Friday, November 30, 2012

Nakakabading - Yummy Chef Edition

So sa mga oras na to, nagaadik ako sa mga harhar ko online. Ganito nga ata talaga pag single ka noh? Nauuwi na lahat na lang crush mo or kung hindi man yun nauubos ang oras mo sa mga obsession na pag nalaman ng mga kakilala mo itatakwil ka. Well deadma. Ibigay niyo na sa akin to. Single ako. Hahahaha.

Pero deadma ulit. Wala rin akong panahon maghanap ng jowajowaan. Masyado akong busy.... sa mga online crushes ko at mga kaloseran ko. (Hahaha. Puta pinili ko pa rin ang mga online keme ko).

Pero sa totoo lang, gusto ko magpost about love. Kasi parang lately puro ganun na lang naririnig ko. Plus meron akong narinig na parang hindi ko kaya iabsorb? Well una sa lahat, weird ang perception ko sa mga ganyan ganya. Plus, weird ako in general. Ewan.

HOY NYABACH0I MAGPOST KA NA NG NAKAKABADING!
ETO NAAAAAA!

Nanunuod kasi ako ng Top Chef. Actually, maliban sa No Reservations ni Anthony Bourdain (na ultimate crush ko of all time! promise!), Top Chef lang ang pinapanuod ko na palabas related to foodam. Tapos naisip ko, dahil tutal suki ako ng Travel Channel, bakit hindi ako gumawa ng Nakakabading post to dedicate sa mga mega yummy na chef? Tutal tabachoi naman ako, panindigan na natin. Sabi ko nga before, 2 of my best love, food and poging poging lalake! Hindi na counted si ARMAANNDOOOHHH kasi nabanggit na siya before.

1. Curtis Stone
Kung nanunuod kayo ng TLC channel, yung mga dating show, siya yung sumusugod sa grocery store tapos ipagluluto kayo sa bahay niyo. As in sasama siya pauwi. Ano nga ulit yung show na yun? Ayoko mag google, pride na lang.

Pero promise! Crush na crush ko siya! At ang Aussie accent! Juiceko, kausap ka palang waterfalls ka na!! Pano pa pala pag hinawakan ka?? (mahina puso ko sa mga accent at blue eyes, malakas kutob ko foreigner ang makakatuluyan ko! yiiiiiiiiii!) Plus mukha siyang polar bearrrrrrrrr!!!


2. Sam Talbot
PUNYETAAAA HOMPOGI!!!!!!!!!!!!!!

Devah?? Lakas makabadboy! Puta naman bakit kasi dito sa Pinas ang mga chef chef either bekbek or mga mukhang maton or nagpapart time sa construction! Pero devah??? Aminin niyo parang napapaisip kayo sa malamlam niyang mga mata. Parang gusto ko siyang alagaan! (katulong pa pala ang peg ko).

At kung nanunuod kaso ng Top Chef, malamang alam niyo na tahimik lang to si kuya. As in hindi nakikipagaway and stuff! Very good si kuya. Pinreserve niya ang pogi niya. At diabetic siya. So devahhhhh, nakakalokaaaa! Chef na diabetic?? WHATTT? Hahahaha. Wala na ako sa sarili. Teka hanapin ko muna panty ko.

3. Michael Voltaggio
Siguro naman naestablish ko na ang mga gusto ko sa lalake. Ang mga sobrang yummy na mukhang itatapon ka sa kama at mananakit ng bongga! KINIKILIG AKO PROMISEEEEEE!! Nakikita niyo ba yung picture na yan???? Nakikita niyo ba yung titig niya? Promise pag nakipagtitigan ka sa kanya, parang aabot ka sa point na ikaw na mismo mahihiya.

Kakahanap ko lang panty ko nawala na naman. Iheytchu Michael! Where is my panty? HAHAHAHAHAHA.

And to top it all of, sobrang galing na niya chef. Siya nanalo sa season niya sa Top Chef. Kasi promise sobrang galing niya. May kapatid siya, clean version niya. Kung hindi niyo siya bet kasi ang badboy masyado at hindi niyo bet ang mga tattoo, fine. Hanapin niyo si Bryan Voltaggio.


