Wala. Walang relevance ang summer or beach or whatever cliche summer-y stuff sa post na to. Wala. Gusto ko sanang sabihin na clickbait ang title pero obviously hindi naman din nga. So wala pa din.
And oo, aware ako na matagal na ako hindi nagpopost. I will enter the same lame ass excuse as always. Work, adulting, tinamad ako. Pero mas leaning sa work talaga. Work-life happened hahaha.
Anyway, this post ay dahil sa nabasa ko ang running book ni Murakami. Yung What I Talk About When I Talk About Running. And no, hindi eto book review whatever. Gusto ko lang i-share dito ang mga nararamdaman/naramdaman ko nung binabasa/nabasa ko ang librong yan. And yes, fan naman ako ni Murakami kung nagwonder ka ng konte.
Pero yun nga, sabi nga ng title niya, yung libro talaga ay kung ano ang sinasabi niya or iniisip niya pag nagkukwento siya about running. And no, hindi ako runner for the obvious tabachoi reasons. And yes, maganda yung libro. Recommended. 10/10. Will read again. Buy it. Gift it.
Pero pero pero...
Wala akong naramdaman sa librong yan kundi matinding frustrations. Like malalang frustrations about any physical activities of some sort. Ang librong yan, spoiler alert, ay about sa napaka baliw levels niya sa marathoning. As in passion talaga. Everyday, blah blah, routine blah blah. So fine, ikaw na Murakami and your running lifestyle.
And no, hindi ako nafrustrate dahil sa hindi ako marathoner. Never ko naman pinangarap yun. Nafrustrate ako kasi may routine din ako before. Na slightly physical din pero malaking impact sa akin. Naging slightly less tabachoi ako and ang pinaka nakakainis na part na totoong nakakadestress siya at totoong it helps sa mental health. Wait, before kayo magconclude na "edi get up your tabachoi lazy ass and bumalik ka sa physical routine mo" let me explain...
Na injure ako. Ng malala.
Hindi lang to tipong rayuma or kung ano mang cliche na pain thing. No. This is a nakakapikon na spinal cord injury na pwede ko i-apply na maging PWD ako. Ayoko na inexplain dito kasi everytime naiisip ko nafufrustrate ako lalo at napipikon kasi maliban sa constant pain siya sa likod ko, hindi na ako makagalaw ng maayos. Which palagi kong naiisip kasi constant pain nga so ayun. The frustration cycle continues.
So after ko mabasa yung book, mas nafrustrate ako. Ganito siguro nafifeel ng mga career ending injuries ng mga basketball player. Although malayo naman ang comparison sa akin. Wala lang. Naiinis ako sa part na nagkaroon ka ng something na advantageous na ginagawa mo routinely, umulan man or not, na nawala dahil sa something na hindi mo choice. Buti sana kung tinamad ako. Tanggap ko pa eh. But nooooooo.
So thank you Murakami. Pinaalala mo sa akin ang something na hindi ko na siguro magagawa (well pwede naman pero may involvement ng bakal at operation, but for now...).
Inaantay ko pa din ang "when life closes a door blah blah shit". Pero for now, magwawallow ako na wala akong magagawa about it. Mga 80% icoconclude ko na lang na malas siguro ako and whatever related thoughts.
So ayun lang. Ayoko na itodo ang outpour ng frustrations dito kasi baka magwalling ako mayamaya with tears. Share ko lang. Kapikon kasi yung libro eh. Pero maganda ung libro. Natrigger lang talaga ako ng malala which btw, palagi naman ginagawa ng Murakami book sa akin.
In conclusion, wag maniwala sa no pain, no gain. Tamo constant pain ako, wala akong nagegain.
Kthanxbye.
-nyabach0i
No comments:
Post a Comment