Wednesday, August 22, 2012

Nakakatibo - 2012 London Olympics Edishuuuun

In fairness sa post na to ha, pinapahirapan ako. Hindi ko talaga magets kung bakit mas nahihirapan ako maghanap ng Nakakatibo. Dahil siguro alam kong mas maganda ako every time nakatingin ako sa picture nila. "Ah, tignan mo na, mas maganda na naman ako!"

HULUL.

Pero di nga, nahirapan ako sa Olympics edishuuuun. Kasi naman, maliban kasi na kelangan mas maganda sa akin, hindi ko rin bet ang mga bato bato na katawan ng isang merlat. So extra search mode ang peg ko. Ayoko naman isali si Sharapova kasi alam ko nasali ko na siya before at parang given na kasi. So isa na siyang malaking ekis.

BAHALA NA NGA!

1. Team USA Women Gymnastics

OO SILANG LIMA.
Actually, sa totoo lang, tatlo lang. Kasi si Jordyn Wieber, hompangit ng kilay. Si Gabby Douglas naman, cute lang. Ekis na sila sa Nakakatibo. So silang tatlo lang. Si Aly Raisman, yung pinakaleft, si McKayla Maroney, yung katabi ni Aly, at si Kyla Ross, yung pinakaright na malakas makapinay ang itsura (pero oo may pinoy blood siya).

Bago kayo maghurnamentado kakadila sa monitor, papaalam ko lang na 15 - 16 years old lang sila. So abangan niyo na lang yung legal age. 
Promise pag nagkaanak ako, irerequire ko na mag gymnastics para auto-hot ang itsura. HAHAHAHAHA! Kaso, ayoko rin naman masira ang menstrual cycle nila? Hm. TMI amputa.

2. Leryn Franco

ODEVAAAAHHH?! Ansabi ng serious look ni ate??!
Si kumareng Leryn ay from Paraguay (alam niyo kung san banda ang Paraguay sa globo? ako alam ko lang na may Paraguay pero hindi ko alam kung san banda. Dahil mapride ako, hindi ko to i-gugoogle.) Kaloka ng event ni ate mo, Javelin throw. Sa dinamidami ng mga event na malakas makababae, hindi mo rin maintindihan bakit Javelin ang napili niya. Pwede naman swimming or diving para more swimsuit, more fun. Or beach volleyball, para more talon sa sand, more fun. Pero bakit Javelin? Ano yun childhood dream niya? Parang pinilit niya yung magulang niya na - "Ma, Pa, gusto ko mag Javelin throw". Or nakita siya ng mga magulang niya na nagbabato ng mga kawayan sa garahe? Hindi ko talaga magets. Pero promise, nakikita niyo ba yung ilong niya? Winner! Promise pag namatay ako tapos tatanungin ko ni Lord, sasabihin ko "Lord, promise, ilong lang ni Leryn Franco, okay na ako." 

3. Daniela Hantuchova

Eto ang bunga ng dahil-hindi-na-pwede-isama-si-Sharapova. Pero infurr kay ate mo, lakas makababy face. Ang ayoko lang sa ate mo, pangit ang face niya pag naglalaro. Parang si Nadal. May mga moments lang na maganda, either pag umiinom ng tubig, magchechange court, or tapos na ang game. Pero yung mga palo pics niya or running pics, parang nagmomorph yung mukha niya.

Well fine, intense ang game chuva chuva.

Pero sige, umaagree naman ako na maganda si ate mo. Ibibigay ko naman sa kanya ang freshness award. Siya na kamo. Paki sabi.

Siguro naman nafigure out niyo na na Tennis ang event niya noh?


So ayun. As usual ninakaw ko na naman ang mga pictures sa google at nanghingi ng tulong sa mga tao kung sino ang ilalagay (maliban sa gymnastics team kasi ako mismo nabibilib sa kanila, bakit ba kasi minor de edad sila).

Yun lang. Bukas ulit.
Baboo.

-nyabach0i

Monday, August 13, 2012

Grabe, Paminsan Hindi Mo...

...na lang talaga maintindihan yung mga bagay bagay noh?