Ayan na ang inaantay niyong Nakakabading. Malakas kutob ko na aabot sa point na meron na rin akong cartoon edition or zombie edition. Mauubos ang mga pogi sa mundo dahil sa blog ko. Plus yung criteria ko pang sinusunod. Kaya ako nahihirapan eh! Che! Hahahaha.

Wait, ano nga ba current event? Totoo bang magkaka Darna ulit sa TV? At channel 2 to? Or chika lang yun? Or baka guniguni ko lang? Paki confirm.

Wala akong balak manuod talaga ng Zoren-Carmina na yan. Kasi hindi ako fan ng mushyness. Baka pag pinanuod ko lagnatin ako sa sobrang mushyhan at kasweetan. Ayoko magabsent sa office. Hahahaha.

Kaloka yung Rubadabango na yan lumalaban sa Gangnam!

Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

Wednesday, November 28, 2012

All I Want for Christmas

Solomot sayo Pink Line :)
Salamat sa pag tag :). Promise. Naisip ko na mali rin tong pag tag tag na to ng mga post sa blogger. Kasi parang mabubuko ka kung sino talaga ang wala masyadong followers (bitter sa mga maraming followers ng iba). Parang matatag ka, kasi hindi ka popular. No choice. HAHAHA.

Pero in a way, parang advertising keme mo na rin to. Charots.

SO siguro getsung na rin natin ang All I Want for Christmas post na to. Medyo weird to for me kasi, hindi "ganun" na sinecelebrate ang pasko sa amin (i know its wrong, i know) at wala akong special someone other than friendships. Naalala ko last year pinasadahan ko lang ang pasko. Hindi ko rin maintindihan sarili ko. HAHA. Fine ako na weird.

Pero sige. Kahiya naman kung hindi ko to susundin. Ineffortan naman si kumars Pink Line ang best in tagging. 


This tag post has rules.

1. Kindly use the same title and as well as the first photo that I put here (that blurry picture of a Christmas tree above) in your post.
2. List 6 things that you want to receive for Christmas. 
3. Tag 6 of your friends to make the same post (no tag backs). 
4. Send me the link so I could check it out too.

Nahihirapan ako kasi may weird akong feeling about wishlist. Para kasi sa akin, ang mga wishlist wishlist na yan ay parang yabangan portion. Dun mo malalabas ang likes mo (na parang artista mode or ala stylist mode) or dun mo rin mapapakita ang price range ng keme mo or most commonly, parinig sa mga asawa mo at mahal sa buhay. Pero dont get me wrong, may mga wishlist na masayang basahin or makita. Siguro this applies sa mga stalker mode mo or sa mga harhar mo (crush = harhar). Or yung mga generally like mong tao tapos makikita mo same kayo ng gusto? Basta mahirap iexplain. OO WEIRD NGA KASI AKO.

Pero sige. Para sa spirit ng pasko, gagawin natin to. Baka sabihin niyo KJ ako. Charaughts. Hahahaha. Tutal nung nabasa ko na rin yung tag, nagisip na rin ako. Wahahaha. (Grabe promise, wirdo ba ako?)

Chuck Taylor

FAVORITE KO TO.

Gusto ko gumawa ng Xmas tree na gawa sa Chucks. Or gumawa ng whatever ornament. Gusto ko kabugin si Bianca Gonzalez sa collection niya ng Chucks.

Lamang ka lang ng monelya ate! Lamang ka lang. Hahaha.
(monelya = pera)


PSP

Nope. Hindi magkaPSP.

Matapos ang nilalaro ko sa PSP. Kasi marami na akong nakapila. HAYMZOBUSY!

Shet kelangan ko na i-push to. Puussssshhh. 




Magbasa
Namimiss ko na magbasa. Pucha best in pending kasi ako ng mga bagay bagay. Etong No Longer Human na yan, pagkatapos kong suyurin ang lahat ng mga bookstore sa maynila (nakita ko siya sa gateway dahil pinareserve siya ng friend ko for me) hanggang ngayon hindi ko pa rin nababasa.

Kung bibigyan niyo ako ng libro, mga ganyang level ang bet ko (yan ay kung nabasa niyo ang mga sulat ni Osamu Dazai)

Bakit ba kasi ang hectic ko???



Oras
At dahil andami kong reklamo sa pagiging hectic...

Mabibigay ba kung winish kong maging 72 hours ang isang buong araw?

Kung hindi, relo na nga lang.







