alam mo yung nakakatawa?
yung hindi ka nagkulang sa reach out
sabi nila
ask for help
pero
yung masakit dun
either shrugged off
or walang makakagets
parang wala kang boses
pero all the while
nagpapasabog ka na ng flare gun
paulit ulit
pero ok lang
gets ko naman
labo noh?
oh well.
Tuesday, November 6, 2018
Tuesday, October 16, 2018
2:19 AM - WISH
I had three occasions last week
Where I could wish for things
I would always wish for you
Always
Fucking always
Threw a coin
Under a bridge
Over a flaming fire
Always
Fucking always
It seemed I only wanted one thing
Taking care of your heart
With mine
Fucking always.
Where I could wish for things
I would always wish for you
Always
Fucking always
Threw a coin
Under a bridge
Over a flaming fire
Always
Fucking always
It seemed I only wanted one thing
Taking care of your heart
With mine
Fucking always.
Tuesday, August 14, 2018
1:43 AM - DRUNK
I am drunk
And I prefer this
Being drunk alone
I imagine being drunk
Gives you a direct
Distorted communication
To a Higher Being
On the other side
This is the reason
Why I get drunk alone
So I can tell Someone
And cry my heart out
And listen to things I can't hear
This is why I get drunk alone
So I can cry my heart out...
And be numb
Hoping.
And send it somewhere else.
And I prefer this
Being drunk alone
I imagine being drunk
Gives you a direct
Distorted communication
To a Higher Being
On the other side
This is the reason
Why I get drunk alone
So I can tell Someone
And cry my heart out
And listen to things I can't hear
This is why I get drunk alone
So I can cry my heart out...
And be numb
Hoping.
And send it somewhere else.
Wednesday, July 18, 2018
7:09 AM - BLURRED
I DRANK A WHOLE BOTTLE
ADDING TWO STRANGE PILLS
I CAN HEAR MY HEART BEATING
COUNTING HOW THE RHYTHM COMES
AS IT GOES
I WATCHED A WHOLE HOUR
GO BY
WAITING THE ICE TO MELT
OH HOW IT TAKES THE SAME THING
CHANGE RIGHT BEFORE MY VERY EYES
AND AT THE SAME MOMENT
I LISTENED TO FOUR STRANGE PEOPLE
TELLING ME TO BE HAPPY
TO OWN MY DIFFERENCES
I LOST TRACK OF TIME
AND LET THE SECOND ICE MELT
MY HEART STILL BEATS IN RHYTHM
WHICH I WISH I CAN'T COUNT
ADDING TWO STRANGE PILLS
I CAN HEAR MY HEART BEATING
COUNTING HOW THE RHYTHM COMES
AS IT GOES
I WATCHED A WHOLE HOUR
GO BY
WAITING THE ICE TO MELT
OH HOW IT TAKES THE SAME THING
CHANGE RIGHT BEFORE MY VERY EYES
AND AT THE SAME MOMENT
I LISTENED TO FOUR STRANGE PEOPLE
TELLING ME TO BE HAPPY
TO OWN MY DIFFERENCES
I LOST TRACK OF TIME
AND LET THE SECOND ICE MELT
MY HEART STILL BEATS IN RHYTHM
WHICH I WISH I CAN'T COUNT
Sunday, June 24, 2018
AKO AT ANG TRYING NEW THINGS
May certain affinity sa akin ang mga bagay na hindi ko alam.
I take pride sa fact na mahilig ako alamin ang mga bagay bagay (na within sa realms na may answers baka kasi mamaya sabihin niyo bat hindi na ako magstart magresearch about UFOs).
Anyway, may mentality talaga ako na "i have to know" sa lahat ng knowledge wise or kahit anong naka peak ng curiosity ko.
Sidenote: may part ng young adult mode ko na nacurious ako heavily sa Latin language dahil sa fact na puta hindi ko matanggap na kelangan ko imemorize ang Latin names ng mga halaman at animals. Parang, why? Bakit hindi na lang yung Proper name nila as Mahogany tree? Bakit kelangan Swietenia Macrophylla? At hindi lang yun, kelangan talaga italicised. Swietenia Macrophylla. And oo, alam ko talaga na Swietenia siya kasi, sideside note: thesis ko ay involved ang Swietenia trees at nagkalat siya sa loob ng DLSU.
