May certain affinity sa akin ang mga bagay na hindi ko alam.
I take pride sa fact na mahilig ako alamin ang mga bagay bagay (na within sa realms na may answers baka kasi mamaya sabihin niyo bat hindi na ako magstart magresearch about UFOs).
Anyway, may mentality talaga ako na "i have to know" sa lahat ng knowledge wise or kahit anong naka peak ng curiosity ko.
Sidenote: may part ng young adult mode ko na nacurious ako heavily sa Latin language dahil sa fact na puta hindi ko matanggap na kelangan ko imemorize ang Latin names ng mga halaman at animals. Parang, why? Bakit hindi na lang yung Proper name nila as Mahogany tree? Bakit kelangan Swietenia Macrophylla? At hindi lang yun, kelangan talaga italicised. Swietenia Macrophylla. And oo, alam ko talaga na Swietenia siya kasi, sideside note: thesis ko ay involved ang Swietenia trees at nagkalat siya sa loob ng DLSU.
Pero eto talaga ang reason ng post na to. Aside from mahilig ako mag research ng mga bagay bagay, directly related dun is ang fact na mahilig ako magtry ng bagay na hindi ko alam. Specifically sa pagkain. May motto ako na "What's that? I want that." or ang mas tabachoi na "What's that? Pakagat." Pero kung pipilitin niyo, ang reason-reason talaga ng post na to ay ang fact na kelangan ko na burahin ang photos sa phone ko. #sorrynotsorry
Eto talaga ang video na nagpeak ng curiosity ko.
So sabi ko, shet kelangan ko makakuha ng MRE at matikman. Naging malaking issue din sa akin kung pano ako makakakuha ng MRE. Pero kinaya ko. #blessed HAHAHA.
Pero konting prologue, nanguto ako ng friend na mabilis mauto sa curiosity. Itago na lang natin sa pangalan na Anonymous #2. Nauto Nainspire ko siya bumili at i-try ang MREs.
So for some weird force of nature, nauna nakuha ni Anonymous #2 ang MREs niya which is maling mali na gawin sa ugaling kong "What's that? Pagkagat." Mas magiging peaking mode ang curious mind ko.
Hindi lang yun. Nagkupal mode pa siya.
Pero katulad nga ng sabi ng mga tao, Patience is a vulture virtue.
And totoo. Madami siyang laman. Sobrang MacGuyver mode. Pwede akong umupo sa lupa at magpanggap na nasa gera.
Pero eto talaga ang pinaka fun part. Ang chemisty mode. May own pangluto mode nga talaga inside. Sa sobrang liit na water added, magiging all around thing siya. Stove, water heater, blah blah. Partida bato lang at water kelangan mo. Very gera mode nga.
Eto pakshet ang main meal. Yang buo buo sa left ay ang kanin at ang right ang beef strips ulam. Hindi siya masarap syempre. Anong ineexpect mo? Nasa gera ka na nga eh. Tapos aarte ka pa sa food? Charot.
Pero pakshet, pangit lasa. Pero hindi naman lasang panis or parusa. Palatable. Pero kung pipikit ka at iimaginin mo nasa gera ka, pwede na. Mabubuhay ka na for a day.
Tas may merienda ka pang Peanut Butter and Jelly. Okay na di ba?
And sa lahat ng laman ng MRE stuff (stuffs? stuvves?) ay ang pinaka favorite kong Beverage Base Powder Tropical Punch. Also known as instant Kool Aid slash Gatorade. Pero ang main issue ko ay ang name niya. Beverage Base Powder. Wala lang.
Yan lang. Gusto ko lang i-share at i-save sa internet ang MRE experience ko/namin. Kung may natutunan man ako is ang fact na walang MRE ang pilipinas. I guess ang dala or dadalhin ng mga army men na pinoy sa gera ang ay carinderia balot balot take out or isang lata ng 555 sardines at isang plastic ng kanin bilang sanay naman mga pinoy sa tinge mode. Plus, issue nga na walang kwenta army/military stuvves natin. So, no to gera. #worldpeace
Baduy no?
-nyabach0i
<3
ReplyDelete