Monday, November 26, 2012

Nakakatibo - Wala Na Akong Maisip Edition

So ayun na nga. So pano ba yan, kelangan ko magpost ng Nakakatibo post. Medyo ilang araw na rin ako nagreresearch ng magaganda na babae. Very tibong tibo ang mode na yun ah. Kulang na lang manuod ako ng lesbo porn. Which sobrang iniiskip ko lang pag nanunuod ako ng normal porn kasi parang hindi ko kaya panuodin. Buti pa gay porn fun panuodin. Hahahaha.

Sa mga oras na to, nadiscover ko na may Adobo flavor na E-Cigarette (not unless inuuto ako nung kausap ako). Punyeta sino nagisip nun? So para kanino ang market na yun? Sa mga nagdidiet? Or sa mga nagsastop magyosi? Sweetcorn. May sweetcorn pa pala. Tiramisu? Labo! Sige game, lezzdothis.

1. Michelle Krusiec
Hindi siya mega hotness. As in drooling hotness. Pero may something kay Michelle Krusiec. Maliban sa sobrang benta niya (Sa Vagina Monologue at sa Nice Girl Crew) magaling siyang artista. Nagkasoft spot ako sa kanya sa Saving Face na movie (which is a very tibo indie movie).

Pero promise ha, panuodin niyo yung Vagina Monologue niya! Hahagalpak kayo sa tawa. Yung about sa iba't ibang moans.

Pero as usual may-I-claim si ate na best in "wala akong pores" look. Puta what is best in skin keme keme? At kung mapapanuod niyo yung Saving Face, maiirita kayo kasi buong time naka pony tail siya pero hongandaganda pa rin niya. Kamote. Bakit may mga taong ganito???




2. Kaya Scodelario
OMG ETONG SI ATE!!! Peg ko siya!!!

Una sa lahat, punyetang Brittish accent na yan lakas maka-uto ng mga tao. Combohan pa ng yosi girl si ate! Badass chick! Wala sa itsura niya na may bisyo siya. Kaya mas nakaka-uto talaga ng tao.

Tapos yung blue eyed kemerloo pa niya! Lumalaban kay Alexis Bledel! Tangina hindi ko magets bakit sa ibang bansa lang ang blue eyed chorba. Bakit ako walang ganyan? Inggitera amputa. 

Kung nanunuod kayo ng Skin (Brittish TV Sitcom) dun ko siya nadiscover. 

Well at least alam na natin itsura ni Adele kung pumayat ng sobra. Charots.




3. Heather Graham
Adik ako sa Scrubs dati. Andun siya. Andun din siya sa Austin Powers na moviesung.

Ano bang meron sa mga matang color blue or may hint of blue?????? Tapos eto kay ate blue grey chorba?????!?!?? Tangina pano ba magkakaganito?

Pero panuodin niyo yung movie na Broken. Yung entertainer siya at adik adik. Yung last scene dun. Yun ang nagseal ng deal kung bakit siya andito sa Nakakatibo. Hint: Jessica Stroup. 

Naloka ako. Kasing level ng loka ko sa Black Swan scene.

So ayan. Now at napasadahan na natin ang Nakakatibo na yan. Paguusapan ba natin ang current events? Charots. Sorry, hindi ko napanuod ang Zoren-Carmina Weddingsung. May part sa akin na ayoko panuodin. Ganun kasi ako. Pag pinagpiyestahan na ng mga tao, ayoko na. Ayoko ng uso. E dahil uso to, ayoko panuodin. Next time na lang. Pero fine, nakakakilig daw. Ibigay niyo na siya. Si Zoren na ang pinakapogi ngayon buwan. Sorry pero deadmasung.

Hindi pa rin ba nagpapainterview si Angelica Panganiban? Haha.

Ganun talaga. May mga panahon talaga na emoshit ka. Paminsan may dahilan, paminsan wala. Parang andamidami ko kasing naririnig/naeexperience/nababasa na mga lovelife chorba. Sabi ko kasi sa sarili ko, as much as possible, hindi ako magboblog about lovelife ko/ng iba. Kasi parang given/common sa blogger yun eh. Nagbubukas ng blog kasi heartbroken chobra or gusto magshare ng experience. Ako gusto ko lang magblog para may kausap ako (sa totong buhay kasi loser ako at walang kausap CHOS!). Masarap kasi yung feeling na salita ka ng salita tapos may nagrereact na hindi mo personally kilala. Kinikilig ako nun (sign talaga na ang social life ko online lang --ako na loser HAHA!).

Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

22 comments:

  1. wala si carmina topacio saka si steph micayle!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi sila pasok sa criteria ng fully! pero for pooling sila. hahahahaha.

      Delete
  2. hahaha..XD nakakaaliw talaga tong mga edition mo. abot tenga ang ngiti at bungisngis ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat naman! ako rin mismo abot tenga ang ngiti at bungisngis ko dahil sa comment mo.