Pero eto talaga ang reason ng post na to. Aside from mahilig ako mag research ng mga bagay bagay, directly related dun is ang fact na mahilig ako magtry ng bagay na hindi ko alam. Specifically sa pagkain. May motto ako na "What's that? I want that." or ang mas tabachoi na "What's that? Pakagat." Pero kung pipilitin niyo, ang reason-reason talaga ng post na to ay ang fact na kelangan ko na burahin ang photos sa phone ko. #sorrynotsorry
Eto talaga ang video na nagpeak ng curiosity ko.
So sabi ko, shet kelangan ko makakuha ng MRE at matikman. Naging malaking issue din sa akin kung pano ako makakakuha ng MRE. Pero kinaya ko. #blessed HAHAHA.
Pero konting prologue, nanguto ako ng friend na mabilis mauto sa curiosity. Itago na lang natin sa pangalan na Anonymous #2. Nauto Nainspire ko siya bumili at i-try ang MREs.
So for some weird force of nature, nauna nakuha ni Anonymous #2 ang MREs niya which is maling mali na gawin sa ugaling kong "What's that? Pagkagat." Mas magiging peaking mode ang curious mind ko.
Hindi lang yun. Nagkupal mode pa siya.
Pero katulad nga ng sabi ng mga tao, Patience is a vulture virtue.
And totoo. Madami siyang laman. Sobrang MacGuyver mode. Pwede akong umupo sa lupa at magpanggap na nasa gera.
Pero eto talaga ang pinaka fun part. Ang chemisty mode. May own pangluto mode nga talaga inside. Sa sobrang liit na water added, magiging all around thing siya. Stove, water heater, blah blah. Partida bato lang at water kelangan mo. Very gera mode nga.
Eto pakshet ang main meal. Yang buo buo sa left ay ang kanin at ang right ang beef strips ulam. Hindi siya masarap syempre. Anong ineexpect mo? Nasa gera ka na nga eh. Tapos aarte ka pa sa food? Charot.
Pero pakshet, pangit lasa. Pero hindi naman lasang panis or parusa. Palatable. Pero kung pipikit ka at iimaginin mo nasa gera ka, pwede na. Mabubuhay ka na for a day.
Tas may merienda ka pang Peanut Butter and Jelly. Okay na di ba?
And sa lahat ng laman ng MRE stuff (stuffs? stuvves?) ay ang pinaka favorite kong Beverage Base Powder Tropical Punch. Also known as instant Kool Aid slash Gatorade. Pero ang main issue ko ay ang name niya. Beverage Base Powder. Wala lang.
Yan lang. Gusto ko lang i-share at i-save sa internet ang MRE experience ko/namin. Kung may natutunan man ako is ang fact na walang MRE ang pilipinas. I guess ang dala or dadalhin ng mga army men na pinoy sa gera ang ay carinderia balot balot take out or isang lata ng 555 sardines at isang plastic ng kanin bilang sanay naman mga pinoy sa tinge mode. Plus, issue nga na walang kwenta army/military stuvves natin. So, no to gera. #worldpeace
Baduy no?
-nyabach0i
Tuesday, June 12, 2018
12:15 AM - SMOKE
Nakakapikon, ilang beses ko na tinry i-apply yang maging google partner para may ads ang blog ko. But noooo, ekis. Ayaw. Edi wag. Andamot mo google. Haha. Kelangan ko lang i-share tong sinulat ko below bago ko burahin sa notes ko sa phone. Yun lang. Kthanxbye. - nyabs
I edited this line fifty five times
In the hopes to hide what I feel inside
Break me to a mosaic of my bluest tears
This should be a happy experience
Of course, I'd cry every time, always
You can't have happy things, maybe
And with clarity, you suddenly realize
Whispering away feelings to smoke
Amplifies a certain level of loneliness
I edited this line fifty five times
In the hopes to hide what I feel inside
Break me to a mosaic of my bluest tears
This should be a happy experience
Of course, I'd cry every time, always
You can't have happy things, maybe
And with clarity, you suddenly realize
Whispering away feelings to smoke
Amplifies a certain level of loneliness
Tuesday, May 15, 2018
HELLO SUMMER
Wala. Walang relevance ang summer or beach or whatever cliche summer-y stuff sa post na to. Wala. Gusto ko sanang sabihin na clickbait ang title pero obviously hindi naman din nga. So wala pa din.
