa ibigay kay mujayra ang best in daughter alaga at support. Gusto ko pang makitang yumaman ng wagas ang bunso kong kapatid! At ang pinakaimportante, gusto ko pang manakit ng mga puso ng maraming tao. Hahahaha. Joke lang.  So malamang hindi tuloy yan. Marami pa akong gustong itry na position.... sa buhay. Labo. HAHA.

Pero kahit hate na hate ko si Justin Bieber with all my might, ang OA naman ng reaction ng Pinas ha. I ban ba si Justin Kemer? Patulan ang bata? Patola? Ilabas na ang misua eto ang ang mga patola? Ganern ang peg? Bawal magjoke? Kelangan persona non grata kagad? Bawal kausapin? OA I schwear! Hindi mo alam kung matatawa ka ba or mahihiya sa mga decision na ginagawa ng gobyerno. Kaloka. Buti sana kung nagbad mouth si Justin Biebah about sa buong Pinas. But no, boxing lang. BOXING LAAAANNG. LAAAANG. LANG. Boxing is not equal buong bansa. Wag tayong OA utang na loob.

Pero haymzori. Gusto ko pa rin itapon sa buwan si Justin Bieber. 

Yun lang.
Kthanxbye.
Baboo.

-nyabach0i

Wednesday, December 19, 2012

Nakakatibo - Labo Labo Edition

Oo, labo labo edition. Kasi wala nang category. Pagbigyan niyo na ako. 4:15 na ng umaga. Wala pa akong tulog. Tapos pagiisipin niyo pa ako ng Nakakatibo of the same category? Maawa kayo! Charots.

Pero promise. Effort na siya gawin. Or baka nga kasi ako lang din nagpepressure sa sarili ko. Hahaha. Teka magNakakatibo muna tayo tapos tsaka ako magkukwento ng mga kung anuano.

1. Arden Cho
Eto ang hindi ko maintindihan sa mga Korean (Actually, Korean-American si ate). Bakit best in skin sila. Pakiexplain? Asan ang pores ni ate?  Pero grabe. Sobrang gandang ganda ako dito kay Arden. Bet ko rin name niya. Arden. Lakas makaexotic at sure na sure na walang kapangalan at hit sa NBI Clearance. Plus magaling pa siya kumanta at artista (although hindi pa siya nabibigyan ng big break at mga paextra extra lang ang peg niya).

Ok fine. Napulot ko to si ate kakaadik mode ko sa Youtube. Youtuber to si ate. Isa sa mga sikat na mundo Youtube. In fairness ha, ibang klase ang passion ng mga tao sa Youtube. Promise. Oo na! Wala na akong buhay at loser mode na ako. Trabaho at online na lang ang friends ko. *kurot sa puso*

Babalatan ko ng buhay si ate at susuotin ko! Kaloka ang skin care!

2. Cobie Smulders
OMG. Super favorite ko to. Yung character ni ate ha. Sa How I Met Your Mother. Promise peg na peg! Sobrang benta niya sa akin. I love Robin Scherbatsky I schwear! Hahaha. Pati na rin si Robin Sparkles! (hindi naman halata na fan na fan ako ng show devah? bakit ba?! e benta naman talaga kasi si ate! tsaka bet na bet ko yung mga bisyo ni ate sa show! oo na! sinabuhay ko na tong show na to! hahahahaha!)

Pero naman di ba. Ibigay na natin kay ate ang hindi mo mahuhulaan ang edad look. Maiisip niyo bang malapit na mag 40 yan? Devah! Tsaka sobrang nakakaloka ang mga pachinitang mata sa mga kano. Lakas makauto! Etong mga mowdel turned actress talaga! Dapat ipagbawal na to para fair fight. Charaughts!



3. Katee Shean
Sinasama ko to si ate isa kadahilanang kamukha ko siya. As in super. CHAROTS. Ay wait, kelangan ko pala kwento kung sino siya. Si ate ay contestant ng So You Think You Can Dance. Dancer rin siya like me. CHAROTS round 2. Season 4 siya kung balak niyong tanungin.

Siya dapat talaga nanalo promise. Ibang klase siya sumayaw. Wagas. Tapos hindi ko maexplain pano niya nagagawang ifold fold yung katawan niya na parang wala lang. Kung pano niya isampa yung katawan niya na parang wala wala lang. Peg na peg ko to! Pagsamasamahin niyong tong tatlo na promise akong ako na to! Nag stock hold lang ako ng fats. Ulul niyo. Hahaha.