Online
Magkalaptop. Charots.

Makita lahat ng kina kikiligan ko online. Eeeeeehhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh. Wag niyo na ako tanungin kung sinusino.

Bastttaaaaaaaaaaa. Mapa-lalake, babae, bading, pornstar or cartoons. Makita or makainteract man lang pwede na akong mamatay (OA!).


Monelya
MARAMING MARAMI.
Gets naman siguro kung bakit.

Pamimigay ko sa mga tao. Mas lalo na pag sumasayaw sa stage. JOKE LANG!
Hindi naman ako mahilig sa mga gamit gamit eh. Gusto ko lang talaga ng simpleng bagay. Basta naalala ako, keriboom na. At oras. Gusto ko ng maraming oras. Hahahaha. Grabe hindi ko talaga magets bakit wala akong oras. Kamote. Wirdo ko i-swear! Hahaha.

So pano ba yan, ganito na lang. Basta nabasa mo, tagged ka na. Hehe.

Kthanxbye.
-nyabach0i

Monday, November 26, 2012

Nakakatibo - Wala Na Akong Maisip Edition

So ayun na nga. So pano ba yan, kelangan ko magpost ng Nakakatibo post. Medyo ilang araw na rin ako nagreresearch ng magaganda na babae. Very tibong tibo ang mode na yun ah. Kulang na lang manuod ako ng lesbo porn. Which sobrang iniiskip ko lang pag nanunuod ako ng normal porn kasi parang hindi ko kaya panuodin. Buti pa gay porn fun panuodin. Hahahaha.

Sa mga oras na to, nadiscover ko na may Adobo flavor na E-Cigarette (not unless inuuto ako nung kausap ako). Punyeta sino nagisip nun? So para kanino ang market na yun? Sa mga nagdidiet? Or sa mga nagsastop magyosi? Sweetcorn. May sweetcorn pa pala. Tiramisu? Labo! Sige game, lezzdothis.

1. Michelle Krusiec
Hindi siya mega hotness. As in drooling hotness. Pero may something kay Michelle Krusiec. Maliban sa sobrang benta niya (Sa Vagina Monologue at sa Nice Girl Crew) magaling siyang artista. Nagkasoft spot ako sa kanya sa Saving Face na movie (which is a very tibo indie movie).

Pero promise ha, panuodin niyo yung Vagina Monologue niya! Hahagalpak kayo sa tawa. Yung about sa iba't ibang moans.

Pero as usual may-I-claim si ate na best in "wala akong pores" look. Puta what is best in skin keme keme? At kung mapapanuod niyo yung Saving Face, maiirita kayo kasi buong time naka pony tail siya pero hongandaganda pa rin niya. Kamote. Bakit may mga taong ganito???




2. Kaya Scodelario
OMG ETONG SI ATE!!! Peg ko siya!!!

Una sa lahat, punyetang Brittish accent na yan lakas maka-uto ng mga tao. Combohan pa ng yosi girl si ate! Badass chick! Wala sa itsura niya na may bisyo siya. Kaya mas nakaka-uto talaga ng tao.

Tapos yung blue eyed kemerloo pa niya! Lumalaban kay Alexis Bledel! Tangina hindi ko magets bakit sa ibang bansa lang ang blue eyed chorba. Bakit ako walang ganyan? Inggitera amputa. 

Kung nanunuod kayo ng Skin (Brittish TV Sitcom) dun ko siya nadiscover. 

Well at least alam na natin itsura ni Adele kung pumayat ng sobra. Charots.




3. Heather Graham
Adik ako sa Scrubs dati. Andun siya. Andun din siya sa Austin Powers na moviesung.

Ano bang meron sa mga matang color blue or may hint of blue?????? Tapos eto kay ate blue grey chorba?????!?!?? Tangina pano ba magkakaganito?

Pero panuodin niyo yung movie na Broken. Yung entertainer siya at adik adik. Yung last scene dun. Yun ang nagseal ng deal kung bakit siya andito sa Nakakatibo. Hint: Jessica Stroup. 

Naloka ako. Kasing level ng loka ko sa Black Swan scene.

