Saturday, March 28, 2020

QUARANTINE BLOG 1

Sabi sa akin, magset daw ako ng alarm.
Pwede ko naamn daw hayaan yung utak ko mag.. "darkness" (fine, lets call it darkness) mode.
Darkness mode.
Pero, magset daw ako ng time limit.
Parang I guess para wag magpaconsume.

Kahapon sinearch ko sa Google pano gumawa ng Exit Bag.
Just in case.
Tas within 5 min nagcheck ako ng artworks ng portrait ni Anthony Bourdain.
After 5 min binabasa ko na tag ni Joy Belmonte sa Twitter.
Random.

Alam ko quarantine.
At kasabay ng quarantine na to, pakiramdam ko ang liit liit ko lang.
Parang sa major na nangyayari worldwide, pakiramdam ko hindi valid ang iniisip ko.
Or worse, yung thoughts and feelings ko.
Or sige fine, tanggalin natin yung virus. Parang totoo naman, ang liit liit lang natin sa mundo na to di ba? Parang isip mo, sa mga oras na to na nakatapat ako sa Blogger, may ibang nagcocompose ng buong concerto, movie, or mas importante, chemical composition para sa gamot na sasagip sa madami. Tas ako? Eto nakatapat sa Blogger.
Parang ang bilis bilis lang mag blur ng validity.
Or thoughts ko lang to?

Anyway, ano nga naman ang signs ng call for help?
And pag nag sign ng help, ano nga naman ang expectation na balik?
Syempre hindi mo rin naman pwede iimpose yung concern over you.
Parang pag inextend mo yung kamay mo, hindi mo rin naman eexpect na may kakawak sayo.
Or nasanay lang ako?
Ayaw mo lang din naman na attempt ng outstretched na kamay tas pag may hinawakan ka hindi ka hahawakan pabalik. Parang yung aso ko. Pag hinug ko pumipiglas tas lalayo. To think na sabi nila supposedly nararamdaman ng aso ang nararamdaman mo.

Okay na to. Chineck ko lang kung may Blogger pa ako.
Sabi sayo darkness mode eh.
Ingat sa virus.
...

No comments:

Post a Comment

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...