Ayan panuodin niyo yung video at nang magets niyo ang pagkahanga ko kay ate.


So ayun na nga. Grabe yung news noh?
Wait una sa lahat, sobrang saya ko na napasa na yung RHbill. Parang step forward siya ng Pinas. Pero step backward pa rin forever si Sotto at ang kabalbalan niya. Excuse me senator, kahit sinong babae ang tanungin mo gusto namin ng umaatikabong satisfying sexxxxxx. SATIFYING SEXXXXX. Hahahahaha. 

Pero promise. Sakit sa puso yung Sandy Hook shooting. Eto yung mga pangyayari na walang explanation. Yung hanggang sa huling sandali, wala pa rin explanation. Ano nga kaya tumatakbo sa utak ni shooter? Na video game siya? Labo noh. Ganun ba talaga kadali makakuha ng baril sa US? Parang chippy lang?

Well wag rin natin kalimutan yung mga namatay sa Pablo. Nakakaloka ang headcount dun ha. Katakot. Matutuloy ba ang end of the world sa 21??? Wait lang hindi pa pwede! Hindi ko pa namamaximize ang keme ko. Hahahaha. Plus, hindi pa ako mayaman. Wag muna.

On my defense, hindi ako nageemo mode recently. Ganun lang talaga. May mga panahon na paminsan bet mo maglungkotlungkotan para macheck kung kaya mo pa. HAHAHA. Pero sa totoo, mahilig lang talaga ako magsulat. Naabanduna ko lang kasi nga parang sinapian ako ng bakla. Tapos aakusahan niyo ako na may pinagdadaanan sa lovelife e wala nga akong lovelife. Ang jowa ko ay internet. *kurot sa puso kasi ang loser ng dating huhu*

Kung may Twitter kayo, add niyo ako. Haha.
Yun lang. Kthanxbye.
Baboo.
-nyabach0i

Thursday, December 13, 2012

We Cannot Reciprocate Things

So ayan na. Magdadrama muna ako ng slightness. Bawal? Kelangan ba puro kabaklaan at kaartehan lang? Charots. Pwedeng emo keme lang ako today. Pwedeng punong puno ng hormones dahil may mens ako. Pwedeng matagal ko na tong sinulat tapos nirepost ko lang kasi nabura na ang Multiply. Pwedeng pinost ko lang to kasi wala pa akong naiisip na Nakakatibo. Pwedeng tinatamad lang ako magisip. Hahahahaha. Pero promise bukas balik tayo sa mga katawan ng mga tao. RAWR.

Bumalot sa akin ang pagod.
Kinakain ako ng kama.
Palubog akong bumababa.
“Kung tutuusin, hindi ako dapat nasasaktan.
Sa totoo lang dapat wala tayong nararamdaman.
Magulo ang mundo, saksi ako dito”
Lumapit isa isa, ang mga ulap sa taas ng kama.
Matutulog ako, ng mahimbing, hanggang bukas.
Haplos na hindi matiis.
Ano ang sinisigaw ng bawat isa.
Ngayong gabi, wala na talaga.
Nakikita ko ang kalabuan ng mga mata mo, mata ko.
Bakit sa pagkakataon na to, umiiyak ang mga tala
Nakapinta sa mga dingding ng kama ko.
Hindi lahat ng gusto natin nasusunod.
Kahit anong pilit mo, anong ibigay mo,
Mararamdaman mo ang butas sa gitna ng puso mo.
Sa puso ko.
“Oo nga, tama nga naman,
Laging may mas,
Laging may salitang mas.”
Mas mahal ng isa ang isa.
Mahal mo ang tingin mo tama.
Mahal niya ang sobrang mali.
Mahal ko ang mas mali.




Ay bago ko pala makalimutan. Pinuyat ako ng husto niyang RHbill na yan ha. Buti na lang hindi ko kayo followers sa Schwitter. Baka nairita kayo sa mga posts ko. Promise lahat ng bumoboto ng NO sarap lunurin sa placenta at amniotic fluid! Heller??? Filipinize the world? World domination?? Kairita much. Basta affected ako. Kahit alam ko sa sarili ko na wala akong balak mabuntis or whatever, affected pa rin ako. HAHAHAHA.