So ayan. Now at napasadahan na natin ang Nakakatibo na yan. Paguusapan ba natin ang current events? Charots. Sorry, hindi ko napanuod ang Zoren-Carmina Weddingsung. May part sa akin na ayoko panuodin. Ganun kasi ako. Pag pinagpiyestahan na ng mga tao, ayoko na. Ayoko ng uso. E dahil uso to, ayoko panuodin. Next time na lang. Pero fine, nakakakilig daw. Ibigay niyo na siya. Si Zoren na ang pinakapogi ngayon buwan. Sorry pero deadmasung.

Hindi pa rin ba nagpapainterview si Angelica Panganiban? Haha.

Ganun talaga. May mga panahon talaga na emoshit ka. Paminsan may dahilan, paminsan wala. Parang andamidami ko kasing naririnig/naeexperience/nababasa na mga lovelife chorba. Sabi ko kasi sa sarili ko, as much as possible, hindi ako magboblog about lovelife ko/ng iba. Kasi parang given/common sa blogger yun eh. Nagbubukas ng blog kasi heartbroken chobra or gusto magshare ng experience. Ako gusto ko lang magblog para may kausap ako (sa totong buhay kasi loser ako at walang kausap CHOS!). Masarap kasi yung feeling na salita ka ng salita tapos may nagrereact na hindi mo personally kilala. Kinikilig ako nun (sign talaga na ang social life ko online lang --ako na loser HAHA!).

Yun lang.
Baboo.
-nyabach0i

Thursday, November 22, 2012

Invisible Love


Innocent.
My intentions are pure,
White as snow.
I don't see myself in you anymore.
Shattered glasses,
Broken dreams,
My heart would never beat again.
Holding hands, skin to skin.
A past that never really occurred.
Don't utter a word,
Stop the time and move on.
Look up to the sky.
See clouds falling to each tear  
Hear the sound of my scream within.
As purple as jealousy,
As dark as your eyes,
As red as...
Mixed words.
Meanings lost.
You will never know
What I really think of you.
I dreamed of your heart.
I wished for your smile.
I yearn for that touch.
I worked for the kiss.
"Is this a waste of time?"
A battle that never started.
Fighting for nothing.
Reaching to a spotless sky.
Everything is purposeless.
I am your slave.
A pawn.
My heart ache.
I cant fight this battle anymore
You don't see me at all.

-nyabach0i

SO DEVAH ANG ARTE NI INARTE MODE KO? BUKAS NORMAL BROADCASTING TAYO.

Tuesday, November 20, 2012

Random Thought Keme

Tutal, wala pa akong naiisip na Nakakatibo post or Nakakabading, magrarandom keme muna ako. So para sa 26 na followers ko, magdusa muna kayo. Charaught!


Kelangan ko lang i-clear ang mga bagay bagay. Hindi ako malibog ha. It's just that, I appreciate human anatomy. HAHAHA. Pero seryoso. Oo inaamin ko, marami na akong napuntahan, nagawa, natikman (WTF?), natry na mga bagay bagay. May ganun kasi akong ugali. Gusto ko matry ang mga bagay. Pero sure ako na hindi ako naadik sa bagay bagay. Gets? Ganun ako eh. Kelangan ko malaman. Sabi ko nga, gusto ko yung may working knowledge ako sa maraming bagay. Parang may hidden checklist ako. Basta. Ganito na lang, well rounded ang peg ko.


So paguusapan ba natin si AMALAYER? Nung friday ng gabi, sa sobrang adik namin, minemorize namin ang buong transcript ng AMALAYER keme na yan. In fairness ha, matetest ang acting skills mo sa kanya. Try niyo dali. Yung favorite line ko sa kanya ay yung "SORRY? IS THAT HOW YOU SAY SORRY? KUNG SAYO KO SINABI "SORRY ATE (sarcastic)" TANGGAP MO (sabay pamewang at tingin sa malayo". Promise pag dineliver niyo yun parang ang sarap magstanding ovation. Tsaka yung makabagdamdamin niyang NOOO! NOOO! SHHH! with matching jazz hands. Kinoconclude ko na si ate amalayer ay nawiwili manuod ng mga kung ano ano sa TV.
Pero sige. Kung tatanungin ako ha. Based sa interview ni Amalayer sa TV5, feeling ko siya talaga mali. Nagkataon lang na may mens siguro si ladyguard or kulang sa sex. Sige fine, customer service kemerloo. Or battery charges keme. Pero hello ate, hinawakan ka may bruise ka na? Maniniwala ako kung kinagat ka ni ladyguard or tinadyakan. OA ha, pasa kagad? Pero kasi naman teh, hindi ganyan ang tamang retaliation mode. Para siyang sinapian ng starlet! I labettt! Time to shine ate! Time to shine. HAYMJAZRETURNINTHEFAVAH!

