Wednesday, January 30, 2013

Gusto Ko...

...mag random keme pero wala akong maisip na specific kemerloo. Gets mo yun? Parang bet mo lang magupdate pero wala kang maisip na iupdate. Baliwag portion lang. Ayoko naman mag dear diary peg kasi halur, close tayo? Charaughts.

So ano pa ba pwedeng gawin? Observe observe na lang ng paligid? Ganern ganern na lang?

Sa mga oras na to may nagsasalita sa kanan ko. Kanina nageenglish siya. Which is very pinoy english ang peg. Ay oo, nasa opisina ako. Kapal feslak ko eh. Nagboblog ako ng ng nasa opisina. So pagkatapos niya makipagusap sa kung sino man ang kausap niya na kinailangan pang mag english, nakikipagdaldalan na siya sa katapat niya. So ingay peg ulit. Lakas maka highschool recess ang peg.

~Sidenote: Hindi ko talaga peg ang highschool mentality sa opisina. Nawawala ang professional level sa akin. Iba kasi ako sa trabaho, iba rin ako sa totoong buhay. Dito para akong namumukadkad na bulaklak sa sobrang hinhin. Joke lang. Same same pa rin na babaeng bakla, pero pag work, work. Hindi naman ako nanunuod ng gay porn dito which I do sa leisure mode ko. Joke lang number 2.

Malaking issue sa mga tao dito sa Candycrush. Ano bang meron dun? Oo, alam ko game siya or whatever. Pero ano ang addicting fucktor niya? Pag dinilaan ko ba ang monitor ng nyellphone ko malalasahan ko ang candy? Apparently lahat ng tao adik diyan. Well, dito sa opisina.

~Sidenote ulit: Wala talaga akong kahilighilig sa games sa cellphone. Naiimbey ako. Pero sige tetestingin ko tong Candycrush na to para masabi lang. Pero bet tayo after ilang araw buburahin ko to like lahat ng mga games sa phone ko. Pero iniwan ko ang Temple Run kasi parang staple game yan ng mga tao. One time kasi, hiniram ang phone ko. Binalik sa akin. "Ano ba yan kahit Temple Run man lang wala ka?". Kaya ako may Temple Run. Mas bet ko pa maglaro ng games sa ibang phone. Kasi gusto ko yung thought na naghahighscore ako sa ibang phone tapos magagalit yung magari kasi ako ang highscore. Haha.

Wala na akong gustong sabihin.

Alam ko ang lame lame ng post na to. Gusto ko lang umandar ang blog posts ko. Inarte mode lang. Pasensya na. NAGSORRY? Hahahahaha. Anyway, promise bukas (or sa makalawa) kakaririn ko nga ang next post.

Baboo.
-nyabach0i

Tuesday, January 22, 2013

Nakakabading - Nerdy Boy Edition

Infurness sa ipin ko, lumaban siya. So tapos na rootcanal ko at mukhang recuperating ang keme ng ipin ko. Kaso gagastos na talaga ako ng malaki dahil sa whitening keme, braces, at kung anuano pa. Pukelya. Dapat merong loan for this. Magsosolicit na ako ng mga pera. Piso para kay nyabach0i. Lecheng ipin to. Leche.

Teka, tapusin muna natin ang edition na to. Kelangan kong kumalma all over my bodeeeh. Charots. So eto na ang Nakakabading... Nerdy Boyyy edishuuuuunnnnnn. Haha. Ulul. Nerdy boy. Mukhang nerd or very very good boy. May mga mode kasi ako na bet na bet ko dungisan ang pagkatao ng mga mababait na lalake. Mga turuan ng totoong buhay and stuff. Charots. Game? Game.

1. Matthew Gray Gubler
OMG bet ko talaga to. Sobrang lanky ng itsura at sobrraaaang bet na bet ko ang role niya sa Criminal Minds! Best in nerd ang role! Eidetic memory ang peg niya at sobrang nerd na nerd talaga ang effect niya. Binanggit ko ba na nerd siya?