And oo, aware ako na matagal na ako hindi nagpopost. I will enter the same lame ass excuse as always. Work, adulting, tinamad ako. Pero mas leaning sa work talaga. Work-life happened hahaha.
Anyway, this post ay dahil sa nabasa ko ang running book ni Murakami. Yung What I Talk About When I Talk About Running. And no, hindi eto book review whatever. Gusto ko lang i-share dito ang mga nararamdaman/naramdaman ko nung binabasa/nabasa ko ang librong yan. And yes, fan naman ako ni Murakami kung nagwonder ka ng konte.
Pero yun nga, sabi nga ng title niya, yung libro talaga ay kung ano ang sinasabi niya or iniisip niya pag nagkukwento siya about running. And no, hindi ako runner for the obvious tabachoi reasons. And yes, maganda yung libro. Recommended. 10/10. Will read again. Buy it. Gift it.
Pero pero pero...
Wala akong naramdaman sa librong yan kundi matinding frustrations. Like malalang frustrations about any physical activities of some sort. Ang librong yan, spoiler alert, ay about sa napaka baliw levels niya sa marathoning. As in passion talaga. Everyday, blah blah, routine blah blah. So fine, ikaw na Murakami and your running lifestyle.
And no, hindi ako nafrustrate dahil sa hindi ako marathoner. Never ko naman pinangarap yun. Nafrustrate ako kasi may routine din ako before. Na slightly physical din pero malaking impact sa akin. Naging slightly less tabachoi ako and ang pinaka nakakainis na part na totoong nakakadestress siya at totoong it helps sa mental health. Wait, before kayo magconclude na "edi get up your tabachoi lazy ass and bumalik ka sa physical routine mo" let me explain...
Na injure ako. Ng malala.
Hindi lang to tipong rayuma or kung ano mang cliche na pain thing. No. This is a nakakapikon na spinal cord injury na pwede ko i-apply na maging PWD ako. Ayoko na inexplain dito kasi everytime naiisip ko nafufrustrate ako lalo at napipikon kasi maliban sa constant pain siya sa likod ko, hindi na ako makagalaw ng maayos. Which palagi kong naiisip kasi constant pain nga so ayun. The frustration cycle continues.
So after ko mabasa yung book, mas nafrustrate ako. Ganito siguro nafifeel ng mga career ending injuries ng mga basketball player. Although malayo naman ang comparison sa akin. Wala lang. Naiinis ako sa part na nagkaroon ka ng something na advantageous na ginagawa mo routinely, umulan man or not, na nawala dahil sa something na hindi mo choice. Buti sana kung tinamad ako. Tanggap ko pa eh. But nooooooo.
So thank you Murakami. Pinaalala mo sa akin ang something na hindi ko na siguro magagawa (well pwede naman pero may involvement ng bakal at operation, but for now...).
Inaantay ko pa din ang "when life closes a door blah blah shit". Pero for now, magwawallow ako na wala akong magagawa about it. Mga 80% icoconclude ko na lang na malas siguro ako and whatever related thoughts.
So ayun lang. Ayoko na itodo ang outpour ng frustrations dito kasi baka magwalling ako mayamaya with tears. Share ko lang. Kapikon kasi yung libro eh. Pero maganda ung libro. Natrigger lang talaga ako ng malala which btw, palagi naman ginagawa ng Murakami book sa akin.
In conclusion, wag maniwala sa no pain, no gain. Tamo constant pain ako, wala akong nagegain.
Kthanxbye.
-nyabach0i
Monday, April 16, 2018
11:22 AM - Heartbreak Hotel
I wished the last song I heard was an actual person
I would have loved the life out of you
You were damaged with all the right notes
No one deserves to be hurt like that
I should not feel hurt like this too
We could have been good for each other
But as the song fades to end
This meant only to last for a good 4:50 minutes
And leave it all in this Heartbreak Hotel.
I would have loved the life out of you
You were damaged with all the right notes
No one deserves to be hurt like that
I should not feel hurt like this too
We could have been good for each other
But as the song fades to end
This meant only to last for a good 4:50 minutes
And leave it all in this Heartbreak Hotel.
Tuesday, March 20, 2018
8:39 AM - Untitled IV
The syzygy of things...