PERO WAIT! Uniform ba yan ng school? Or rumaraket si ate as a pharmacist sa watsons??? Benta ang feslak ni ate sa pic! Lakas makavaccum!

May nadiscover na naman akong bagong "habang-jumejebs-songs". Kelangan yung powerful! Yung may option na kalmado na part for nilaynilay purposes at may powerful line na forceful! So pag kinanta niyo yung "Shine bright like a diamond" part, GO! Force! Tapos yung "Girl let me love yoooouu!", GO! Force! Kelangan yung fumafalsetto pa! Girl let me LOOOVEE (falsetto) you! Isabay niyo sa "love" part! GOOO!


Baboy ko amputek.

Anyway, narealize ko na nakakainis rin pala yung ugali ko na sobrang mahaba ang patience. Hindi ko makalimutan na muntik na ako masagasaan ng delivery truck ng mga graba at buhangin. As in nagswerve na sila at umakyat sa gutter. Wait, kelangan niyo maisip na naka MP3 keme ako. With boom basting sounds ng House music. Alam niyo anong ending? Ako nag sorry sa driver. Puta buhay ko na nga muntik mawala ako pa nagsorry? Kaloka. So eto, hirap pa rin ako tumawid. Kamote.

May nakapanuod ba ng The Buzz? Anong sabi ni Angelica Panganiban?

Yun lang. Bukas na ulit.
Baboo.

-nyabach0i

Wednesday, November 14, 2012

Open Letter Para Sayo


Dear You,

Naalala mo pa ba nung gumapang tayo sa ilalim ng computer table tapos dinrowingan mo yung baba? Hanggang ngayon sure ako na wala pa ring nakakakita kung ano ang dinrawing mo dun. Naalala ko pa na black crayola lang gamit mo dun. Although sobrang "dark" ng drawing na yun, at an early age napakita mo ang galing mo sa mga ganyang larangan. Idol talaga kita.

Natutuwa rin ako sa kung pano ka magkwento paminsan. Natatawa ako na nauutal ka sa mga bagay na madali dapat ikwento. Tapos magdedefault answer ka na "basta yun!". Tapos pagagalitan mo sarili mo kasi parang hello! dapat sobrang dali na lang na kwento nahihirapan ako. Nakakatuwa rin yung fact na sobrang bilis ng utak mo. Parang andami mong naiisip na bagay. As in nagooverflow ang ideas mo na paminsan hindi na kinakaya ng bibig mo. Patawa yun sobra.

Grabe. Gaano na ba tayo magkakilala? Tagal na rin noh. Alam ko ilang beses ka na rin umiyak. Syempre, ilang beses ko rin sayo sinabi na, "kaya pa yan." Pero naalala ko last year na muntik na rin ako sumuko. Kasi kitang kita ko sa mata mo na hindi mo na rin kaya. At hindi ko na rin kaya makita kang ganyan. Pero buti na lang talaga noh? Grabe ang bilis ng panahon! 1 year older ka na!

Natatandaan mo ba yung unang beses na uminom ka? Pinagtatawanan mo pa sa loob loob mo yung kaibigan mong nalasing ng wala pang 5 mins. Tapos parang biglang naging open forum ang event ng inuman na yun. Nagtago ka pa para hindi makita ng nanay mo. Benta yun.

Pero ang pinakagusto kong side mo, ay yung mga sinusulat mo. Alam kong iba iba na ang mga nagawa mo, hobby mo, at larangan mo. Pero bumabalik balik ka sa pagsusulat. Nakakatawa ka pa nga eh. Sinasabi mo na wala kang pake kung hindi maganda or pang writer ang sinusulat mo. Sayo ko natutunan na kelangan mo magsulat hindi para mabasa ng iba. Napaisip ako dun at ginaya kita.

Marami pa akong gusto sabihin sayo. Gusto kitang titigan sa mata at sabihin na "everything turned out okay". Kung pwede lang kita i-hug ginawa ko na. Deadma na sa iba, at deserve to. Deserve. Kaya happy birthday sayo. I-push mo na yan.