Parang yung habagat. Hindi mo maisip kung ano ang sumagi sa isip niya at nagpapanggap siyang bagyo. Well fine ang bagyo nalalaman na bagyo siya dahil sa wind speed. Fine, fine. Pero kahit na. OA ng ulan na yun. Ayoko masyado magreact kasi parang OA na nga nakidagdag pa ako. So yun. Sana tuyo ang mga singitsingitan niyo.

So ayun na nga di ba. Umuulan ng bonggang bongga. Ang isa sa hindi ko maintindihan kung bakit nakuha pa niya mag ganyan. Nakakataas ba ng self-esteem? Sa mundo ba niya sobrang ganda niya? San kaya niya nakuha ang uso na yan? Shet hindi ko maisip talaga. Ano yan peg niya si Prinsepe Cedie? Bride of Chuckie? Nakakadistract eh.

May nagsabi sa akin na rebelde mode daw si ate mo. Tinanggal sa trabaho yung Manager niya. Pero hello, siguro naman may stylist siya di ba? Deadma ako kung tibo man siya or hindi. Kung tibo man siya at may jowa, pano nakakaya ng jowa niya ng ganyan ang itsura niya? Ng nanay niya? Pano nila nahahayaan yan? ANOOOBAAAAA!! PAKI EXPLAIN PLEASSSEEEE!!!!

Patay ka kay Oprah!

-nyabach0i


Friday, August 3, 2012

Nakakabading - Olympics Edition

Well, fine. Hindi ako nakakanuod ng Olympics na to. Ayoko rin naman magposer mode na tipong pipilitin kong manuod ang sarili ko tapos mega tweet or status ako sa pinapanuod kong ni hindi ko naman gusto or ikatutuwa. HAHA. Plus, hindi ako physical na tao. So kahit pinapanuod ko lang yung mga physical shit, napapagod na ko. OO, ganun ako katamad. 

Pero infurr, may certain "hooked" moment ako pag nanunuod ako ng volleyball. Iniisip ko kasi kung pano nila nagagawa yung hahampasin lang nila yung bola tapos tatalsik yung sasalo. Very Dragon Ball Z ang mode.

Pero! Hindi porket hindi ako sporty, mapapalampas ko na tong mga pogi na to. NOOOO! 
Game na tayoooooo!

1. James Magnussen

YIIIIIIIIIIIIIIII!!!!!!!! 
HOMPOGI NI PAPA JAMESS! Pero sige. Try natin magbulagbulagan sa katawan na yan at ang mas pink pang utong ni kuya. Dali, gora na, takpan ang neck down ng picture ni kuya. Aminin mo, kinilig ka pa rin. Etong si James yung mga tipong hindi mo kayang tumagal makipagtitigan. Yung pag hinawakan ka maglalawa ka na lang ng 3 araw dirediretcho. Shet teh. Dedeadmahin ko na ang kung ano man ang  iooffertory niyang santol sa akin sa picture na to. Deadma. Pakshet, ok na akong magpakasal sa panga ni kuya.

Ay nga pala, Australian swimmer si kuya. Hontoroy ni kuya sa sisiran! YEABAH!

Ay teka, para mas mapicture niyong mabuti kung gaano kagwapo si kuya, maglalagay ako ng face pic niya. Wait.

PUTANGINA I DIED DROWNING IN THE LAWA LAWA SA FLOOR.


2. Camille Lacourt

Blue eyes ba kamo?!??? Ayan ang blue eyes na hinahanap mo. Parang ang lungkot lungkot lang niya noh. Eto yung mga lalake na pagtinitigan ka mararamdaman mo hanggang gall bladder mo. LAKAS MAKA ANGELIC FACE!!!

FYI, French swimmer si kuya. (Oo, swimmer ulit. Esorry! Sila ang pinakahot kasi lahat sila nakatrunks, CHAR!).

Inispottan ko yung full body shot niya, tinamad akong ipost ditey. Pero dahil swimmer siya, malamang sa alamang may abs siya. Pero pakshet. Yung mata niya promise. Papasang mata ni Jesus Christ! Yung mga Jesus Christ painting sa wall na kahit san ka magtago sinusundan ka ng tingin. HAAAAYYYYY. 

3. Bjorn Barrefors

OMGGG!!! BABY PUUUUHHHH!!!