The me and you
The sun my dark moon
The never in ever at all
The not from what is real
The me without you.
The me and you
The sun my dark moon
The never in ever at all
The not from what is real
The me without you.
"a crumb upon my plate leads to a week of cryin' sleep"
Wednesday, March 14, 2018
OHMAYGAAAAAH!
Please read the title like this:
Well, well, well, hello March.
Well, well, well well, aware ako na ohmygah ang tagal na ng last blog ko. Mahirap kasi magmeynteyn (hindi ko kinacount ang post ko borderlining between depressive and dark pit of someone's soul). I mean, adulting. Adulting with work, adulting with social media, adulting with PS4, adulting with books, adulting with food, you know? The usual. Kaya eto ako, bumabalik. Parang mens lang yan. Paminsan andyan, paminsan wala. You know? The usual.
Plus, hindi monetized ang blog na to. So walang motivation ng slight, charot.
So kamusta? What's happenin'?!
Sa akin? Wala naman pero parang madami din ng slight. Pero dahil nasa gitna ako ng work today (tonight, nightshift forevs ako eh), sheshare ko ang panaginip ko kagabi (kaninang umaga, nightshift nga di ba?)
Napanaginipan ko si Gretchen Ho.
Nakakatawa kasi yung caption ng pic na yan ay Gretchen Ho: The face of modern Chinoy youth |
Ayan ang pic niya, just in case hindi niyo siya kilala. Pero teka, konting background, may meds akong tinetake (tinake) recently na nakakaapekto ng dreams ko. Everytime tinetake ko yun, wala akong dreams (hindi dreams na my-dream-one-day-is-to-be-an-astronaut ha. wag tanga). As in wala. Like black lang, which sobrang gusto ko kasi satisfying long black sleep lang. Yung paggising ko, may laway pa ako sa pisngi. Ganung level. So anyway,
This time, hindi ko tinake yun obvs and napanaginipan ko si Gretchen Ho. Nothing sexual but something malabo and benta sa akin sa waking hours.
Sa panaginip ko daw, naglalakad ako pauwi sa village namin tapos apparently kapitbahay ko daw si Gretch (i feel lang pwede ko na siya tawagin sa nickname niya dahil close kami sa panaginip ko). Tinawag ako ni Gretch na pumasok sa bahay nila, edi pumasok ako sabi niya eh. Tapos yung bahay daw nila, tadtad ng Last Supper items. Last Supper painting, Last Supper sa mug, Last Supper sa walls, pictures, sofa, doors, etc. Tas ang feeling ko sa dream ay parang hindi weird, meaning nakita ko na to before feeling kasi nga close kami ni G. G na lang kasi haba pa din ng Gretch eh.
Anyway, so naalala ko tatlong floor ang bahay daw nila na tadtad ng Last Supper tapos naalala ko na masakit likod ko habang umaakyat sa stairs kasi nga may bad back ako. Tapos nagagalit daw ako sa kanya about it. Tapos tinanong kung ano ba kasi meron bakit niya ako tinawag. Apparently nagpapatulong siyang hanapin ang red na tsinelas niya.
Tapos sumagot ako:
"Akala ko ba One Big Fight? Bakit red?"
Tas nagising na ako.
So kung sino willing maginterpret, by all means. Ayoko magpaka Joseph, son of Jacob at alamin ang meaning ng dream na yan about Gretchen Ho.
But, but, but, I have to admit, hindi na masama mapanaginipan si Gretchen Ho. It could have been ibang some random ugly af babae! Charot.
Anywan, yan lang sheshare ko.
Tapos na self imposed break ko.
Baboo.
-nyabach0i
Thursday, February 8, 2018
Tuesday, January 16, 2018
ETO TALAGA ANG...
Happy new year post ko! Eto na talaga yun! Eto yun! THISHISHIT!
HELLO 2018!
*Splatoom! Splatoom!*
Baduy, I know.
Pero noh, kung iisipin mo, ang bilis at the same time parang feeling mo wala masyadong umandar nung 2017. Pero sa totoo, andaming nangyari, at oo, parang wala masyadong nangyari. Eto ata yung feeling ng change. Lakas maka denial, pero wala kang magagawa.
Pero shrue, madaming nangyari last year. Pucha, news and public affairs pa lang eh.
