Monday, February 25, 2013

Kamusta?

So ayun nga. Kamusta?
Marami akong gustong i-post. Either kabekbekan, seryoso, emotera mode, showbiz chismis, or mega random mode.

Pero sa araw na to, eto popost ko.
Ang controversial na picture ay ito.


Yup. Condom yan. Yang boots na yan ay sa kapatid ko. Bibigyan ko kayo ng background kung ano ang nangyari.

Yang kapatid ko ay nagaaral as UP Diliman. Tapos college of engineering ang peg (hindi ko alam kung anong pangalan ng hall or whatever hindi ako galing UP). Etong CR na to, nasa ground floor. Malamang boys CR to. Pinakita ng kapatid ko ang picture na to kasi pinicturan niya kasi nga pinagkakaguluhan ng mga tao. At dahil sa shinare ng kapatid ko to sa akin kahapon, malamang sa malamang paguusapan namin or huhulaan kung kanino, bakit, at paano ang keme ng picture na yan.

1. Sure akong hindi yan condom ng kapatid ko. Una sa lahat, super mega nerd ang kapatid ko. Plus, ayaw niya magkaanak. Plus, baliw siya. *insert Sheldon Cooper mode talaga siya sa totoong buhay* Tsaka bakit naman niya sheshare sa akin kung kanya pa la yan? Baboy ha.
2. Naisip namin na baka bekbek ang may ari nito. Kasi CR ng boys. Kasi kung naisip namin na kung student na coed na nagquicky mode, mas madali atang magquicky sa CR ng babae kasi puro cubicle kesa sa CR ng lalake na puro urinal? At may factor rin talaga na tatakas mode papasok sa CR ng lalake? So baka nga bekbek. *Yey for safe same sex sex*
3. Naisip rin namin na baka bucketlist mode. Yung tipong walang alam na tao kung ano itsura ng condom tapos bumili tapos binuksan at ginawang libo at tinapon sa CR.
4. Isa pa sa naisip namin, bilang UP nga yun at malalabo ang utak ng tao, baka sinadya lang talaga na ilagay ang condom for the heck of it. Lakas maka prank mode. Kaso, bakit mo naman gagawin yun?
5. Kanina ko pa rin pinagiisipan kung nabitin ba ang gumamit ng condom na to at mukhang walang... uhm... laman ang condom? *insert TMI nakakadiring likido mode*

Yun lang.
Ikaw ano ang speculation mo?

Friday, February 15, 2013

Nakakatibo - Blue Green Edition

Pagpasensyahan na ang kaartehan ko sa last post. Bawal? (Yes, kinakausap ko ang onteng mga taong nagbabasa ng blog na to). Mehgahnun. Infurness medyo busybusyhan na talaga ang peg. Wag daw talaga ata ako dapat maging makapal. Wahahaha.

So ayun na nga. Mga ilang araw rin akong naflood sa Twitter ng LaSallian account ng mga about sa UAAP Volleyball stuff. E tutal wala ako sa mood magscout ng ilalagay sa Nakakatibo, pupush ko na sa UAAP Volleyball ang search ko. Ayoko na palawakin kasi effort. Sabing busy nga ako eh. Chot.

Infairness sa akin, maliban sa Gymnastics, natutuwa akong manuod ng Volleyball. Patunay kasi sa akin yun na kaya pala tumalon ng babae. Parang realization na dapat nagkikilos ako dapat at hindi naglalamon na parang patabaing baboy ang peg. Same thing with Gymnastics. Yan yung mga sports na pag pinapanuod mo, parang ang lampa lampa mo at wala kang contributions na ginawa. Na parang yung physical effort mo ng 1 month, isang araw lang nila. Devah?

E pano pag maganda na sila, nasa magandang school, tapos athlete pa. Devah unfair na unfair lang sa life ang nangyayari! Hahaha. Dapat pala ata Kinaiinsecure-an Edition to eh. HAHA.

Game? Game.

1. Michelle Gumabao
Ansaveh ng pawis pawis look na yan? Kung ako nanlilimahid tapos pipicturan mo, hindi ganyan kaglowing ang makikita mo. Siguro to si ate kahit batuhin mo ng tae sa face tapos picturan mo maganda pa rin kalalabasan.

Nakakainis di ba? Lakas maka mowdel! At aminin niyo, konti lang ang merlat na binabagayan ng pixie cut. Tatry ko nga yan spottan ko kung bagay sa akin. Mamaya pag nagpagupit ako ng pixie pagkamalan akong may sakit.

ANIMO LA SALLE!

2. Gretchen Ho
ETO PA! Peg na peg ko to si Gretchen Ho! Ganyan kasi ang mga pangarap kong gusto kong mangyari sa sarili ko sana. But no. Binigay lang sa akin ang alindog pero nakalimutan i-package deal ang katawan. HAHAHAHA.

Alam ko mej sikat na to si Gretchen Ho kasi nalilink siya kay Robi Domingo. Tama ba? Akala ko all this time borderline bekbek si Robi Domingo. Soreeeee nemeeeern.

At in fairness kay ate, magaling siya mag volleyball! At intense ang mga game play keme keme nila. At ang super nakakapikon na part, kahit anong grunt face, force face, angry face ang gawin niya, wala. Maganda pa rin siya. UNFAIR.