Si kuya ay decathlon from Sweden. 21 years old. Yan lang ang kaya kong sabihin. Marami akong gustong sabihin, pero I have to admit, nung nakita ko ang mga picture niya, huminto ang mundo ko. Gusto kong tumakbo sa ulan at kumanta ng Louder ni Charice Pempengco.

Grabe. Dahil diyan, gusto kong sumugod sa Sweden at regaluhan siya ng brip!

Lakas maka Bjorny ni kuya! BADUY.




Wala na. Wala na akong gustong sabihin. Hanggang dito na lang.
Baboo.

-nyabach0i



Tuesday, July 31, 2012

Tutal Inaantok Naman Na Ako

... magpopost ako ng blog! Yeheyyy!
Baduy amputa.

At tutal, wala na rin naman sa katinuan ang trail of thoughts ko, pipilitin nating magpost ng kung anuano. Ayoko rin naman kasi magshare ng buhay. Hindi naman dahil sa paimportante ako, kundi dahil tinatamad ako. Wala rin akong balak magpost ala diary mode, kasi mawawalan ng saysay ang totoong diary ko (oo may diary ako, hayknowwrightt?!). Grabe noh, aabot ka talaga sa point na parang puro hangin lang ang laman ng utak mo. Kung makapressure naman ako sa sarili ko akala mo graded ang pagpopost na to. CHE! Hahaha. Ayoko kasi yung feeling na malaki ang gap ng dates sa mga post ko eh. Feeling ko irresponsable ako. WOW. Siguro oc-oc lang talaga ako. Ayoko ng malupit na eye sore. 


Ayan. Para hindi mukhang plain ang post na to, naglagay ako ng plain na heart picture. Very basic. HAHA. No, hindi natin paguusapan ang lovelife. Although, mostly ng blogs na patok kelangan matackle ang lovelife topic. Regardless kung masayang lovelife or ang pinaka favorite ng lahat ang bitter bitteran na lovelife. HAHA. Pero deadma. Wala akong pake sa lovelife eh. Malakas ang kutob ko na tatanda ako magisa. Shet sayang ang ganda ko promise. HAHAHAHAHA.


Uyyy in fairness ha, mega lamig ngayon. Naalala ko dati, pinaguusapan namin ng roommate ko yung utong. Tutal malamig ngayon, share ko na rin. Di ba ang utong tumitigas pag malamig. Hindi ko alam kung anong meron nung araw na yun, pero bigla na lang namin napagusapan. Sa umaga ba, or everytime na naliligo ka, nafifeel mo ba or nakikita ang transition ng utong from non-matigas to matigas pagkabuhos mo ng isang tabong tubig sa ulo mo? Ayon kasi sa survey na ginawa namin, tumitigas ang utong pagkabuhos ng isang tabong tubog sa ulo (or kahit sa paa pa raw). So ang ultimate question ko, nafifeel niyo ba? Or nakikita? SO sa susunod na ligo niyo, abangan niyo na yung mga utong niyo.

Gusto ko ulit magpatattoo. Kaso, ang problema ko, hindi ko alam kung saan. Ayoko kasi sa part ng katawan na nakikita kaagad. Ayoko rin naman ng tramp stamp. Or sa balikat. Pero promise, ipoproject ko to. Magpapatattoo ulit ako. Sa utong. JOKE.

Kanina, umuwi akong najejebs. Paminsan tong jebs na to nananadya eh. Syempre alam mo na nga sa sarili mong jebs na jebs ka di ba. Tapos pag malapit ka na sa bahay niyo, kahit sa may guard house pa lang ng village niyo, grabe magpapansin ng sobra ang jebs niyo. I sweeearrr! Extra hilab ng tiyan! Tapos pagdating niyo sa gate niyo, hindi na kayo magkanda gulapay sa pag bukas ng gate at pinto. Tapos promise, lahat ng gamit na hawak niyo, suot niyong damit, nasa sahig! Tapos promise pag upo niyo sa toilet bowl, nakapikit ka. Di ba? Wag na magmalinis, lahat tayo nafifeel yan.

Isa sa pinakamagandang panlalait na narinig ko for the month of July, "Grabe, parang may lupa yung kilikili niya!" Pertaining sa baklang maitim ang kilikili. Wow, may lupa talaga. Pwedeng araruhin.