Mowdel tong si kuya before magartista. Rumaramp mowdel. Di ba kasi sa mundo ng mowdelling mas bet nila ang lanky at mega tangkad at wit borta? Ayan.

Plus, director rin siya at photographer. HONDAMING EXTRA CURRICULARRRRRR. I love you Spencer Reid!


2. Adam Brody
Di baaaa?? Promising! At oo, nanuod ako before ng OC. At oo, nerd din siya dun. Aminado naman tong si Papa Adam na lakas makauto ang intellectual looks niya eh. 

Water, water, I made lawa on the floor.

At kung fan/kilala niyo talaga tong si Adam Brody, haymzure alam niyo kung paano siya magsalita. Yung parang may lisp na ewan na may weird maneuver siya sa dila niya nakakamatay! At ang mata niya! Pakshet titigan ka pa lang, with matching smile, patay ka na. Haaaaaayyyy.






3. Aaron Tveit
So syempre kelangan ko magcontribute ng napapanahon na kalalakihan. So eto si very fresh and yummy na si Papa Aaron na galing sa mundo ng Les Miserables. Dalawa sila actually na nagpatibok ng puson ko sa movie. Yung hinihitad na pulis nung mujayra ni Eponine na hinawakan sa singkit at etong si Papa Aaron.

Lakas maka nerdy ang theatre actor! I swear! Kulang na lang magballet pa siya para magstalker mode. 

At syempre nanghina tuhod ko sa malungkot face niya at grey eyes! Malamang plus fucktor ang singing voice niya.



So ayan na ang tatlong gwapo sa mga oras na to.
Infurness, maganda ang Les Miserables. Sinunod ko ang mga payo niyo at nakipila ako sa mainstream movie. Life of Pi na naman ang next. Maganda ba yun? Pero sorry ha, nabobother ako kay Russell Crowe habang kumakanta. Parang nasa isang area lang yung dila niya at napakaliit yung dila niya? Plus, best in talsik laway si kuya habang kumakanta. At si Amanda Seyfried! OMG, naloka ako. Parang ang ganda ganda niya dun? Kaso medyo pinagdudahan ko ang validity ng sobrang taas na singing voice niya dun.

Nahurt ang puso ko as usual kay Eponine. Nilamukos heart ko at inapakapakan.

So pano ba yan? Si Ricky Lo na ba paguusapan natin? Gravity! Nakakahiya siya I swear. Yung 4 minute ENTERview na yan ni Ricky Lo hindi ko kayang panuodin ng dirediretcho. Nanghihina ako. Pause and play.  Kelangan ko pa magcollect ng strength sa bawal nangyayari kasi hindi ko kaya pagsunodsunodin. I swear. Kung sa PhilStar naman pala na interview to, sana si Bianca Gonzalez na lang pinadala. Iba siguro nangyari. Kamote. Maipilit pa si Lea Salonga eh! At kelan ka nakakita ng Hollywood star na nagpuplug ng movie? Hay Ricky Lo. Gusto kitang tapon sa Spratley Island para mapagisipisip niya kung ano ang ginawa niya.

Anong katotohanan na nagdedate si Derek Ramsay at Christine Reyes?

OMG, gusto ko magmigrate sa US dahil sa speech ni Obama. Yung equality kemekeme. I swear gusto kong iwan ang Pinas para sa US. Gusto ko kung pano magisip ang mga bagay bagay. Inspiration! Kinikilig ako na pro equality siya in all aspect. Dapat ganun. Konti na lang mawawalan na ako ng pagasa sa Pinas. Kahit mag serbidora lang ako dun keri na.

At hate ko pa rin si Maja.

Sige na. Next time na ulit.
Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

Wednesday, January 16, 2013

So Ano Na...

...ang meron sa inyo ngayon?