At yung labang PacMarquez na yan. Mageexplain rin ako isang araw. Pero sorry, medyo hiniling ko na matalo siya (wag niyo ako dumugin please.) Malaki ang hatred ko kay Manny. Pero OA ni Justin Bieber ha. Mukha pa ring paa si Justin Bieber. Basta explain ko to minsan lahat. HECTIC AKO, HECTIC. WAHAHAHA.

Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

Friday, December 7, 2012

Nakakairita Ka Na I Schwear!

Oo na, oo na. Alam ko. Wala pa ring akong post na Nakakatibo or Nakakabading. May shortage kasi ako. So sa mga gustong magvolunteer na masama sa list, pakisend na lang sa email ko ang nakatopless na picture niyo. Magpapasurvey ako kung pasok kayo sa jar or hindi. HAHAHA. Charots lang. Next na post promise. Uulitin ko na naman ba na busy ako? HAYNOWRAYT?

So bakit nakakairita kemerloo ang post ko? Una sa lahat, yung word na "Ka" diyan ay hindi to single out ang isang tao. Kasi pag "Kayo" ang ginamit kong term, magmumukhang galit ako sa mundo at baka basagin ang feslak ko ng mga strangers na tatamaan. Charots. Mas bet ko lang talaga ang singular kesa sa plural. Hahahaha.

Kasi naman. Umamin tayo. May mga bagay, tao, hayop, pangyayari, at kung ano man na automatic nakakairita na sa atin wala pang nangyayari. Teka may term dito. Petpeeve. Arte ng petpeeve! Lakas maka uptowngirl ang term!

So ano ang silbi ng post kong to? Wala. Walang silbi. Charotology. Sa totoo lang, gusto ko lang ishare. Kasi napapadalas na ang petpeeve moment (naks! magamit lang ang term na petpeeve sa sentence!) ko. Effect ata to ng pagiging single nga at madalas online (please refer to previous post). HAHA. 

PULUBI.

Teka kelangan ko muna magkwento para magets. Last last week inaantay ko ang friend ko sa kanto kasi taxipool ang peg namin para makapasok sa office. So nananahimik ako with my boombastic sounds sa tenga nang biglang may lumapit sa akin na pulubi na may hawak na sulat kesyo may sakit si chuva at badjao daw siya or something. E kinalabit ako ni kuya!! Wala na! Auto-NO na yung sagot ko. Hindi tumigil si kuya! Kaloka. So hindi ako ng hindi. Syempre like everyone else, ignore ignore look away ignore ang peg na. Aba! Consistent si kuya! Hanggang sa sumagot na ako with a very galit tono! "Wala nga eh!" So ano ang ginawa ni kuya?? Minura ako in badjao (inassume ko na mura or something bad ang sinabi niya kasi nakikita ko ang galit sa face niya). 

Sa loob loob ko. REQUIRED?!?!???? MAY PATAGO?!? Kaloka! Kung kaya ko lang mag flying kick ginawa ko na. ----Yan ang ayoko. Mga mapusok na pulubi. Yung umaasta na kala mo may utang na loob ka sa kanila kung manghingi ng monelya. Kaloka.

HAND GESTURES NA HINDI DESERVE.

Natweet ko na to I recently. Kairita I schwear ang mga ganyan. Alam mo yung nagpipicture nang nakaganitong "surfer" hand gesture na to. Gets mo yun? Maiintindihan ko to kung alam nila mismo ang history ng hand gesture na to. Kung Hawaiian sila. Kung surfer sila. Kung taga Brazil or whatever. Pero yung alam mong hindi, wow. Kung may picture kang ganyan, wag niyo na share sa akin. Tago niyo na lang sa ibang mga tao. Hehehe. Kung hindi niyo alam na "Shaka sign" ang tawag diyan wag niyo gawin. Kung hindi niyo alam na "hang loose" ang meaning ng sign na yan wag niyo na gawin. At no, hindi lang to limited sa sign na to. Marami pa tong iba ei yung mga jejemon sign. HAHAHA.

PRESSURE.

