Eto ang una kong nakitang pagkaing picture sa phonelya ko. So might as well, post ko na rin di ba? Di ba?
So ayan. Slice sa High Street. Nung first time ko matry to, hype kung hype ang cakes. Parang palagi na lang "uy nyabach0i try mo yun choco yema kembular! Try mo yung red velvet kemerut! Try mo yung turtle pie chorba!" Edi i-push. Umattack ako for the first time.
Ang una kong tinitignan ay amount ng foodang. Bilang isang masang mamamayan, yan ang priority. At syempre kung masarap. Haler, kakain ka ba ng lasang burak?
1. Yes. Masarap ang cake nila. Wala pa akong natikman na cake dito na hindi masarap. Yung cupcake nila, ay literal na cake nila na version cup. Ang 500 mo makakabili ka ng dalawang slice ng cake or apat na cupcake. Plus libreng tubig.
2. Tinry ko ang food nila na non sugar. Yes, wala akong picture. Yes, hindi ako legit na foodie. Yes, hindi to foodie blog. Eexplain ko ulit bakit ko ginagawa to? Joke lang. Tinry ko yung cranberry letchugas salad eme eme at yung brown rice chicken cheese eklat. O di ba damang dama ko ang names. Yun pa pala, hindi ko inaabsorb ang names ng food sa kainan. I describe. Alam mo naaa, tamad. Sa 500 mo, makakabili ka ng salad at yung brown rice eklat. May pang jeep na rin na sukli but not pang taxi.
3. Ilang beses na ako bumalik sa slice. Only to find out na friend ng friend ko ang head pastry chef. But no, walang leverage na nagaganap.
Verdict: Hindi kasya 500 mo. Pero uulit ako.
PS: Magpopost ako ng Nakakabading! Woohoooooooo! When? Hm. Basta sure ako sa sunod na post ko yun. Kung kelan? Yan ang tanong ng bayan.
PSS: May pinaggayahan ng storyline ang 10,000 hours di ba? Parang sure ako na meron. At kamusta ang My Little Bossings at ang theme song nila na parang pinipindot utak ko??!?!??? Ang magmedley ng My Little Bossings theme song sa Enteng Kabisote theme song ay alagad ng demonyo!
Yun lang.
Aminin niyo bibo ko sa posts lately? Halatang naka xmas break sa owfice.
Baboo.
-nyabach0i