Wala akong maisip na gusto kong ipost (although alam kong dapat nagiisip na ako ng Nakakabading keme keme). Kashumad. So magrarandom keme na lang ako. Tutal uso nga talaga ang random thought na numbered or bullet form, makikigaya ulit ako. Iibahin ko pa ba ang norm?

1. Gusto kong pumatay ng tao sa sobrang sakit ng ipin ko. Wag na po natin isuggest na ipabunot kasi front tooth to. Hindi ko keribet ang mawalan ng front tooth. Kayo na lang. Pero nagparootcanal na ako. Hurts as fuck. Fuck as in hindi yung masayang fuck. Fuck as in hell. Or fuck as in parang tubo ang pinasok mo. Pukelya.

2. Kinasal kuya ko nung isang araw. Iba pala ang effect pag direct kamaganak niyo ang kinasal at naglalakad sa aisle or whatever. Hindi kinaya ng puso ko! Crayola moment! Pero mga teh, ikeclaim ko. Ang ganda ganda ko. Ako mismo ko crush ko sarili ko. Charots.

3. Sabi ko manunuod ako ng Life of Pi at Les Miz. Kaso dahil andami nang nanunuod, ayoko na. Ako na maselan.

4. Naloka ako nung Golden Globe! Lahat ng crush kong online at mga kung anuano nagkita at nagsamaaaa. OMG. May moment pala na ganun noh? Pag nagpunta siguro ako sa awards awards keme iiyak ako. Babaw amputa.

5. Nagpawax ako. Keri keri lang pala siya. Nakakatawa lang yung part (at awkward na rin) na magkakamustahan kayo ni ate na taga wax. Hindi ako makapagfocus sa pagkawala ng mga balahibo ko all over. Kamote. Ipepetition ko na ipagbawal ang paguusap ng waxer sa waxee.

6. So going back sa dentist mode ko. Nakailang balik ako sa dentista (malamang bilang sensitive case nga). Sa sobrang sensitive, dalawa ang dentist ko. Isang endodontist at periodontist na magkasama sa isang clinic. Narealize ko lang habang nakaupo ako sa dentist chair, ang awkward pala titigan sa mata ng mga dentista habang nakatingin sila sa nakabukas mong bibig. Nung naisip ko yun, inisip ko kung san ako titingin? Sa ilaw ba? Sa kisame? Sa anit nila pareho? HAYMSOCONFUZED.

7. Haymzori. Naiirita ako kay Maja. Parang hindi niya alam ang statement na "Ang kay Pedro ay kay Pedro, ang kay Juan at kay Juan". Hindi niya pwedeng sabihin na nainlove lang siya or kung ano man. Bros before hoes nga di ba? Kinarir naman nito ni Maja ang pagiging hoe. Haha.

8. Break na si Christine at Rayver? Sino may alam nito kung bakit? Haha. Ako na chismosa.

9. As usual, wala pa rin akong pera.

10. Wala pa rin akong naiisip na mga pwedeng Nakakabading na post. Kaloka.

Ayun lang. Meron bang kumikita sa pagboblog? Natanong ko lang kung makatotohanan yun. Well wala akong balak. Kairita ang best in ads na blog.

Sabi sa inyo wala sa hulog ang pinagsasabi ko eh. Baka dahil sa pain killer to?
Yun lang.
Baboo.

-nyabach0i

Friday, January 11, 2013

Nakakatibo - Thundercats slash Magkakahawig Edition

Anong balita sa inyo? Kamustasa? Teka maguupdate ako about sa akin. 1.) Nuknukan ng sakit ng ipin ko. Take note, front tooth. Hindi ko bet tong 2 week waiting period bago bumalik sa dentist. Kaloka. Pano pala ako makakakain, aber? 2.) May mens ako ngayon. O di ba nakakaloka kahit san na lang sa katawan ko may masakit. Masakit kepayla ko. HAHA. Graphic amputek. Second day ko. So imagine niyo na lang ang water works. 3.) Deprived ako sa pagkain. So pag pasok ng alas kwatro ng hapon mahapdi na ulo ko. Gusto ko na lang saksakin leeg ko sa sobrang lata at gutom. In other words, mamamatay na ako bukas CHOTS. --shortened version ng CHAROTS ang CHOTS. 

