Tuesday, September 11, 2012

Alam Mo Ba Kung Asan Ako Ngayon?

FYI, kahapon to. Sinulat ko sa notebook. Tinatype ko to ngayon kasi kamusta at nagkasakit ang trainer? So para kaming iniwan sa ere ng trainer. Masakit kaya sa puson ang paasa effect.

Nasa training ako ngayon.

Like most training sa work level keme, mega bore ang effect niya. Naawa ako sa trainer una sa lahat. Kasi parang tinatry naman niya kaso talagang wala sa mood ang mga tao. Nagiging extra day-off lang to off work. Well siguro dahil halo halo ang levels ng mga tao dito? Ewan.
So sa mga oras na to, umuulan ng mga jargons. At dahil he had me at "Utility" and "Warranty" nagsimula na ako magsulat.

Nakakairita kasi may bibo kid dito. Well kung mapapansin niyo, parang requirement sa isang class or training ang may bibo kid. Siya yung mga tipo na taong kelangan sumagot palagi sa lahat ng tanong at yung mega tango ng tango kunwari nakikinig talaga siya ng buong training keme. Yung paparamdam talaga sayo na wala kang naintindihan at ang dali dali sa mundo niya ng training. Parang self revalidation keme. Bet na bet niya ang term na "You're right" tapos makikita mo yung kinang sa mata niya. Kulang na lang utusan niya magprint yung trainer ng certificate sa lahat ng revalidation shit niya. Teh, hindi ka ba mahal ng magulan mo? Charots.

At ang hindi ko talaga matanggap etong kumag na katabi ko sa kanan. Teka describe ko ha. Payat na maitim. Tapos suotan mo ng polo at slacks. Yan na yun. Tapos wag mo nga pala kalimutan ang Nick Carter hair circa 90s. Hindi ako nanlalait. Nagsasabi lang ako ng totoo. Tapos haluan mo siya ng air of jejeness. Ayun na siya. Parang itatago mo yung bag mo. May ganun feeling. 
So yun na nga. Nakakairita kasi parang every 30 minutes siya umiinom ng Milo. Tapos understatement ang term na slurp sa kanya. Ang lakas lakas na parang sa tenga mo siya humihigop ng Milo. Last time I checked drink siya hindi mainit na sabaw. Kala mo e mainit na sabaw ang iniinom niya. Isa pang baso ng Milo tatabigin ko siya with matching sigaw ng IHEEEYYYRITTTT!

At hindi pa dun natatapos. Pag idle time siya, wala siyang binubulong kundi OPPA GANGNAM STYLE. Pucha kuya nakuha mo pang maLSS sa gitna ng training? Baka bet mo na rin sumayaw? Hay OPPA GANGNAM STYLE MY FACE!

O nagsalita na naman si revalidation ate.

Buti na lang pogi si kuya sa left side. Kahit papaano na balance niya. ODEVAH ANGEL AT DEVIL SA LEFT AT RIGHT?!??? HAYNOWRIGHT? Ang tangos ng ilong niya! Promise. Mamaya yayayain ko to magdinner. Charots.

"This is a starrrrrttt of something newwwww"

4 comments:

  1. To be able to write something like this means IT'S TOTAL BOREDOM. Nakakaawa naman ang trainer. hahaha! Naalala ko naman minsan sa kalagitnaan ng exam sa maths, ganito din ako. hahaha! Isipin mo, habang yung iba tense na tense sa finals, ako bored na bored. Bobo kasi ako sa mathematics, may taglay pa akong katangahan. So ang ginawa ko, NATULOG AKO. Sleeping beauty ang peg ko for two hours sa FINALS. Hahahaha! Eventually pinag take ako ng isa pang test. As usual bored, so ang ginawa ko, sinulatan ko ang professor ko, telling him that the problem is not him, it's me. Bobo ako sa math at may taglay na katangahan.

    Ayun, bagsak! hahahaha! Natatawa na lang ako ngayon. I don't even remember feeling devastated. hahaha!

    Baka excited lang si Bibo Kid. May expectations din yata kasi siya at baka siguro gusto niyo ang trabaho. OR Adik siya, nakasinghot ng powder ng Milo, na siya namang hinihigop ng katabi mong jejenese-kuno, na nagka LSS ng Gangnam Style dahil din sa Milo.

    And who knows, you asked Mr. Aquiline Nose on a date, Milo din ang sinisinghot niyan. Wala, basag trip! hahaha!

    ReplyDelete
  2. natawa naman ako kay tripster talaga kailangan lahat nirelate sa milo? wahaha

    lintek na oppa gamnam style yan. epidemic amp. buti na lang may fafaness sa gilid mo kaya masaya ka pa rin kahit papano haha yayain mo ng magdate yan. chance na!

    ReplyDelete
  3. Haha sana maiwan mo yung notebook mo sa training room nyo at mabasa nilang tatlo.

    ReplyDelete
  4. Lakas ng tawa ko dito sa kwento mo! *hahaha* Simula sa first post, eto na yung pinaka-funny so far. I love your blog! Tatapusin ko pa yung mga susunod. :P

    ReplyDelete