...ng mga certain na kanta nagiging affected ako. Hindi ko kung emotional keme lang ang peg ko or what. Pero may mga moments talaga na pag naririnig ko ang certain song or songs, parang gusto ko maglupasay sa sahig with mega crayola. Or parang gusto kong tumakbo sa ulan at sumigaw ng BAAAKKKEEETTTTT?? Mga ganung eksena. Or mag wall-ing sa dingding for maximum drama effect.
Pero seryoso. Hindi ko alam kung dahil ba may mens lang ako kaya hormonal keme. Pero parang hindi naman talaga. Kasi napapansin ko, pag naririnig ko ang certain na kanta. Teka nga share ko muna.
So ayan na nga siya. Kanina ko pa pinapakinggan to. E umuulan? Haaaaay. Ayoko kasi ng mga ganitong feeling feeling. Ayoko rin naman magkwento ng buhay dito. Kung kaya ng brain cells niyo, sana nagets niyo yung meaning ng kantang to. Una sa lahat, patay na patay ako kay Damien Rice. Weird ng mga choices ko kasi sa songs. Damien Rice, Sigur Ros, Tori Amos, 2NE1... HAHA. Pero seryoso, bet na bet ko ang 2NE1. Anyway..... Sabi ko si Damien Rice pag nagconcert dito sa Pinas (which is never ever mangyayari) manunuod ako. Nakikita ko na ang sarili kong hinihimatay sa harap niya mutiple times. So pagiging fan girl aside, lahat kasi ng kanta ni Damien Rice parang tatagos sa puso mo. So ayun, dati kasi nung isa sa mga low point ng buhay ko, eto ang pinapakinggan kong kanta (which happens to be very sakto sa moment). Ang ending, every time na naririnig, nakakausap ang involved, nakikita, tapos combohan ng may-i-listen sa kantang to, wala. Putok puso moment.
Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay.
"She gives, I get, without giving anything to me" *saksak puso tulo ang dugo teardrop momentttt!!!*
Pero infurness kay Damien Rice, siya ang reason bakit naging weird ang choices ko sa songs. Yung mga tipong kelangan iniisip ko pa yung meaning. Mga ganun kasi ang gusto ko. Yung mga hahapdi ang utak ko. Ayoko ng mga obvious na kanta. Bet na bet ko ang metaphorical lyricsss! AKO NA ANG MATALINGHAGAAA.
O tama na to. OA na sa inarte. Keri lang kung hindi niyo basahin. Ganyan naman kayo eh.
Baboo.
-nyabach0i