Thundercats. E kasi thunderbirds yung last. Nyeee baduy amputa. Cougar kasi. 40 years old and above na mga babaitang feel ko maganda or in a way kahit paano maiinsecure ako. Haha. Pero seryoso bet ko tong mga to. Gusto ko pag palo ng 40 (which is 26 years from now) ganito ang hulma ng feslak kiz. 

At narealize ko, ang pumasok sa jar ko ay magkakamukha. So nairealize ko ulit dahil sa realization ko na iisang hulma ang peg ko pagtanda.

1. Jennifer Connelly
Marami akong pwedeng explanation bakit si kumars Jennifer. Pero eto muna ang tanong ko:

NAPANUOD NIYO BA YUNG REQUIEM FOR A DREAM?

Pag oo ang sagot niyo, gets niyo na dapat bakit siya kasali dito. Yup, dahil sa isang scene dun sa bandang dulo. Haha. 

Di ba?? Para siyang mashonders version ni Megan Fox! Although hindi ko bet si Megan Fox kasi lakas makaputa ng disposition sa buhay. Pero kasi, halos lahat ng movie ni kumars Jennifer bet ko. At bet ko rin ang enigmatic at trouble child cougar look na bet mag second chance mode. Labo na ba? Google niyo na lang yung scene na yung sa Requiem. I swear best movie ever. Ay bago ko makalimutan, 42 na siya.

2. Monica Bellucci
Isa pa to. Marami rin akong pwedeng explanation kay kumars Monica. Pero eto rin muna ang tanong ko:

E ANG MALENA NAPANUOD NIYO BA??

Pag oo ang sagot niyo rito, alam niyo dapat. Maraming scene dun. Pili ka ng isa.

Kung si kumars Jennifer ay Megan Fox, etong si kumars Monica lakas makashonders na Leighton Meester. Siguro sa pic na to. Fucktor rin siguro na Italian siya? At nasa Passion of Christ, Matrix at blah blah. Punyeta bakit ba puro movie ang basis ko. Hahaha. Hindi naman ako movie buff. Anyway, nga pala. Pag pinaghalo niyo si Jennifer at Monica, ako na ang outcome. Hawig na hawig ko sila. Charots. 48 na si kumars Monica.

3. Nigella Lawson
Peg na peg ko to! Gustong gusto ko yung trabaho niyang walang ginawa kundi lumafer at magluto. Bet na bet ko ang mga keme niya sa TV! At ang accent ni kumars Nigella. Bet ko rin. At ang namesung. Nigelluuuuh. Lakas maka exotic!

Kung naabutan niyo ang Nigella's Kitchen na showsung niya sa TLC. Matatawa ka kasi best in boobs si ate mo. Tapos mahilig siya gumamit ng cheese grater. So mauumay ka kakashake ng boombey niya. So dahil dun, peg ko siya. Devah, galing na magluto, lapok pa ng lapok, tapos ganyan ang feslak kiz? Gowra na. Umaaccent pa. Boom. Very nyabach0i na talaga. Haha. 53 si kumars Nigella. Kung hindi ka ba naman maloka sa age niya.

So ayun na nga.

Magkaaway raw si Maja at Kim? Pogi ni Gerald Anderson. Etong Maja naman kasi na to hindi nakuntento kay Matteo Goudacheese (baduy amputa). E sabi pa naman nila Italian ang pangalawang race na may pinakamalaking... puso. So pano na ang Ina, Kapatid, Anak? Truelagen na ang fight scenes nila at parinigan? Bonggeyli.

Kadiri ni Chiz Escudero at Heart. May nakita akong picture nila. Gusto kong maligo sa sobrang violated ako sa mga nakita ko. May mali. Tama yung friend ko. Alam ko na kung ano ang wala si Daniel Matsunaga na meron si Chiz. Edad.

