Miyerkules, Oktubre 17, 2012

Nakakatibo - Half Breed slash TV Sitcom Edition

Ay shet. Muntik ko na makalimutan magpost ng Nakakatibo. Pakshet ready pa naman na ako mag rant post or may kung anumang post. Pero fine. Magpopost ako ng Nakakatibo. Well hindi naman sa ayoko magpost ng Nakakatibo. It's just that nahihirapan ako maghanap. Compared to Nakakabading na basta maghubad na lalake ok na sa akin. Eto kasi hinahanapan ko pa ng reason kung bakit ako maiinsecure. HAHA. 

So ayun na nga. Deadma na sa explanation ko. Half breed edition kasi mga half keme half chorba ang bloodline na galing sa TV shows. Malamang self explanatory na yan. Gow na tayo.

1. Shay Mitchell
Half Pinay, Half Irish. Hoy tigilan na ang mga Pinay pride kemerlou na yan ha. Oo Pinay nanay niya. Siya hindi. Pinanganak sa Canada, nagtatrabaho sa states. Wag na natin pagpyestahan na may Pinoy blood siya. (Magpopost ako ng regarding sa Pinoy Pride chuva). 

At oo, siya yung tibo sa Pretty Little Liars. Wit ko pinapanuod ang show na yan. Pinagiisipan ko pa lang. Pero infurr dito kay kumars Shay, hongondoh niya! Nagmowdel din pala to before maging artista. Tapos siya rin ang pinakabatang Pantene girl sa states. Bongga! Peg ko to si ate. Pag nakita ko to babalatan ko to ng buhay tapos susuotin ko. Scary shit! Hahaha.

At ang pinakabetsung ko sa kanya, deadma siya makipaghalikan ng wagas sa mga taonetchi! Deadma sa gender at feslak! Kung ganyan lahat ng tao lahat tayo magkakasakit na! Hahahaha. Kung gusto niyo makita ang buong feslak ni ate, google niyo na lang. Sa Nakakabading lang ako naguumeffort na magpost ng dalawang pic per tao. Hahahaha.

2. Olivia Wilde
Actually hindi siya half breed. Of multiple breed na siya. So parang ang interpretation ko, bunga siya ng orgy. Joke lang.

Ay shet, oo tibo na naman ang role nito ni ate sa OC at bisexual sa House. Hindi ko napansin to not until nung tinatype ko na tong line na to. 

Pero infurness dito kay ate, sobrang ganda ng lineage niya. Asawa niya prince ata tapos both Journalist ang mga magulang niya tapos sobrang exposed sa Politics chuva. Tinatawagan lang siya ni Obama sa cellphone. Binabantayan lang siya ni Christopher Hitchens nung baby pa siya. Kilala niya si Mick Jagger. Mga ganung moment. Binabawi ko na. Siya na ang peg ko. Si Olivia Wilde na yung babalatan ko ng buhay. Tapos google niyo yung kissing scene slash bed scene niya sa House! Kaloka! Kung lamukusin niya yung mukha nung kahalikan niya! 

3. Alexis Bledel
OK FINE. Inulit ko na to at si Olive Wilde (yun ay kung nagbabasa kayo ng binura kong blog before). Ilang oras nang nakablank tong number 3. I swear! Sobrang effort. Lakas makasabog ng utak. Promise. Ready na nga ako ipost ang picture ko dito. As in nagready na ako ng camera. Ganun kadesperada.

Pero di ba? Titigan niyo nga ang mata ni Alexis Bledel? Nakikita niyo ba yan? Parang pag tinitigan ka magiging yelo ka. Kinabog niya ang standards ng blue eyed keme. Plus magaling siya mag piano. Pakshet talaga na mata na yan. Sarap ilagay sa bote.

Ay oo nga pala. Part Argentinian plus Mexican plus Danish. Pinanganak sa America. At oo, siya yung anak sa Gilmore Girls na sobrang sinubaybayan ko na sitcom. Ganun ako kaweird. Naaliw ako ng wagas sa Gilmore Girls.


