may nadiscover akong kanta. nadurog ako. eto siguro ang kanta ko for the quarantine period.
ewan. eto siguro yung feeling nung 'ewan'. yung level nung uncertainty grabe noh? E-W-A-N. makakalabas ka pa ba? ewan. magiging okay pa ba? ewan. makakakuha ka bang ayuda? ewan. buhay ka pa ba next month? ewan. anong araw ngayon? ewan. nakakatulog ka pa ba? ewan. isang malaking ewan. ang bigat noh?
alam mo yung feeling na sinipa ka sa sikmura? tas hindi ka makahinga? ganun. ganun na ganun yung feeling. yung kahit anong hinga mo, hindi ka pa rin makahinga? ganun na ganun. parang gumalaw yung lahat ng meron sayo. ang ewan di ba?
on the other note, may napulot akong anime sa netflix. Asobi Asobase. mababaw siya at nakakatawa for an anime. kahit papano medyo nadederail yung thoughts ko. pero may weird talaga na pag may something positive talaga, may susunod na negative. Newton Law of Attraction ata? ewan.
bumili ako ng gamot ko recently. tas out of stock. nagsorry ng sobra yung ate at sinabing bumalik ako bukas kasi sure meron na silang stock. nakita ko sa mata ni ate yung sincerity na nagsosorry siya. tas bigla ako naawa sa sarili ko. nakakatrigger yung mga ganyang small moments. kasi syempre, alam niya anong gamot binibili mo. tas malamang alam niya para san. tas out of stock. tas magpapanic siya. pero hindi naman niya fault. tas may look talaga everytime. which okay lang naman e yun eh. nakakaawa lang bigla ng konte. or hindi konte ewan.
in line with that, as much possible ayoko nagpapafoot spa or massage. well apart na ayoko hinahawakhawakan in general, ayoko tinatanong ng mga nangingialam na ate na nagsosmall talk kung san ko nakuha yung sugat na to blah blah. but again, i guess hindi na yun mangyayari? bilang nakakulong nga and all? ewan.
isang malaking ewan.
yoko na puta yan ewan.