Grabe noh. May mga tao talaga na iba ang usage ng mga word. Mapapaisip ka kung ang gamit ba ng word na yun ay totoong meaning? Or escape goat mode. Nabanggit ko lang. Gusto kong magexample kaso tinatamad ako. Pero totoo to. Labo ba? Basta. Parang. Hm. Word na..... jealous. Kunwari used in a sentence na "OMG you are so jealous". Mapapaisip ka kung totoong meaning ba ng jealous ang gamit sa sentence or kung projected meaning ng jealous ang usage? Parang reverse psychology. Ewan. Masakit na sa ulo. Haha.

Uy kung mag suggestion kayo sa Nakakabading, share niyo naman.

Sige yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

Monday, January 7, 2013

Mathophobia


Last week, sa saliw ng holiday kemerloo, nagpasagot yung isang friend ko sa kapatid kong baliw ng Matrices and Gauss-Jordan  Process of Elimination something something. Basta algorithm keme something. Wait ha, una sa lahat, kaya ko tinatawag na baliw ang kapatid ko kasi baliw sa sobrang talino. As in yung talino na hindi na normal at nakakatakot na. Kaya baliw ang tawag ko sa kanya. So binigay ko yung tatlong problem. Kamustasa! After 10 min lumabas ng kwarto at inabot etong yellow-pink paper with solution. Take note, may checking pa! Baliw na baliw.


At hindi pa dun tumigil. May I share my opinion pa tong kapatid ko.

"Yung prof nila hindi pinagisipan kung ano ang magiging result nung problem kasi sobrang lalaki ng fractions blah blah hemorrhage blah blah"

Hinimatay ako ng slight.

Pagkabuhay ko, inisip ko sa sarili ko, bakit hindi ko to nakuha? San nagkamali ang magulang ko at hindi ko nakuha ang kabaliwan na to? Ako may phobia ako sa math. Arithmetic fine sige pasok sa jar ko yan. Pero puta yung mga ganyang level? Ay! No! Nevermind! Hindi ko rin alam kung paano ako nagsurvive ng highschool! Well, may explanation ako kung bakit ako nagsurvive ng college, pero nonetheless! Kaloka ang mathsung! 

Science ang college churvaloo ko. So less math plus may option pang mangopya ng karumaldumal levels. 

Parang yang mga problem na yan. Helloooooo magagamit pala sa totoong buhay eh. At pag nakakakita talaga ako ng problems ng math gusto ko dumuwal ng dugo at umiyak ng pawis. Ganun ka stress ang levelling.

Ay onteng introduction. Yung baliw kong kapatid, Computer Eng sa UP Diliman at graduating na yan. At ang pinakanakakabaliw na moment sa kanya, naalala niya ang mga lumang lessons niya kahit elementary pa yan. Parang etong Jordan kemerloo. 

Sobrang proud ako diyan sa baliw na yan I swear. Sana hindi maunsyame ang Summa niya (papalechon ako promise). 
Mushy proud sistah mode ang post ko today. Walang makakapigil.
Yun lang.

Hindi ko kinakaya na pumapasok ulit ako sa office. Namiss ko ang bakasyon. Hay. Pero bukas try kong magpost ng Nakakatibo. When I say bukas, that should be 2 to 3 days from today. Hahaha.

Kthanxbye.
-nyabach0i

Tuesday, January 1, 2013

Happy New Year Mga Chorba

So pano ba yan?
Happy New Year na ang peg ng mga tao. Time check 10:31 ng gabi. Pwede pa ako humabol sa new year, new kemerloo posts. Charots.