Grabe nahihirapan ako sa posts na to. Hindi kasi ako superficial tumingin sa Nakakatibo posts! Kelangan may nakakabilib na effect ang mga ate para maqualify! Ako naman si aligaga, akala mo may contest or deadline kung ipressure ang sarili. Akala mo papatayin pag walang post na Nakakatibo. HAHAHA. Pero syempre, hindi ko pa rin to ititigil. Eto na eh. Panindigan na lang natin. Tsaka tama na rin to. Para minsan nagiisip ako. 

So eto, 2:44 na ng umaga. So ano nga bang mga bagong balita? Yung kay Lucy Liu? Yung kay Jessica Sanchez? Yung boxing kemerlou? Wait, anong nangyari na sa Cybercrime? Nautut lang ako ng saglit nawala na? Pero ha, yung kay Lucy Liu sobrang joke time na reaction na yan ha. Heller totoo naman kasi di ba, pag pinaitim mo si Lucy Liu ano magiging itsura niya? Magmumukha siyang maitim na chinita which is very prominent look sa Pinas. Totoo naman kasi. Magiging kamukha ni Lucy Liu si Rosita Bareng ng Pinoy Dream Academy. (see reference below)


Di ba? Matatanggi niyo ba yan? Tsaka hello, buti kung sinabi ni Lucy Liu na "I don't want to look a little Filipino because they are so pangit and mabaho!" Ayan sige racist yan. Pero kasi nga naman, oo nga magmumukhang pinoy nga naman si ate. Or south east asian girl. Siguro nung pumili siya ng south east country ang naisip niya Pinas kagad? Ewan ko. Pero I don't find it racist kasi talaga. Ako lang naman to. Siguro kung ang issue pa ay kung bakit issue ang maging maitim sa kanya, fine. Kasi parang ang dating kelangan pag asian maputi. So parang girl power inner beauty dove girl mode? Ewan na nga. Hahaha. ROSITA BARENG FTW!!

Yun lang.

Ayoko ng mint chocolate. Sana nagtoothbrush na lang ako at uminom ng chuckie. Ganun din naman.
Baboo.
-nyabach0i




11 komento:

  1. diana agron! haha -bk

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sino si diana agron?!
      ok ayon sa google, siya yung sa glee. pasensya na hindi ako nagagandahan sa kanya bk. hehehehehe.

      Burahin
  2. ako din ayoko ng mint chocolate. anyway..parang nahipnotismo ako sa picture ni alexis. sobrang ganda ng mga mata. pero mas bet ko pa rin ang nakakabading hahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ako rin naman mas bet ko talaga ang nakakabading. kaso wala eh. kelangan ko magpost ng nakakatibo. i hate mint chocolate! ang weird weird!

      Burahin
  3. bet na bet ko talaga si Olivia Wilde pero mas bet ko sa lahat si Arrrrmmaaanndooohhh ahaha wala lang. yung kay Lucy Liu para sa akin yung pagkakamali lang niya is nag mention siya ng nationality. sana sinabi nalang niya na kung umitim siya eh hindi na siya Chinese tingnan kasi it won't match with her chinky eyes. pag maitim pinoy na agad agad? LOL

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. may point ka diyan teh. oo nga dapat wala na lang siyang minention. or kung namention man niya, binawi niya. grabe si olivia wilde! sobrang bet ko talaga siya. parang kaya kang kainin ng buhay.

      Burahin
  4. uu nga noh parang iisa lang muka ni rosita at lucy iba lang kulay hehehe.. oh ok na yang nakakatibo yung nakakabading na ulet...hahaha!

    TumugonBurahin
  5. di ba?!? kamukha talaga sila! oo nga nakakabading na uleeettt!! woohooo!!

    TumugonBurahin
  6. crush ko rin si olivia wilde, so tama nga - nakakatibo nga siya haha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha! koreksung! ikaw mismo natibo. so malamang malakas ang powah ni olivia wilde!

      Burahin
  7. Panalo yung tungkol sa mint chocolate! Out of nowhere bigla lang nabanggit. *hahahahaha*

    TumugonBurahin