PS, magdrawing ka na ulit. Utang na loob. Kasi marami kang regalo na related sa drawing.

PSS, magipon ka. Para rin sa ating dalawa yan. Yang lovelife na yan, tutal trauma ang peg mo, i-pause mo muna!

Lovelots, nyabach0i

Thursday, November 1, 2012

Nakakabading - Pinoy Male Model Edition

Welcome sa Nakakabading PINOY male mowdel edishuuuuuuuuuuuuuuuuuunnn! *faints*

Yiiiiiiiiiiiiiiiiii. Ilang beses ko ni-look forward ang pagpopost nito! At oo, alam ko ilang beses na ako nagpopromise na ipopost ko to bukas keme keme. Ako na ang very busy. Ako na. Pero aaminin ko, nahirapan ako ng slight kung anong edition ang ipopost ko. Parang umabot na sa point na sa sobrang daming mega hot sa mundo, hindi ko na alam pano sila icategorize. Muntik na ako mag pornstar edition. Kaso naisip ko, parang pinamigay ko na rin ang katotohanan na mahilig ako sa porn. HAHAHAHA.

Pero promise, naiihi ako sa saya sa pagpost nitoooooo!! Yiiiiiiiiiiiiiiiii. SO tama ang nakita niyo. Pinoy male model edition yan! SO kung ineexpect mo na makikita mo si Piolo at si Sam Nyilby dito mabuti pa na wag niyo na ako ifollow! Hahaha. Minsan nga eexplain ko kung ano ang category para mapasok sa Nakakabading / Nakakatibo. Minsan lang ha.

GAME NA TAYOOOOO!!

1. Ram Sagad

Pangalan pa lang! Utang na loob pangalan pa lang! Ram na nga sinagad pa! Ano pang hahanapin mo??? Tapos papakitaan ka pa ng feslak na ganyan. So anong eexpect mo sa combination ng pangalan na yan at itsura slash katawan na yan?? 

Parang betsung ko maging Mrs. Sagad / Nasagad!

Deadma na kung san galing si kuya. Wapakels kung galing Pinoy Fear Factor siya or kung ano man. Deadma! Basta ang importante ganyan ang itsura niya at  titig niya sa akin through that meekture! Hindi na rin ako nagatubiling magresearch kung san siya nagmomodel o kung ano man. 

Sarap magsisigaw ng "Mr. Sagad" ng paulitulit! Of all pitch and rhythm! Kalokaaaaa!

2. John Spainhour

Actually, etong si John (kung makafirst name basis wagas!) may mga moment na hindi pansinin. Parang pag tinignan mo, kung nagmamadali ka, hindi tatatak sayo. Kaya siguro kinarir ni kuya ang abs na pwedeng makadurog ng isang blokeng keso at ang singit line niya na lakas maka smiley face.

Century Tuna keme Superbod chorla siya. At Cosmo keme. Hindi ko lang sure kung nakikita rin ang face niya sa SM. Pero deadma na. Nag US Marine din pala si kuya (not that you care).

Pero promise, google niyo si kuya. Lagay niyo, John Spainhour + pwet. Tapos click niyo images. Magpakamatay kayo sa titig. Tignan natin kung hindi kayo malunod sa sarili niyong lawa.



3. Mark Whittington

PU!@$)&)%!@$_*_*!UA!!!!!!!!!!!!!!

I DIED! I DIED!!!!!!

Promise mahina ang puso ko sa mga baby face with a combo of tattoo!! 

Ayokong masyadong magsalita at iiwanan ko na lang kayo ng random letters as a sign of sobrang kilig! 
asdjasjkdbgoueb;gj124ifasdfhdfjhgdfsgvxbnjdjdyjkyiwruwrtherttrutrjhrsdfhsdfhryqy342!!!!!!!!!!!!!!!

Grabe. Sobrang hihimatayin ako kay Mark Whittington! Aminin niyo, sa isang lugar lang kayo nakatitig sa picture na to....... Sa mga mata niya. I DIED PAULITULIT.

So ayun. Ay oo nga pala undas ngayon. Walang ganap eh. Next time na lang ang update.
Kthanxbye.
Baboo.

-nyabach0i


QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...