Ano ba ang version ng Ateneo ng Animo La Salle? One Big Fight ba??


Too late na ba magenroll sa kahit anong sports clinic? Baka sarado na ang mga kasukasuan ko. Charots. 

Ayan. Dalawa lang. DLSU versus ADMU. Tinamad na ako maghanap sa ibang school eh. At siguro lang din nagkataon na may laban yang dalawang school na yan nung naghahanap ako. Plus biased searched na rin. E baket??? Hahaha.

So kamusta na kayo? Anong balita? Chismis time na ba?
1. Sa opinion niyo, totoo bang nagselos si Mariel Rodriguez kay Kris? Or isa lang tong nakakairitang publicity kemerut?
2. Ano ang meron sa Cesar Montano at Sunshine Cruz issue? Hindi ko to alam. Narinig ko lang pero wala akong alam na details. 

Paki share ang nalalaman niyo diyan. Salamat.
Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

Monday, February 11, 2013

Walang Title


ganun na nga ata talaga.

babalik ka talaga sa pakiramdam na yan.
sa pagiging tulala sa kawalan na naman na yan.
tapos pag tinanong ka, hindi mo kaya iexplain.
kasi totoo naman.
ikaw mismo hindi mo alam kung ano o bakit mo nararamdaman.
basta ikaw mismo, alam kong nasasaktan ka.
nalulungkot.
ganun yun eh.
may moment talaga na may hindi mo talaga maexplain ang matinding lungkot.

or ako lang yun?

kagabi sabi ko sa sarili ko.
maghuhukay ako ng kweba.
dun ako titira ng dalawang taon.
or sasama ako sa mga clouds.
parang ang saya saya lang kasi ng mga clouds.
lumulutang lutang lang sila.
gusto ko rin ng ganun.
lumipad lipad.
maramdaman yung rush ng hangin sa face ko.
yung mabilis na mabilis.
yung nakapikit ka at may kaba na kasama kasi hindi mo alam kung kelan ka babagsak.
pero bago ka bumagsak,
pipilit kang dumilat.
makita mo lang kung san ka babagsak.

ganun nga kasi yun.
babalik at babalik ka sa kung ano ang iniisip mo dati.

or ako lang ata nga talaga yun?

Monday, February 4, 2013

Dahil Nangako Ako...

...ng post. Ayan magpopost ako.

As usual, wala akong idea at tumatakas ako ulit para magpost. As always, makapal mukha ko eh. Eh tinatamad ako magpost ng Nakakabading or Nakakatibo. I lost track na rin. Charots.
~Truth: Actually, haggard talaga ako sa shrubaho. Makapal lang talaga mukha ko kaya ako nakakapagpost pa ng mga keme keme na to. Haha.

So magrarandom post ako ng mga kung ano ang makita kong picture sa phone ko. E tutal ang mga picture ng inarte kong blog ay tatlo, fine, edi tatlo. Inarte pa ba ako?

Lobo yan. At oo, ako yan.
Lobo + nyabach0i.
Ganern talaga pag paminsan wala kang magawa sa sarili mo ikaw mismo pagtitripan mo na rin sarili mo.

Siguro naman mukha na akong babae sa pic na yan? Baka kasi magsespeculate pa rin na bekbek ako. Hahaha. FYI, babaeng bakla ako. Bongga! Haha.

Boringa, Apayao.

OMG. Konti na lang papamigay ko na to si Jamba. Jamba yung pangalan ng asonetchi na yan. Wag niyo na tanungin kung ano ang breed niya. Wag tayo boba. Charots.

Pero I swear! Hindi ko alam kung sadyang papansin ba siya? Or inarte mode siya? Pero diyosko, kung makatahol ng papansin mode akala mo hindi pinapakain! Sobrang inarte!

Tapos pag nilagyan mo ng tali sa leeg hindi naglalakad! As in brat na brat! Nakahandusay lang sa floor. 

ANG TAMAD TAMAD.

Konti na lang papamigay ko na to sa sobrang irita. Hahahaha.

May isa pa akong aso, Daschund, mas kalmado kesa dito. 

Jamba name niya, babaeng Jumbo.






At yan ay picture ng kamatis.
Na hugis wetpaks.
So tinatawag ko siyang POWER BOTTOM TOMATO.

AT oo, may green part ang wetpaks niya. So I am assuming na hindi pa nagpapawax to. So wala siya sigurong steady sex life. Kasi hindi niya naiisip magpawax eh. Not unless, fetish niya yun? Or fetish ng kasex niya? Ewan.

So ayan si Power Bottom Tomato.












Marami rin akong tanong tungkol sa nangyayari lately. At uulitin ko na naman na busy ako at wala akong oras sa extra curricular kemerut barurut.
1) Anong meron sa Tubbataha Reef? Tama ba spelling ko?
2) Anong meron kay Maricel Soriano at Gerald Anderson?
3) Can I just say na nakakairita nung nalaman ko na tatakbo si Annabelle Rama? At maloloka ako lalo pag nanalo siya.
4) At ang Bong Revilla for President? SERIOUSLY?????????!
5) OMG naloka ako sa Beyonce / Destiny's Child performance sa Super Bowl!!!! Kinikilig ang pusong bakla ko.

Yun lang.
Next time ulit.
Baboo.
-nyabach0i 

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...