WHAAAT~~ Trump?! President? WHAAAAT~~ Marcos nasa libingan ng bayani na?! HUWAAAAA~ Who would have thought namputa si Mocha ay some whatever public person na! Naknangtokwa parang kelan lang bisexual lang siya na naka bikini tuwing gabi.
But fine, personally, madami nga namang nangyari. Madami akong work related ticket na nasara. Madami akong lugar na napuntahan. Nakalabas ako ng bansa odevah. At ang pinaka mahalaga, madami akong nakain na masasarap. Life wins kumbaga.
Pero wala akong balak isa isahin for the fact na may weird fact sa blogger. Mas mahaba ang post, mas walang nagbabasa -Charot. Pero syempre, ayoko naman mag unload at gawing dear diary to. Pake niyo di ba? HAHA. Pero for this HAPPY NEW YEAR post, isheshare ko ang mga 2017 discoveries ko. Mundane man to or hindi. Sheshare ko pa rin.
1. GAMING 2017
Ok fine. Hindi rin sandamukal ang nalaro last year. As a gamer, fail yun. Pero meron pa rin naman kahit papano. Nalaro ko finally ang FFX at FFX-2. Nope, hindi ko gusto both. Sakto lang. FF7 forevs.
Pero for some reason, tumatak tong Hollow Knight sa akin. Indie game, first and foremost. May weird liking ako sa mga indie game kasi sure maganda ang storyline. True enough, maganda nga to. Insect kayo at isa kang Hollow Knight. Hindi ko na sospoil ang plot, pero this about finding dreams and learning old tails ganyan. Parang each and everyone may hidden dreams na hindi nababasa nino man.
I'll rate this 4 bacons over 5.
2. MOVIE 2017
OMG, 2007 Nyabs will be surprise kung gaano kadaming movie ang napanuod ko this past few years. Last year 20 plus. Dapat lilista ko lahat, kaso tinamad na ako. Pero madami dun sa list na maganda talaga. Mga tipong pwede nating pagdebatihan over coffee or something. Maraming thought provoking, maraming so so lang.
But, but. Loving Vincent. Hayy starry starry night, paint your palette blue and grey.
Gusto ko i-explain bakit may soft spot to sa akin. Pero may part na gusto ko na lang din solohin why. May melancholic beauty ang life ni Vincent Van Gogh sa totoo lang talaga, pero wala eh. Ganun talaga eh. Hay.
AT PINAKA IMPORTATENG PART, ETO ANG FIRST MOVIE EVER NA HANDPAINTED! I'll rate this 5 bacons over 5.
3. SERIES 2017
Sa lahat ng series na napanuod ko, eto ang pinaka natakot ako for the fact na pwede siya mangyari. Ayoko na i-tackle yung sensitivity ng issues like religion, lgbt, woman's rights, at kung anuano pa. Basta. Leche tong The Handmaid's Tale.
After watching, natakot ako for myself. Kasi sure ako pag nangyari to, first 5 minutes pa lang ng scene, pinatay na ako.
I'm sorry Aunt Lydia.
But cinematography wise, sobrang ganda ng shots ng series na to. As in. Yey for women directors!
I'll rate this 4.5 scared bacons over 5.
4. MUSIC 2017
Nope, not Kpop this time (although, special mention ang Blackpink -nope wala akong balak i-explain now why). Madami akong gustong songs last year. Like si ate Dua Lipa at ang IDGAF, for example. Sama mo na yung Havana ni Camila Cabello kasi nakaka LSS siya. But sa lahat ng nadiscover ko, etong Japanese band na to ang fave ko. Gesu No Kiwami Otome. Also known as, Girl at the Height of Rudeness. Bigyan niyo ng chance ang pakinggan ang video na yan. Kung aarte ka at hindi mo gets ang Japanese, about adulting ang song. At no, hindi ko fave to dahil sa drummer na babae. Pero kung papansinin mo din, cool si ate drummer girl.
5. BOOK 2017
Yes, aware ako na hindi released tong book na to ng 2017. At yes, aware ako na sobrang tagal na nitong sikat. For sure may ibang school na ginawang book report to. Let me explain.
