Yes, sa mga oras na to winner na si Manny keme keme over Rios. No, hindi ako nanuod. Eh hello, kanina pa ako flooded about sa laban na yan. Naka 24/7 surveillance ang mga tao sa Pacquiao chuva. Pusta ko buhay ko mahina 1 week na paguusapan sa news ang panalo na to. Kesyo ano kinain ni Manny for breakfast, ano hugis ng jebs niya nung araw na yun, kung ang Sting Malunggay Energy Drink ba ang ininom niya before the laban and soooo much more.
Sidenote: napanuod ko ang interview ni Freddie Roach. Bakit ganun siya magsalita? Nastroke ba siya? Parang namighty bond panga niya. (Seryosong tanong to)
Pero ang reason ng post ko na to, may Pinoy Pride ba talagang nagaganap? Uunahan ko na kayo, pessimistic ako by nature. So kung optimistic ka at naniniwala sa rainbows and flowers, stop reading. Kasi eto ang sagot ko, walang Pinoy Pride na nagaganap.
O kalma, bago niyo ako pasunog ng buhay, bigyan niyo ako ng chance magexplain.
A) Yes, thankful naman ako na nabibigyan ni Manny ng "name" ang Pinas. Winner winner aura ganyan. Thank you. Pero amidst that, hindi ko matanggal sa isipan ko na politician siya for the fact na gusto niya tumulong keme daw. Maraming outlet for help, hindi lang politics. And yes, si asawa ni kuya na hindi na makagalaw ng bibig sa Botox politician na rin. So I guess gusto niya rin tumulong? Anyway, nagegets niyo na rin siguro kung ano ang point ko dito. Mahirap kasi makaramdam ng "Pinoy Pride" hanggang may ganyan na side kwento kasi. Parang mas bet ko pa mag Pinoy Pride mode kay Paeng Nepomuceno na Guiness Book of World Record holder than Manny.
At boxing yan. Gusto mo maging proud ka na magaling ang Pinas sa bugbugan? (Ako na peace loving). It's not like narinig ko na may Japanese Pride over Samurai or German Pride over mass killing ala Hitler? Ewan.
B) Baka naman kasi sabihan niyo I hate boxing so much. Fine. Sama natin ibang sports. Gilas keme, yung Volcano rugby keme, at yung Azkals chuva. Toroy di ba. Pinoy Pride rin sila. Pero hindi ko kasi maabsorb ang thought na puro sila half breed. So ate are you saying, Pinoy Pride is half breed? Damang dama ko ang Pinoy sa half breed.
C) Beauty pageant. Bilang baklang babae, finufulfill ko ang duty ko sa pagsubaybay. Requirement yan. Anyway, yes, naniniwala ako na dapat nanalo na tayo sa Miss Universe. Pero hindi ko alam kung ako lang to. Hindi ko madama ang pagiging Pinoy while watching beaucons. Hindi ako umaabot sa point na "omg I am so proud to be Pinoy!" No. Hindi ko mafeel. Sorry. Baka dahil beaucon siya? Medyo superficial ang aura with a hint of Q&A patalenuhan portion. At ang masakit pa dun, sa mga nananalo ngayon, hindi na valid ang patalenuhan. Ewan.
D) Mga PhilAm. Jessica Sanchez, yung half pinoy sa Glee, or kahit sinong sikat sa ibang bansa as artista or singer na half pinoy. Hindi ko magets kung asan ang Pinoy Pride dun? At the end of the day, iba pa rin ang bansa na nagbigay ng Passport at birth certificate nila. This is somewhat related to letter B.
E) Politics. Wala nang explanation yan. Hanggang kelan kaya tayo manghihingi ng tulong sa ibang bansa?
So asan ang Pinoy Pride? Parang I'd rather make taas the bandera of the Philippines over sa mga OFW at mga scholars keme or sa mga writers or artsy artsy (hong conyo) na hindi hyped but they still manage to help the country in their own mundane and humble ways. Or sa nanay ko na everyday kumakayod. Or sa sarili ko na everyday kumakayod rin at sa fact na ganito ako kabaliw magisip. Dun ko damang dama ang Pinoy Pride. Not over a boxing game or a beauty contest. Yung fact na hindi ako umaasa sa iba at wala akong inaapakan. Ganyan. Dramarama sa hapon.
Malabo ba? Ako rin nalabuan sa post na to. Yun lang. Mahirap magpost ng blog using phone.
Baboo.
Time check: 3:04pm
-nyabach0i
Update: putaena, daming typo ampukelya. Note to self, mag proof read.