Sabi sa akin meron akong talent.
Yung i-convert ang any thought to something sad or dark.
Which totoo naman. Sa series ng conversations namin at therapy, marerealize mo nga na oo.
For example, ang auditions week ng American Idol before.
Dati nanunuod akong ng American Idol specifically yung week na yun. Not because sa singing part. Dahil sa audition part yung part na matatanggap sila. Tas tatalon sila sa saya? Like yung dream nila natutupad na. Favorite ko panuodin yun. Hindi dahil happy moment. Dahil sad siya for me. Kasi naiinggit ako sa feeling na yun at feeling ko hindi ako magkakaganun ever na feeling.
Ewan.
Meron akong distinct memory dati nung college. May some event na required panuodin sa theater sa lumang building na katabi ng building namin. Anyway, parang contest ata siya or whatever? Basta requirement ang manuod. Naalala ko may intermission na dance number. Nakapula sila. Distinctly ko naalala na lahat ng mga kaklase pinapanuod yung isa kasi one, popular siya and second, malaki boobs niya and hearthrob siya. Naalala ko din an wala akong pake sa pinaguusapan nila pero napapansin ko na pinapanuod ko yung katabi niya. Tas meron akong moment na ah, eto siguro yung attraction personafied.
Iniisip ko recently yung palaging sinasabi na "Tell people you love them before it is too late". Parang ang bigat noh? Wala lang. May weird paniniwala ako about saying i love you. Na hindi siya dapat sinasabi palagi kasi mawawala yung value. Pero tama din na dapat sinasabi before may mangyari. Like ngayong quarantine season. Or dark times. Ewan. Pero kasi, do you have to say it? Or show it instead?
Ewan. Feeling ko naman wala din naman babalik. Like an empty shell.
So there.