Hindi naman pressure in general. Okay lang yung pressure. May lalo na sa...
Pero ang ayoko talaga ay pinepressure sa banyo. Alam mo yung sumisigaw sa labas na "Dalian mooooo!" tapos after 5 sec "Tapos ka naaaa?" tapos after 2 sec kumakatok na ng sunod sunod sa pinto. WOW! Promise. Sasadyain ko nang bagalan yan. Wapakels kung magalit ka or taeng tae ka. Ayusin mo ang pressure moment sa akin. Malamang pag sinabi mo na nung una, noted na. Wag mo ulit ulitin kasi magmamadali naman ako eh. Naiimagine ko pa lang umiinit na ulo ko. HAHAHAHA.

Ayan. Tatlo na muna. Hindi ko na kaya magisip ng iba kasi umiinit ulo ko. Ganun ako kaaffected. WAHAHAHA. Plus nagmumulti task ako. Pero marami pa yang listahan na yan. Hindi ko pa nasheshare yung galit ko sa mga taong gumagawa ng photo album sa social media chuchu ng mga gamit na bagong bili. Yabang much? Hahaha. Ayoko na. Ititigil ko na to. Hindi ko rin kung ano ang motivate sa akin na magpost ng ganitong level ng rant. Pero promise next post Nakakabading or Nakakatibo na (nakalimutan ko kung ano na talaga ang next).

Sana ang mga nasalanta ng Pablo ay matatag pa rin sila. Kaloka na ang mga bagyo. Lakas maka end of the world! Shet kelangan ko abangan kung guguho na ang mundo sa 21.
Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

Wednesday, December 5, 2012

So Eto Gising Pa...


...ako ng ganitong oras.

Time check 1:15am.

Kasabay ng type type keme ko, nanunuod ako ng Dexter plus nagaabang ako ng ticket na related sa work.
Tapos syempre, nagbabasa ng blog posts niyo. NAKS!

Tapos napansin ko umulan ng wishlist post sa blog at ng mga random thought mode na numbered format. So buti na lang inggitera ako at wala akong maisip na ipopost. Ayoko naman hindi magpost kasi may parang nararamdaman ko na may hidden deadline akong sinusunod. Leche! Akala mo naman may bayad to or whatever. Haha. Pfffft.

Teka try natin ang numbered chorba na yan.

1. Ako mismo natatakot na ako sa mga ginagawa ko online. Buti sana kung porn eh. Kaso hindi. Parang OMG, ganito ba pag single????? Lahat na lang ng tao online crush ko?? Kahit sino na lang???!?!?!? Kamote. Pero alam mo yun, hindi ko naisip maghanap ng harhar. For some weird reason, nageenjoy ako na obsessed ako sa iba't ibang bagay. PUNYETAHELPMENOOOOWW!

2. Paano kaya naiisip ng mga taong nagpapapayat? San kaya nila nakukuha ang motivation? Kelangan ko ba mayurak ang pagkatao ko? Kelangan bang mag mega heart break? Or simpleng motivation lang for health?? Saan? --- Pero keri lang din. Nacurious lang ako kung san nanggagaling ang motivation na yan.

3. Bakit ba ang RHbill na yan hindi napipirmahan????? Pabobohan ba? So parang sinasabi na rin ng senado na keri lang kumalat ang HIV at AIDS? San dun ang hindi nila nagets?

4. Buntis si Kate Middleton. Tataba kaya siya?

5. Nauubusan na ako ng mga ipopost. Either Nakakabading or Nakakatibo (Naks! Kelangan talaga capital ang first letter! Proper noun!). Nahihirapan na ako magisip at sobrang busy lang ako sobra (likesupersupermega).

6. Nagkecrave ako ng mais. Kaso ayoko sila hawakan. Corn on cob. Pero ayaw kong hawakan ang mga ganun at ayoko rin ng nasa lata. Kamote.

7. Wala pang Christmas shopping na naganap. Wala rin akong pera. Hay.

8. Magkakapera pa kaya ako?

9. Baka hindi na ata.

10. Haaaaaaaaaaayy.

Ok. So yan na ang version ko ng numbered keme. So mukhang hindi successful noh? Ayoko naman na isipin ng onteng mga taong nagbabasa nito na magaling lang ako magpost ng Nakakabading or Nakakatibo. Tinatry ko naman. Promise tinatry ko I schwear!

HAHA.
Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...