Friday, May 1, 2020

QUARANTINE BLOG 3

ilang araw na ba? sa totoo lang hindi ko alam ilang araw na tong quarantine na to. pakiramdam ko, isa lang siyang mahabang mahabang araw na hindi natatapos. parang limbo. ganito siguro pakiramdam ng nasa limbo. baka sumabog na pala ang mundo tas limbo na to. ewan.

simula nung nagkaroon ako ng chronic pain, medyo nagets ko kung bakit nagreresort yung iba sa alcoholism or drugs. tempting, yes. gets ko yung point na para mastop man lang kahit saglit? pero gets ko din na magiging malala lang din naman? iba ang motivation ng pain. both physical at emotional pain. marami kang nagagawa or magagawa. pero pano pag combo ang physical at emotional? pwede na ba maging borderline alcoholic nun? joke lang.

at dahil nasa mahabang limbo-mode time tayo, inooverthink ko ang 'what-ifs'. which is sobrang pangit na pakiramdam at definitely bawal gawin. pero as if naman may switch ako sa batok to stop. isa sa mga trail ng 'what-ifs' na yun is ang obvious na what if magkaron ako ng virus na to. dahil magiging isolated ka sa lahat, magiging mahirap magpaalam sa mga tao. at sure ako na pag nagkavirus ako, hindi ako magsusurvive. as if naman ang healthy ko as a person. ang frustrating ng feeling ng ganun. yung sure ka walang kwenta katawan mo. parang sa zombie apocalypse, kung biglang bumangon ang mga patay, sure akong within first 5 min mamamatay na ako. 

nagstop na ako maging consciously manuod or magbasa ng news. hindi siya maganda sa limbo life. maiinis ka sa katangahan ng mga tao. parang magkaiba ba tayo ng pinapanuod? so wag na lang manuod at all. kung may umabot na news sa akin, its either nahagip ko habang nanunuod ng news nanay ko or sinabi sa akin diretcho.

'i miss you' isa pa tong napaka heavy na statement. hindi eto yung 'i miss you guys' moments na sinasabi mo sa friends mo on a random gathering. iba yung impact nung 'i miss you so much' tas wala ka na magawa kasi yun na yung totoo eh. missing someone na medyo painful na? gets mo ba? yung sa sobrang i miss you so much medyo hindi na matino ang effect? may emotional pain na? so pano ba dapat? i miss you then tears? or i miss you tas takbo? or i will miss you tas yun na yun.

ewan.

hindi nakaka 'okay' quarantine.
or mas nakakapigil maging 'okay'.

sorry sa mga makakabasa alam ko ang labo ng mga blogs na to. pero ingat pa rin kayo sa virus.


3 comments:

  1. tama ka dyan.

    sa akin naman, masama ang epekto ng quarantine / pandemic na ito sa aking mental health. like gusto ko na nga magpa-consult eh, baka kasi kailangan ko na rin ng counseling.

    keep safe, nyabachoi! :)

    ReplyDelete
  2. Psychological din ang effect ng crisis na ito sa akin. Literal na nadidrain ako kahit na nasa bahay lang naman din ako. naddrain ang utak ko kakaisip. eh ang masakit nun wala namana kong isip.

    ReplyDelete
  3. Tumigil na rin ako manood ng news. Iniwasan ko na rin magtagal sa pagbabasa ng mga post mga social networking sites habang nasa limbo.

    Take care nyabachoi!

    ReplyDelete

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...