Pero ha, sa totoo lang, malakas ang kutob ko na better ang taon na to. Nafifeel ko lang. Feeling ako eh. Hahaha. Pero di nga. Sa totoo lang talaga. Pero pwera joke, 2011 kasi ang pinakawalang kwentang taon para sa akin. Maliban sa para akong busog na garapata sa sobrang pagkaubey (maubey pa rin ako ngayon pero hindi sing ubey nung mga panahon na yon!), sobrang delubyo ang buong taon na yun in terms of emotional kemerloo. Actually borderline 2011 - 2012 ang lecheng malas mode na yan.

But no, hindi nagpatalo si 2012. Naging better naman siya along the way. Buti na lang. Kaya malakas ang kutob ko, maganda ang 2013. Kasi year of the snake. Wala lang. Mabanggit lang. WAHAHAHA.

Marami akong gustong pasalamatan sa bumuo ng 2012 ko. At dahil nagtotorrent ako ng mga porn sitcoms, imumultitask na natin ang pagpapasalamat ko sa 2013 na mga bagay, hayop, tao, pangyayari, at kung anuano pa.

1. Salamat sa nanay ko. Siya ang ultimate weakness ko. Basta involved ang nanay ko, papatay ako ng tao. At mega megang pasasalamat sa nanay ko dahil sobrang naintindihan niya lahat ng lugmok moments ng 2011 borderline 2012. Sa amin na yun. Charaughtina.

2. Salamat sa dalawa kong kapatid. Yung bunsong baliw at yung kuya kong mukhang patatas. Hindi ko maimagine ang growing up years at present years na wala silang dalawa. At masaya ako na nasa pinas na ulit ang bunsong baliw (kahit mukha na siyang hapon).

3. Salamat kay Porky at Jamba. Kahit lahat ng sweldo ko napupunta sa kanilang dalawa, keribet pa rin.

4. Salamat sa taong araw araw kong kaBBM. Lakas makajowa ng peg natin sa communication pero buti na lang ang pattern ng buhay natin wagas. Life partners na talaga tayez.

5. Salamat sa mga kaibigan kong kasama ko madalas. Hindi na ako nakakaipon kakaalis, kakainom, at kakakain. Pero keri. Ganern ko kayo kamahal.

6. Salamat sa mga kaibigang hindi ko madalas makasama. Kahit hindi tayo nagkikita, nakakatawang isipin na pag nagkita man tayo, parang nagpause lang ang friendship at play. Labo ba? Basta parang walang time at space na naganap. Ewan ayoko na magexplain. Haha.

7. Salamat sa pinagtatrabahuan ko ngayon. Hindi man sobrang mega laki ang sweldo, ngayon ko lang nafeel na sobrang proud ako sa pinagtatrabahuan ko (pero sana one day lumaki ang sweldo ko kasi nagpapalaki ako ng dalawang aso, charots).

8. Salamat sa internet. Siya ang nagmistulang jowa mode sa akin. Sa obsession mode ko sa Tumblr, Twitter, sa 9gag, at kung anuano pa (pornsites yan wag na kayo magisip). Sobrang thankful ako sa sarili ko at binuksan ko ulit ang Blogger ko. Best choice ever.

9. Salamat sa mga sitcom na pinapanuod ko. I swear sobrang wagas ang tulong niyo sa idle time ko.

10. Salamat sa mga kanta na nasa iPod ko. I swear sobrang wagas ang tulong niyo sa commute moments at wala-akong-balak-paistorbo-sa-trabaho mode.

11. Salamat sa mga nagturo sa akin ng mga bagong learnings at nakatulong maghone ng character.

12. Salamat sa mga kinakain ko araw araw. Gluttony mode man yan or tipid mode. Haha.

13. At pinakaimportante, salamat sa mga nakakaintindi ng mga trip ko. Whether kababawan na galing sa bibig ko, tinetext, o binoblog. Salamat. At least alam ko na naiintindihan pa ako at may nakakaappreciate.

Maraming salamat.
Sana ang taon na to ay pasok na pasok sa jar ng bawat tao.
Wala sanang nagputukan sa inyo, not unless ginusto niyo to or fetish niyo to.
Hosha.
Baboo.

-nyabach0i

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...