Hate word of the month - Amilyar. "Nakabayad ka na ba ng amilyar?" A-M-I-L-Y-A-R. Nakakairitang word. Magsama sila ng word na "ala-alakan". GRRRRRR.

Yun lang. Baboo.

-nyabach0i

Friday, July 27, 2012

Boringa, Apayao

Kanina pa ako nakatanga. Grabe noh, aabot ka sa point na parang kahit anong pilit mo wala kang mailabas. Parang jebs lang. Kung wala, wala talaga. HAHA. Baboy amputa. Pero promise, kulang na lang bilangin ko kung ilang beses magbiblink ang cursor dito. Ganun ang levelling ng boringness.

HAYYYYMSORI! Hindi ko talaga bet tong si Aljur! Pag nakikita ko siya nagiinit ang ulo ko.
Parang alam na alam lang ni kuya mo na ang gwapo niya. Ok fine! Ibigay na natin sa kanya. Oo kuya gwapo ka. Tapos nakakainis pa na nagsisingkit singkitan pa siya!! Pacute amputa! Dati madalas ako bumili ng Frutas na shake. Pero simula nung nakaprint na ang feslak nito ni kuya ayoko na! Kairita! HAHAHAHA. Pero maraming ganyan na tao noh? Yung alam naman ng lahat na may itsura sila tapos sobrang mega show off pa. Walang modesty aside na naganap. Kulang na lang mag paprint siya ng tarpaulin na "OO, ALAM KO ANG GWAPO KO" Tapos singkitsingkitan!! IMBEY!! Sarap sikuhin sa face!

Tutal mainit na ang ulo ko kasi pinagusapan si Aljur, eto ang ultimate pampakalma song ko. Kung nalaro/naglalaro kayo ng FF7, magegets niyo kung ano tong kanta na to. Promise Aeris fan kasi ako. Naglupasay ako sa luha nung namatay siya sa game. 


Tignan mo na. Sa sobrang bored ko walang kwenta ang post na to. Pero bakit ba. Literal na random shit lang talaga. Nga pala, bakit ganun ang BB phone? Walang kwenta ang battery. Ano yun everyday kelangan kong icharge? Ayoko pa naman ng charge ng charge. Ang effort naman! Sabi na dapat hindi na ako nagpalit ng phone. Sana pinanindigan ko na yung harabas phone ko.

At syempre hindi natin palalampasin na hindi mabanggit si Kristen Stewart at ang makati niyang keps. Grabe ha. Kelangan talaga manghitad ng director? Anong laban niya sa model ng Vogue na jusawa ni director? Pero sa totoo, hindi ako fan ng twilight. Wala akong pake kung magbreak sila ni Robert Paddingtonbear. Deadmalunggay. Pero hindi ko lang matanggap na sa limelight na nga si ate mo, tapos sikat pa sobra ang relationship niya with Robert, nakuha pa niya manghitad at maging haliparot. Grabe, kabataan nga naman ngayon. HEHE.

So ayun. Wala, bored pa rin.
Baboo.

-nyabach0i

Tuesday, July 24, 2012

Nakakatibo - Malibog Edition

Hoy ha. Ngayon ieexplain ko na. Ok fine, may mga instances talaga na "nakakapanuod" ako ng porn. Pero syempre naman, kahit naman sinong babaeng nanunuod ng porn, ang pinapanuod ko ay yung lalake hindi yung babae. Aanhin ko naman ang nakabukakang babae sa TV/laptop? DEVAHHH??

Anyway, tutal naman over the weekend wala kaming pinagusapan ng mga kaibigan ko kundi kalibugan at mga porn keme keme why not magpasurvey na rin sa mga macho macho kong friends na lalake kung sino ang mga magagandang pornstar. E kasi naman nauubusan ako ng ipopost na Nakakatibo. Ayoko naman magrecycle ng mga napost ko na dati (although burado na siya at hindi na makikita magpakailanman boba lang!). So eto, hala sige pakasawa ka.

1. Sola Aoi

HONTORROOOYYY NG POSING! LAKAS MAKA K-POP SINGER!