      Delete
  3. hehehe gaganda nila... bakit kaya nagkaka blue eye ang iba... sabagay dagdag attraction pag may ganun ka...

    Ung kay Carmina -- di ko rin napapanood... kahit may nagsabi na nakakakilig daw hehehe... di ko lang gusto hehehe

    ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako rin eh. may malaking part sa akin na ayaw mo panuodin yung carmina-zoren. hahaha.

      pero kung nabibili talaga yung blue eyed keme, ginawa ko na. bili akong isang basket. hahaha.

      Delete
  4. Ay kala ko bakla ka. Isa ka palang tibolita. dyuk lang! Di ko parin napapanood ang carmina-zoren na yan. Anong interview kay angelica? bakit? haha chismis. lol May kanya kanya tayong dahilan kung bakita tayo nagboblog. Masarap at masaya magblog diba :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ko na nga alam kung bakla ako or tibolita. hahahahahaha.

      nagtweet kasi si angelica na kelangan na niya magpainterview para maclear na yung issue between her and derek.

      Delete
    2. Ahh kala ko wala na sila ni derek at sila na ni JL

      Delete
  5. hahaha natatawa ako sa mga words mo.di naman tibo yung tono mo. baklang baklang. hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. oo nga nireread ko. baklang bakla pa rin. parang baklang bitter amputek. hahaha.

      Delete
  6. Anong chismis kay Angelica P? Bakit kailangan magpa-interview? Huli ako sa showbiz chika ah! Haha..

    In fairness, matagal ko na ding tanong kung bakit tayo puro brown or black ang mata, bakit yun ibang bansa may blue or gray? Dahil sa weather?? Kaloka! Buti malabo ang mata ko at may dahilan ako para magsuot ng contact lenses, haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. weather nga ba? shet kelangan pala pag nanganak ako (if ever mabuntis) kelangan ko ba manganak sa loob ng ref para maging blue eyes ng mga supling ko? ayoko igoogle tinatamad ako. hahaha.

      pero malakas kutob ko nasa genetic makeup to ng tao. HAHAHA.

      Delete
  7. Unfair talaga na walang kulay green, grey at blue na mata dito sa Pinas! I-welga natin yan! LOL I've seen the Carmina-Zoren wedding, hindi naman siya super duper magarbo pero yung thought on how Zoren surprised Carmina about the whole wedding kemerloo ang nakakatouch kasi makikita mo na true and genuine yung love nila sa isa't isa. charing!

    Kakabading edition ang next please? *nagmamakaawa? hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. kelangan na talagang ipetition na magka green, blue at grey eyed keme! kamote!
      hay naku mapride ako. wala akong balak panuodin ang zoren-carmina. malakas kutob ko uulitin sa tv ipalabas yun. hahaha.

      oo magpopost ako. next na siya promise.

      Delete
  8. buhay na buhay ang pagkalalaki ko at talagang magaganda. tama, nasan si Carmina Topacio? :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano bang meron kay carmina topacio? nagaalangan ako sa kanya. hahahaha.

      Delete
  9. haha ganyan din kadalasan. hindi ako nakikisakay sa mga uso. kahit nga yang gangnam style dance craze, hindi ako nagka interest na sayawin ahahaha! pati sa mga fb games lalo na noon na usong uso yang farmville at lahat ng fb games na may ..ville sa title hindi ko nilaro. kaya ayun, pinagsawaan na din ng mga friends ko.

    gusto ko yang si Kaya Scodelario, i love british girls kase ang cute ng accent nila... /bloody hell :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. yang mga games na yan sa facebook ang primary reason ko bakit nauubos ang mga friends ko sa facebook. oras namagsend ng request, auto unfriend na yun.

      grabe sobrang girl crush ko si kaya scodelario!

      Delete
  10. Peg ko na rin si Kaya..ganda ng aura..yoko lang yung yosi kemerloo nya..

    feeling ko lang sa weather yung sa eyes..kasi may kapitbahay ako kano ang asawa na grey ang eyes tapos nagkaanak sila grey ang eyes pero habang lumalaki naging black na eyes nung bata..

    yung zoren-carmina wedding..nakakakilig lang kasi yung effort na ginawa ni zoren for her wife.. kung mapapanood mo xa malalaman mo kung baket..iisipin mo na sana ganun yung lalakeng mapapangasawa mo..

    echos lang ata yung kay angelica eh..

    yes nakakabading na post na ang sunod.. excited na ko!

    ReplyDelete
  11. totoo? shet so pag nanganak ako kelangan ko dalhin sa ibang bansa????

    ayoko panuodin yung kay zoren at carmina! mamaya bigla ako maghanap ng mga lalake!

    ETO NA GINAGAWA NA YUNG NAKAKABADING!

    ReplyDelete
  12. hahaha.. sorry naman puro lovelife.. and personal issue ko nag blog ko.. yan ang peg ko.. hahah.. anyway di ko din napanood ang zoren at carmina.. wapakels din.. hahaha

    ReplyDelete