Monday, September 17, 2012

Promise, Hindi Niyo Talaga Pwede Pagsunudin


Naalala ko dati nung sobrang patok pa sa takilya ang Blogger. Parang andamidaming naguupdate ng mga chuva nila. Ngayon parang wala na masyado. Parang mga palitan lang ng ganun. Ewan.

Anyway.

May mga bagay talaga na hindi mo pwede pagsunudin. Parang maling mali. Either mali or nakakadiri or magkakasakit ka. Pero aminin natin may mga taong gumagawa talaga nun. Hindi ko rin alam kung bakit. Baka dahil accessible? Or hobby? HAHA.

Parang toothbruh at pagjejebs. Ako promise, hindi kaya ng buong pagkatao ko na magtoothbrush right after jumebs. Kasi yung thought na kakahugas mo lang ng pwet tapos magtutoothbrush ka ay very wrong. Kakahawak mo lang ng pwet humawak ka naman ng toothbrush. Naiimagine ko pa lang nandidiri na ako.

Or parang jumebs in between meals. May mga ganung tao eh. Yung kumakain ng wagas tapos biglang natae tapos after jumebs bumalik sa pagkain. VERY WRONG.

Or yung maghugas ng kepay or ng etits tapos magfacial wash. VERY VERY WRONG!!!

Or mangulangot tapos kumain ng chitchirya. VERY VERY VERY WRONG!!!!

So yun lang. Wala kasi akong maisip. Parang nung isang araw lang marami akong gustong iblog. Tapos ngayon nawala na silang lahat. HAHAHA. Lately kasi parang wala akong thoughts. Or walang matinong thoughts? Ewan.

Ay shet makapagpost nga ng Nakakabading bukas.

-nyabach0i

No comments:

Post a Comment