O devah, sino magiisip na porn star si ate? Wala akong masabi sa Sola na to. Maliban na naalala ko lang ay iced tea. Pero sige na, ibigay na natin kay ate ang gandang asian award. Ang weird naman siguro kung bigla akong nagcomment about sa performance niya sa video na never ko naman napanuod. Malay ko ba kung maingay siya or maungol. Basta ang alam ko, maganda siya. So based sa picture na to, ok fine. Bigyan mo lang ako ng hoodie na white makakabog ko to! Lamang lang ako ng pounds! Charots!

2. Maria Ozawa

Oo na! Maganda na tong si ate!!! Oo na!! Parang lahat na lang ng lalakeng nakausap to pantasya si ate! Oo na maganda na siya with a special freebie ng kama skills!! OO NA! PENGE NG ISANG BANIG NG ABS BITTER HERB (Insecure!)

HAHAHA!

Feeling ko stepping stone lang ni ate ang porn star keme. Feeling ko peg ni ate ang sumikat tapos magiging artista. Very pilipinas ang drama. Pero deadma. Ginusto ni ate yan. Wag na natin pakialaman. 

3. Maricar Reyes

Eto fine. Aaminin ko napanuod ko lahat ng sex videos nila ni Hayden (kasi naman parang aabot ka sa point na mawawalan ka ng choice kasi parang kung makaikot naman lahat ng video wagas!). As in lahat, yung dalawa sa kwarto, sa sofa, sa bubong, sa cabinet.. HAHA. 

Pero sa lahat ng napanuod ko, isa lang ang masasabi ko, promise ang galing ni ate. Pwede na siya mag mentorship program. GRABE! Napakuha ako ng ballpen at notebook! I swear kung napanuod niyo yung video nila, nakita niyo bang nagtrabaho (whaaatt??) si Hayden? Parang hindi masyado! Nakakaloka! Kulang na lang magstanding ovation ako with matching clap clap at luha sa kaliwang mata sa bawat video! Very magical! MEHGAHNUN.

Ok fine sige, sex tape aside. Naiinis ako dito kay ate! Sinayang niya ang MD license niya! CHE KA ATE! Samantalang ako kulang na lang mamatay sa konting moments ko ng med school tapos ikaw pababayaan mo lang?!?!??? PENGE PANG ISANG BANIG NG ABS BITTER HERB!! Hahahahahaha. Pero promise, sayang ang MD mo teh.

Kalmado na ako. Haha.
Tatry ko na ang mga susunod kong post na Nakakatibo ay hindi na porn star. Katulad nila, stepping stone ko lang tong mga porn stars na to. JOKE LANG.
So ano pa ba nangyari? Bumagyo daw. 
Hosha, next time ulit.
Baboo.

-nyabach0i

Thursday, July 19, 2012

Ate, Pabili Po


ninakaw sa google as usual

Tuwing weekend, as much as possible kelangan namin mag grocery ni mujay. Bonding keme namin ang grocery. Parang may certain comfort na nadadala ang mga foodang sa aming dalawa (very tabachoy hirit).

Anyway, kung frequent visitor kayo ng mga tindahan, palengke, or grocery, or kahit anong place na pwedeng bumili, may mapapansin kayong tanong ng mga bumibili:

"Manong/Ate/Boss (kung ano man ang tawag niyo sa nagtitinda), matamis/bago/masarap(insert any positive adjective) ba ito?"

At kung mapapansin niyo, always and forever iisa lang ang sagot.

OO MAM/SIR!

With full conviction! Kaloka. Pagnaririg ko yung mga ganyan ganyan nagiinit ang ulo ko. Pet peeve mode lang. Parang helllloooooooo. Alangan naman sabihin nung nagtitinda, AY MAM SOBRANG ASIM PO NIYAN! HINDI KO NGA PO ALAM BAT BINEBENTA DITO or AY MAM BILASA NA PO YAN! NAKAKADIRI NGA EH! or MAM HINDI PO MASARAP YAN! TINIKMAN KO KANINA NADUWAL AKO!

DEVAH??!?!?? Common sense. Nagbebenta, best foot forward. Ikaw naman nagtanong ka ng obvious naman ang sagot.

So yun lang. Wala akong maisip na iboblog eh.
Shet namatay na pala si Dolphy.
Baboo.

-Maetabs

QUARANTINE BLOG 5

simple lang gusto ko. matatampo ka kasi hindi ako gumising ng maaga katulad ng paulit ulit mong sinabi bago matulog magsosorry ako paulit ul...