Matagal na tong book na to sa akin. Kasi part to ng panic buying galing sa Book Fair years ago. At dahil idol ko si Rory Gilmore in reading books, kasama to sa binasa niya (tinry kong gawin ang Rory Gilmore challenge sa Goodreads na app, hindi ko kinaya. Pero kasama to sa list.) Anyway, bakit to kasama sa list? Pakshet bore na bore ako sa book na to. Gets ko na sikat siya, fine. Maganda nga naman ang concept ng Catch-22, like pwede pero bawal at bawal pero pwede. Bale ang Catch-22 ang limbo mode ng decision making at rules nila sa military chuchu. Basta boring amputa.
Tinapos ko wag kayong magalala. Kasi wala akong librong sinimulan na hindi tinapos kasi na o-OC ako (except school books. lul wala akong kilala na end to end binasa yun lul.) I'll rate this no bacon at all.
6. VIDEO 2017
Adik ako sa youtube, yes. Napulot ko tong video na to kay Pewdiepie (ang god ng youtube). Sa buong 2017, eto lang ata ang video na naiyak ako kakatawa randomly. Panuodin niyo. Super benta sa akin to. Kupal sobra. Haha. Buti na lang hindi magagawa sa MRT to.
7. FOOD 2017
Lahat ng nakakain at kinain ko sa Taiwan. Wala akong pinagsisisihan sa na-gain ko from Taiwan. Willing ako kumain ulit hanggang hindi makahinga. This is not rateable. Parang painting lang, priceless. HAHA. Baduy. (salamat Asyang sa video. ninakaw ko, yes)
So, ayan. Sisirain ko ang OC keme niyo at hindi ko isasara ng 10 ang list. Hindi rin 8, kahit 2018. 7 kasi nga naman 2017 list. Haha.
Sana madami kayong natutunan from 2017. Ako din naman.
At sana ang 2018 ay maging manigo. Manigo as in from Manigong Bagong Taon. HAHAHA.
Osha. Kthnxbye.
-nyabach0i
Saturday, January 13, 2018
STUPID
ON THAT STUPID DAY,
YOU SAID THOSE STUPID THINGS
TO MY STUPID SELF
SHATTERED MY STUPID HEART.
AFTER THAT STUPID MOMENT,
I WENT UP AND EXCUSED MY STUPID SELF
WENT TO THAT STUPID BATHROOM
AND CRIED FOR A STUPID MINUTE
THEN WIPED MY STUPID EYES
STUPIDLY WENT BACK
AND LOST A BIG CHUCK OF MY STUPID HEART
HOW STUPID IT IS TO BREAK SOMETHING THAT IS ALREADY BROKEN?
AND HOW STUPID IT IS TO BREAK IT OVER
AND
OVER
AGAIN.
annnnyway, yan lang muna. may normal post ako na nasa draft, which is a new year post. sana umabot within Jan na mapost or else wala din sense haha. try natin next week. *not a pinky promise*
-nyabs
YOU SAID THOSE STUPID THINGS
TO MY STUPID SELF
SHATTERED MY STUPID HEART.
AFTER THAT STUPID MOMENT,
I WENT UP AND EXCUSED MY STUPID SELF
WENT TO THAT STUPID BATHROOM
AND CRIED FOR A STUPID MINUTE
THEN WIPED MY STUPID EYES
STUPIDLY WENT BACK
AND LOST A BIG CHUCK OF MY STUPID HEART
HOW STUPID IT IS TO BREAK SOMETHING THAT IS ALREADY BROKEN?
AND HOW STUPID IT IS TO BREAK IT OVER
AND
OVER
AGAIN.
annnnyway, yan lang muna. may normal post ako na nasa draft, which is a new year post. sana umabot within Jan na mapost or else wala din sense haha. try natin next week. *not a pinky promise*
-nyabs
Monday, January 1, 2018
Subscribe to:
Posts (Atom)
QUARANTINE BLOG 5
simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...
-
...sarili ko at hindi ako nakapanuod ng Miss Universe! Eto na nga lang ang once a year na moment na magsasanib pwersa ang mga bakla hindi k...
-
Last week, sa saliw ng holiday kemerloo, nagpasagot yung isang friend ko sa kapatid kong baliw ng Matrices and Gauss-Jordan Process of El...
-
Tama, tama. Kelangan i-set aside muna ang mga inarte ng gobyerno para hindi ako mastress. Tsaka OMG, kamusta ang New Year pa ang last post ...